Home / Lahat / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 11

Share

The Witch has Fallen - 11

Author: We RISKIES
last update Huling Na-update: 2021-08-19 15:50:31

"Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako.

Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya.

Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. 

Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. 

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap.  pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko si Caloy na para bang magkasintahan kami na naghaharutan. 

Natigil sa pagkagat sa buto ng baka si Caloy at nagtatakang napatingin sa akin. Ngumite ako ng peke. "Umayos ka, nandiyan ang mortal na patay na patay sa'yo. Makisabay ka na lang."  halos hindi na bumubuka ang bibig ko habang nagsasalita at pinanatili ang malanding mukha. 

Napalunok naman si Caloy at akmang lilingon na sana sa likod niya pero pinigilan ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso niya. 

"Umayos ka kung ayaw mong maging headline sa mga balita at mapahamak ang lahi niyo." pananakot ko sa kanya. 

Napabuntong hininga siya at nagpatuloy nalang sa pagkain. Pinunasan ko pa ang kanin sa gilid ng labi niya para mas maging kapani-paniwala na magjowa talaga kami at ng lubayan kami ng mortal na iyon. 

Hindi man niya sabihin, alam kong malapit ang loob niya sa mortal na 'yon. Ilang beses ko na 'rin silang nakitang magkasama. Nagtataka man sa inaakto ni Caloy ngayon ay tinulungan ko na lang. Tsaka hindi naman ako lugi dahil nilibre niya ako. 

Hindi talaga maiiwasan na may magkagusto sa amin na mortal kaya naman, pinipilit namin sa abot ng makakaya na hindi masyadong maging malapit sa kanila dahil hindi 'rin naman pwede.

Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may text ba ang Senyorito pero wala. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Tinitext niya lang ako kung may gusto ba akong kainin o kung may kakaiba ba akong nararamdaman. Ang sagot ko naman lagi ay wala, dahil wala naman talaga. Kanina nagtext lang siya, nanghihingi ng update, katulad lang 'din ng lagi ang sagot ko. 

Isisilid ko na sana ulit sa tote bag ko ang phone pero inagaw iyon ni Caloy. Matagal niya muna itong tinitigan, nagtataka. "May phone ka na?" tanong niya. Tumango nalang ako, alangan naman sabihin ko na hindi 'yan sa akin dahil pinapahiram lang ng Senyorito, edi nalaman niya ugnayan namin. Mamaya isumbong pa kami kay Impo, sipsip pa naman ang asong 'to. 

"Hanep!, big time ka na?" natutuwa niyang saad, io-open niya sana ito pero may passcode. Umiling ako, hindi ko alam ang passcode. Fingerprint lang ginagamit ko niyan eh. Hindi 'rin sinabi sa akin ni Senyorito. Basta niya na lang kinuha ang daliri ko at iniscan. Sabi niya pagioopen ko daw ang phone, fingerprint ang gamitin ko. Hindi niya daw ibibigay sa akin ang passcode dahil baka kung kani kanino ko daw ipaalam. 

"Ang arte naman!" akala ko ibibigay na niya ang phone ko pabalik sa akin pero nakita kong nagpose siya ng peace sign sa harap ng phone ko, nagwacky pa siya at nagpacute. Aagawin ko na sana pero inilayo niya. Pinaharap niya sa aming dalawa ang camera at inangat ito sa ere. 

"Smile!" nakangiti niyang saad bago iclick ang shutter. Sa unang kuha ay nakanganga pa ako, sa pangalawa ay nakasimangot na at sa pangtatlo at pang-apat ay nakangiti na ako. Aba dapat maganda ako no!. 'Di pwedeng siya lang ang maayos ang mukha. 

Bumalik na kami sa building namin pero ang walanghiya, siya pa ang nagpahatid. Pumayag nalang ako dahil kawawa naman ang aso, paiyak na nang sabihin kong magsolo siya. Akmang lalapitan na sana siya ng mortal nang magpaalam ako eh, buti nalang at naawa pa ako kaya hinatid ko nalang. 

Nang magdismissal ay hindi na ako nagulat nang makita siya sa labas ng room namin at balisang palingon lingon sa paligid. 

"Anong ginagawa ni Carlito dito?" nagtatakang tanong ni Vina nang makita si Caloy sa labas. 

Nagkibit balikat lang 'din ako dahil hindi ko 'rin naman talaga alam kung bakit nandito nanaman siya. Wala naman kaming naging usapan. 

"Tasya,!" pagtawag ni Caloy sa pangalan ko nang makita akong lumabas sa pinto, dali dali itong lumapit sa akin at hinawakan pa ang mga kamay ko, ang higpit ng hawak niya.

"Oh? ano nanaman?" tanong ko, nagtaas ako ng kilay at iwinaksi ang kamay niya. Napapatingin kasi ang mga kablockmates ko sa amin at humahagikgik pa at bumubulong. Napaismid ako, masyadong mai-issue. 

Tsaka sa canteen lang yung pagpapanggap namin no!, hindi na valid 'yung libre dito sa building. Kung gusto niya edi dapat another libre nanaman. O di kaya eh pera nalang, tutal wala akong kita ngayon dahil hanggang ngayon eh hindi pa 'rin nagkakabati ang dalawa. Wala tuloy tumatao sa pwesto ko. 

"Sabay na tayong umuwi." saad niya at hinila ako. Napasinghap naman si Vina, gulat na napatingin sa amin kaya natigil sa paghila sa akin si Caloy at napakamot sa ulo.

"Oh my gosh, you.. you guys... are.. uhm, together?" she trailed off with her last word. She just whispered it, takot na may makarinig. 

Napakunot naman ang noo ko at agad na lumayo. 

"Hindi no!, huwag ka ngang ma-issue Vernadette." pagtanggi ni Caloy. 

"Ow, I thought,.. well, buti naman kung ganoon. You guys know that two different kinds of immortal being is taboo right? Alam niyo namang - " 

"Wala nga kasi Vina." pagputol ko sa gusto niyang sabihin. May mga tao pa naman sa paligid, baka makarinig, kung ano nanaman ang isipin. May balak pa ata siyang pangaralan kami.

"Ano ba kasing gagawin niyo? at bakit gusto mong sumabay kay Tasya ha?" baling ni Vina kay Caloy, napakamot naman sa ulo niya si Caloy. Naiinis na sa dami ng tanong ni Vina.

"Wala!, uwi na nga ako." inis siyang tumalikod habang kumakamot sa ulo niya. Garapata siguro 'yan. Kanina pa 'yan kamot ng kamot eh.

Akala ko aalis na siya ng tuluyan pero humarap ulit siya sa amin. 

"Para walang masabi, sabay nalang tayong tatlo.!" walang ano ano ay hinila niya kaming dalawa ni Vina sa magkabila-ang kamay. Muntik na akong matalisod habang pababa sa hagdan. Para kaming munting bata na inaalalayan ng kuya namin. Nasa unahan namin siya at kami naman ni Vina ay nasa likod lang niya. 

"Seriously Carlito, what are you up to? may kaaaway ka ba?" tanong ni Vina na nagpatianod lang sa hila ni Caloy, nagpahila nalang 'din ako dahil baba 'rin naman ako. Magsasayang lang ako ng lakas kung manlalaban pa ako. 

"Carlo," napatigil sa paglalakad si Caloy kaya napatigil 'din kami. Malapit na kami sa gate. 

"Carlo, usap naman tayo oh." napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. 

Napakurap kurap ako nang makitang ang babaeng mortal ang tumawag kay Caloy. Carlo? Carlo pala ang ginamit niyang palayaw dito sa skwelahan?

Nakahawak ng mahigpit ang babae sa shoulder strap ng bag niya. Parang doon siya humuhugot ng lakas. Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay ngayon ko lang napansin ang hitsura niya, para bang ilang araw siyang pinagkaitan ng tulog. Pagod na pagod na ang hitsura niya. 

Nagtataka tuloy ako kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. Nagtataka lang pero wala akong balak magtanong dahil problema na nila 'yan. May sarilli 'rin naman akong problema na kailangang problemahin na hanggang ngayon eh hindi ko pa alam kung pa'no susulusyonan. O kung may sulusyon ba.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Caloy kaya nakagawa kong kumawala mula sa pagkakahawak niya. Si Vina naman ay nagtataka 'ring nakatingin sa babae. 

Speaking of problema, naramdamn kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa tote bag ko.

Agad kong sinagot ang tawag ng nag-iisang nakaphone book na number sa phone na 'to. Ang walang iba kun'di si Vinedict, ang Senyorito. Lumayo muna ako sa kanila para sagutin ang tawag ni Vin.

"Yes? hello, this is Annastasya. May I take your order please?" pangggagago kong sagot sa kanya. Pero hindi ata siya natuwa dahil hindi ko siya narinig na tumawa. 

"Where are you? Nasa labas na ako." napakunot ang noo ko sa naging sagot niya. 

"Sa labas ng saan?" naguguluhan kong tanong. 

"Skwelahan mo. Dalian mo, ayaw ko ng pinaghihintay." naiinip na saad niya at binaba na ang tawag. 

Minsan talaga wala sa saktong hulog 'tong si Senyorito. Tinignan ko sila Caloy, Vina at yung babaeng mortal sa di kalayuan. Nag-uusap sila, nakikisabat pa si Vina sa pag-uusap nila. I wonder, ano kaya pinag-uusapan nila? Napailing nalang ako at umalis. Hindi na ako nagpa-alam sa kanila at umalis na. 

Pagkalabas ko ng gate ay nilibot ko ang paningin ko. Wala naman akong nakikitang Vinidect. 

Kinuha ko ang phone ko para sana itext siya pero naunahan na niya ako dahil tumatawag na siya. Ang dami namang load neto.

 Binaba na niya ang tawag pagkatapos niyang sabihin kung nasaan siya banda nakapwesto. Ang sabi niya white SUV daw ang dala niya at nasa harap siya ng maliit na kwek-kwek corner. Alam ko kung saan ang tinutukoy niyang kwek-kwek corner dahil minsan na 'rin akong dinala doon ng mga naging kaklase ko noong first year college nung minsan kaming magkaroon ng group project. 

Triny ko pang kumain ng kwek-kwek pero hindi tinatanggap ng sikmura ko ang dami ng mantika kaya mula noon hindi na ako umulit kumain ng kwek-kwek pero masarap naman ang itlog ng pogo, ayaw ko lang talaga ng mga mamantikang pagkain. Healthy living kasi ako. 

Nang makita ko ang sasakyan ng Senyorito agad akong lumapit dito at mahinang kumatok sa bintana nito. Pumasok na ako pagkabukas ng pinto, sumalubong kaagad sa akin ang malamig na hangin galin sa ac ng kanyang sasakyan. 

Hmm, in fairness mabango at hindi amoy kalawang. 

"Ang tagal, kanina pa ako naghihintay dito." himutok niya pagkaupo ko. Umismid lang ako at hindi na pinansin ang reklamo niya. "Saan tayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala kayong missing part sa katawan diba?" tanong niya sa akin. In-on na niya ang engine ng sasakyan pero hindi pa rin kami umaalis. 

Umiling ako. Tumingin ako sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng mga kakilala at mukhang dadaan pa sila sa harap ko. Dali-dali akong yumuko para itago ang mukha ko. 

"Parang isang normal na tao lang 'din naman ang katawqan niyo diba?" tanong nanaman niya. Napalingon ako sa kanya, tinakpan ko ng isang kamay ang bandang kanang pisnge ko para hindi makita sa labas. 

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Oo bakit ba? tsaka umalis na nga tayo! nahihirapan na akong itago pagmumukha ko dito oh." inis kong saad at tinuro pa ang mukha ko. Ngumisi lang siya at napailing-iling. 

"My car is tinted and tintanong ko dahil pupunta tayo sa OB ngayon. I'm just clarifying it. Baka mahimatay ang doctor na magche-check up sa'yo 'pagnalamang hindi na pala tumitibok puso mo." natatawa niyang saad at pinaandar na ang sasakyan. 

Natatawa siya pero ako hindi. 

OB..

As in yung para sa mga buntis?! 

A-anong gagawin namin 'dun? 

Wala sa sarili akong napahawak sa bandang tiyan ko. 

__________________________________________________________________

💛👀🍭

We RISKIES

Hi! :)

| 1

Kaugnay na kabanata

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 12

    Hindi ako buntis, malabo. Sa halos dalawang dekada kong pananatili sa mundong 'to. Alam kong pareho lang ang proseso ng mga mortal sa proseso para sa amin para magdalang tao ang mga tulad namin. Birhen pa ako sa pagkaka-alala ko. Nakakatawa mang gamitin ang salitang iyan para iugnay sa akin na halos dalawang daan ng namamalagi sa mundo ng mga mortal, pero totoo. Sa sobrang higpit ni Impo, Bakuran at bahay lang ang napuntahan ko sa loob ng isa't kalahating dekada, maliban sa buwanang pagtitipon ay wala na akong ibang napuntahan pa. Hindi 'din naman nila ako sinasama sa gubat para mangalap ng sangkap. Kaya imposible... pwera na lang kung... napatingin ako kay Senyorito na seryoso lang nagmamaneho, nakatuon ang buang atensyon sa daan. Hindi kaya... napahawak ako sa katawan

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 13

    Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Para isalba ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba sa kotse niya ng walang pasabi. He tried to call my name pero hindi na ako lumingon. Bahala na! Ano ba naman 'yun Tasya?! Tama bang magrequest pa ng isa pang kiss? gusto ko lang namang kumpirmahin ang tumatakbo sa isip ko. Makalipas ang ilang araw, kabilugan nanaman ng buwan, gabi nanaman ng pagtitipon. Isang buwan na 'rin pala ang nakakalipas simula ng gabing iyon. Sana naman walang mangyaring hindi kanais nais na ngayon. Nasa gitna na kami ng gubat, nakalipad na sila Inay at Tiya Lucia, kami nalang ni Impo ang nasa lupa. Hinihintay ni impo na paliparin ko ang walis tingting. Napanguso ako, napakamot sa ulo. Masama niya akong tinignan. "Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa 'rin alam kung pa'no paliparin ang la escoba?!" tumaas ang boses nito sa inis. Ngumisi ako ng nakakaloko. Nang hahampaasin na niya ako ng wali

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 14

    "Saan tayo pupunta?" naheherstirya kong tanong. Pumasok kami panandalian sa likod ng malaking kurtina. Pinasuot niya sa akin ang balabal niya. "Anong ginagawa mo? hindi 'to gumagana sa akin!" pabulong kong sigaw."Its actually working on you now." he said, a bit amused as he looked at me from the inside of his cloak. Pumasok din siya sa balabal at siya na ang humawak nito para magkasya kami. "Tumahimik ka na lang para walang makapansin.""Lets go," humakbang na siya pero nanatili parin akong nakatayo kaya naman hinawakan niya ang bewang ko at pwersahan akong pinalakad.Nakakatakot, baka makita kami. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay hapit-hapit ko ang hininga ko, takot na baka may makarinig.Hinapit niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Para na kaming magkadikit maglakad, pati paghakbang namin ay magkasabay. Nakakailang tuloy. "Huwag kang lumayo, hindi tayo magkakasya." he softly w

    Huling Na-update : 2021-08-26
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 15

    "Try this one," binigay niya sa akin ang baso. Sumimangot ako. Kapag naman nakakainom ako ng dugo, wala akong kaalam-alam na dugo ang iniinom ko. Pero iba ngayon, alam na alam ko ang iniinom ko, dugo ng inahing manok. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinanggap ang baso. Tinitigan ko muna ang laman nito, hindi ko naman nakikita ang kulay nito dahil itim na baso ang pinaglagyan ni Vin. Nasa apartment niya kami. Yes, yung pinagdalhan niya sa akin nung akala niya isa akong duwende at ginawa niya pa akong detective niya. Ipahanap ba naman sa akin ang sarili ko? soul searching lang? wala naman akong soul. Pero hanggang ngayon hindi ko pa 'rin alam kung pa'no niya nalaman na ako at ang hinahanap niya ay iisa.

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

    Huling Na-update : 2021-09-26
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

    Huling Na-update : 2021-10-01
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

    Huling Na-update : 2021-10-02
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

    Huling Na-update : 2021-10-03

Pinakabagong kabanata

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status