Home / Lahat / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 19

Share

The Witch has Fallen - 19

Author: We RISKIES
last update Huling Na-update: 2021-10-03 01:00:20

Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?

Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?

"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa. 

"Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!" 

"Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit. 

"Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!" 

"Bakit? Hindi po ba?" tanong ko pabalik sa kanya. "Halimaw naman talaga tayo ah." napapikit ako nang lumapat ang kamay ni Impo sa pisnge ko. 

"Tasya, ano ba tama na." pag-awat ni Nanay sa akin. 

"Hindi tayo halimaw. Hindi natin kasalanan na naging ganito ang tadhana natin. Pinanganak tayong ganito, kasalanan ba natin 'yun?. Sa tingin mo? Hindi ba dapat 'din silang tawaging mga halimaw? Kung tutuusin, mas halimaw pa sila sa atin. Wala silang pinapakinggan, sarili lang nila ang sa tingin nilang tama." 

"Hindi porket taliwas tayo sa nakararami, halimaw na tayo. Hindi lang tayo ang kumakain ng may buhay Tasya. Kumakain at pumapatay 'din sila ng inosenteng mga hayop. Dapat 'din silang tawaging halimaw diba?" 

"Kapag nalaman nila ang totoong ikaw, mag-iiba ang tingin nila sa'yo at saka mo lang 'din mapagtatanto na sila ang dapat tawaging halimaw." 

"Pagsisilbihan mo ang Senyor. Sa ayaw at sa gusto mo." napapikit ako sa inis. Kagat-kagat ko ang labi ko, pinipigilan ko ang sarili kong magsalita. Sarado na ang utak ni Impo. 

"Tasya, pagbigyan mo muna si Nanay, paki-usap?" 

"Pati ba naman ikaw 'nay?" gusto kong umiyak, bakit pakiramdam ko ako lang mag-isa at walang nakakaintindi sa akin?.

"Isang linggo lang Tasya. Kapag hindi mo parin gusto, ako na ang magsasabi kay Nanay." pagod akong tumango kay nanay. Wala akong magagawa, nagkasundo na pala silang lahat eh. 

"This is your table. You're the general secretary, so, everyone can use you." napakunot ang noo ko. 

"Everyone? teka, gamitin? ako? saan? tsaka akala ko ba sa Senyor lang ako magsisilbi?" naguguluhan kong tanong. 

"Alam mo? ang dami mong tanong. General secretary ka nga diba? ibig sabihin nun, pwede kang utus-utusan ng lahat.! boba nito!" huminga ako ng malalim. Kinuyum ko ang kamao ko. Baka hindi ako makapagpigil at tahiin ko bibig nitong babaeng 'to.

"May tanong ka  pa? Wala na. Okay bye." inis akong napairap nang lumabas na ito. 

Pabagsak akong sumalampak sa upuan ko. Tinignan ko ang mga papeles na nakaimbak sa table ko. 

Ano ba kasing gagawin ng secretary? ni hindi nga ako na-eelect na officer nung nag-aaral ako tapos ngayon gagawin akong secretary. 

Napakamot ako sa ulo ko. Tinignan ko ang mga papeles sa table. Sinubukan ko itong basahin pero wala akong naintindihan. Hindi na kasi ako nag-aaral, hindi na kasi ako pinapa-aral ni Impo kaya kasalanan ni Impo ito kung bakit hindi na gumagana ang reading comprehension ko. 

"Claudia!" napatayo ako sa gulat nang biglang may pumasok sa silid na inuukupa ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. 

"Ay Claudia!, ay, uhm. Magandang umaga po, Senyorito." bahagya akong yumuko para sa pagbigay galang. Isa sa mga anak ng Senyor, hindi ko nga lang alam ang pangalan. 

"Where's Claudia? tsaka sino ka?" nagtatakang tanong niya. 

"Hindi ko po kilala si Claudia. Ako po si Annastasya." pagpapakilala ko. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa bandang dibdib ko at bahagyang yumuko bilang pagbigay galang sa kanya. 

"Oh! no need to do that!. I guess you're the new secretary? I'm Vincent.!" nilahad niya ang kamay niya. Nagdadalawang isip pa ako kung pwede ko bang tanggapin ang kamay niya o hindi. Baka kasi labag sa kung anong patakaran dito. Hindi pa ako nakakapagdisisyon nang kuhanin niya ang kamay ko at siya na ang nag shake hands dito. 

"I need your help. Tara samahan mo ako." hindi na niya binitawan ang kamay ko at hinila na ako palabas ng maliit na opisina. 

"Po? teka lang. Hindi ko pa po napupuntahan ang Senyor. Ang bilin ni Beatrice kailangan daw muna akong magpakita sa Senyor." pigil ko sa kanya.

"Ah si Papa ba? actually, nandoon siya sa pupuntahan natin  kaya tara na." hindi na lang ako umalma at kinuha ko na lang ang nag ma dala ko. 

Sumakay kami sa kotse niya, tahimik lang ako buong byahe. Kinakabahan ako, baka kung saan at kung anong gagampanan kong role dito. 

Napakunot ang noo ko ang dumaan kami sa dati kong paaralan. Akala ko sa skwelahan ang punta namin pero dumeritso lang kami hanggang sa dumating kami sa "La Hermoso Funerario" pagbasa ko sa sign board. Teka, nakapunta na ako dito ah. 

Nakasunod lang ako sa kanya. Pumasok siya sa isang silid, may kinuha siyang ballpen at maliit na notebook sa akin. Kinuha ko ito at nilagay sa bag. 

"Distribute this to  the BOD's okay?" saad niya sa akin bago ibigay ang nasa mga anim hanggang sampong folders. 

"Po? BOD's? ano po 'yon?" nagtataka kong tanong. 

"Board of Directors. Hindi ka pa ba nate-train ni Beatrice?"umiling ako. Wala 'din akong balak magpatrain sa babaeng  'yun no. Ang sungit sungit. 

"I'll note that. Pagsasabihan ko ang Beatrice na'yon na dapat itrain ka. For now, ibigay mo na lang iyan sa mga makita mong nakaupo okay?" tumango ako bilang tugon. Lumabas na siya habang ako ay nakasunod lang sa kanya. Bakit ba parang nagmamadali siya?.  

Pagkapasok namin sa isang parang conference room, ay hindi pala parang dahil conference room nga talaga. Nagulat ako dahil may mga tao na at parang kami na lang ang hinihintay. 

"Sorry to keep everyone of you waiting. Uhm, shall we start?" Pumwesto na sa harap si Senyorito Vincent. Iminuwestra niya sa akin na idistribute ko na daw ang mga folders kaya isa isa ko itong binigay sa mga nakaupo sa pahabang mesa. 

"Magandang araw po, Senyor." Pagbati ko kay Senyor at binigayan siya ng isang copy ng folder. Tumango lang siya sa akin. 

Patuloy kong dinidistribute ang mga folders at bumabati din ako sa kanila. Pero nagulat ako sa panghuling bibigyan ko ng folder. 

Nandito din pala siya. Pilit kong tinago ang gulat ko at umaktong parang isa lang siya sa lahat. 

"Magandang araw po, Senyorito." pagbati ko sa kanya bago siya bigyan ng folder. 

Nanlaki ang mata ko nang imbes na folder ang hawakan niya ay kamay ko ang hinawakan niya. 

Dali-dali kong binawi ito. Tahimik lang siyang natawa sa naging reaksyon ko. 

Hindi ko alam kung saan ako uupo, para kasing bawal umupo kasama sila kaya napagpasyahan kong tumayo na lang sa gilid. 

Nilabas ko ang binigay na notebook at ballpen sa akin ng Senyorito Vincent. May kung anong dinidiscuss kasi siya sa harap, baka lang naman tanungin niya ako sa mga pinagsasabi niya dito kaya mag te-take down ako ng notes. Mabuti na yung handa. 

Nararamdman ko ang mga tingin sa akin ni Vin pero sina walang bahala ko ito. Mamaya may makahalata pa na magkakilala kami at malagot pa kami. 

"Hey, maupo ka nga." mahina nitong saad na rinig ko naman. Hindi ko ito pinansin at umakto na lang na walang naririnig. 

"Annastasya.." mabilis pa sa alas kuwatro akong lumingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman siya natinag, he just motioned the seat beside him. Tinignan ko ang paligid, mukhang wala namang nakarinig at mukhang wala naman silang pakealam. Abala sila sa pakikinig sa sinasabi ni Senyorito Vincent sa harap. 

'Upo' he said without voice. Nagbuntong hininga ako bago naglakad at umupo sa tabi niya. 

Nagngiting tagumpay naman siya nang maupo na ako. 

Tinuon ko na ang atensyon ko kay Vincent pero parang may bubuyug na pilit akong winawala sa concentration ko. Napaigking ako nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay sa ilalim ng mesa. 

Nakatingin lang siya sa harap at parang wala lang habang ang kaliwang kamay niya ay prenteng binubuklat ang folder sa mesa.

 Inis kong tinikom ang bibig ko. 

Ano ba kasing trip niya ngayon at kung ano-anong ginagawa niya? May tama ba siya ngayon? The last time I check, inis ako sa kanya dahil sa panghahalik niya ng walang pasabi at muntik pa kaming mahuli ni Impo.! 

___________

πŸ’›πŸ‘€πŸ­

Kaugnay na kabanata

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

    Huling Na-update : 2021-11-03
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

    Huling Na-update : 2022-03-28
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

    Huling Na-update : 2022-04-11
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

    Huling Na-update : 2022-04-15
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 1

    "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"Pagkanta ng isang batang babae na siyang taya sa kanilang pambatang laro.Sa di kalayuan ay nakatanaw ang babae mula sa bintana ng kanyang maliit na bahay na gawa sa nipa."Hoy Tasya! ano ba! maghanda ka na para mamaya" sita sa kanya ng kanyang ina na kanina pa kaharap ang salamin, may mga nakalutang na make up brushes na tila ba may buhay. Hindi niya mawari kung bakit kelangang mag-ayos eh magtitipon tipon lang naman at makikipaghalubilo upang makipagkaibigan, walang masyadong espesyal sa mangyayari mamaya. Yun nga lang isang beses lang ito mangyari kada buwan.Hindi nalang siya nagsalita pa at nagbihis na.Pagsapit ng alas

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 2

    "Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba."Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh."You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop."What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!Lumingon ako at nahagip ng mata

    Huling Na-update : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 3

    "Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko."Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh n

    Huling Na-update : 2020-09-17

Pinakabagong kabanata

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status