Home / All / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 1

Share

The Witch has Fallen
The Witch has Fallen
Author: We RISKIES

The Witch has Fallen - 1

Author: We RISKIES
last update Last Updated: 2020-09-17 07:50:30

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!" Pagkanta ng isang batang babae na siyang taya sa kanilang pambatang laro.

Sa di kalayuan ay nakatanaw ang babae mula sa bintana ng kanyang maliit na bahay na gawa sa nipa.

"Hoy Tasya! ano ba! maghanda ka na para mamaya" sita sa kanya ng kanyang ina na kanina pa kaharap ang salamin, may mga nakalutang na make up brushes na tila ba may buhay. Hindi niya mawari kung bakit kelangang mag-ayos eh magtitipon tipon lang naman at makikipaghalubilo upang makipagkaibigan, walang masyadong espesyal sa mangyayari mamaya. Yun nga lang isang beses lang ito mangyari kada buwan.

Hindi nalang siya nagsalita pa at nagbihis na. 

Pagsapit ng alas diyes ng gabi ay tinignan siya ng kanyang lola at kagaya ng nakagawian ay sumilip muna siya sa bintana at pintuan upang siguraduin na tahimik na at wala ng tao bago niya isara ang mga ito.

Dali dali silang bumuo ng bilog at naghawak ng kamay, yumuko, at pumikit. Ginagawa nila ito upang bumalik ang kani kanilang itsura.

Maaari silang magkanya kanya pero matatagalan sila dahil mag-aagawan sila ng enerhiyang masasagap. Lalo pa na hindi pa masyadong marunong si Tasya sa pagpapalit palit ng anyo na siyang pinakabata sa kanila.

Nagsimula na sa kanilang ritwal ang ang mga ito, habang si Tasya ay nanatiling nakapikit at lihim na natatawa sa naririnig.

Maya maya pa ay naramdaman na nila ang unti-unting pagbabago sa kanilang mga anyo.

Ang dalagitang si Tasya ay dumiretso sa kanyang kwarto upang tignan ang kanyang sarili.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tasya ng makita ang itsura sa salamin. Ang kaninang maliit at nasa tamang sukat lang na mga ilong at tainga ay naging matulis na at nagkaroon din ng malaking nunal ang kanyang kaliwang pisnge at sa bandang gilid ng kanyang kanang mata, ang mapupula pulang labi ay naging itim, at napuno ng tigyawat ang kanyang mukha.

Kitang kita na ang kabilugan ng buwan at ilang minuto nalang ang natira para sa kanilang hudyat.

~Awooooooo

Maya maya pa ay tumunog na nga ang kanilang hudyat. Mabilis silang nagpalit ng anyo upang maging isang hayop.

Nagiging pusa ang mga witches kapag sila ay nag-anyong hayop. Mukha lang silang normal na pusa pero ang pinagkaiba nila sa mga normal na pusa ay ang kulay ng kanilang mga mata. Nagiging bahag-hari ang mga ito lalo na sa tuwing nakararamdam ng panganib.

Si Tasya lang ang natatanging kakaiba dahil pinaghalong kulay itim at puti ang mga balahibo nito samantalang ang kanyang Impo, Ina, at Tiyahin ay purong itim ang mga ito.

Kinailangan nilang magpalit ng anyo at magpanggap bilang hayop upang hindi makita ng mga tao ang kanilang totoong itsura.

Annastasya's POV

Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papuntang kagubatan nang may makasalubong kaming mga kabataan at mukhang mga lasing ito dahil pasuray suray sila sa paglalakad.

"Bro! Ang cute ng mga pusa oh" wika nung medyo matabang lalaki at mukhang lalapit pa ata sa amin.

"Meow!" sigaw ni Impo at akmang kakalmotin ito kaya napaatras ang mga ito. Nagsitakbuhan na kami upang makaiwas sa kanila.

Napailing iling nalang ako habang sinusundan sila. Pwede naman kasi naming kalmotin talaga, bakit hindi pa tinuloy?.

Nang nasa gitna na kami ng kagubatan at nakasiguro na na walang makakakita sa aming itsura ay bumalik na kami sa aming totoong anyo.

"Hoo!" himutok ko at nilahad ang kamay kay Impo, hinipan niya lang ito at viola! may walis tingting na sa aking palad. 

Pinaka-ayaw ko talaga ay sa tuwing nag-aanyong hayop kami. Para kasi sa akin ay ang sikip sikip nito at madami pang tao ang humahawak sa amin. Gustong gusto ko silang kalmotin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong mapagalitan ni Impo. Iba pa naman magalit yun.

Lagi niyang sinasabi na kami daw ang nakikitira sa mundo nila kaya wala kaming karapatang guluhin o saktan sila.

Nagsiliparan na sila at tanging si Impo nalang at ako ang natira. Nakatingin lang si Impo sa akin at hinihintay ang susunod kong gagawin.

Napapikit ako. Shit! nakalimutan ko ang spell!

"Tasya!" muntik ko ng mabitawan ang walis tingting na hawak dahil sa sigaw ni Impo.

"I-impo k-kasi..." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin kasi alam ko na kahit ano mang rason ang gamitin ko ay papagalitan at papagalitan parin ako ni Impo.

"Tasya! ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na huwag na huwag mong kakalimutan ang mga orasyon! Magdadalawang siglo ka na dito sa mundong 'to pero wala kaman lang naisasagawa na tamang orasyon! Umayos ka Annastasya ha!" napangiwe nalang ako dahil sa walang katapusang pangangaral ni Impo. Tanging tango at paghinge na lang ng tawad ang nagawa ko.

Habang binabaybay namin ang himpapawid ay hindi mawala ang sama ng tingin sa akin ni Impo kaya yumuyuko nalang ako at pinipigilan ang sariling matawa.

Naman Annastasya eh! huwag painitin ang ulo ng matanda!

Unti-unti ng bumaba ang aming lipad nang malapit na kami sa kweba na pagdadarausan ng buwanang selebrasyon. Kung titignan sa labas ay parang isang simpleng kweba lang ito pero hindi, isa itong lagusan papunta sa paraisong kaming mga immortal lang ang nakakakita.

Tanging mga kweba lang ang ipinagkaloob sa amin ng Abba, o mas kilala ng mga tao bilang Bathala. Pero ang Abba namin ay para sa aming mga Immortal lang, dahil naiiba at natatangi ang para sa mga Mortal.

Inayos ko ang mataas na palda na suot ko na nagusot dahil sa hangin sa itaas. Sa di kalayuan ay namataan ko na ang tatlo kong kaibigan at pakaway kaway pa silang nakatingin sa akin. Pupunta na sana ako pero naunahan ako ni Impo at hinila na ako papasok sa silid ng mga bampira. Kung saan kami dapat na manilbihan sa itinuturing na pinuno ng lahat ng nilalang dito sa bansang ito. Kung ang mga mortal may Presidente, mayroon namang Senyor ang mga Immortal.

Ito ang namamahala para sa kaayosan naming mga immortal. Sila rin ang nagpapanatili ng kapayapaan at seguridad narin para sa mga mortal laban sa amin.

Napasimangot ako, bakit kasi ang unfair? bakit kami pa dapat ang magsilbi sa kanila?! pwede namang ang mga duwende, o kaya mga aswang since kalahi lang din naman sila, poor version nga lang ang mga aswang.

Bakit pa kasi si Impo ang tinuturing na kanang kamay ng Senyor, pwede namang iba nalang. Kay Impo pa ito humihingi ng payo kung ano ang dapat gawin at hindi, eh para namang ang tali-talino ni Impo eh hindi naman. Magaling lang yun sa panenermon at panggagayuma eh, baka nga nagayuma nun ang Senyor kaya kahit anong ipayu sa kanya ni Impo, naniniwala.

"Senyorito," pagbati ko sa nakatala sa akin na dapat kong paglingkuran. Nakaupo it habang hawak ang champagne glass nito.  Iwinagayway lang niya ang kanyang kaliwang kamay at hindi na tumingin sa akin.

Hindi ko kilala to, pero ang alam ko anak ng senyor ito at pangalawang beses ko ng natapat sa kanya. Bakit ba kasi hindi nalang si Vina?, nang hindi naman mapanis laway ko. Depende lang kasi iyon sa mabunot naming pangalan pagkapasok namin sa silid nila.

Anim silang lahat na anak ng Senyor. Sa pagkakaalam ko ay pagatlo si Vina sa kanilang magkakapatid. Sa pagkakaalam ko din ay hindi nagmula dito ang angkan nila, napadpad lang sila dito dahil sila ang naatasan ng Abba na pamunuan ang mga Immortal sa lugar na ito. Saan kaya ang Senyora, hindi ko ito nakita kailanman sa mga pagtitipon-tipon.

Tinignan ko ang ginagawa ng Senyorito, nakatunganga lang ito habang may hawak na champagne glass na may laman ng dugo - na ewan ko kung dugo ng tao o hayop.

"You want?" alok nito sa iniinom niya. Napangiwe ako.

"Ah, wag na po, salamat nalang po" tinago ko ang pandidire ko. Nakita ko, ang lapot pa ng dugo! Ni hindi nga kami kumakain ng karne, tapos papainomin ako ng dugo?!

Sorry, healthy living kami, vegetables lang tinatanggap ng sikmura namin.

Maya-maya pa ay lumabas na kami sa silid para tumungo sa harap ng entablado. Nakasunod lang ako sa senyorito na walang ibang ginawa kundi maglaklak ng dugo.

Nakaupo na ang Senyorito habang ako naman ay nakatayo sa likod niya habang pinapaypayan siya gamit ang malaking dahon ng gabi.

Nangangalay na ang kamay ko kakapaypay, hindi man ako marunong magpalipad ng walis tingting, marunong naman akong magpagalaw ng mga bagay. Yun na nga lang natatangi kong alam gawin eh, basic kasi yun para sa amin.

I pointed the leaf and murmur the spells,

Lumingon ang Senyorito sa akin na may nakakunot na noo.

"What are you doing?" natigil ako sa paglilitanya nang magtanong ang senyorito. Nakatagilid ang kanyang ulo at pilit tinitignan ang ginagawa ko.

"W-wala po" agad kong binaba ang kamay kong nakaturo sa dahon ng gabi at tinago ito sa aking likuran. 

"No, I heard you... something like abruda..keki.. what?!" pinigilan kong matawa at pinanatiling seryoso ang mukha.

"Wala po talaga, Senyorito."

"Whatever," bumalik na ang kanyang tingin sa harap ng entablado. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpaypay sa Senyorito kahit na nangangalay na ako.

Nang sila Dindi na ang nagtanghal ay ngumise ako sa kanya. Nang-aasar na mukha ang ginawa ko sa kanya. Inirapan lang ako ng duwende at nagpatuloy sa pag-extend ng kamay niyang maliliit.

Ang liit-liit! Ang sarap tisirin! Isang acrobatic performance ang kanilang tinanghal with a touch of magic dahil bigla-bigla nalang ay may naglilitawan na maliliit na fireworks at nafoform ng kung ano-ano at maya-maya ay nagiging totoo ang kung anong ano o hugis man ang lumitaw dito.

Namangha naman ang ibang nilalang, mamangha talaga sila dahil ang ibang nilalang, wala namang mga ganyang kakayahan. Kaya lang nilang kumain at magpakasarap. Walang katalent talent na mga batugan sakit sa lipunan.

Hindi ko naman sinabing mga aswang at bampira ito pero pwede nadin.

Nasa kalagitnaan ng celebrasyon nang  biglang umuga ang lupa at isang nakakarinding tunog ang narinig naming lahat.

Isa itong senyales na may papalapit na kaaway.

"Shit" rinig kong bulalas ng Senyorito.

"Senyorito-" hindi ko paman natatapos ang sasabihin ko ay hinila na niya kaagad ako.

Nagkakagulo na ang paligid ng lumingon ako. Shit.

_______________

Hi?

💛👀🍭

Related chapters

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 2

    "Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba."Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh."You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop."What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!Lumingon ako at nahagip ng mata

    Last Updated : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 3

    "Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko."Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh n

    Last Updated : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 4

    "Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala.""Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya."Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto."No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto."You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad."P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niy

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 5

    "Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed."Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw."Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf? " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells."Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 6

    Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.Nadatnan ko ang Senyorit

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 7

    "Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko, Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito."Magiging asawa kita." saad niya.Tumawa ako na parang hibang pero ang Senyorito ay nanatiling seryoso.Tumigil na ako sa pagtawa nang hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng pagbibiro ang mukha.Wait, seryoso ba talaga siya?Tumikhim ako."Tapos ka na?" hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Mukhang nagalit ata siya sa pagtawa ko kanina. Pero teka, ako

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 8

    "Here," nilahad niya sa akin ang isang libro. Isang makapal na libro pero mas makapal parin ang book of spells naming mga witches."Anong gagawin ko dito?" naguguluhan man ay tinanggap ko parin ito. Binuklat buklat ko ito pero hindi ko naman binabasa.Nandito kami ngayon sa office niya. Yes, it turned out na office nga niya ang napasukan ko last week. Hanep! may office! yayamanin talaga pamilya ni Senyor."Read it." hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya."Eh ang kapal kapal nito eh!" reklamo ko. Gutom na ako! kung hindi siya umepal siguro kumakain na ako ngayon."Binasa ko din 'yan hindi naman ako nagreklamo." napasimangot nalang ako."Eh ano bang mapapala ko kapag binasa ko 'yan? buti sana kung mabubusog ako pagbinasa ko 'yan eh hindi naman." binuklat buklat ko ulit ang libro pero hindi padin binabasa. Kahit na basahin ko pa ito ng paulit-ulit, hindi talaga magfafunction utak ko dahil gutom a

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 9

    "Ano 'to?" tinignan ko ang paper bag na bigay ni Vin. Yes, I know his name now and he said its much better if we call each other by our name. Pero medyo ilang parin akong tawagin siya sa mismong pangalan niya. And he said that we're friends now. Feeling ko nga na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin kaya siya biglaang nagbait-baitan sa akin pero okay lang. Ako naman ang nagbebenefit. "Just,.. just open it." naiinip niyang saad at umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking to? Nang hindi ako kumilos, kinuha niya ang paper bag at siya na mismo ang nagbukas nito. "Ako na nga!, ang bagal-bagal eh." inis niyang saad. Kinuha niya ang box mula sa paper bag at binuksan ito.

    Last Updated : 2021-08-09

Latest chapter

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen    The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

DMCA.com Protection Status