Home / All / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 8

Share

The Witch has Fallen - 8

Author: We RISKIES
last update Last Updated: 2021-08-06 22:19:00

 "Here," nilahad niya sa akin ang isang libro. Isang makapal na libro pero mas makapal parin ang book of spells naming mga witches. 

"Anong gagawin ko dito?" naguguluhan man ay tinanggap ko parin ito. Binuklat buklat ko ito pero hindi ko naman binabasa. 

Nandito kami ngayon sa office niya. Yes, it turned out na office nga niya ang napasukan ko last week. Hanep! may office! yayamanin talaga pamilya ni Senyor. 

"Read it." hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya. 

"Eh ang kapal kapal nito eh!" reklamo ko. Gutom na ako! kung hindi siya umepal siguro kumakain na ako ngayon. 

"Binasa ko din 'yan hindi naman ako nagreklamo." napasimangot nalang ako. 

"Eh ano bang mapapala ko kapag binasa ko 'yan? buti sana kung mabubusog ako pagbinasa ko 'yan eh hindi naman." binuklat buklat ko ulit ang libro pero hindi padin binabasa. Kahit na basahin ko pa ito ng paulit-ulit, hindi talaga magfafunction utak ko dahil gutom ako ngayon. 

"You're hungry?" mabilis pa sa alas kwatro akong tumango sa kanya. Yes! gutom na gutom na!

Mahina siyang tumawa sa naging sagot ko at umiling-iling. 

"Fine, ano nga ulit kinakain niyo?" tanong niya habang may kinakalikot sa phone niya. 

"Gulay... at kanin" tumingin ako sa kanya at nang tumingin din siya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin. "At tsaka isda na rin kung pwede." dagdag ko pa at pinagpatuloy ang pagbuklat ng libro. 

"Cooked, right?" tumango ako. "You also want meat? or pork? oh baka gusto mo rin ng fresh blood?" napangiwi ako sa naging tanong niya and instantly, memories came rushing back. 

I heave a deep sigh. Kalma mga kalamnan, wala kayong narinig, wala kayong naaamoy. 

"You eat like humans." tumigil ako sa kakabuklat ng libro at tumingin sa kanya. 

"Siguro, pero hindi kami kumakain ng karne at mas lalong ayaw namin sa dugo." tumango siya at kapagkuwan ay napangisi rin. Para bang may naiisip na kalokohan. Napakunot naman ang noo ko. 

"Basahin mo muna 'yan. May kukunin lang ako." saad niya at lumabas na sa office niya. 

Napanguso lang ako at tumingin sa paligid. Stress na nga ako academically tas pagbabasahin niya pa ako ng napakakapal na libro? ha! 

Tumayo ako at naglibot libot sa office niyang wala namang laman. O meron talaga pero hindi ko lang nakikita? 

I wonder, gagana kaya ang spells namin dito? 

I was about to cast the spells to see things normal beings can't pero hindi natuloy nang bumukas ang pinto at pumasok ang Senyorito sa office niya. May dala-dala na itong dalawang tumbler. Kulay itim at blue ito. Hindi kita ang laman kaya hindi ko alam kung juice ba o tubig ang laman nito.

Nang makalapit na ako sa mesa niya ay nilahad niya sa akin ang kulay blue na tumbler, nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi but in the end tinanggap ko nalang. 

"Inumin mo muna baka nauuhaw ka na. Mga ten minutes pa bago dumating yung lunch natin." I raised my brows. Nakakapangduda. 

"What? wala akong nilagay diyan. Let me remind you na sa ating dalawa ikaw ang mangkukulam at hindi ako." napanguso ako. Oo nga naman, pero kahit na noh!

Inamoy ko muna ito. Hmm wala naman akong maamoy na kung ano. Siguro safe naman ito. Wala rin naman siguro siyang balak lasonin ako no? kung meron man ah bahala na. Nauuhaw na rin ako eh. 

I give him an accusing look before I slowly drank the water. 

Napangiwi ako, tubig ba 'to? bakit ang lapot?

Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may naramdaman ba akong kakaiba pero nung wala naman ay pinagpatuloy ko na ang pag-inom. 

Pero hindi ko magets, kung tubig to bakit ang lapot? 

"Salamat Senyorito, may tinatago ka rin palang bait eh." saad ko at pinatong ang tumbler sa table niya. Halos maubos ko ang laman nito. Nakangisi naman siyang nakatingin sa akin. 

or should I say sa labi ko? napakunot ang noo ko, bakit siya nakatigin sa labi ko?

Before I could speak, he stood up and leaned back on the table. Closing our distance. Napakurap-kurap ako. Sobrang lapit ng mukha niya.  

Aatras na sana ako nang hawakan niya ang baba ko at ngumise. 

Puso, yung puso ko. Hindi magkamayaw sa pagtibok. Hindi ko alam kung sa kaba o takot o ewan. 

Halos isang minuto kaming nagtitigan bago bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Napalunok ako.

He slowly touched the sides of my lips using his thumb. He then licked it and let out a soft chuckle before sitting back. 

Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na ito. Pero teka, bakit... bakit kulay pula 'yun?

What.. what just happened? 

"Bakit.. ano yun.." hindi ko masabi ang konklusyong nabubuo sa utak ko. Nakakatakot kumpirmahin. 

"Yes, honey. It's blood. You just drank a blood... A while ago." saad niya at tumawa. 

Napahawak ako sa bibig ko at sa tumbler na binigay niya. No, it can't be blood. Bakit walang amoy? bakit walang lasa? A-akala ko tubig lang 'yon na malapot! 

"CR... CR please," unti-unti ng namumuuo ang laway ko sa bibig at ano mang minuto ngayon ay hindi ko na ito mapipigilan. 

"There," turo niya sa may kanan. Sinundan ko ito ng tingin at oo nga, may pinto dito. Paano nagkaroon ng pinto doon? The last time I check isa lang ang pinto sa kwartong ito. 

Hindi na ako nag-abala pang magtanong at dali-daling pumasok sa Cr. 

Shit. Totoo nga, dugo nga 'yong nainom ko. Para akong sumusuka ng dugo ngayon. Pumikit ako at sumuka ng sumuka. Mas lalo lang akong nasusuka pagbinubuksan ko ang mata ko at nakikita ko ang mga sinuka kong dugo na ngayon ay my halo na ng mga hindi natunaw kong kinain kanina. 

Naramdaman kong may dahan-dahang humihimas sa likod ko. Nang kumalma ang sikmura ko ay nakapikit parin akong humarap sa taong nasa likod ko. Dulot ng pagsusuka ay nanghihina parin ako kaya hinawakan ko ang balikat nito at kumapit para sa suporta. Kung hindi ako kakapit ay baka matumba ako. 

Kinuha niya ang kamay ko ay pinasandal sa kanya. Inalalayan niya akong makalabas ng cr at pinaupo sa sofa. Bakit may sofa dito? 

"Are you fine now?" mababakas ang pag-aalala sa boses nito pero iniinda ko parin ang sikmura kong gustong magpart two kaya hindi ko siya pinansin at hinimas himas ang bandang dibdib ko. 

"Wait... uhm" naramdaman kong umalis siya. Maya maya ay bumalik na ito at may inabot na namang tumbler. 

Nanghihina man ay nagawa ko parin siyang tapunan ng masamang tingin. 

 Umiling siya at binuksan ang tumbler. "Tubig to." kinuha ko ito at inamoy. Walang amoy, pero wala ding amoy yung kanina. Binalik ko na sa kanya. Baka kung ano nanaman 'yan. 

He sighed, kinuha niya ang tumbler at bumuhos ng kaunti mula sa laman nito. 

"See? Its water." inabot niya ulit sa akin ang tumbler, this time kinuha ko na ito at ininom. 

Nakaupo parin ako sa sofa. I'm still gathering strength to stand habang nakatayo naman si Senyorito. Pinagmamasdan ang galaw ko. 

Tumikhim siya at umupo sa tabi ko. 

"Do you have phone?" he asked breaking the silence. Umiling ako. Wala akong phone. Ah, meron pala yung keypad pero hindi ko na ginagamit ngayon. 

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto niya. Sabay kaming napatingin doon. 

"Sir, nandito na po yung pinadeliver niyong food." saad ng lalaki mula sa labas ng pinto. 

Tumayo agad si Senyorito at kinuha ang pagkain. 

Napakunot ang noo ko, ang dami naman ata? tatlong plastic bag lahat ang dala niya. 

"Lets eat?" anyaya niya at umupo ulit sa tabi ko. Nilapag niya ang mga dala niyang bag sa glass table. He started to prepare the table habang ako ay unti-unti ng nagiging normal ang paghinga ko at ang sikmura ko. 

Napanatag naman ako nang makita kong pasado naman kahit papaano ang mga pinagbibili niya. 

______________

πŸ’›πŸ‘€πŸ­

Related chapters

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 9

    "Ano 'to?" tinignan ko ang paper bag na bigay ni Vin. Yes, I know his name now and he said its much better if we call each other by our name. Pero medyo ilang parin akong tawagin siya sa mismong pangalan niya. And he said that we're friends now. Feeling ko nga na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin kaya siya biglaang nagbait-baitan sa akin pero okay lang. Ako naman ang nagbebenefit. "Just,.. just open it." naiinip niyang saad at umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking to? Nang hindi ako kumilos, kinuha niya ang paper bag at siya na mismo ang nagbukas nito. "Ako na nga!, ang bagal-bagal eh." inis niyang saad. Kinuha niya ang box mula sa paper bag at binuksan ito.

    Last Updated : 2021-08-09
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 10

    Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik. Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito. "Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?" "Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi. "Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.

    Last Updated : 2021-08-18
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 11

    "Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako. Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 12

    Hindi ako buntis, malabo. Sa halos dalawang dekada kong pananatili sa mundong 'to. Alam kong pareho lang ang proseso ng mga mortal sa proseso para sa amin para magdalang tao ang mga tulad namin. Birhen pa ako sa pagkaka-alala ko. Nakakatawa mang gamitin ang salitang iyan para iugnay sa akin na halos dalawang daan ng namamalagi sa mundo ng mga mortal, pero totoo. Sa sobrang higpit ni Impo, Bakuran at bahay lang ang napuntahan ko sa loob ng isa't kalahating dekada, maliban sa buwanang pagtitipon ay wala na akong ibang napuntahan pa. Hindi 'din naman nila ako sinasama sa gubat para mangalap ng sangkap. Kaya imposible... pwera na lang kung... napatingin ako kay Senyorito na seryoso lang nagmamaneho, nakatuon ang buang atensyon sa daan. Hindi kaya... napahawak ako sa katawan

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 13

    Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Para isalba ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba sa kotse niya ng walang pasabi. He tried to call my name pero hindi na ako lumingon. Bahala na! Ano ba naman 'yun Tasya?! Tama bang magrequest pa ng isa pang kiss? gusto ko lang namang kumpirmahin ang tumatakbo sa isip ko. Makalipas ang ilang araw, kabilugan nanaman ng buwan, gabi nanaman ng pagtitipon. Isang buwan na 'rin pala ang nakakalipas simula ng gabing iyon. Sana naman walang mangyaring hindi kanais nais na ngayon. Nasa gitna na kami ng gubat, nakalipad na sila Inay at Tiya Lucia, kami nalang ni Impo ang nasa lupa. Hinihintay ni impo na paliparin ko ang walis tingting. Napanguso ako, napakamot sa ulo. Masama niya akong tinignan. "Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa 'rin alam kung pa'no paliparin ang la escoba?!" tumaas ang boses nito sa inis. Ngumisi ako ng nakakaloko. Nang hahampaasin na niya ako ng wali

    Last Updated : 2021-08-22
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 14

    "Saan tayo pupunta?" naheherstirya kong tanong. Pumasok kami panandalian sa likod ng malaking kurtina. Pinasuot niya sa akin ang balabal niya. "Anong ginagawa mo? hindi 'to gumagana sa akin!" pabulong kong sigaw."Its actually working on you now." he said, a bit amused as he looked at me from the inside of his cloak. Pumasok din siya sa balabal at siya na ang humawak nito para magkasya kami. "Tumahimik ka na lang para walang makapansin.""Lets go," humakbang na siya pero nanatili parin akong nakatayo kaya naman hinawakan niya ang bewang ko at pwersahan akong pinalakad.Nakakatakot, baka makita kami. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay hapit-hapit ko ang hininga ko, takot na baka may makarinig.Hinapit niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Para na kaming magkadikit maglakad, pati paghakbang namin ay magkasabay. Nakakailang tuloy. "Huwag kang lumayo, hindi tayo magkakasya." he softly w

    Last Updated : 2021-08-26
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 15

    "Try this one," binigay niya sa akin ang baso. Sumimangot ako. Kapag naman nakakainom ako ng dugo, wala akong kaalam-alam na dugo ang iniinom ko. Pero iba ngayon, alam na alam ko ang iniinom ko, dugo ng inahing manok. Bumuntong hininga ako ng malalim bago tinanggap ang baso. Tinitigan ko muna ang laman nito, hindi ko naman nakikita ang kulay nito dahil itim na baso ang pinaglagyan ni Vin. Nasa apartment niya kami. Yes, yung pinagdalhan niya sa akin nung akala niya isa akong duwende at ginawa niya pa akong detective niya. Ipahanap ba naman sa akin ang sarili ko? soul searching lang? wala naman akong soul. Pero hanggang ngayon hindi ko pa 'rin alam kung pa'no niya nalaman na ako at ang hinahanap niya ay iisa.

    Last Updated : 2021-09-12
  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

    Last Updated : 2021-09-26

Latest chapter

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen Β Β Β The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status