Home / All / The Witch has Fallen / The Witch has Fallen - 23

Share

The Witch has Fallen - 23

Author: We RISKIES
last update Last Updated: 2022-04-11 23:13:40

"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. 

Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. 

"Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. 

"I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. 

"Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam mo ba talaga ibig sabihin ng salitang binitawan mo?" napahawak ako sa noo ko dahil parang nalipat sa ulo ko ang sakit imbes na sa pwet. 

"Alam kong wala ka lang magawa sa buhay mo Senyorito at ako ang napagtripan mo. Kaya sige na.!" I motioned my hands, na para bang 'sige na! sabihin mo na ang katagang izza prank!.' 

Ang laki pa ng ngiti ko habang papalapit siya sa akin. Hinihintay na may ilabas siyang kung ano tas sabihin sa akin na nagbibiro lang siya pero iba ang nangyari. 

Ang bilis. Hindi ko nasundan. Ang alam ko lang ang lapit na ng mukha namin at hindi ko na makita ang paligid namin. Hindi ako makalagaw, ni hindi ko man lang siya matulak. 

"Sige na'ng ano?" napalunok ako nang maamoy ko ang amoy kalawang niyang hininga. Pero ewan ko ba, imbes na masuka ako ay parang gusto ko pang mas lumapit siya sa akin. 

"Can I?" napakurap kurap ako. May tinanong ba siya? Ano nga ulit yun? 

"H-ha?" napakurap kurap ako. Pilit kong inalala kung ano nga ulit yung tanong niya pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Senyorito, teka pwede bang-hmp!" nanlaki ang mata ko ng biglang maglapat ang mga labi nami. Nanatili lang kaming ganoon. Gusto ko siyang itulak pero parang may nagsasabi sa akin na huwag. 

Nang bumitaw siya ay para akong sumabak sa karera. Hinahabol ko pa ang sarili kong hininga nang hawakan niya ang pisnge ko at pinaharap sa kanya. 

"Tasya, ayaw kong pilitin kang bigyan ako ng chance to prove myself but please do believe what I felt for you." he sincerely said. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at para bang hinahanap, hinihintay na paniwalaan ko ang sinabi niya. 

"Kahit na paniwalaan ko pa, Senyorito. Wala rin naman pong mangyayari. Wala dapat mangyari." ngumiti ako ng pilit bago kuhanin ang kamay ng Senyorito at umalis na. 

Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi. Buong paglalakbay ko, nakalutang lang ang utak ko. Kinapa ko ang dibdib ko. Normal parin naman pero bakit sa tuwing naaalala ko mga pinagsasabi ng Senyorito kanina, parang nagwawala ito.? Hindi na nga ata normal to. 

"Oh, gising ka na pala. Bakit nakatulala ka diyan? Wala ka bang pasok ngayon 'nak? Sabay na tayong kumain." tumango lang ako kay Nanay habang siya ay naghahanda na para sa agahan namin. 

"Umalis na ang Impo at Tiya mo. May pinaghahandaan kasi kaming bagong gayuma ngayon kaya medyo busy kami. Kumusta naman trabaho mo?" 

"Ayos lang po 'nay" tumango lang siya pero halatang hindi siya naniwala. "Ganyan ba ang mukha ng ayos lang? Bakit? ano bang nangyari? Ayos lang naman siguro kayo ng Impo mo diba?" tumango lang ako bilang tugon. "Eh anong bumabagabag sa'yo?" 

"Paano niyo po nakilala ang Tatay?" bigla na lang lumabas sa bibig ko. Alam ko lang kasi tungkol sa tatay ko ay patay na ito. 

Natigil si Nanay sa pagkain. Alam ko kasing may mali eh, hindi ko lang malaman kung ano ang mali. Hindi sila nagkukwento tungkol sa tatay ko, kahit si Nanay walang nakukwento. Kung patay na ito, ano ba naman lang iyong alalahanin man lang namin ang mga panahong buhay pa siya? pero bakit wala?

"Ha? A-ano 'nak, sige mauuna na ako ha." 

" 'nay... sabihin niyo na lang po kasi sa'kin ang totoo. Hindi naman na ako bata para hindi maka-intindi ng mga bagay bagay. Iintindihin ko naman po, kung ano man iyon."

"Tasya naman..." huminga ng malalim si Nanay at nagbuga ng hininga. Para siyang hirap na hirap harapin ako. 

" 'nay please? nakikiusap po ako. Gusto ko lang malaman ang totoo." tumango si Nanay kaya nagliwanag ang mukha ko. 

"Sige, ikukwento ko sa'yo ang lahat. Pero huwag muna ngayon Tasya. Bigyan mo muna ako ng panahon. Kapag... kapag handa na ako, sasabihin ko sa'yo ang lahat. Ang totoo." umalis na si Nanay. Gusto kong matuwa pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ni Nanay. Para kasing hindi ko magugustuhan ang malalaman ko. 

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Gusto ko lang naman sanang malaman kung paano sila nagkakilala ng Tatay ko at kung totoo bang patay na ito o baka sinabi lang nila 'yun para wala na akong maraming tanong. 

"Anong mukha 'yan teh?" bungan sa akin ni Trice. 

"Bakit?" 

"Pagod yarn? hmm anong ginawa mo kagabi?" nagpaggap pa siya na parang nag-iisip tas ngumisi ng malaki. "Oh teka, bagohin ko lang. Anong ginawa 'niyo' ng Senyorito kagabi?" nagtaas baba ang kilay nito at nagngising aso. 

"Pinagsasabi mo? Wala kaming ginawa." Umupo na ako sa mesa ko at inayos na ang mga dapat kong gawin. 

"Oh? wala? eh bakit ka niya tinawag?" ngumisi nanaman siya ng nakakaloko. "Alam mo, unang pasok mo pa lang dito ramdam ko na eh. May kakaiba." Tinaas taas niya ang kilay niya sabay tutuk ng dalawang daliri niya sa mata niya pabalik sa akin na para bang sinasabi na binabantayan niya ako. 

Tama nga ako. May alam ang babaeng 'yun. 

Makalipas ang ilang araw ng hindi ko nakikita o nakakasalubong si Vinedict. Sa sobrang payapa ng buhay ko pakiramdam ko may mali. 

Maya maya pa ay dumating si Trice na may dalang mga papeles.

"Pakipirmahan kay Senyorito Vincent. Ngayon na. Kailangan daw niyang pirmhan ngayon dahil isusubmit nayan sa Senyor mamayang hapon." kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga papeles na nilapag niya sa mesa ko. 

"Bakit ako?" tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko. 

"Bakit hindi? busy ako ngayon. May tinatapos akong report. Kaya ikaw na." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"May ginagawa 'rin ako trice. Ikaw na lang." sinubukan kong ibalik sa kanya ang papeles pero hindi niya tinatanggap. 

"Please Tasyaaa??? Mamayang hapon na 'rin kasi kailangan ang akin eh. Please? Tumatakbo ang oras Tasya, please pumayag ka na." napairap ako nang biglang umamo ang boses at mukha niya. Mapagpanggap talaga ang nilalang na 'to. Padabog ko na lang kinuha ang papeles. 

"Yes! salamat Tasya!" masayang saad niya at agad na bumalik sa pwesto niya. Ako naman ay tumayo na para ihatid ang mga papeles sa Senyorito Vincent. 

Okay. Kalma lang Tasya. Sa Senyorito Vincent ka pupunta. 

Huminga ako ng malalim bago umakyat papunta sa opisina ng magkapatid. May nadaanan akong salamin kaya tinignan ko muna ang sarili ko kung maayos pa ba. Inayos ko ang nagulo kong buhok at ngumiti na parang tanga sa harap ng salamin. Nang mapagtanto ko na para akong hibang sa ginawa ko ay nasapo ko ang mukha ko. 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ni Senyorito Vincent. Bago ko pa makatok ay bumukas na ang pinto kaya naiwan sa ere ang kamay ko. Agad kong binaba ang kamay ko at yumuko para magbigay galang sa Senyorito. "Magandang araw po Senyorito." 

"Iyan na ba yung mga dapat pirmahan?" tumango ako. "Opo Senyorito." 

"Ah, sige. May importante na kasi akong gagawin. Si Vinedict na lang ang bahala diyan. Pakibigay na lang sa kanya. Sige, salamat." hindi na ako nakapagsalita dahil nagmamadali itong umalis. Mukhang may hinahabol nga. 

Huminga ako ng malalim. Mukhang sinusubok talaga ako ng pagkakataon ngayon ah. 

Di bale na. Ibibigay lang naman. Bumuga ako ng malalim na hininga bago kumatok.

"Pasok." rinig kong saad niya. 

"Magandang araw po, Senyorito. Mga dapat pong pirmahan na papeles. Kinakailangan na daw po ito ng Senyor."  

"Sige salamat." tanging saad nito ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. 

"Mauna na po ako." paalam ko. Ganitong trato naman ang gusto ko diba? ito naman talaga ang dapat. 

Binuksan ko na ang pinto pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita ang Senyorito. 

"Kumain ka na ba?" 

________

๐Ÿ’›๐Ÿ‘€๐Ÿญ

We RISKIES

Cold evening everyone! Hope you're all doing good and in safe conditions.!

| Like

Related chapters

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

    Last Updated : 2022-04-15
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 1

    "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"Pagkanta ng isang batang babae na siyang taya sa kanilang pambatang laro.Sa di kalayuan ay nakatanaw ang babae mula sa bintana ng kanyang maliit na bahay na gawa sa nipa."Hoy Tasya! ano ba! maghanda ka na para mamaya" sita sa kanya ng kanyang ina na kanina pa kaharap ang salamin, may mga nakalutang na make up brushes na tila ba may buhay. Hindi niya mawari kung bakit kelangang mag-ayos eh magtitipon tipon lang naman at makikipaghalubilo upang makipagkaibigan, walang masyadong espesyal sa mangyayari mamaya. Yun nga lang isang beses lang ito mangyari kada buwan.Hindi nalang siya nagsalita pa at nagbihis na.Pagsapit ng alas

    Last Updated : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 2

    "Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba."Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh."You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop."What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!Lumingon ako at nahagip ng mata

    Last Updated : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 3

    "Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko."Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh n

    Last Updated : 2020-09-17
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 4

    "Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala.""Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya."Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto."No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto."You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad."P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niy

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 5

    "Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed."Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw."Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf? " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells."Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 6

    Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.Nadatnan ko ang Senyorit

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 7

    "Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko, Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito."Magiging asawa kita." saad niya.Tumawa ako na parang hibang pero ang Senyorito ay nanatiling seryoso.Tumigil na ako sa pagtawa nang hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng pagbibiro ang mukha.Wait, seryoso ba talaga siya?Tumikhim ako."Tapos ka na?" hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Mukhang nagalit ata siya sa pagtawa ko kanina. Pero teka, ako

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 24

    "Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 23

    "Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 22

    "So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 21

    "Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 20

    "What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 19

    Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 18

    "Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 17

    "Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m

  • The Witch has Fallen ย ย ย The Witch has Fallen - 16

    Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a

DMCA.com Protection Status