Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.
Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.
Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.
Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.
Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.
Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.
Nadatnan ko ang Senyorito'ng nakangisi sa akin. Nakadekwatro pa ito sa aking silya. Kitang kita pa ang ebidensya ng sadyang pagbagsak niya sa inaalagaan kong halaman. Naka-amba pa ang kamay nitong salarin sa pagpatay sa walang kalaban laban kong halaman.
"Senyorito!" Inis kong saad sa kanya.
"Anong ginawa mo?!" Naiiyak kong tanong sa kanya. Dali dali kong inipon ang lupang nagkalat at ang rhododendron ko. Nabasag na ng tuluyan ang pasong tinirhan ng rhododendron ko ng halos dalawalang dekada din.
"Edi pumasok ka na din sa kwarto mo. Kanina ka pa kasi kumakain. Medyo naiinip na ako kakahintay." inis kong inangat ang tingin ko sa kanya. Puno ng galit ko siyang tinignan.
"I didn't know that our Senyorito is as immature as you. Kailangan mo ba talagang mambasag ng gamit na hindi sa'yo para lang makuha ang gusto mo?!" Tumayo ako salop salop ng dalawang kamay ang rhododendron na may lupa.
Siya na ngayon ang naka-angat ang tingin. Tinaas niya ang kilay niya. Tila ba hindi gusto ang lumabas sa bibig ko. Pero hindi, galit ako at kahit anak pa siya ng Senyor ay sasantuhin ko siya.
"You don't talk to me like that." tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Yes I can. Ginagawa ko na nga po diba? Senyorito?" Lumabas ako ng kwarto.
Okay pa 'to. Mabubuhay pa 'to. Pagpapakalma ko sa sarili ko habang naghahanap ng pwedeng paglagyan ng rhododendron ko.
"Stop the nonsense witch! Ano bang kinagagalit mo? Dahil ba binasag ko ang halaman mo? Don't worry I can replace that." Nakasunod siya sa akin habang sinasabi 'yan. Sinusundan niya ako kahit saan man ako nagpunta.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Gulat siyang napatigil ilang dangkal lang ang layo sa akin.
"Hindi mo mapapalitan 'to." Pinahiran ko ang luhang tumulo sa mata ko.
Hinding hindi mo mapapalitan ang halamang 'to dahil hindi lang ito halaman. Alaala siya ng isang importanteng tao sa akin.
Lumabas ako ng bahay. Madaling araw na kaya madilim na sa labas. Pumunta ako sa likod wala akong masyadong makita kaya ginamit ko muna ang mata ko bilang hayop.
May nakita akong malaking plastic bottle sa likod ng bahay. Kinuha ko ito at dinala sa bahay. Nakasunod parin ang Senyorito sa akin pero hindi na ito nagsasalita. Tahimik nalang itong nakasunod sa akin.
Pumunta ako ng kusina at kumuha ng itak.
"Woah! Woah! T-teka anong gagawin mo?" Sinamaan ko ng tingin ang Senyorito at hindi pinansin. Hahatiin ko ang plastic bottle, dito ko muna pansamantalang ilalahang ang rhododendron ko.
"A-ako na, ako na." Pilit niyang kinukuha ang itak sa akin.
"Ano ba! Huwag ka ngang epal Senyorito! Manahimik ka dahil bwesit pa din ako sa'yo at baka mandilim paningin ko at ikaw ang itakin ko." Inis kong saad at binawi ang itak sa kamay niya. Napakurap kurap siya.
"Ha? Ah sige. Pagpatuloy mo lang 'yan. Sa kwarto mo nalang ako maghihintay 'p-pag tapos ka na pumunta ka nalang. M-may pag-uusapan lang tayo." Saad niya at pumasok na nga sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at nilipat na nga ang rhododendron ko. Pumunta pa ako sa labas para kumuha ng karagdagang lupa.
Pumasok na ako sa kwarto dala dala ang rhododendron ko. Alam kong galit parin ang mukha ko pero medyo kumalma naman na ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nadatnan kong malinis na ang banda kung saan nagkalat ang basag-basag na paso at lupa kanina. Buti naman.
Nilagay ko na ang rhododendron ko sa kung saan ito nakapwesto. Ang Senyorito naman ay nilipat ang upuan ko malapit sa bintana pero hindi naman siya nakaupo sa upuan ko dahil nakahilig siya sa bintana ko, nakatingin sa labas at tila ba malalim ang iniisip.
"Bakit mo binuksan ang bintana? Gusto mo bang makita ni Impo?" Para naman itong nagulat sa pagsalita ko.
Dali dali niyang sinarado ang bintana at lumingon sa akin at sa rhododendron ko na nasa bago na nitong lagayan.
"Ano? Anong kailangan mo? Sabihin mo na dahil pagod ako."
"Well, the thing is..." nahihirapan nitong saad.
"Ano? Sabihin mo na agad." naiinip kong saad.
"You have to tell me first that you won't get mad at me.. again." Napairap ako.
"Ano ba?! Sasabihin mo ba o hindi? Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo."
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"You remember what happened last full moon right? I kind of, uh bitten you? and well, uh, I did some research about its possible effects and ano, h-hindi pa naman ako sigurado pero baka.. ano, baka maging katulad ka namin." hindi ito makatingin sa akin at panay hawak sa labi. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maiintindihan.
"Ano?! Anong katulad niyo? Linawin mo dahil wala ako sa huwisyo para intindihin pinagsasabi mo."
"Baka maging kalahi ka namin, bampira."
"Ano?!" napatayo ako. Ako?! Magiging bampira? Ano 'to? Joke time?
"Nagjojoke ka ba Senyorito? At bakit naman ako magiging bampira? Dahil kinagat mo ako? Eh pagba kinagat ako ng lamok magiging lamok na din ako?" Inis kong saad. I just don't get it.
Hindi. Impossible ang pinagsasabi niya.
"So maari akong maging bampira." Saad ko nang unti-unti ng nagsisink in sa akin ang mga pinagsasabi niya.
Magiging bapira ako?
"Yes, pero pagsinuwerte tayo. Hindi ka magiging bampira."
"Sinwerte tayo dahil wala akong nararamdamang pagbabago sa katawan ko. Hindi ako magiging bampira." confident kong saad. Sigurado ako.
"Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko,
Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito.
"Magiging asawa kita." saad niya.
_______________๐๐๐ญ
"Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko, Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito."Magiging asawa kita." saad niya.Tumawa ako na parang hibang pero ang Senyorito ay nanatiling seryoso.Tumigil na ako sa pagtawa nang hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng pagbibiro ang mukha.Wait, seryoso ba talaga siya?Tumikhim ako."Tapos ka na?" hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Mukhang nagalit ata siya sa pagtawa ko kanina. Pero teka, ako
"Here," nilahad niya sa akin ang isang libro. Isang makapal na libro pero mas makapal parin ang book of spells naming mga witches."Anong gagawin ko dito?" naguguluhan man ay tinanggap ko parin ito. Binuklat buklat ko ito pero hindi ko naman binabasa.Nandito kami ngayon sa office niya. Yes, it turned out na office nga niya ang napasukan ko last week. Hanep! may office! yayamanin talaga pamilya ni Senyor."Read it." hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya."Eh ang kapal kapal nito eh!" reklamo ko. Gutom na ako! kung hindi siya umepal siguro kumakain na ako ngayon."Binasa ko din 'yan hindi naman ako nagreklamo." napasimangot nalang ako."Eh ano bang mapapala ko kapag binasa ko 'yan? buti sana kung mabubusog ako pagbinasa ko 'yan eh hindi naman." binuklat buklat ko ulit ang libro pero hindi padin binabasa. Kahit na basahin ko pa ito ng paulit-ulit, hindi talaga magfafunction utak ko dahil gutom a
"Ano 'to?" tinignan ko ang paper bag na bigay ni Vin. Yes, I know his name now and he said its much better if we call each other by our name. Pero medyo ilang parin akong tawagin siya sa mismong pangalan niya. And he said that we're friends now. Feeling ko nga na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin kaya siya biglaang nagbait-baitan sa akin pero okay lang. Ako naman ang nagbebenefit. "Just,.. just open it." naiinip niyang saad at umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking to? Nang hindi ako kumilos, kinuha niya ang paper bag at siya na mismo ang nagbukas nito. "Ako na nga!, ang bagal-bagal eh." inis niyang saad. Kinuha niya ang box mula sa paper bag at binuksan ito.
Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik. Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito. "Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?" "Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi. "Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.
"Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako. Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko
Hindi ako buntis, malabo. Sa halos dalawang dekada kong pananatili sa mundong 'to. Alam kong pareho lang ang proseso ng mga mortal sa proseso para sa amin para magdalang tao ang mga tulad namin. Birhen pa ako sa pagkaka-alala ko. Nakakatawa mang gamitin ang salitang iyan para iugnay sa akin na halos dalawang daan ng namamalagi sa mundo ng mga mortal, pero totoo. Sa sobrang higpit ni Impo, Bakuran at bahay lang ang napuntahan ko sa loob ng isa't kalahating dekada, maliban sa buwanang pagtitipon ay wala na akong ibang napuntahan pa. Hindi 'din naman nila ako sinasama sa gubat para mangalap ng sangkap. Kaya imposible... pwera na lang kung... napatingin ako kay Senyorito na seryoso lang nagmamaneho, nakatuon ang buang atensyon sa daan. Hindi kaya... napahawak ako sa katawan
Hindi siya nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Para isalba ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba sa kotse niya ng walang pasabi. He tried to call my name pero hindi na ako lumingon. Bahala na! Ano ba naman 'yun Tasya?! Tama bang magrequest pa ng isa pang kiss? gusto ko lang namang kumpirmahin ang tumatakbo sa isip ko. Makalipas ang ilang araw, kabilugan nanaman ng buwan, gabi nanaman ng pagtitipon. Isang buwan na 'rin pala ang nakakalipas simula ng gabing iyon. Sana naman walang mangyaring hindi kanais nais na ngayon. Nasa gitna na kami ng gubat, nakalipad na sila Inay at Tiya Lucia, kami nalang ni Impo ang nasa lupa. Hinihintay ni impo na paliparin ko ang walis tingting. Napanguso ako, napakamot sa ulo. Masama niya akong tinignan. "Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa 'rin alam kung pa'no paliparin ang la escoba?!" tumaas ang boses nito sa inis. Ngumisi ako ng nakakaloko. Nang hahampaasin na niya ako ng wali
"Saan tayo pupunta?" naheherstirya kong tanong. Pumasok kami panandalian sa likod ng malaking kurtina. Pinasuot niya sa akin ang balabal niya. "Anong ginagawa mo? hindi 'to gumagana sa akin!" pabulong kong sigaw."Its actually working on you now." he said, a bit amused as he looked at me from the inside of his cloak. Pumasok din siya sa balabal at siya na ang humawak nito para magkasya kami. "Tumahimik ka na lang para walang makapansin.""Lets go," humakbang na siya pero nanatili parin akong nakatayo kaya naman hinawakan niya ang bewang ko at pwersahan akong pinalakad.Nakakatakot, baka makita kami. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay hapit-hapit ko ang hininga ko, takot na baka may makarinig.Hinapit niya ako at mas lalong pinalapit sa kanya. Para na kaming magkadikit maglakad, pati paghakbang namin ay magkasabay. Nakakailang tuloy. "Huwag kang lumayo, hindi tayo magkakasya." he softly w
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a