Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko.
At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya.
"Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako.
"Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal.
"I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya.
"Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwedeng madamay sa mga pinanggagawa mo pwes ako meron. Kaya pakiusap. Itigil mo na." hindi ako pwedeng basta basta na lang lumabas sa balabal na 'to dahil baka magtaka ang mga tao sa paligid kaya pinili ko na lang magpalit ng anyo sa pagiging hayop.
"Hoy Tasya gurl! bakit bigla kang nawala nung isang araw ha?" umiwas ako ng tingin kay Trice
"Hindi ako nawala no. Hindi lang talaga tayo nagkita ulit." napalunok ako sa klase ng tingin niya kaya tinuon ko na lang ang tuon ko sa mga papers sa harap ko.
"Ah okay. Akala ko kasi ikaw yung kasama ng Senyorito kagabi." napalunok ako sa sinaad niya. I was about to make an excuse pero umalis na siya.
Does she know something?
Pinagsawalang bahala ko na lang ang naging pahayag niya kanina at nagpatuloy sa mga dapat kong trabahuin.
Nagliligpit na ako sa mga gamit ko nang dumating si Trice, pinapasabi daw ng Senyorito na bago ako umuwi dumaan daw muna ako sa opisina niya.
Dahil nasa mansyon lang naman kami ng Senyor, ang opisina ng dalawang Senyorito ay pawang nasa loob lang ng malaki nilang imbakan ng mga libro. Hindi ko naman maitatawag na library iyon dahil hindi naman naka-arrange ang mga libro doon. Parang ginawa ang silid na iyon para maging hideout ng dalawang senyorito. Pagkapasok mo kasi ay nagpatong patong na mga libro ang unang bubungad sa iyo at may dalawang pintuan sa magsing gilid nito. Hindi mo mapapansin ang pintuan dahil unang aagaw ng pansin mo ang mga libro.
"Sinong Senyorito ang nagpapatawag?" kahit na may hinala na ako kung sino, hiniling ko pa rin na sana hindi si Vinedict iyon.
"Senyorito Vinedict," hindi ko mapigilang mapairap. Inexpect ko namang siya pero, nakakainis pa rin pala. Ano nanaman kaya kailangan nito.
"Hindi na kita hihintayin ha, may lakad pa kami ni Apol." Pagkasabi niya ay umalis na kaagad ito. Hindi man lang hinintay ang sagot ko, edi go!, kayo na namumulaklak ang buhay pag-ibig.
Habang naglalakad ako papunta sa opisina ng Senyorito, hindi ko mapigilang mapaisip, paano niya kaya nasabing gusto niya ako?...
Teka...
May sinabi ba siya?! Parang wala namana ah.
Sinabi niya lang na liligawan niya ako, ibig bang sabihin na gusto na niya ako? Paano niya naman ako nagustuhan? sa mukha kong to? parang hindi naman kapani-paniwala.
"Papasok ka ba o hindi?" napalingon ako sa nagsalita, si Senyorito Vincent pala.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng imbakan ng mga libro.
"Magandang araw po Senyorito. Pinatawag po kasi ako ni Senyorito Vinedict." Binuksan ko na ang pinto ng silid. Gumilid ako para makadaan na siya at makapasok. Yumuko ako bilang paggalang sa anak ng Senyor. Pumasok naman siya ng walang sinasabi. Mukhang mainit ang ulo ng isang yun ah.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok, kumatok muna ako sa pinto ng Senyorito Vinedict, nang walang nagsalita ay binuksan ko na lang ito.
Naabutan ko siyang seryoso sa binabasa niya. Mahina akong umubo ng peke para mapansin niya.
"Umupo ka muna," saad nito ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Sobrang seryoso nito sa binabasa niya. Sinunod ko ang sinabi niya, umupo ako sa couch na nasa gilid ng opisina niya.
"Tatapusin ko lang 'to. May pupuntahan tayo, eto.." may kinuha siyang paper bag sa ilalim ng desk niya at inabot ito sa akin ng hindi parin ako tinitignan. "Magbihis ka"
Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Saan ba kami pupunta at kailangan kong magbihis? Tsaka saan naman ako magbibihis? Napalinga linga ako sa paligid. Bukod sa desk at couch wala na akong nakikitang gamit dito, oh baka akala ko lang? tulad ng office niya sa purinarya niya?
"Doon ka magbihis," napalingon ako sa tinuro niya at meron ng pintuan. Wala akong nakita kanina ah. "Saan nanggaling 'to? wala 'to kanina ah" wala sa sarili kong naisad ito.
"Huwag ka ng madaming tanong, kung ayaw mo diyan magbihis, pwede namang dito ka na lang magbihis kung gusto mo." nagkibit balikat ito na para bang balewala lang ang suhestiyon niyang iyon.
Napairap ako sa inis, kinuha ko na ang paper bag at sinadya ko talagang pabagsak na isara ang pintuan.
Pagpasok ko ay para lang itong maliit na fitting room sa mga ukay ukayan na napuntahan ko pero sosyal version dahil may whole length body mirror na nakakabit sa dingding nito.
Kinuha ko ang damit na binigay niya at napakunot ang noo ko nang mapagtanto na isa pala itong knee length casual dress. Mint green ang kulay nito kaya ang refreshing tignan, nagdadalwang isip pa ako kung talagang isusuot ko ba ito o ibalik na lang. Tinignan ko ang suot ko ngayon, okay lang naman ah, nakasimpleng pantalon lang ako at white na loose shirt. Tinuk-in ko lang ito sa pantalon ko para hindi masyadong malaki tignan sa akin. Nabili ko lang kasi ito sa ukay.
Sinuot ko na ang dress at napataas ang kilay ko sa hitsura ko. Maganda naman pala talaga ang anyong tao ko. Umikot ako para makita ang kabouan ko, nag ngingiti ngiti pa ako sa harap ng salamin, mukha na akong tanga pero ewan ko ba. Feeling ko ang ganda ganda ko sa bigay na dress ng Senyorito.
Natigil ako sa pagngiti sa harap ng salamin nang may kumatok. Napaayos ako ng tayo.
"Tasya? okay ka lang ba diyan?" tanong ng Senyorito mula sa labas na loob ng opisina niya, ah ewan ko ba.
"O-opo!" sa taranta ko ay walang pasabi kong binuksan ang pinto, hindi ko naman alam na nakasandal pala siya sa pinto kaya pagbukas ko ay nawala siya ng balanse at dumiretso sa akin.
"Arayyyy!" d***g ko, maliit lang ang fitting room kaya pagbagsak ni Senyorito ay dumiretso siya sa akin at ako naman ay tuluyan ng na out of balance din at dumiretso sa sahig ang pwet ko. Tumama ang ulo niya sa noo ko at tumama naman ang ulo ko sa dingding.
"Arayyy" d***g ko nanaman. Hindi ko alam kung ano ang unang hahawakan, ang pwet ko ba, o ang balakang ko o ang ulo ko, o ang noo kong sigurado akong may malaking bukol!.
"Tasya? I'm so sorry! okay ka lang ba?" ilang minuto pa bago nakapagsalita ang Senyorito, suguro ay nabigla rin siya. Pero wala talagang pagsidlan ang sakit ng katawan ko ngayon!. Hindi na magkamayaw ang mukha ko dahil sobrang sakit na talaga ng pwet ko papunta sa balakang ko. Parang nabali ata ang buto buto ko sa pwet,
"Saan? A-anong masakit? Sorry, hindi ko sinsadya! ikaw kasi! bakit bigla-bigla mo na lang binuksan ang pinto! hindi ako naka abante." napapikit ako sa inis. At talagang may gana pa siyang ibaling sa akin ang sisi? Ang kapal naman ng mukha neto?
Kung wala lang akong dinadamdam na sakit sa katawan ay kanina ko pa to kinutusan kahit pa siya ang anak ng Senyor, kasalanan niya pa rin ang nangyari sa akin.!
"Kaya mo bang maglakad?" tinignan ko lang siya na parang sinasabi na 'tanga ka ba?'
"o-o tumayo man lang?" tanong niya ulit sa akin. Mahihimigan sa boses niya na kinakabahan siya pero may nababatid din akong pag-aalala sa boses nito kaya kinalma ko na lang ang sarili ko.
"Sa oras na makatayo ako dito, isusumbong ko sa Senyor lahat ng kagag*han mo. Kaya kung ako ikaw, tatapusin mo na ako ngayon pa lang." walang gana kong saad.
Nabigla ako nang bigla na lang siyang umupo at dahan-dahan akong inangat sa ere. Pigil hininga ako nang buhatin niya ako at pinahiga sa couch na kinauupuan ko kanina.
"I'm really sorry Tasya, Gusto ko lang naman sanang icheck ka kanina kasi ang tagal mong lumabas. Nag... nag-alala lang naman ako kanina." ang amo ng boses niya, parang hindi makabasag pinggan sa sobrang hinahon.
"Saan banda ang masakit? gusto mo bang tumawag ako ng doctor?" napalingon ako sa kanya, doctor?
"Bakit doctor?' naguguluhan kong tanong.
"Diba katulad lang naman ng mga tao ang katawang lupa niyo?" inosente nitong tanong. Teka nga, bakit ang bait niya? dahil ba may kasalanan siya?
"Alam mo bang pangarap kong maging nurse?"
"Diba nag-aaral ka niyan? Pero pinatigila ka..." tumango ako,
"Pinatigil ako dahil ayaw ni Impo makihalubilo sa mga tao. Ayaw niyang mamuhay kami, ako, kasama ang mga tao. Ayaw niyang nakadepende ang buhay sa mga tao. Ayaw niyang pinagsisilbihan namin ang mga tao. Tao. Ayaw niya sa mga tao. Hindi ko nga makuha-kuha saan galing ang galit ni Impo sa mga tao pero dahil diyan, heto ako ngayon. Nagtatrabaho sa inyo." nagkibit balikat ako at mapait na napangiti sa kawalan.
"Wala naman kasi akong magagawa. Saan na lang ako pupulutin kapag tinakwil na ako ni Impo?" pinahiran ko ang butil ng luha na tumulo. Nakakatawa, ni hindi man lang ako naiyak kanina kahit na sobrang sakit ng katawan ko pero ngayon halos mag-unahan na ang luha ko.
"Ayokong maging witch, gusto ko ng normal na buhay. Gusto kong maging tao lang. Kung bakit ba kasi ako nabuhay na isang immortal. Sa haba ng buhay ko, ni wala man lang akong maalala na magandang nangyari sa tanang buhay ko." unti-unti ko ng nararamdaman ang pagbuti ng pakiramdam ko.
"Ikaw ba? Anong pinakamagandang nangyari sa buhay mo?" lumingon ako kay Senyorito. Medyo nahiya ako nang maabutan ko siyang seryosong nakatingin lang sa akin at para bang nakikinig talaga siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Nakaupo lang siya sa sahig habang nakaharap sa akin.
"Ilang taon k--" natigilan ako nang magsalita siya.
"Ikaw."
"Ha? A-anong ako?" naguguluhan kong tanong.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Tasya."
________
I'm so sorryy huhu sobrang tagal kong nakapag update huhu. Nabusy lang ko sa buhay haha.
💛👀đźŤ
I'm so sorryy huhu sobrang tagal kong nakapag update huhu. Nabusy lang po sa buhay huhu.
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"Pagkanta ng isang batang babae na siyang taya sa kanilang pambatang laro.Sa di kalayuan ay nakatanaw ang babae mula sa bintana ng kanyang maliit na bahay na gawa sa nipa."Hoy Tasya! ano ba! maghanda ka na para mamaya" sita sa kanya ng kanyang ina na kanina pa kaharap ang salamin, may mga nakalutang na make up brushes na tila ba may buhay. Hindi niya mawari kung bakit kelangang mag-ayos eh magtitipon tipon lang naman at makikipaghalubilo upang makipagkaibigan, walang masyadong espesyal sa mangyayari mamaya. Yun nga lang isang beses lang ito mangyari kada buwan.Hindi nalang siya nagsalita pa at nagbihis na.Pagsapit ng alas
"Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba."Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh."You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop."What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!Lumingon ako at nahagip ng mata
"Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko."Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh n
"Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala.""Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya."Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto."No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto."You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad."P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niy
"Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed."Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw."Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf? " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells."Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na
Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.Nadatnan ko ang Senyorit
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a