"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako.
"Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta.
Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya.
"Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong.
"Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako.
"Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang.
"Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya.
Akala ko papatulungin na niya ako pero kabaliktaran pala ito.
"Huwag mo na akong hintayin, okay?" naghand gesture pa siya na parang tinataboy ako.
"Bakit ba? eh sa gusto kong may kasabay akong umuwi eh."
"Annastasya, makinig ka, okay?" nagbuntong hininga muna siya bago nagpatuloy magsalita. Para bang nagtitimpi na lang siya sa akin.
"Magkikita kami ni Apol ngayon. Gets mo na?" tumango ako.
"Oh, okay. Okay lang naman akong nasa likod lang ninyo habang nagla-labing labing kayo eh. Okay nga lang naman nung nakaraan diba?" si Apolinario, ang manliligaw ni Beatrice. Apol na lang daw para hindi masyadong mabansot pakinggan.
"Nawawalan na ako ng pasensya dito Tasya, huwag mo akong sagarin." pagbabanta niya. "Tsaka bakit ba bigla bigla ka na lang gustong makasabay akong umuwi ha? ilang araw na akong nakakapansin sa'yo ha. Nung una akala ko isang gabi lang, ngayon parang ginagabi gabi mo na. Nawawalan na kami ng bebetime ni Apol!. Okay lang sana kung ordinaryong gabi lang eh, pero huwag ngayon kasi ngayong gabi ko siya sasagutin!" hinihingal niyang sabi. Napakurap kurap ako.
Teka, ngayon niya sasagutin?
Dali-dali akong umupo sa upuan sa harap niya.
"Talaga? sasagutin mo na si Apol? hmmm" panunudyo ko pa.
Napatakip siya sa mukha niya. Tila ba nahihiya sa naisiwalat niya.
"Umalis ka na nga! Si Apol dapat unang makakaalam eh!. Ang kulit mo kasi."
"Eh teka, bukas pa buwanang selebrasyon ah?" sa naalala ko kasi, sabi niya sa kabilugan ng buwan niya pa sasagutin si Apol. Bakit biglang ngayon?
"Para bukas, official na kaming magjowa." binitawan niya ang hawak-hawak na ballpen at kinikilig na ngumiti sa kawalan, Napangiwi ako.
"Uhm, ayaw mo ba ng witness sa pagsagot mo kay Apol?" I tried to bargain pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Edi huwag! arte ne'to." malakas kong sinara ang pinto ng opisina niya para naman ramdam 'din niya na inis ako sa ka artehan niya.
Pa'no na to? Ako na lang iisa ang uuwi. Tinignan ko ang oras at maaga pa nga.
Umupo na lang ako at pinaglaruan ang ballpen. Magpapalipas muna ako ng oras, mamamaya na ako uuwi. Baka kasi magkasalubong pa kami kung uuwi na ako ngayon.
Sa sobrang tahimik ng paligid napapaisip tuloy ako kung seryoso nga ba ang Senyorito sa sinabi niya noong mga nagdaang araw. Baka naman nagbibiro lang siya, ako lang 'tong over kung maka-react.
Tsaka, bakit niya naman ako liligawan? tanga ba siya? gusto niya bang mamatay? labag 'yun sa patakaran. Mangkukulam ako, bampira siya, anak pa ng Senyor. Ang sino mang nilalang ang mahuling nakikipagrelasyon sa hindi kalahi ay pinapatay.
Nahihibang ba ang isang 'yun? o pinagti-tripan lang ako?
"Hoy!" natigil ang pagmuni muni ko nang may magsalita sa gilid ko. Muntik pa akong may mabanggit na pangalan na hindi dapat. Buti na lang napigilan ko pa bunganga ko.
"Beatrice naman eh.! Nangugulat! porket magkakajowa na mamaya." pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi lang siya bago tuluyang pumasok sa opisina ng Senyor.
"At talagang hinintay mo ako ha. Ang tigas talaga ng ulo mo eh."
"Huwag ka ngang feeling, hindi kita hinintay. Nagpalipas lang ako ng oras dahil ayaw ko pang umuwi no." depensa ko sa sarili ko. Totoo naman, akalain pa ng isang to ang dependent ko naman sa kanya.
"Bakit? problema ba sa bahay niyo?" umiling lang ako, wala naman. Sa totoo nga eh, nagiging okay na ang pakikitungo sa akin ni Impo.
"Hindi pa 'rin kita isasama sa date namin ni Apol pero sabay na tayong lumabas sa gubat. Okay na ba 'yon?" umaliwalas ang mukha ko sa narinig ko.
"Oo naman! tara na," tumayo na agad ako at kinuha ang bag ko.
"May iniiwasan ka ba?" tanong niya sa akin bago sumunod. Natigil ako sa paglalakad at ngumsisi ng malapad at umiling.
"Wala no! sino naman iiwasan ko?. Ayaw ko lang talagang umuwi ng maaga tsaka mas maganda kasi may kasabay sa paglalakad." dahilan ko pa kahit na totoong may iniiwasan ako.
Ilang araw ko ng iniiwasan si Vin. Minsan, nagkakasalubong kami sa mansyon pero umiiwas na agad ako at tuwing gabi naman sumasabay ako kay Trice para hindi siya makalapit.
Hindi ako sigurado kung seryoso siya sa sinabi niya nung gabing 'yon pero mas mabuti na ang maingat. Hindi pwede ang gusto niyang mangyari. Bawal yun. Kaya ako na ang umiiwas.
Kinabukasan, hindi kami pinapasok dahil kabuwanang selebrasyon.
Nasa bahay lang ako, minsan lumalabas labas tumitingin sa paligid. Wala akong magawa. Buti na lang at naligtas pa ni Tiya Lucia ang rhododendron ko mula kay Impo. May makakausap ako kahit papaano.
Patago niya itong binigay sa akin. Laking pasasalamat ko dahil iningatan ko talaga ito. Dahil ang halamang ito ang natitira kong alaala sa nag-iisang mortal na tinuring akong totoong kaibigan.
Speaking of kaibigan, hindi ko na ulit nakausap pa sila Dindi, Marinda at Bongie mula nung sinama ako ni Caloy sa palengke. Maging si Caloy ay madalang ko na lang ding nakaka-usap.
Busy siguro siya sa pag-aaral. Buti pa siya, suportado ng pamilya ang pag-aaral.
Napabuntong hininga ako at malungkot na ngumiti. Siguro, hindi talaga para sa akin ang buhay ng mortal.
Kapag natanggap ko ang paunang sweldo ko mula sa Senyor, cell phone ang una kong bibilhin para kahit papaano may mapagkaabalahan naman ako bukod sa pagtunganga dito maghapon. Tapos ko ng linisin ang bahay, nilinis ko na rin ang labas, nag-igib na ako ng tubig, nagawa ko na lahat ng gawain dito sa bahay kaya heto ako ngayon nakatunganga lang sa bintana.
"Mira!" tawag ko kay Mira nang makita ko siyang padaan. Pauwi na siguro galig sa eskwela. Nakauniporme pa kasi siya.
"Oy! Ate Tasya!." kumaway pa siya pabalik sa akin at bumungis ngis. Isa sa gusto ko sa batang 'to ay palangiti.
Minsan nung binisita niya ako dito sa bahay, ni hindi man lang siya nakapasok dahil nung papapasukin ko na biglang humarang si Impo. May ginagawa daw sila at bawal ang disturbo. Hindi talaga niya pinatawad si Mira at talagang pinagalitan pa, nag- insist lang naman si Mira na tumulong.
Si Impo talaga wala sa hulog. nahiya tuloy ako kay Mira, buti na lang at hindi masyadong dinibdib ni Mira. Ang weird nga kasi nakangiti lang siya habang pinapagalitan ni Impo. Siya pa humingi ng tawad. Hindi na naawa si Impo. Ang bait ng bata pero hindi talaga pinatawad.
Bandang alas onse na ng gabi nang makauwi sila Impo. Akala ko nga ay hindi na sila uuwi, didiretso na lang sila sa pagdadarausan ng selebrasyon.
"Impo-" sinalubong ko siya, magpapaalam sana ako na hindi na lang ako dadalo sa buwanang selebrasyon pero pinutol niya ka agad ako.
"Bakit hindi ka pa nakabihis? kailangan pa ba kitang pagsabihan bago mo gawin ang mga bagay-bagay?! maghanda ka na!, aalis na tayo." napabuntong hininga ako. Mukhang mainit ang ulo ni Impo, hindi na lang ako nagsalita pa at sinunud na ang gusto ni Impo.
Habang binabaybay ang himpapawid, hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasalubong ko ang hampas ng hangin. Ang lamig, ang sariwa, nakakagaan sa pakiramdam.
Nang makapasok na kami sa kweba na pagdadarausan ay bumungad sa amin ang nagkakasayahang mga nilalang. Si Impo ay dumeretso na sa silid ng Senyor.
Pinalibot ko ang paningin ko, naghahanap ako ng mga kakilala. Buti na lang ay nakita ko kaagad si Marinda. Tinignan ko ang kasama niya pero hindi ko makita sina Bongie at Dindi. Lalapit na sana ako nang pagalit na umalis si Marinda at sinundan ng isang lalaki na hindi ako pamilyar. Napakunot ang noo ko. Sino 'yun?
Susundan ko na sana sila pero hinarang ako ni Trice.
"Tasya! Glad I found you!." masayang saad niya. May hawak na wine glass sa kaliwang kamay habang nakapulupot naman ang kanang kamay sa braso ni Apol. Napangiwi ako. Oo nga pala, "official" na sila ngayon.
"Trice! Hi!, oy, Apol! Congrats!." mukhang nahiya pa si Apol nang i-congratulate ko.
"Tsk. tsk. tsk. pwede bang magtransform ka muna into mortal face Tasya?"
"Ha? bakit?" nagtataka kong tanong.
"Eh, basta! sige na! May surprise ako sa'yo." natatawa niyang saad sabay lingon sa may likod niya. Tinignan ko ang tinignan niya pero hinarangan niya paningin ko.
"Dali na! Surprise nga eh."
"Fine! teka lang." pumunta ako sa tagong lugar at nagpalit ng anyo. Pagkabalik ko ay may kasama na silang lalaki na hindi ako pamilyar.
"Trice.." pagkuha ko sa atensyon niya.
"Oh! nandito na pala siya." lumingon siya sa lalaki at nanag-aasar na tumingin din sa akin. Naguguluhan ako sa inaakto niya pero isinawalang bahala ko na lang ito.
"Annastasya, meet Paulo. Paulo, meet Annastasya." naglahad ng kamay si Paulo kaya tinanggap ko naman ito.
"Hi Annastasya, finally, we met." naguguluhan man ay ngumiti na lang din ako para hindi naman mapahiya si Paulo.
"Ah, kaibigan ko iyang si Paulo Tasya. Nakukwento ka kasi minsan ni Trice sa kanya." napalingon ako kay Trice dahil sa sinabi ni Apol. Binigyan ko siya ng tingin na para bang sinasabi na 'talaga lang ha?'. Ngumisi lang siya sa akin.
"Ah, sige na mauna na kami ni Apol ha, Tasya, Paulo. Enjoy the night." bago tuluyang umalis ay lumapit muna si Trice sa akin at kunywareng b****o pero sa totoo eh binibulong bulongan lang ako.
"Tasya gurl, shine bright like diamond tonight okay? okay na okay yang si Paulo. Trust me."
"Ano? ano ba 'tong pinanggagawa mo Trice?" bulong ko rin sa kanya pero ang bruha kinurot lang ako.
"Ayusin mo gurl, smile! ako na ang gumawa ng paraan para naman magkajowa ka na at ng hindi ka na buntot ng buntot sa amin ni Apol."
"Ano?!" hindi makapaniwala kong tanong. Set-up ba 'to?!
"Chill gurl, smile.." tuluyan na silang umalis ni Apol kaya naiwan kami ni Paulo.
"Uhm, Paulo right?" tumango siya.
"Yup!, Paulo, I'm two centuries and half. A wizard." umawang ang bibig ko. Pano niya nalamang..
"Did I answer your supposedly follow up questions?" ngumiti siya sa akin at inabot ang smoothie. "Hindi ako sure kung gusto mo ba ang strawberry smoothie pero no sugar 'yan." napatingin ako sa smoothie na inabot niya.
Then I realized, sobrang unhealthy na pala ng mga kinakain ko lately. Naiinom pa ako ng dugo. Hindi naman nawawala ang kakayahan ko bilang witch kaya sigurado akong hindi ako magiging bampira pero ang weird lang na minsan hinahanap na ng sikmura ko ang dugo.
"That guy a while ago lied. Hindi kami magkaibigan. They just approached me earlier and asked me those questions." natawa siya, habang ako kumukulo na ang dugo sa dalawa.
"Pasensya ka na sa dalawang 'yun ha. Desperada lang kasi 'yun na mawala na ako sa buhay nila. Pasensya ka na talaga." paulit ulit akong humingi ng despensa. Tumawa siya at uminom ng smoothie niya. "Desperada?" he asked
"Bagong magjowa kasi kaya ayaw na akong isama sa mga lakad nila. Sagabal daw ako sa 'bebetime' nila" umirap pa ako.
"No, it's fine. We can actually be friends. You're a witch right?" tumango ako. Lumipas ang ilang minuto ay napasarap ang kwentuhan namin ni Paulo at okay 'din naman pala siya. Habang nagkukwento si Paulo ay may naramdaman akong mga matang nakatingin sa akin.
Pagkalingon ko ay malulungkot na mata ni Vin ang nakita ko.
Gusto ko siyang lapitan pero mas nanaig ang utak kong pabayaan siya. Umiwas na lang ako ng tingin at inabala ang sarili sa pakikinig sa mga kinukwento ni Paulo.
_________________
💛👀🍭
Hola December! Sorry for the long wait. I'll try to update more often! Can you please leave some comments pleaseeeee pretty prettty pleaseeeee hihi
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"Pagkanta ng isang batang babae na siyang taya sa kanilang pambatang laro.Sa di kalayuan ay nakatanaw ang babae mula sa bintana ng kanyang maliit na bahay na gawa sa nipa."Hoy Tasya! ano ba! maghanda ka na para mamaya" sita sa kanya ng kanyang ina na kanina pa kaharap ang salamin, may mga nakalutang na make up brushes na tila ba may buhay. Hindi niya mawari kung bakit kelangang mag-ayos eh magtitipon tipon lang naman at makikipaghalubilo upang makipagkaibigan, walang masyadong espesyal sa mangyayari mamaya. Yun nga lang isang beses lang ito mangyari kada buwan.Hindi nalang siya nagsalita pa at nagbihis na.Pagsapit ng alas
"Senyorito saan po tayo pupunta?" hindi ko mapigilang itanong dahil hinihila niya ako sa kung saan. May lagusan kaming dinaanan at duda ko ay nakalabas na kami sa kweba."Shut your fucking mouth if you want to live." mariin niyang sabi sa akin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin.Tinikom ko nalang ang bibig ko dahil gusto ko pang mabuhay.Baka bigla nalang akong kagatin niyan eh."You change." naguluhan ako sa sinabi niya kaya tumigil ako at napatigil din siya. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'ano pang hinihintay mo?'"Hindi pa ako marunong" sabi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Gusto niya akong mag-anyong hayop."What? What are you? a baby?!" inis niyang sabi sa akin at sa isang pitik lang niya ay bigla itong naging paniki at nawala ng parang bula. Umuga nanaman ang lupa kaya nataranta na ako.Pangako pagnakabalik ako ng buhay aaralin ko na talaga ang mga spell!Lumingon ako at nahagip ng mata
"Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko."Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh n
"Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala.""Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya."Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto."No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto."You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad."P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niy
"Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed."Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw."Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf? " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells."Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a