"Tasya, I think ikaw ang ibig sabihin ni Kuya dito." kunot noo kong binasa ang nakapaloob na message sa phone ni Vina.
'Vina, who's that ugly witch? the one who assist me the other night?'
"Anong ako? Ang sabi 'Ugly' eh hindi naman ako panget ah. Vina hindi ako 'yan." Ngumite ako bago tuluyang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na ako hinabol ni Vina.
Tapos na ang klase namin at paalis na ako sa building namin nang mamataan ko si Vina at ang Senyorito. Dahan dahan akong lumiko at inangat ko ang mga papel na hawak ko para matabunan ang mukha ko. Nakayuko ako at tanging ang mga paa ko lang na nag-uunahan sa paglakad ang nakikita ko. Sana wala akong mabangga sa ginagawa ko.
I'm halfway through the gate when someone called my name out loud.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko nang may mga kamay na bigla nalang umakbay sa leeg ko.
"Tasya my friend! Bakit hindi mo ako pinapansin ha? at tsaka, hindi ka ba maduduling niyan eh naglalakad ka habang nagbabasa?!"
"Tumigil ka Caloy, kundi gagawin kitang hatdog!" inis kong sabi sa kanya at iwinakli ang mabigat niyang kamay sa leeg ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at mas lalo pang binilisan.
"Hoy! Carlo kasi pangalan ko! Hindi Caloy, ang bantot naman niyan! teka nga lang! bat' ba ang bilis bilis mong maglakad ha?!" habol niya sa akin.
Napairap ako sa ingay ni Caloy, pagba mga aso, maiingay talaga?
Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na ako sa gate ng skwelahan.
"Tasya.." gulat kong tinignan ang tumawag sa akin.
"Vina! nandiyan ka pala!" gulat kong bulalas. Kanina andun lang siya sa gilid ng building ah, kasama pa nga niya ang Senyorito bat' nandito na siya ngayon? huhu andaya naman.
"Vernadette! why are you here ha?!" pang-aasar ni Caloy, masyadong mariin ang pagkakasabi niya na tipong matatawa ka pero wala ako sa sitwasyon ngayon para matawa.
"Shut up Carlito, Tasya, may sasabihin ako sa'yo." hinila ako ni Vina, si Caloy naman ay tinulak niya.
"Carlito, tsupi! you can go home now. May pag-uusapan pa kami ni Tasya, okay?"
"Ewan ko sainyo! imbe imbento kayo ng pangalan sinabing Carlo ang pangalan eh!" inis nitong sabi at umalis na. Sinipa pa niya ang bato at sinamaan kami ng tingin.
"Tasya," kinuha ni Vina ang atensyon ko.
"V-Vina ano ba kasi yun? Pwe-pwede bang bukas nalang yan? mag gagabi na kasi, kailangan ko pang pumunta ng palengke tsaka bawal akong masyadong gabihin."
"I don't know what happened between you and Kuya pero isa lang ang sigurado ako. Ikaw talaga ang hinahanap niya." nasa loob na kami ng sasakyan nila. Malimit lang ang tulad namin ang magkaroon ng mga ganitong bagay dahil mas pinipili ng iba ang mamuhay ng simple. Mas gusto ng iba na hindi na makipaghalubilo sa mga mortal para iwas gulo na din. Pero iba sa sitwasyon nila Vina. They need the mortals to live. Hindi din naman mahirap para sa kanila ang mamuhay kasama ang mortal dahil mukha naman silang mga normal sa itsura pa lang. Huwag niyo nalang nga gutumin. Naalala ko tuloy ang ginawa ng Senyorito kahapon. Nandidiri parin ako hanggang ngayon.
"Vina kasi, hindi ko din alam kung bakit ako hinahanap ng kuya mo. Ni hindi nga ako sure kung ako ba talaga yan eh."
"No, I'm sure Tasya. Ikaw ang tinutukoy niya at sabi niya gusto ka niyang makausap. It's a good thing na hindi ka niya kilala pagnag-anyong mortal ka. Now, tell me what happened para alam ko kung anong dapat gawin." seryoso nitong saad sa akin. Mas natatakot tuloy ako dahil nagtutunog babala ang mga lumalabas asa bibig niya kahit alam ko na sinasabi lang naman niya ito.
"Eh kasi Vina, h-hindi ko din talaga alam kung anong nangayari. Pramis! basta ang naalala ko lang nung full moon, nung may sumugod na mga kapre at tikbalang tumakbo kami tapos nagtago sa cloak na bigay ni Impo tas ewan! hindi ko na masyadong maalala kasi nawalan ako ng malay. Basta paggising ko maaga na tas ayun! yun na yun!" kinakabahan kong pagkwento sa kanya sa abot ng aking memorya.
"Wait what?! Nagtago kayo sa cloak, eh sa amin lang yun pwede eh. So paano kayo nakapagtago?" naguguluhan na din niyang tanong sa akin.
"H-hindi ko alam"
"Tasya, for now, umuwi ka muna ha. You're safe as long as hindi pa kilala ni kuya ang itsura mo pag nag-aanyong mortal. Okay?" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at tumango.
"I'll figure out kung bakit ka hinahanap ng dumuhong yun."
"Thank you Vina. Salamat talaga."
Saktong pagbukas ko ng kotse ay papalapit ang Senyorito. Abot abot ang kaba ko lalo na nang magpang-abot ang mga tingin namin.
Kalma Tasya, Kalma.
"Sino yun?" rinig kong tanong niya kay Vina. Pinigilan ko talagang lumingon sa kanya. Mahirap na.
"Classmate ko bakit?" mataray na sagot naman ni Vina. Nakahinga ako ng maluwag sa naging sagot ni Vina.
"Where's that ugly witch?! akala ko ba kaibigan mo yun?" bwesit!. tinigil ko na ang pakikinig dahil mabwebwesit lang ako.
Hindi ako panget! sa katunayan nga eh ako ang pinakamaganda sa lahat ng mga witches!.
"Hay! ang tagal! kung di lang kaibigan eh iniwan ko na tong mga paninda mo!"
"Dindi, parang ang laki ng gulong pinasok ko." napaupo nalang ako nang mapagtanto ang nangyari ngayong araw at kahapon.
"Ano ba 'yang gulong pinagsasabi mo?"
"W-wala, dali, tulungan mo nalang akong maglinis dito."
"Ay ang swerte mo naman? ako na nga nagbebenta ng mga paninda mo paglilinisin mo din ako? ay abusar nana dae" napakunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.
"Kung ayaw mo, edi wag! huwag ka ngang magsalita kung ikaw lang din naman makakaintindi!. Sila Marinda at Bongie ba hindi talaga dumating?"
"Dumating naman pero walang silbe- aray! ano ba! tirisin kita dyan eh!" napatingin ako kay Dindi, may nilabas siya sa bulsa ng kanyang plastic apron. Isang alitaptap na kumukutikutitap.
"Hoy! duwendeng bansot! nakakaganyan ka lang sa akin tuwing nag-aanyong mortal ka! mag-anyong hayop ka at ng ikaw ang tirisin ko!" buti nalang at wala na masyadong tao dito sa palengke dahil baka magwala ang mga tao pagnakarinig sila ng alitaptap na nagsasalita at ang laki laki pa ng boses.
"Tumahimik nga kayo! dali na. Tara na." anyaya ko sa kanila na walang tigil sa pagbabangayan nang matapos ako sa pagliligpit.
Busy ako sa paggawa ng nga projects na bigay ng mga profs. Tuwing gabi lang kasi ako pwedeng gumawa dahil tulog silang lahat. Walang makakaalam sa mga pinggagawa ko.
Nakapang anyong immortal na ako at naiinis na ako dahil wala akong magawang tama. Ni pagsulat ng letra ay hirap ako dahil sa tulis ng kuku ko.
"Dindi, huwag ngayon. Busy ako" Saad ko nang marinig kong may kumakatok sa bintana ko.
Inis akong napatayo nang hindi parin ito tumitigil sa kakakatok.
"Dindi naman eh- what the!" natigil ako nang hindi duwende ang bumungad sa akin.
"Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala."
"Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya.
_________
💛👀🍭
💛👀🍭
"Sino ka- ay S-Senyorito, i-ikaw po pala.""Gulat ka noh?, sabi ko naman sayo. Magtutuos pa tayo." nakangising saad ng senyorito at umupo sa maliit kong silya na mas lalong nagmukhang maliit nang upuan niya."Ah, ano pong ginagawa niyo dito? hinahanap po ba ng Senyor ang Impo? teka lang po. Tatawagin ko." aligaga kong saad at lalabas na sana sa silid ko ng harangan ng paa niya ang pinto."No, no no no no" tumayo ito at ang buong katawan na nito ang humarang sa pinto."You're not going anywhere. You're not calling your impo or whatever. 'Cause I came here for you and no one should know about this." Nakahalukipkip niyang saad."P-po? b-bakit po?" kinakabahan kong tanong. Bukod sa nasukahan ko siya ay wala na akong ibang maisip na naging kasalanan ko sa kanya! Yun ba yung rason kung bakit niya ako hinahaunting? gusto niya ba akong parusahan? kung oo, eh ano namang klase ng parusa ang ipapataw niy
"Who the heck are you?" Abot abot ang kaba na nilingon ko ang nagsalita. Laking gulat ko ng ang Senyorito ang bumungad sa akin. I'm doomed."Wait, I know you. I've seen you somewhere." Saad nito tila inaalala kung saan lupalop ako ng mundo nakita.Kinuha ko ang tyansang iyon upang patigilin ang mga ballpen sa paggalaw."Uh-uh! Not too fast. I already caught you. You're most probably be a witch or a lady elf? " Dumoble ang kaba ko sa tinuran nito. Shit. Nakilala na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?"P-po? H-hindi po. Nagkakamali po kayo." Witches and elf's are most likely to have the same capabilities. Only that elf's use their minds in casting spells and witches, we used our mouth to cast spells."Oh? Really? What are you then?" Tanong nito. Nakaupo na sa silya. Kumuha ito ng lapis mula sa table na kaharap. Ngayon ko lang napansin na may upuan at lamesa pala ang silid na ito, hindi ko ito napansin nang pumasok ako, siguro ay lutang na
Kahit tapos na akong kumain ng hapunan ay kumain ako ulit. Nag-iisip pa ako kung paano ko tatakasan ang Senyorito at umaasang umalis nalang siya.Hindi pa din ako pumapasok sa aking silid. Mag-iisang oras na ako dito. Isang butil ng kanin kada isang minuto ang kinakain ko para tumagal ako lalo dito. Kung pupwede ay hanggang umaga ako ditong kakain kayang kaya ko umalis lang ang senyorito sa silid ko.Buti nalang at walang pasok kinabukasan at ng wala akong poproblemahing paperworks na tatapusin.Nakatunganga lang ako habang sinusubo ang butil ng kanin sa bibig ko. Nakatunganga, nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Nakikiramdam sa nangyayari sa loob nito. Inaalala kung may mga importante ba akong bagay na naiwan sa silid na iyon.Laking gulat ko ng may marinig akong pagkabasag mula sa kwarto ko kaya naman dali dali akong tumayo at pumasok sa silid ko.Hinihingal pa ako dulot ng kaba at pagkabigla nang makapasok sa kwarto.Nadatnan ko ang Senyorit
"Kapag hindi ka magiging bampira, ibig sabihin nun, ikaw ang magiging katuwang ko, Panghabangbuhay." parang mas hindi ata iyon naintindihan ng utak ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nito."Magiging asawa kita." saad niya.Tumawa ako na parang hibang pero ang Senyorito ay nanatiling seryoso.Tumigil na ako sa pagtawa nang hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong bahid ng pagbibiro ang mukha.Wait, seryoso ba talaga siya?Tumikhim ako."Tapos ka na?" hindi ako sumagot sa tanong niya at nanatiling tahimik. Mukhang nagalit ata siya sa pagtawa ko kanina. Pero teka, ako
"Here," nilahad niya sa akin ang isang libro. Isang makapal na libro pero mas makapal parin ang book of spells naming mga witches."Anong gagawin ko dito?" naguguluhan man ay tinanggap ko parin ito. Binuklat buklat ko ito pero hindi ko naman binabasa.Nandito kami ngayon sa office niya. Yes, it turned out na office nga niya ang napasukan ko last week. Hanep! may office! yayamanin talaga pamilya ni Senyor."Read it." hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya."Eh ang kapal kapal nito eh!" reklamo ko. Gutom na ako! kung hindi siya umepal siguro kumakain na ako ngayon."Binasa ko din 'yan hindi naman ako nagreklamo." napasimangot nalang ako."Eh ano bang mapapala ko kapag binasa ko 'yan? buti sana kung mabubusog ako pagbinasa ko 'yan eh hindi naman." binuklat buklat ko ulit ang libro pero hindi padin binabasa. Kahit na basahin ko pa ito ng paulit-ulit, hindi talaga magfafunction utak ko dahil gutom a
"Ano 'to?" tinignan ko ang paper bag na bigay ni Vin. Yes, I know his name now and he said its much better if we call each other by our name. Pero medyo ilang parin akong tawagin siya sa mismong pangalan niya. And he said that we're friends now. Feeling ko nga na guilty lang siya sa ginawa niya sa akin kaya siya biglaang nagbait-baitan sa akin pero okay lang. Ako naman ang nagbebenefit. "Just,.. just open it." naiinip niyang saad at umiwas ng tingin. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking to? Nang hindi ako kumilos, kinuha niya ang paper bag at siya na mismo ang nagbukas nito. "Ako na nga!, ang bagal-bagal eh." inis niyang saad. Kinuha niya ang box mula sa paper bag at binuksan ito.
Nakasimangot ko siyang pinagmamasdan, kanina pa siya nakadekwatro at tulalang nakatanaw sa kawalan. Parang ang lalim - lalim ng iniisip niya, sa lalim hindi ko na masisid. Kanina ko pa siya sinusubukang tawagin pero nakatanga lang siya at para bang hindi ako naririnig. Nagbuntong hininga ako at tumayo na. Nilapitan ko siya at bahagyang tinapik. Wala sa sarili siyang lumingon sa akin. Ang ulo lang nito ang ginalaw at pinanatili ang posisyon nito. "Senyorito!, kanina ka pa tinatawag eh. Ano ba kasing pag-uusapan natin ngayon?" "Ewan," hindi sigurado nitong sagot. Agad akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi. "Hindi mo alam? eh bakit ka pa nagpunta dito kung hindi ka rin naman pala sigurado sa sasabihin mo." napairap ako. "May pa 'we'll discuss something' ka pang nalalaman." tumikhim ako at pinalalim ang boses para gayahin ang sinabi niya kanina. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo.
"Hoy, ikaw magbayad ah." saad ko bago kumagat sa fresh lumpia, syempre libre ni Caloy. "Salamat!" malapad akong ngumiti sa kanya, hindi pinapakita ang ipin dahil ngumunguya pa ako. Nakasimangot naman siyang tumango sa akin. "Napipilitan ka? bakit? ako ba nagsabing ilibre mo ako?" pang-aasar ko pa sa kanya. Nasa canteen kami ngayon, kumakain siya ng nilagang baka. Gutom na daw siya pero hindi siya makapunta ng canteen dahil may bumubuntot sa kanya na mortal. Sinabi ko ngang pabayaan niya na lang pero ang asong gala hinila na lang ako basta at ginawang panangga. Natatakot daw siya, baka sa pagkainis niya eh makain niya ng wala sa oras. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang mamataan ko ang mortal na buntot ng buntot kay Caloy, kakapasok lang sa canteen. Palinga-linga ito at parang may hinahanap. pagkadako sa direksyon namin ng paningin niya ay otomatiko kong inabot ang braso ni Caloy at hinaplos ito. Sinikap kong magmukhang nilalandi ko
"Pinapabigay po kay Madame Annastasya." otomatikong umangt ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan ko. Pagtingin ko sa bukana ng silid ay may babaeng nakauniporme na may dalang tray na naglalaman ng pagkain. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa katulong sa mansyon na ito. "WoOw, kanino galing?" may bahid ng panunuksong saad ni Trice. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bawal pong sabihin." tanging saad lang ng babae. Tumayo na ako at kinuha ang tray. Nagpasalamat ako kay ate na nagdala ng pagkain pero ang sinagot niya sa akin ay, "Makakarating po." "Bigatin! Pinapadalhan!." patudsada ni Trice. May dala pang papilantik sa daliri habang sinasabi niya 'yan. "Gusto mo? Sabay na tayong maglunch." alok ko kay Trice pero umasim lang ang mukha niya nang makita ang mga pagkain sa tray. Puro gulay at masusustansyang pagkain lang kasi ang laman nito. "NO. Hindi ako kumakain
"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. "Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. "Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam
"So, is he the reason?" natigil ako sa paglalakad nang may magsalita sa likod ko. I choose not to look back. Boses pa lang alam ko na kung sino. Pinagpatuloy ko ang paglalakad as if I heard nothing. Saktong pagkaliko ko ay may kamay na pumigil sa akin at naramdaman kong may kung anong tinakip sa bandang ulo ko. At tama nga ako, ang senyorito ito at ang balabal niya. "Annastasya, we need to talk." sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay ramdam ko ang hininga niya sa bawat pagbigkas niya sa mga salita. Kinikilabotan ako. "Senyorito, nasa gitna tayo ng selebrasyon. Baka may makakita sa atin." walang emosyon kong saad at pilit akong lumalayo sa kanya ng hindi lumalabas sa balabal. "I don't care. We need to clear things out, Tasya. Please." hindi ko mapigilang mapairap sa mga narinig ko sa kanya. "Well, I care.!" mahina ngunit puno ng emosyon kong saad. " Kung ikaw wala kang pake sa kung sino ang pwede
"Trice, uuwi ka na?" sumandal ako sa pader, tinignan ko si Beatrice na busy kakascan ng papers. Napanguso ako. "Hindi pa. Mauna ka na. Medyo matatagalan pa ako. Kailangan to bukas eh." halata sa boses at mukha niya ang pagka taranta. Umupo ako sa harap niya at kumuha ng paper. Tutulungan ko na lang siya. "Hoy! ano ba!. Ako na to okay? umuwi ka na." kinuha niya ang papers na hawak ko at binalik sa dating kalagyan. Isa ito sa mga ayaw ko kay Trice. Hindi siya tumatanggap ng tulong. "Tulungan na kita. Ayaw ko pang umuwi eh." I insisted. Kinuha ko ulit ang papel pero pinigilan niya ako. "Annastasya..." mas lalong sumimangot ang mukha ko sa tono niya. Umismid ako at tumayo na lang. "Kung ayaw mong magpatulong edi sige, hihintayin na lang kita. Sa table ko lang ako." aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagpa-awa pa ako ng mukha nang humarap ako sa kanya. Akala ko papatulungin
"What are you doing? Bakit ka nandito? Don't you have class?" sunod-sunod na tanong ni Vin. Pabalik na kami sa mansyon nila, pinapauna akong bumalik para ma-train na daw ni Beatrice. Kulang daw kasi ako sa training sabi ni Senyorito Vincent, paano namang hindi eh first day na first day ko ngayon. "Annastasya.." natigil ako sa paglalakad at nagbuntong hininga. "Nalaman ni Impo na nag-aaral ako kaya pinatigil na ako at eto, ginawa akong sekretarya ng papa mo." "What?" hindi makapaniwala niyang tanong. Peke lang akong ngumiti sa kanya. "Is that the reason why you suddenly disappeared? ni hindi man lang kita macontact." "Sorry, kasi kinuha ni Impo ang phone. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, siguro sinama niya sa mga sinunug niyang gamit ko. Pwede po bang huhulug-hulugan ko na lang po?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papalabas ng office nila. Punirarya pala nila iyong napasukan ko at nagkataong opisina ni Vin. Isa sa neg
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan ako ni Impo? Sa dinami rami ng pwede bakit ako pa?Talaga bang ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko? Bakit niya ako ikukulong sa responsibilidad na hindi ko naman gusto?"Impo, paki-usap ayaw ko po. Natatakot po ako sa Senyor." gusto niya akong maging sekretarya ng Senyor. Iyon pala ang tinutukoy ng Senyor na hindi ko alam at ang dahilan kung bakit sinama niya ako sa tahanan ng Senyor na hindi naman niya talaga ginagawa."Tumigil ka. Sa Senyor natatakot ka pero sa mga tao hindi? anong klaseng pag-iisip mayroon ka ha?!""Iba po ang Senyor at iba po ang mga tao, Impo." sinubukan kong depensahan ang sarili ko pero mas lalo lang siyang nagalit."Mas pinipili mo ang mga tao kesa sa mga kalahi mo? Mas gusto mo pa silang makasalamuha at pagsilbihan? Paano kapag nalaman nila ang totoong ikaw? Ha? Sa tingin mo ganyan ka pa 'rin nila ta-tratuhin?! Halimaw ka sa paningin nila.!""Bakit? Hindi p
"Hi Ate Tasya," lumingon ako sa tumawag sa akin. Ngumiti ako ng makilala ko ang tumawag sa akin. "Hi Mira, magandang umago sa'yo!. Mag-aral ng mabuti." pagbati ko pabalik sa kanya. Isa siya sa mga naging kaibigan ko. Magdadalawang linggo na kaming nakatira dito sa kanila Caloy. Pinapayagan na 'din akong lumabas labas ni Impo pero mainit pa 'rin ang mata niya sa akin. "Pasok na po ako ate. Kita na lang tayo mamaya.!" paalam niya. I waved my hands as I said my good byes at her. Nasa highschool pa lang kasi siya at ang sa pagkakaalam niya eh magpinsan kami ni Caloy at magkasing-edad lang. Binuhat ko na ang balde ng tubig papasok sa kusina. Nag-igib lang kasi ako ng tubig sa may imbakan ng tubig nila Caloy sa labas nang makita ako ni Mira kaya medyo natagalan. "Sino 'yung kausap mo kanina?" tanong ni Impo, nasa labas ang tingin pagkapasok ko sa kusina. "Ah, kapitbahay lang po." "Mag-ayos ka ng sarili mo. May p
"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon.Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo.Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon."Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat.Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga.""Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh.""Dito m
Sabado at magkikita kami ni Vin, may pupuntahan daw kami. Madami pa akong paperworks na naiwan sa bahay pero bahala na. Mamayang gabi ko na lang gagawin yun. Nang makita ko ang kotse niya ay lumapit agad ako. Luminga linga pa ako para siguraduhin na walang makakita sa akin. Mahirap na no. Secret task ang ginagawa namin. Baka may makaalam na iba. "Saan tayo? iinom nanaman ba ako ng dugo?" pambungad ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan niya. "No, we're actually going to the city." pinaandar na niya ang kotse, ako naman ay humanap ako ng komportableng pwesto, hindi naman masyadong malayo ang syudad. Sakto lang. Ano kayang gagawin namin do'n? Nakatulog a