Share

Chapter 9

last update Last Updated: 2021-08-11 19:50:45

Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame nang marinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha at mas lumawak ang aking ngiti nang makita kung sino 'yong caller.

            

"Hello," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag.

            

"Magtungo ka sa balkonahe," wika nito at napakunot noo naman ako pero kahit gano'n ay nagtungo pa rin ako sa balkonahe at nakita siyang nakatingala sa kinaroroonan ng aking kwarto.

            

"Good morning." Bati nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti dahil kumaway-kaway pa si Allen sa akin mula sa baba.

            

"Good morning." Pabalik kong bati ko nang hindi binababa ang tawag. Mayamaya'y biglang pumasok ng kwarto si Celestine at lumapit sa aking kinaroroonan.

            

"Oh Allen. Anong ginagawa mo diyan? At saka bakit magka-usap kayo? Wait. Bati na kayo?" sunod-sunod na tanong sa amin ni Celestine.

            

"Yes and actually, I have something to tell you cousin," wika ko.

            

"What is it?"

            

"Uhm me and Allen were in a relationship." 

            

"WHAT???" Nanlalaki ang mga mata ni Celestine habang papalit-palit nang tingin sa amin ni Allen.

   

"Really?"

            

"Yes," sagot ko at niyakap naman niya ako.

            

"Wow. Congrats to the both of you. Ikaw ha kailan pa naging kayo?" 

            

"2 days ago. Sorry Celestine kung ngayon ko lang sinabi sayo."

            

"No that's okay. I'm happy for the both of you especially you Diana. Fight for your love. Mabuti pa ay bumaba ka na at puntahan siya para makapaglibot-libot pa kayo rito sa resort dahil huling araw na natin dito," wika ni Celestine. Oo nga pala. Pangatlong araw na namin rito sa resort. Actually, dalawang araw lang sana kami magi-stay rito pero na extend dahil 'yong iba naming mga kasama ay ayaw pang umuwi kahapon kaya ayun na extend.

            

"Sige," wika ko at lumabas na ng kwarto.

            

"Good morning." Bati ulit sa akin ni Allen nang makalapit na ako sa kanya at hinalikan ako sa aking noo habang yakap-yakap ako.

            

"Binati mo na ako nang good morning kanina ah." 

            

"Eh gusto kitang batiin ulit eh," wika nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

            

"Nagugutom na ako. Tara na sa restaurant," wika ko at hinila si Allen sa restaurant ng resort. Pagdating namin ay nadatnan namin sina Fiyonah na kumakain na at nandoon na rin si Celestine. Mas nauna pa akong bumaba pero mas nauna pa siyang nakarating dito. Marahil hindi ko siya napansin kanina nang daanan niya kami ni Allen.

            

"Diana, Allen dito na kayo." tawag nila sa amin kaya nagtungo kami sa kinaroroonan nina Fiyonah.

         

"The love birds are already here," wika ni Celestine at may nakakalokong ngiti.

            

"Sorry cousin kung nasabi ko sa kanila 'yong tungkol sa inyong dalawa ni Allen." 

            

"It's okay," wika ko naman.

            

"Hayy naku kahit hindi sinabi sa amin ni Celestine 'yong tungkol sa inyong dalawa eh nahahalata naman namin na may something talaga kayo dahil sa mga galawan niyo," wika ni Lynjel na siyang sinang-ayunan naman ng aming mga kasama at syempre inasar nila kami ni Allen. Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan kaming lahat na magswimming.

            

"Wahhh" sigaw ni Fiyonah nang mag-slide ito pababa sa swimming pool.

            

"Tara sa slide," wika ni Allen at hinawakan ang aking kamay. Umahon kaming dalawa sa pool at nagtungo sa mala-kweba na may hagdan kung saan doon kami aakyat patungo sa slide.

            

"Wow." Bulalas ko habang umaakyat kami dahil napakalamig dito sa mala-kwebang ito at siguro masarap ding magtambay dito dahil maraming mga nakatambay dito na nadadaanan namin eh.

            

Pagkarating namin sa taas kung saan ka magi-slide ay nauna nang nag-slide si Allen. Itinaas pa nito ang kanyang mga kamay.

            

"Diana slide na," wika ni Celestine. Umupo na ako sa dulo ng slide at nakahawak ako sa may gilid dahil sa totoo lang natatakot ako kase mataas 'tong slide. May fear of heights kase ako. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob. Binitawan ko na ang pagkakahawak sa may gilid at nag-slide na. Pagkabagsak ko sa tubig ay agad akong nilapitan ni Allen at niyakap.

            

"Ayos ka lang ba?," tanong nito at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na nasa aking mukha.

            

"Oo naman. Ang saya palang mag-slide." 

            

"Bakit ngayon mo lang ba naranasan?"

            

"Oo. Takot kase ako sa matataas na lugar eh."

            

"Huwag kang mag-alala kase sasamahan kitang harapin ang mga bagay na kinakatakutan mo," wika nito kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi. I never imagined na gagawin ko ang mga ganitong bagay.

            

"Oh tama na muna 'yang lambingan," wika ni Fiyonah kaya napailing-iling na lang kami ni Allen.

            

Mayamaya'y napagdesisyonan nina Lynjel na mag-banana boat kase hindi natuloy kahapon kaya umahon kami sa swimming pool at nagtungo sa dagat pero sina Lynjel at Clifford ay may kinausap muna.

            

"Here, wear this," wika ni Lynjel at binigyan kami isa-isa ng life vest. Nakaayos na rin yung jetski at banana boat.

            

I'm so excited," wika ng iba naming mga kasama at halata nga na excited na sila. Nang masuot na namin ang life vest namin ay sumakay na kami sa banana boat.

            

"Kumapit ka ng maayos ha." Paalala sa akin ni Allen na nasa aking likuran. Nilingon ko siya at nginitian.

            

"Waahhhhhhhhhhhhhhhh"

            

"Yoooohooooooooo" Kanya-kanyang sigaw namin dahil sa bilis ng takbo ng banana boat at medyo malayo na rin kami sa dalampasigan.

            

"Wahhhhhhhhhhh" sigaw muli namin ng bumaliktad ang sinasakyan naming banana boat.

            

Mabuti na lang at may suot kaming life vest dahil nahulog kami sa malalim. Sumakay ulit kami sa banana boat ng ilang beses at syempre maraming beses din kaming nahulog. 

            

Pagkatapos ay naglaro pa kami ng volleyball kaya heto kami ngayon sa isang cottage dito sa resort nagpapahinga at kumakain dahil lunch time na. Pero dahil nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mga mata ay napagdesisyonan kong sa room na lang namin nina Celestine ako magpapahinga kaya agad akong umalis sa cottage.

            

Pagdating ko sa room namin ay agad akong nagtungo sa bathroom para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at tinuyo ang aking buhok gamit ang blower. At ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ipinikit ang aking mga mata dahil inaantok na talaga ako. Pero nagising ako makalipas siguro ang ilang oras dahil naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya napamulat ako ng mata at napangiti na lang nang makitang si Allen lang pala. Nakahiga ito sa aking tabi. Nakaharap sa akin at tinititigan ako.

            

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko.

            

"Hindi naman. Mga limang minuto palang ako rito." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ngumiti.

            

"Bangon na. Malapit na ang takipsilim," Bumangon na ako at syempre agad akong tumungo sa bathroom para ayusin ang sarili.

            

"Tara sa restaurant. Nagugutom ako," wika ni Allen pagkalabas ko sa bathroom.

            

"Sige." wika ko at lumabas na kami ng kwarto patungo sa restaurant.

            

Nang makarating na kami sa restaurant dito sa resort ay agad kaming naghanap ng mauupuan.

            

"Here's the list of menu ma'am/sir," wika ng isang babae at iniabot iyon sa amin. Nag-order na kami at makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na ang orders naming pagkain. Kumain lang kami nang kumain ni Allen at pagkatapos ay napagdesisyonan naming magtungo sa dalampasigan para maglakad-lakad at saka para na rin pagmasdan ang paglubog ng araw.

            

Pagdating namin sa dalampasigan ay nadatnan namin ang ilang tao na naglalakad-lakad din. Mayamaya ay tumigil kami sa paglalakad. Nakayakap sa akin si Allen mula sa aking likod. Nakasandal naman ang kanyang baba sa aking balikat kaya damang-dama ko ang kanyang hininga sa aking leeg samantalang ako ay nakasandal sa matikas nitong dibdib.

            

"Sana palagi na lang tayong ganito. 'Yong masaya tayo palagi."

            

"Sana nga ngunit alam nating pareho na ang buhay ay hindi laging masaya pero nasa sa atin pa rin kung pipiliin nating maging masaya o malugmok na lang sa lungkot."

            

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa mapagdesisyonan namin na magtungo sa cottage kung saan naroon ang aming mga kasama.

         

"Oh Diana and Allen baka pwedeng patulong sa pagbubuhat nitong mga pagkain doon sa malapit sa dagat," wika ng isa sa mga pinsan ni Lynjel na si Kayeshel.

            

"Sige po." Sabay naming bulalas ni Allen at sinimulan na namin ang pagbubuhat ng mga pagkain.

            

Makalipas ang ilang oras ay heto kami ngayon sa malapit sa dagat at nagkakasiyahan. Lahat kami ay nakapalibot sa bonfire at may kanya-kanyang hawak na inumin. Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si mommy.

            

"Guys excuse lang ha. Sagutin ko lang 'tong tawag," wika ko at tumango naman sila kaya lumayo muna ako para marinig 'yong sasabihin ni mommy kase maingay 'yong iba naming kasama.

            

"Hello mommy."

            

[What are you doing right now?] Tanong nito mula sa kabilang linya. Napatingin naman ako sa kinaroroonan nina Celestine at sa mga kasamahan namin.

            

"I'm at a resort and I'm just having fun with my friends here mommy. Why?"

            

[Mabuti pa umalis ka na diyan sa resort na 'yan at mag-empake ka na dahil gusto kong bumalik ka na agad dito.]

            

"What? Pero mommy I still have 2 days left to stay here."

            

[No buts Diana. Pinagbigyan na kita sa gusto mong magbakasyon. Ngayon gusto kong ayusin mo na 'yang mga gamit mo at umuwi ka na dito. Bukas ay magpapahatid ka sa driver ni Celestine pabalik dito.]

            

"But mom—"

            

[Huwag ng magmatigas Diana,] wika nito at ibinaba na ang telepono. Ayoko pang bumalik sa Manila. Nakakainis naman si mommy eh. Napasabunot na lang ako sa aking buhok at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. Bumalik na ako sa kinaroroonan nina Celestine at umupo sa pwesto ko kanina.

            

"Guys," wika ko at napatingin naman sila sa akin.

            

"I need to go now. Pinapabalik na kase ako ni mommy at bukas na ang alis ko. So, kailangan ko nang umuwi sa bahay nina Celestine para makapag-empake." Para namang tumamlay ang kanilang mukha dahil sa sinabi ko lalo na si Allen.

            

"Pero gabi na. Mabuti pa magpalipas ka na lang ng gabi rito." 

            

"No. Maaga akong aalis bukas. Sorry talaga." Paumanhin ko sa kanilang lahat.

            

"Eh pakiusapan mo na lang muna 'yong mommy mo na sa susunod na araw ka na lang umuwi," wika ni Fiyonah na agad kong ikinailing.

            

"Tita won't let her," wika naman ni Celestine.

            

"Hayy mami- miss ka namin," wika nilang lahat at nag-group hug kami.

Nagtungo ako sa room namin sa hotel ng resort kasama ko sina Celestine at Allen. Pagdating namin sa kwarto ay inayos ko ' yong mga gamit ko na dinala ko dito sa resort.

            

"Cousin. Hindi kita masasamahan pabalik ng Manila. Sorry talaga." 

"No it's okay. Mami-miss kita," wika ko at niyakap si Celestine.

            

"Ako rin. Basta kapag may problema ka tawagan mo lang ako ha," wika niya at tumango naman ako. Lumabas na kami sa kwarto at nagtungo sa parking lot.

            

"Sige. Allen, Diana mag-ingat kayo sa daan," wika ni Celestine. Napatingin naman ako kay Allen na matamlay ang mukha.

           

 "Sige. Bye." Sumakay na kami ni Allen sa sasakyan at habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kami pareho. Pagdating namin sa bahay nina Celestine ay akala ko babalik siya agad sa resort pero hindi.

            

"Allen bumalik ka na sa resort." 

            

"Ayoko. Gusto kong sulitin ang mga natitirang oras na kasama kita dahil aalis ka na pabalik ng Manila bukas. Sana hayaan mo akong manatili."

            

"Sige," wika ko at ngumiti siya pero may bahid iyon nang lungkot. Nagtungo kami sa kwarto at nakatingin lang siya sa akin habang nag-eempake.

            

"Hindi ba talaga pwedeng mag-stay ka pa rito kahit dalawang araw lang?" tanong nito nang tapos ko akong mag-empake. Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya.

            

"Gustuhin ko man pero wala akong magawa eh."

            

"Paano na tayo kapag nasa Manila ka na? Ano nang mangyayari sa relasyon natin?"

            

"Allen hindi ko alam pero ayokong maputol 'yong kung ano man ang meron tayo."

     

"Pero paano eh ikakasal ka na?"

            

"I don't know but don't worry. I'll make sure na hindi matutuloy 'yong kasal. Hindi ko nga lang alam kung paano pero please magtiwala ka lang sa'kin," wika ko at hinawakan ang kanyang kamay.

            

"Magtitiwala ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

            

"May tiwala ako sayo Diana," wika naman niya at niyakap ako. I'm sorry Allen kung masasaktan ka na naman ng dahil sa'kin pero huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat matupad lang ang mga binitawan kong salita sayo. 

                                    ~~~

            

"Diana mag-iingat ka. Tatawagan natin palagi ang isa't-isa. Kapag may pagkakataon na makakapunta ako ng Manila ay hahanapin kita pangako."

            

"Sige hihintayin kita," wika ko naman at niyakap siya. May tumulong mga luha sa aking pisngi pero agad ko itong pinunasan at kumalas na sa pagkakayakap. 

            

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Diana."

            

"Ako din. Mahal na mahal din kita allen." Papasok na sana ako sa sasakyan nang niyakap niya akong muli at hinalikan sa aking noo. Pagkatapos ay tuluyan na akong sumakay sa sasakyan at umalis. I hope to see you soon Allen.

Related chapters

  • The Tragic Romance   Chapter 10

    Pagdating ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mommy kasama si daddy. Nang makalapit ako sa kanila ay nagmano ako at inilagay ng mga kasambahay namin yung mga gamit ko sa aking silid. "Mabuti naman at sinunod mo ako. Matagal-tagal ka rin na nanatili sa Cagayan kaya ngayon ay ang nalalapit mong kasal ang pagtuunan mo nang atensyon. Magkakaroon din tayo nang dinner with Eric's family kaya magpahinga ka na muna." Napatango na lang ako sa tinuran ni mommy at nagtungo na ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid at napagtantong wala pa rin itong pinagbago. Matagal-tagal din akong nawala at kahit naman papaano ay namimiss kong manatili sa silid na ito. Hihiga na sana ako sa aking kama ng marinig na tumunog ang aking cellphone. I just received a message fro

    Last Updated : 2021-08-12
  • The Tragic Romance   Chapter 11

    "Hi cuz, saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Celestine habang nakatingin ito sa akin. Celestine is back and I'm so glad that she's here. Siya lang kase ang kakampi ko sa mga kamag-anak ko. "Me and Allen will be having a date," wika ko at kita ko naman ang kurbang lumitaw sa kanyang mga labi. "Sana all na lang insan." Napailing na lang ako sa tinuran nito at lumabas na kami ng kwarto. Paglabas namin ay agad na bumungad sa amin si Eric na siyang ikinapawi ng aking ngiti. "Oh Eric nandito ka pala. Anong sadya mo?" wika ni Celestine. "Sino pa ba kundi si Diana," sagot naman nito. "Oh pero pasensya na Eric. May lakad kase kami ni Diana ngayon eh," wika naman ni Celestine at

    Last Updated : 2021-08-13
  • The Tragic Romance   Chapter 12

    Ilang araw na rin na hindi ko nasisilayan o nakakausap man lang si Allen. Lahat kase ng gadgets ko ay kinuha ni mommy kaya hindi ko magawang makipagcommunicate kay Allen at hindi rin ako hinahayaan ni mommy na may bumisita sa akin kahit na si Celestine. They treat me like a bird that should be kept in a cage. Ngayon ay nakatulala lang ako sa may bintana at hindi mapigilan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Ngunit nang marinig kong bumukas ang pinto ay napatingin ako doon at nakita si mommy. Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mga luha. Hinahaplos din nito ang aking buhok at tinignan ako sa aking mga mata nang diretso. "Huwag ka nang magdrama Diana. Lahat ng mga ginagawa at pinapagawa namin sayo ay para rin sa ikabubuti mo," wika nito na siyang agad kong ikinailing. "No mom. Ginagawa ni

    Last Updated : 2021-08-14
  • The Tragic Romance   Chapter 13

    Nakatanaw lamang ako sa dagat at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Malapit lang kase sa dagat ang bahay na tinutuluyan namin ngayon ni Allen. Mas malapit ito kumpara sa bahay nina celestine sa Cagayan. Kase talagang napakalapit lang sa dagat. Napapikit ako ng mata ng mas lalong humangin nang malakas at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang tila pagbabalik ko sa reyalidad. Napaisip ako kung ano ang nangyari kahapon sa araw na dapat gaganapin Ang aking kasal namin ni Eric. Nakapatay kase ang phone ko mula pa kahapon para hindi ako matawagan nina mommy. Siguradong galit na galit na si mommy dahil sa nangyari. Pero hindi ako nagsisisi sa aking ginawang pagtakas dahil ayokong matali habang buhay sa taong hindi ko mahal. Hindi ba nila alam na wala silang karapatan para diktahan ako sa kung sino ang taong dapat kung mahalin at kung sino ang hindi. Sakal na

    Last Updated : 2021-08-15
  • The Tragic Romance   Chapter 14

    Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si mommy at nasa tapat na ako ng kanyang kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa kwartong kinaroroonan ni mommy. Agad nama na napatingin sa akin ang mga magulang ko at si Eric. He's here. Naglakad ako palapit kay daddy at magmamano sana ako nang biglang malakas na dumapo sa aking pisngi ang kanyang kamay. Na siyang dahilan kung bakit napahawak ako sa aking pisngi. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. "D—Dad," wika ko at napatingin sa kanya. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin at magkasalubong na ang kanyang mga kilay. "You're a disgrace to our family! I never imagined that I raised a child like you. Walang ibang ginawa kundi bi

    Last Updated : 2021-08-16
  • The Tragic Romance   Chapter 15

    Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko. Malamig pa rin sila sa akin. Hindi ko na rin nakikita si Eric na siyang ipinagpapasalamat ko. Ngayon ay magtutungo muli ako sa hospital para bisitahin si mommy kaya nagmadali akong umalis sa apartment at agad na nagtungo sa hospital. Pero laking gulat ko nang malaman kong kaka-discharge lang ni mommy. Kaya nagtungo naman ako sa bahay."Ma'am Diana," wika ng kasambahay namin na nagbukas ng gate para sa akin."Nandito na ba si mommy?" tanong ko sa kasambahay."Ah opo. Kadarating nga lang po nila. Pasok po kayo." Napatango naman ako at tuluyang pumasok sa bahay. Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nina mommy at nadatnan ko naman na inaalalayan ni daddy si mommy para humiga sa kanyang kama. Lumapit ako sa kanila para tulungan si daddy."What are you doing here Diana?" tanong sa akin ni daddy at ti

    Last Updated : 2021-08-19
  • The Tragic Romance   Chapter 16

    "Good morning," bati ko kay manager Cassandra pagkapasok ko sa cafeteria. Maaga akong pumasok dahil ngayon ang unang araw ko rito sa cafeteria at ayoko naman na magkaroon sila ng bad impression sa akin."Good morning too. Oh by the way, heto nga pala ang isusuot mo. Magpalit ka na doon sa staff area," wika nito at iniabot sa akin ang hawak nitong damit. Kinuha ko naman iyon at agad na nagtungo sa staff area para magpalit ng damit. Nang tapos na akong magpit ng damit ay lumapit muli ako kay manager para tanungin kung anong gagawin ko."You will gonna serve our customer for now, and soon we'll going to teach you how to make our coffee." Napangiti naman ako sa sinambit ni manager at tumango sa kanya. At habang naghihintay kami ng mga customer ay inayos muna namin ang mga dapat ayusin dito sa cafe at unti-unti na rin na nagsisidatingan ang aming mga kasamahan. Pati na rin ang mga customers kaya busy na ang lahat."Dian

    Last Updated : 2021-08-20
  • The Tragic Romance   Chapter 17

    As usual, kapag nakaalis na si Allen para pumasok sa kanyang bagong trabaho ay siyang sunod ko naman na alis sa apartment para magtungo sa cafeteria na pinagtatrabahuan ko. Until now, hindi pa alam ni Allen ang tungkol sa ginagawa ko at dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa cafeteria.At ngayon nandito ako sa cafeteria at lahat ng staff ay busy na naman dahil sa sunod-sunod ang mga nagsisidatingan na mga customers. Karamihan sa mga ito ay mga estudyante.Sa totoo lang hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngayon per pumasok pa rin ako sa trabaho at kinakayang magtrabaho. Hindi nga dapat ako papasok pero sayang naman kung hindi ako papasok at isa pa ay nag-leave 'yong isang kasama namin kaya naman kailangan kong pumasok. Kahit na masakit ang ulo ko, nahihilo din ako at may lagnat din. I need to work."Diana ayos ka lang ba? Parang matamlay ka," tanong ni Kaye at ipinatong ang likod ng kanyang palad sa aking no

    Last Updated : 2021-08-21

Latest chapter

  • The Tragic Romance   Chapter 26

    "You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai

  • The Tragic Romance   Chapter 25

    "Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi

  • The Tragic Romance   Chapter 24

    Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.

  • The Tragic Romance   Chapter 23

    "I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.

  • The Tragic Romance   Chapter 22

    "Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking

  • The Tragic Romance   Chapter 21

    "Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p

  • The Tragic Romance   Chapter 20

    "Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment."Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin."Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta a

  • The Tragic Romance   Chapter 19

    "I'm going home. See you," I texted Allen when I got out of the cafeteria and was about to look for a taxi. When a car suddenly stopped right in front of me. The window is tinted so, I can't see who's inside the car and when the car opened. An unexpected person stepped out from the car. It's Eric. Our eyes met and I quickly averted my gaze on him. What is he doing here again?"Diana," he said and walk towards me. But I didn't mind him as if I'm not aware that he's right in front of me."Diana, please talk to me." At dahil hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya nakikita ay nagsalita na ako."Ano bang pag-uusapan natin Eric?""Let's talk about us.""Us? Ano bang pinagsasabi mo Eric? Walang tayo at isa pa hindi naging tayo. At kailan ma'y hindi magkakaroon ng tayo kaya pwede ba hayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko kaya tantanan mo na ako. Huwag ka na rin umasa na papa

  • The Tragic Romance   Chapter 18

    "Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon."Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my fac

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status