"Hayy akala ko ba maaga tayong pupunta sa Rai atruim?" tanong ni Celestine nang makarating kami sa bahay nina Lynjel. Nakasakay kami sa sasakyan nina Celestine dahil hindi kami lahat magkakasya kung isang sasakyan lang ang gagamitin namin.
"Eh akala ko nga rin eh. Wala pa kase sina Fiyonah. Talaga namang ang bagal sa paggalaw ang babaeng iyon," wika naman ni Lynjel at napailing-iling. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang iba naming kasama at ilang minuto din ang lumipas bago sila dumating.
"Tara na," wika ni Lynjel. Sumakay na sila sa sasakyan nila kasama ang kanyang pamilya at sa kabilang sasakyan 'yong iba pang inimbitaban nila. Samantalang ako, si Celestine, Fiyonah, Kevin at Allen ang magkakasama sa iisang sasakyan. Bale katabi ko si Celestine. Si Fiyonah at Kevin naman ang magkatabi tapos si Allen ay nakaupo sa harap katabi ni manong Jose na driver nina Celestine.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kami. May kanya-kanyang mundo ang bawat isa. Dahil sa tingin ko ay medyo matagal pa ang biyahe kaya isinandal ko sa bintana ang aking ulo at nakinig na lang ng music hanggang sa unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
"Diana gising na." Rinig kong wika ni Kevin at tinapik pa ako nang mahina sa aking balikat kaya napamulat na ako ng mga mata.
Lumabas na ako ng sasakyan at kinuha ang aking gamit sa likod nito at pumasok kami sa isang hotel. Pagpasok namin ay agad kaming dumiretso sa receptionist.
"Good morning ma'am/sir." Nakangiting wika ng dalawang babaeng receptionist.
"Ako na ang kukuha ng mga kwarto," wika ni Lynjel kaya siya na ang nakipag-usap sa mga receptionist.
Makalipas lang ang ilang sandali ay tapos na si Lynjel sa pakikipag-usap sa mga receptionist at ibinigay na sa amin ang susi ng kwarto na tutuluyan namin. So, bale apat na tao ang magsasama-sam sa isang kwarto dahil dalawang malalaking kama ang kinuha ni Lynjel sa bawat kwarto.
"Let's go to our room," wika ni Lynjel kaya naglakad kami paakyat sa hagdan patungo sa magiging kwarto namin sa pag-stay namin rito. I actually don't have any idea what place this is. All I know was its name Rai Atrium.
Pumasok na kami nina Celestine, Fiyonah at Lynjel sa isang malawak na kwarto. Kami ang magkakasama sa kwartong ito. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto. The room is spacious and warm. There are two queen size beds covered with white sheets. The wall is painted with a peach color and the curtains are color white. There are also roses in the vase placed in the table between the two beds. The room is just simple that makes me feel more comfortable. I prefer simple things. But what I like more about this room is because it's neat.
"Wow. Guys look." Rinig kong wika ni Fiyonah kaya napatingin ako sa kinaroroonan niya.
Nakalihis ang kurtina ng pintuang salamin sa may balkonahe ng kwarto at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang tinutukoy ni Fiyonah kaya naman lumapit ako sa kinaroroonan niya kasama si Celestine.
Binuksan namin ang pinto at nagtungo sa balkonahe. At pinagmasdan ang paligid. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw namin ang malawak na dagat. Mga cottage, swimming pool, play ground at mga taong may kanya-kanyang ginagawa. Words aren't enough to describe this place and honestly, I can't find the right words to describe this wonderful place. It's just so pleasing to the eyes.
Nanatili ako sa balkonahe nang ilang minuto para tingnan ang taglay na ganda ng lugar na ito bago napagdesisyonang ayusin ang mga gamit ko. Nanatili sila fiyonah at lynjel doon sa balkonahe samantalang si Celestine ay abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Ok guys the celebration will start at exactly 3 pm so, you can still roam around the resort," wika ni Lynjel at umalis ito ng kwarto.
Nang tapos ko nang maayos ang mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto para maglibot-libot. Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapahanga sa aking mga nakikita. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa pool. Malawak ito at malinaw ang tubig. May slide din ito at talaga ngang napaka-effort naman ng taong nakaisip nang concept nito dahil para itong kuweba. May hagdan papunta sa taas kung saan doon ka magsisimulang mag-slide. Mataas ito kaya siguradong hindi maaring pumunta doon ang mga bata dahil na rin sa mataas ang slide at tila malalim din ang pool. At saaka may swimming pool naman na para lamang sa mga bata at sa mga nakatatanda.
Nakatayo lang ako sa gilid ng pool at nakatingin lang sa mga taong nagswi-swimming. Paalis na sana ako nang bigla akong mahulog sa pool dahil sa dalawang babaeng naghabulan at nabangga nila ako.
"Malalim nga ang pool. Mabuti na lang marunong akong lumango," wika ko sa aking isipan.
"Miss are you okay?" Biglang tanong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko ito pinansin at kinakalma ko ang sarili dahil sa pagkagulat sa nangyari.
"Miss are you okay?" ulit nitong tanong sa akin.
"Yeah. I'm fine," wika ko naman at aahon na sana ako nang hawakan niya ako sa aking palapulsuhan.
"What's your name miss?" Hindi ko ito pinansin at pilit umahon sa pool pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"What the hell is your problem? Let me go!" wika ko at alam kong magkasalubong na ang aking mga kilay. Hindi niya ako pinakinggan bagkus lumapit siya sa akin at halos maramdaman ko na ang kanyang hininga dahil sa sobrang lapit niya. Nagpupumilit akong kumawala sa kanya pero sadyang mas malakas siya kaysa sa akin. Yung mga ibang tao ay nakatingin lang sa amin at tila wala silang balak na tulungan ako.
"Let me go." Mangiyak-iyak kong wika dahil na rin sa takot na nararamdaman ko sa lalaking ito at sa sakit na dulot ng mahigpit niyang pagkakahawak sa aking palapulsuhan kaya napapikit na lang ako.
"Bitawan mo siya." Agad kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ang boses ng isang lalaki na alam kong nagngangalang Allen. Napatingin ako sa kanya at tila nanlilisik ang kanyang mga mata at kung nakakamatay lang siguro ang matalim na tingin ay baka kanina pa nakabulagta itong walanghiyang lalaking papansin na 'to.
"Who the heck are you?" Matapang na tanong ng lalaki kay allen pero hindi ko na hinintay pa na sumagot si Allen dahil ako na ang nagsalita.
"He's my boyfriend so, let me go," wika ko kaya naman binitawan na niya ako. Mabuti na lang talaga dumating si Allen.
"O—Ok," wika nito at itinaas ang dalawang kamay. Inilahad naman ni allen ang kanyang mga kamay at tinanggap ko iyon. Nang makaahon na ako ay hinila ako ni Allen sa lobby ng hotel at iniwan na ako. He still cares for me even if I hurt him.
Bumalik na ako sa kwarto namin nina Celestine at laking pasasalamat ko nang madatnan kong wala sila. Siguro ay naglibot-libot din sila. Dahil basang-basa ako ay agad akong nagtungo sa bathroom.
~~~
"Happy birthday Lynjel. Happy birthday happy birthday. Happy birthday lynjel. Yooohoooo" bati namin kay Lynjel sa pamamagitan nang pag-awit. She blowed the candles of her cakes then everyone claps.
"Syempre bago tayo kumain let's play first," wika nito at halatang excited ang lahat. Nasa malapit kami sa dagat dahil mas maganda rito at nang hindi rin namin ang mga ibang tao rito sa resort.
"So, ang unang lalaruin natin ay pitik calamansi," wika nito kaya pumili na ng mga kagrupo nila yung gustong maglaro.
Naglaro lang nang naglaro yung mga kasama namin samantalang ako ay hindi sumali dahil hindi ko trip maglaro. Ilang oras din ang tinagal bago matapos ang pa-games ni Lynjel at heto kumakain na kami.
Madilim na ang paligid pero dahil sa may ilaw dito sa kinaroroonan namin ay hindi namin alintana ang dilim. Hindi nagtagal ay mas nakakasiyahan na kami. May kumakain, umiinom at kumakanta.
"Cheers," wika nila at nag-cheers nga kami. Yung mga mas matanda sa amin na mga kasama namin ay malakas na ang mga tama samantalang ako ay hindi pa naman masyado.
"Diana ikaw naman ang kumanta," wika ni Lynjel na siyang sinang-ayunan naman nilang lahat kaya nagpindot lang ako nang kahit anong numero doon sa videoke. Uminom muna ako nang maraming alak bago umawit. Pampalakas lang nang loob at sa ginawa kong iyon ay nakaramdam ako nang pagkahilo. At mayamaya'y sinimulan ko nang umawit.
"Allen kung alam mo lang. Mahal na mahal na kita pero hindi ko lang masabi-sabi sayo at natatakot akong sabihin iyon sayo lalo na ngayon na pakiramdam ko wala ka ng pagtingin sa akin," wika ko sa aking isipan habang kumakanta at hindi ko napigilang hindi maiyak. Nagiging drama queen na naman ako.
Nang tapos na akong kumanta ay napatingin ako kay Allen. Malamig pa rin ang mga tingin nito at umiiwas parin siya sa akin. Dahil hindi ko na makayanan ang sakit na nararamdaman ko ay umalis ako sa cottage at naglakad patungo sa kung saan man. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa mapagtanto kong nakaupo ako sa side ng swimming pool. Nag-unahan na naman sa pagtulo ang aking mga luha.
"Allen alam mo bang gusto rin kita, ay hindi dahil mahal na pala kita. Palagi akong nasasaktan sa tuwing malamig ang mga tingin mo sa akin at kapag uwiiwas ka. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit ganito tayo eh. Ang tanga-tanga ko kase. Hindi ko masabi sayo yung totoo.Mahal kita allen." Tinanggal ko ang singsing na suot ko at tinignan ito.
"Bakit ba kase may suot na akong engagement ring bago pa kita makilala Allen?" wika ko at napabuntong hininga. Isusuot ko na sana ang singsing nang di inaasahan ay nahulog ito kaya lumusong ako sa swimming pool para kunin iyon dahil malalagot ako kay mommy kapag nakita niyang hindi ko suot ang engagement ring namin ni Eric.
Mabuti na lang malinaw ang tubig at may ilaw kaya mabilis ko lang iyon nahanap. Dahil nag-eenjoy ako sa tubig ay lumangoy-langoy ako sa swimming pool. Nang mapagod na ako ay napagdesisyonan ko ng umahon pero hindi pa man ako nakakalangoy patungo sa gilid ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking binti.
"Cramps," wika ko sa aking isipan. Na siyang ikinabahala ko dahil hindi ako makaalis sa aking kinaroroonan at unti-unti na rin akong lumulubog.
"H—Help. He—" wika ko pero tila walang nakakarinig sa akin at naalala ko naman na walang masyadong tao rito sa kinaroroonan ko.
"H—Help," huli kong wika bago ako lumubog ng tuluyan at unti-unting nawalan ng ulirat. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagtapik sa aking pisngi kaya napamulat ako at napaubo.
"Allen," wika ko at agad na napayakap sa kanya. Niyakap din naman niya ako pabalik at napaluha muli.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo." sunod-sunod nitong tanong.
"Ayos lang ako."
"Mabuti naman. Alam mo bang pinag-alala mo ako," wika nito at halata ngang nag-aalala siya. Ang malalamig nitong tingin ay wala na at bumalik na ang mapupungay nitong mga mata.
"Ayos na ako kaya huwag ka nang mag-alala. Salamat sa pagligtas sa akin," wika ko at nakatingin lang sa kanya.
"Wala iyon," wika nito at muli akong napayakap sa kanya.
"Allen I'm so sorry."
"Para saan?"
"Sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Alam mo bang kasinungalingan lang ang lahat nang sinabi ko sayo noon na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo? Mahal din kita Allen pero hindi ko alam kung mahal mo pa rin ako. Marahil masyadong mabilis para maramdaman natin ito sa isa't-isa pero wala na akong pake kase alam kong totoo 'tong nararamdaman ko para sayo. Ganun din ba sayo?"
"Mahal parin kita diana at kailanma'y hindi iyon nabawasan bagkus nadagdagan pa," wika Niya at hinaplos ang aking pisngi. Napangiti nalang ako sa kanyang tinuran.
"So, pwede ba akong manligaw?"
"Ligaw? Huwag na. Mahal naman natin ang isa't-isa eh kaya mula ngayon tayo na," wika ko at inilapat ang aking labi sa malambot niyang labi na siyang ikinalaki ng kanyang mata. Alam kong hindi maganda itong ginagawa ko pero mahal ko si Allen at tama nga siguro na kahit man lang minsan ay gawin ko yung gusto ko at ito iyon. Ang mahalin at makasama ang lalaking iniibig ko na walang iba kundi si Allen.
Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame nang marinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha at mas lumawak ang aking ngiti nang makita kung sino 'yong caller. "Hello," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. "Magtungo ka sa balkonahe," wika nito at napakunot noo naman ako pero kahit gano'n ay nagtungo pa rin ako sa balkonahe at nakita siyang nakatingala sa kinaroroonan ng aking kwarto. "Good morning." Bati nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti dahil kumaway-kaway pa si Allen sa akin mula sa baba. "Good morning." Pabalik kong bati ko nang hindi binababa ang tawag. Mayamaya'y biglang pumasok ng kwarto si Celestine at lumapit sa aking kinaroroonan. &nb
Pagdating ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mommy kasama si daddy. Nang makalapit ako sa kanila ay nagmano ako at inilagay ng mga kasambahay namin yung mga gamit ko sa aking silid. "Mabuti naman at sinunod mo ako. Matagal-tagal ka rin na nanatili sa Cagayan kaya ngayon ay ang nalalapit mong kasal ang pagtuunan mo nang atensyon. Magkakaroon din tayo nang dinner with Eric's family kaya magpahinga ka na muna." Napatango na lang ako sa tinuran ni mommy at nagtungo na ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid at napagtantong wala pa rin itong pinagbago. Matagal-tagal din akong nawala at kahit naman papaano ay namimiss kong manatili sa silid na ito. Hihiga na sana ako sa aking kama ng marinig na tumunog ang aking cellphone. I just received a message fro
"Hi cuz, saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Celestine habang nakatingin ito sa akin. Celestine is back and I'm so glad that she's here. Siya lang kase ang kakampi ko sa mga kamag-anak ko. "Me and Allen will be having a date," wika ko at kita ko naman ang kurbang lumitaw sa kanyang mga labi. "Sana all na lang insan." Napailing na lang ako sa tinuran nito at lumabas na kami ng kwarto. Paglabas namin ay agad na bumungad sa amin si Eric na siyang ikinapawi ng aking ngiti. "Oh Eric nandito ka pala. Anong sadya mo?" wika ni Celestine. "Sino pa ba kundi si Diana," sagot naman nito. "Oh pero pasensya na Eric. May lakad kase kami ni Diana ngayon eh," wika naman ni Celestine at
Ilang araw na rin na hindi ko nasisilayan o nakakausap man lang si Allen. Lahat kase ng gadgets ko ay kinuha ni mommy kaya hindi ko magawang makipagcommunicate kay Allen at hindi rin ako hinahayaan ni mommy na may bumisita sa akin kahit na si Celestine. They treat me like a bird that should be kept in a cage. Ngayon ay nakatulala lang ako sa may bintana at hindi mapigilan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Ngunit nang marinig kong bumukas ang pinto ay napatingin ako doon at nakita si mommy. Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mga luha. Hinahaplos din nito ang aking buhok at tinignan ako sa aking mga mata nang diretso. "Huwag ka nang magdrama Diana. Lahat ng mga ginagawa at pinapagawa namin sayo ay para rin sa ikabubuti mo," wika nito na siyang agad kong ikinailing. "No mom. Ginagawa ni
Nakatanaw lamang ako sa dagat at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Malapit lang kase sa dagat ang bahay na tinutuluyan namin ngayon ni Allen. Mas malapit ito kumpara sa bahay nina celestine sa Cagayan. Kase talagang napakalapit lang sa dagat. Napapikit ako ng mata ng mas lalong humangin nang malakas at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang tila pagbabalik ko sa reyalidad. Napaisip ako kung ano ang nangyari kahapon sa araw na dapat gaganapin Ang aking kasal namin ni Eric. Nakapatay kase ang phone ko mula pa kahapon para hindi ako matawagan nina mommy. Siguradong galit na galit na si mommy dahil sa nangyari. Pero hindi ako nagsisisi sa aking ginawang pagtakas dahil ayokong matali habang buhay sa taong hindi ko mahal. Hindi ba nila alam na wala silang karapatan para diktahan ako sa kung sino ang taong dapat kung mahalin at kung sino ang hindi. Sakal na
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si mommy at nasa tapat na ako ng kanyang kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa kwartong kinaroroonan ni mommy. Agad nama na napatingin sa akin ang mga magulang ko at si Eric. He's here. Naglakad ako palapit kay daddy at magmamano sana ako nang biglang malakas na dumapo sa aking pisngi ang kanyang kamay. Na siyang dahilan kung bakit napahawak ako sa aking pisngi. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. "D—Dad," wika ko at napatingin sa kanya. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin at magkasalubong na ang kanyang mga kilay. "You're a disgrace to our family! I never imagined that I raised a child like you. Walang ibang ginawa kundi bi
Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko. Malamig pa rin sila sa akin. Hindi ko na rin nakikita si Eric na siyang ipinagpapasalamat ko. Ngayon ay magtutungo muli ako sa hospital para bisitahin si mommy kaya nagmadali akong umalis sa apartment at agad na nagtungo sa hospital. Pero laking gulat ko nang malaman kong kaka-discharge lang ni mommy. Kaya nagtungo naman ako sa bahay."Ma'am Diana," wika ng kasambahay namin na nagbukas ng gate para sa akin."Nandito na ba si mommy?" tanong ko sa kasambahay."Ah opo. Kadarating nga lang po nila. Pasok po kayo." Napatango naman ako at tuluyang pumasok sa bahay. Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nina mommy at nadatnan ko naman na inaalalayan ni daddy si mommy para humiga sa kanyang kama. Lumapit ako sa kanila para tulungan si daddy."What are you doing here Diana?" tanong sa akin ni daddy at ti
"Good morning," bati ko kay manager Cassandra pagkapasok ko sa cafeteria. Maaga akong pumasok dahil ngayon ang unang araw ko rito sa cafeteria at ayoko naman na magkaroon sila ng bad impression sa akin."Good morning too. Oh by the way, heto nga pala ang isusuot mo. Magpalit ka na doon sa staff area," wika nito at iniabot sa akin ang hawak nitong damit. Kinuha ko naman iyon at agad na nagtungo sa staff area para magpalit ng damit. Nang tapos na akong magpit ng damit ay lumapit muli ako kay manager para tanungin kung anong gagawin ko."You will gonna serve our customer for now, and soon we'll going to teach you how to make our coffee." Napangiti naman ako sa sinambit ni manager at tumango sa kanya. At habang naghihintay kami ng mga customer ay inayos muna namin ang mga dapat ayusin dito sa cafe at unti-unti na rin na nagsisidatingan ang aming mga kasamahan. Pati na rin ang mga customers kaya busy na ang lahat."Dian
"You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai
"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi
Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.
"Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking
"Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p
"Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment."Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin."Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta a
"I'm going home. See you," I texted Allen when I got out of the cafeteria and was about to look for a taxi. When a car suddenly stopped right in front of me. The window is tinted so, I can't see who's inside the car and when the car opened. An unexpected person stepped out from the car. It's Eric. Our eyes met and I quickly averted my gaze on him. What is he doing here again?"Diana," he said and walk towards me. But I didn't mind him as if I'm not aware that he's right in front of me."Diana, please talk to me." At dahil hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya nakikita ay nagsalita na ako."Ano bang pag-uusapan natin Eric?""Let's talk about us.""Us? Ano bang pinagsasabi mo Eric? Walang tayo at isa pa hindi naging tayo. At kailan ma'y hindi magkakaroon ng tayo kaya pwede ba hayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko kaya tantanan mo na ako. Huwag ka na rin umasa na papa
"Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon."Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my fac