Nakatingin lang ako sa kawalan habang may mga luhang nagbabagsakan mula sa aking mga mata dahil sa mga nangyari noong nakaraan.
"Diana are you okay?" biglang tanong sa akin ng pinsan ko nang makita niya ako. Kaya mabilis ko namang pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi.
"Yeah."
"I know you're not okay Diana."
"Alam mo naman na pala tinanong mo pa," wika ko sa birong paraan. Nagkibit balikat lang ito. Tumungo siya sa akin at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.
"I unintentionally heard your conversation with Allen the other day" wika nito. Napakagat naman ako sa aking labi at tumingala para pigilan ang aking mga luha sa pagtulo.
"Huwag mong pigilan yan. Just cry if that what makes you feel the best way to ease the pain you're feeling right now." At dahil sa sinabi ni Celestine ay nag-unahan na ang mga luha ko sa pagtulo.
"Diana. Kung kailangan mo nang makakausap ay nandito lang ako. You can open up to me. Handa akong makinig sa mga sasabihin mo," wika nito at hinahaplos-haplos ang aking likod.
"Celestine I already figured out that I have a feelings for him but I just can't tell him because I know that we can't be together. Ngayon na nga lang ako iibig pero hindi naman pwede."
"Pero kung mahal mo talaga siya, why not try it? Huwag mong pigilan 'yang nararamdaman mo lalo na't pareho lamang kayo nang nararamdaman." Umiling ako sa tinuran ni Celestine.
"Hindi pwede. My parents will gonna be mad at me and they might disown me if I disobey them, especially right now that i'm getting married soon. At saka malapit na rin tayong bumalik sa Manila."
"Pero sana naman piliin at ipaglaban mo 'yong gusto mo. Mula noong nawala si ate Carissa ikaw na ang umako sa lahat ng dapat ay siya ang gumagawa at ang masakit pa ay ginawa ka nina tita na parang isang bagay na susunod sa lahat ng gusto nila. Diana sana dumating 'yong araw na ipaglalaban mo naman 'yong gusto mo. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisisi nila sa pagkawala ni ate Carissa." Mahabang litanya ni Celestine.
"Hindi ko alam kung darating 'yong panahong iyon Celestine," wika ko at napasandal sa kanyang balikat habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Marahil 'yong mga nararamdaman ko sa tuwing nakikita, nakakasama at nakakausap ko siya noon ay ito ang ibig sabihin. Na may nararamdaman ako para sa kanya. Hindi lang bilang kaibigan kundi mas higit pa doon.
Ngayon ko lang napagtanto na mayroon akong nararamdaman para kay Allen pero ang nararamdaman kong ito ay hindi na dapat pang umusbong nang umusbong dahil hindi tama ito. Malabong may pag-asang maging kami. Mas mabuti sigurong dapat ko nang pigilan at itigil itong nararamdaman ko para sa kanya kaya iiwas na muna ako sa kanya pansamantala. Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip.
~~~
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong huli naming pag-uusap ni Allen. Sabi ko sa sarili ko na iiwas na muna ako sa kanya pero hindi ko magawa dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili bagkus kabaligtaran dahil siya na ang umiiwas sa akin. Ni hindi nga niya ako kinakausap kapag nakikita niya ako at inaamin kong nasasaktan ako sa tuwing nangyayari iyon.
Ngayon ay nasa kwarto lang ako at dahil nababagot ako ay naisipan kong magtungo sa dagat lalo na't malapit na ang sunset. Nagbihis ako ng damit dahil nakapang-bahay lang ako at lumabas na ng aking kwarto. Saktong paglabas ko ng bahay nina celestine ay nakasalubong ko si Allen na may buhat-buhat na mga soft drinks pero hindi man lang ako pinasadahan nang tingin. Napayuko na lang ako at napahinto samantalang siya ay nagdire-diretso ng lakad.
Laging ganito ang eksena sa tuwing nagkikita kami. Tila isa akong hangin na nararamdaman nga niya pero tila hindi naman niya nakikita. Nilingon ko siya at nagbabakasakali na lingunin din niya ako pero bigo ako kaya nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa dagat. Gaya pa rin nang dati ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin at maingay na pagragasa ng mga alon sa dalampasigan.
Napalingon-lingon ako sa paligid mula sa kinaroroonan ko at tanaw ko ang mga ilang bata na naliligo sa dagat. Umupo ako sa dalampasigan at napatitig sa dagat. Naalala ko tuloy noong una kaming magkita kaya napangiti na lang ako nang mapait nang maalala iyon. Napailing na lang din ako sa mga iniisip ko kaya in-open ko 'yong phone ko at nagpatugtog ng musika. Nakatanaw lang ako sa dagat at hinihintay ang paglubog ng araw. Napapikit din ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Ilang segundo lang ay nagmulat na ako at muling tinitigan ang dagat. Napatingin din ako sa kalendaryo sa aking cellphone at napabuntong hininga na lang. Ilang araw na lang ay babalik na ako sa Manila. Hindi lang iyon kundi babalik na muli ang nakakapagod kong buhay doon at sa hawla kung saan ako nakakulong. Napangiti na lamang ako nang mapait habang iniisip ang mga mangyayari pagbalik ko sa Manila at heto na naman ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo. Tila ayoko nang bumalik sa malaimpyerno kong buhay sa Manila pero kahit gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi ako hahayaan nina mommy na makaalis doon at talikuran sila.
Nakatingin lang ako sa papalubog na araw pero bago pa man ito tuluyang lumubog ay napagdesisyonan ko nang umuwi. Pagdating ko sa bahay nina Celestine ay agad akong nagtungo sa kwarto at tumambay sa balkonahe. Mayamaya'y tinawag ako ni Celestine mula sa labas ng kwarto kaya lumabas ako at bumungad nga sa akin si Celestine.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Tatanungin sana kita kung gusto mong sumama sa akin papunta kina Lynjel para tumulong sa pagluluto ng mga handa niya dahil kaarawan na niya bukas. Ano sama ka ba?"
"Syempre naman."
"Sige. Tara na," wika nito at naglakad na kami paalis ng kanilang bahay patungo sa bahay nina lynjel. Pagdating namin ay nadatnan namin sina Clifford, Kevin, Fiyonah at Allen na kumakain.
Nagtama ang mga tingin namin ni Allen at ako na ang unang umiwas dahil blangko lamang ang expresyon nito at wala akong mabasang emosyon sa kanya. Napakalamig ng mga tingin nito.
"Kumain na ba kayo Celestine at Diana?" biglang tanong sa amin ng nanay ni Lynjel.
"Hindi pa po," wika namin ni Celestine kaya ayun niyaya nila kaming kumain. Kumuha na kami ni Celestine ng pagkain at kumain na kami pagkatapos ay tumulong na kami sa pagluluto ng mga handa ni Lynjel.
"Hayy salamat at natapos na din," wika ng nanay ni Lynjel nang tapos na naming maluto ang lahat kaya naman heto kami sa sala ng bahay nina Lynjel at nagkukwentuhan.
"So, saan tayu pupunta bukas?" tanong ni Celestine.
"Sa Rai atrium. Maganda roon kaya gusto kong doon magcelebrate ng birthday. At saka isa pa, malapit na rin naman na kayong umalis ni Diana kaya dapat sulitin natin 'yong mga natitirang araw niyo rito."
"Oww napaka sweet naman talaga eh kaya siguro nafall sayo si Clifford." Pabirong wika ni celestine kay Lynjel kaya ayun nag-asaran na.
"Awiit" pang-aasar namin kina Lynjel at Clifford.
Makalipas ang ilang oras ay napagdesisyonan na namin ni Celestine na umuwi na dahil pasado alas-otso na ng gabi at dahil delikado para sa amin ni Celestine na maglakad ng kaming dalawa lang pabalik sa kanilang bahay ay magpapahatid kami kay Allen dahil baka may mangyari pa sa aming hindi maganda lalo na't pareho pa naman kaming babae.
"Oh bukas ha dapat maaga tayong gumising para maaga tayong makapunta sa Rai atruim." paalala sa amin ni Celestine.
"Sige. Babye na," wika namin ni Celestine at naglakad na paalis.
Habang naglalakad ako kasama sina Celestine at Allen ay tahimik lang kami. Walang kumikibo kaya naman hindi ako komportable.
Magkatabi kami ni Celestine sa paglalakad samantalang nasa likuran naman namin si Allen. Mayamaya'y inawit ni Celestine ang isang awitin na lalong dumagdag sa nararamdaman kong hindi pagka-komportable at ilang lakaran lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Celestine na siyang ipinagpapasalamat ko.
"Salamat sa paghatid sa amin Allen." pasasalamat ni Celestine kay Allen at dumiretso na ito ng lakad. Aalis na sana si Allen ng magsalita ako kaya napahinto siya.
"Allen," wika ko at nanatiling nakatalikod ito sa akin.
"We're still friends right?" tanong ko rito at humarap naman na siya sa akin. Sinalubong ko naman ang malamig nitong mga tingin.
"Oo naman. Sige alis na ako. " wika nito pero hinawakan ko siya sa kanyang balikat na siyang dahilan kung bakit muli siyang napahinto.
"Kung mag-kaibigan pa rin tayo. Bakit tila iniiwasan mo ako? Ano bang dahilan mo? Hindi kita maintindihan," wika ko. Bakit ko ba nasabi iyon eh diba ako rin naman umiiwas sa kanya? Hayyy hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin. At saka bakit ko ba siya tinatanong nang mga ganoong tanong eh alam ko naman na ang sagot. Minsan kailangan mo pa rin magtanong kahit alam mo na ang sagot kase di ba. Mas gusto natin na marinig mula sa kanya ang sagot.
"Hayaan mo na muna ako Diana. 'Di ba't gusto mong limutin at itigil ko na itong nararamdaman ko para sayo? Kaya umiiwas ako sayo kase kapag patuloy lang tayong magkasama ay mas lalong lalalim ang pagtingin ko sayo at alam kong masasaktan lang ako dahil hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin. Mahirap para sa akin na iwasan ka pero kailangan para sa ikabubuti nating dalawa. Ako nga 'yong umiiwas pero tila pakiramdam ko ay ikaw ang umiiwas. I'm sorry pero hinihiling kong hayaan mo na muna ako. Kahit na hindi man naging tayo ay pakiramdam ko kailangan ko pa rin na mag-move on at alam kong kailan man ay hindi magiging tayo dahil hindi pareho ang ating nararamdaman para sa isa't-isa. Malabo din na magkaroon ng tayo dahil gaya nga nang sinabi mo noon sakin ay ikakasal ka na at walang pag-asa na maging tayo. Mas mabuti na yung ganito tayo kaya sana naiiintindihan mo ako." Mahaba nitong litanya at sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay tila tinutusok ang aking puso. Hindi ba dapat ay maging masaya na lang ako dahil umiiwas siya sa akin para makalimutan niya ang nararamdaman niya para sa akin at pati rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit ganito? Nasasaktan ako at parang ayokong malayo sa kanya? Masyadong magulo ang mga nangyayari. Unti-unti ko namang tinanggal ang aking kamay sa kanyang balikat.
"S—sige." Iyan lang ang salitang lumabas sa aking bibig at naglakad na ito paalis nang hindi man lang ako nililingon. Sa pangalawang pagkakataon ay minamasdan ko na naman ang lalaking mahal ko na naglalakad papalayo sa akin. Nang hindi ko na ito makita ay pumasok na ako sa bahay nina celestine at agad na dumiretso sa aking kwarto. Pagdating ko sa kwarto ay doon na nagbagsakan ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Hayy akala ko ba maaga tayong pupunta sa Rai atruim?" tanong ni Celestine nang makarating kami sa bahay nina Lynjel. Nakasakay kami sa sasakyan nina Celestine dahil hindi kami lahat magkakasya kung isang sasakyan lang ang gagamitin namin. "Eh akala ko nga rin eh. Wala pa kase sina Fiyonah. Talaga namang ang bagal sa paggalaw ang babaeng iyon," wika naman ni Lynjel at napailing-iling. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang iba naming kasama at ilang minuto din ang lumipas bago sila dumating. "Tara na," wika ni Lynjel. Sumakay na sila sa sasakyan nila kasama ang kanyang pamilya at sa kabilang sasakyan 'yong iba pang inimbitaban nila. Samantalang ako, si Celestine, Fiyonah, Kevin at Allen ang magkakasama sa iisang sasakyan. Bale katabi ko si Celestine. Si Fiyonah at Kevin naman ang magkatabi
Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame nang marinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha at mas lumawak ang aking ngiti nang makita kung sino 'yong caller. "Hello," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. "Magtungo ka sa balkonahe," wika nito at napakunot noo naman ako pero kahit gano'n ay nagtungo pa rin ako sa balkonahe at nakita siyang nakatingala sa kinaroroonan ng aking kwarto. "Good morning." Bati nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti dahil kumaway-kaway pa si Allen sa akin mula sa baba. "Good morning." Pabalik kong bati ko nang hindi binababa ang tawag. Mayamaya'y biglang pumasok ng kwarto si Celestine at lumapit sa aking kinaroroonan. &nb
Pagdating ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mommy kasama si daddy. Nang makalapit ako sa kanila ay nagmano ako at inilagay ng mga kasambahay namin yung mga gamit ko sa aking silid. "Mabuti naman at sinunod mo ako. Matagal-tagal ka rin na nanatili sa Cagayan kaya ngayon ay ang nalalapit mong kasal ang pagtuunan mo nang atensyon. Magkakaroon din tayo nang dinner with Eric's family kaya magpahinga ka na muna." Napatango na lang ako sa tinuran ni mommy at nagtungo na ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid at napagtantong wala pa rin itong pinagbago. Matagal-tagal din akong nawala at kahit naman papaano ay namimiss kong manatili sa silid na ito. Hihiga na sana ako sa aking kama ng marinig na tumunog ang aking cellphone. I just received a message fro
"Hi cuz, saan ang punta mo?" tanong sa akin ni Celestine habang nakatingin ito sa akin. Celestine is back and I'm so glad that she's here. Siya lang kase ang kakampi ko sa mga kamag-anak ko. "Me and Allen will be having a date," wika ko at kita ko naman ang kurbang lumitaw sa kanyang mga labi. "Sana all na lang insan." Napailing na lang ako sa tinuran nito at lumabas na kami ng kwarto. Paglabas namin ay agad na bumungad sa amin si Eric na siyang ikinapawi ng aking ngiti. "Oh Eric nandito ka pala. Anong sadya mo?" wika ni Celestine. "Sino pa ba kundi si Diana," sagot naman nito. "Oh pero pasensya na Eric. May lakad kase kami ni Diana ngayon eh," wika naman ni Celestine at
Ilang araw na rin na hindi ko nasisilayan o nakakausap man lang si Allen. Lahat kase ng gadgets ko ay kinuha ni mommy kaya hindi ko magawang makipagcommunicate kay Allen at hindi rin ako hinahayaan ni mommy na may bumisita sa akin kahit na si Celestine. They treat me like a bird that should be kept in a cage. Ngayon ay nakatulala lang ako sa may bintana at hindi mapigilan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Ngunit nang marinig kong bumukas ang pinto ay napatingin ako doon at nakita si mommy. Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mga luha. Hinahaplos din nito ang aking buhok at tinignan ako sa aking mga mata nang diretso. "Huwag ka nang magdrama Diana. Lahat ng mga ginagawa at pinapagawa namin sayo ay para rin sa ikabubuti mo," wika nito na siyang agad kong ikinailing. "No mom. Ginagawa ni
Nakatanaw lamang ako sa dagat at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. Malapit lang kase sa dagat ang bahay na tinutuluyan namin ngayon ni Allen. Mas malapit ito kumpara sa bahay nina celestine sa Cagayan. Kase talagang napakalapit lang sa dagat. Napapikit ako ng mata ng mas lalong humangin nang malakas at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang tila pagbabalik ko sa reyalidad. Napaisip ako kung ano ang nangyari kahapon sa araw na dapat gaganapin Ang aking kasal namin ni Eric. Nakapatay kase ang phone ko mula pa kahapon para hindi ako matawagan nina mommy. Siguradong galit na galit na si mommy dahil sa nangyari. Pero hindi ako nagsisisi sa aking ginawang pagtakas dahil ayokong matali habang buhay sa taong hindi ko mahal. Hindi ba nila alam na wala silang karapatan para diktahan ako sa kung sino ang taong dapat kung mahalin at kung sino ang hindi. Sakal na
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si mommy at nasa tapat na ako ng kanyang kwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa kwartong kinaroroonan ni mommy. Agad nama na napatingin sa akin ang mga magulang ko at si Eric. He's here. Naglakad ako palapit kay daddy at magmamano sana ako nang biglang malakas na dumapo sa aking pisngi ang kanyang kamay. Na siyang dahilan kung bakit napahawak ako sa aking pisngi. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang mga nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. "D—Dad," wika ko at napatingin sa kanya. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin at magkasalubong na ang kanyang mga kilay. "You're a disgrace to our family! I never imagined that I raised a child like you. Walang ibang ginawa kundi bi
Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko. Malamig pa rin sila sa akin. Hindi ko na rin nakikita si Eric na siyang ipinagpapasalamat ko. Ngayon ay magtutungo muli ako sa hospital para bisitahin si mommy kaya nagmadali akong umalis sa apartment at agad na nagtungo sa hospital. Pero laking gulat ko nang malaman kong kaka-discharge lang ni mommy. Kaya nagtungo naman ako sa bahay."Ma'am Diana," wika ng kasambahay namin na nagbukas ng gate para sa akin."Nandito na ba si mommy?" tanong ko sa kasambahay."Ah opo. Kadarating nga lang po nila. Pasok po kayo." Napatango naman ako at tuluyang pumasok sa bahay. Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nina mommy at nadatnan ko naman na inaalalayan ni daddy si mommy para humiga sa kanyang kama. Lumapit ako sa kanila para tulungan si daddy."What are you doing here Diana?" tanong sa akin ni daddy at ti
"You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai
"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi
Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.
"Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking
"Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p
"Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment."Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin."Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta a
"I'm going home. See you," I texted Allen when I got out of the cafeteria and was about to look for a taxi. When a car suddenly stopped right in front of me. The window is tinted so, I can't see who's inside the car and when the car opened. An unexpected person stepped out from the car. It's Eric. Our eyes met and I quickly averted my gaze on him. What is he doing here again?"Diana," he said and walk towards me. But I didn't mind him as if I'm not aware that he's right in front of me."Diana, please talk to me." At dahil hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya nakikita ay nagsalita na ako."Ano bang pag-uusapan natin Eric?""Let's talk about us.""Us? Ano bang pinagsasabi mo Eric? Walang tayo at isa pa hindi naging tayo. At kailan ma'y hindi magkakaroon ng tayo kaya pwede ba hayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko kaya tantanan mo na ako. Huwag ka na rin umasa na papa
"Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon."Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my fac