Sarah Ilang oras pa lang ang nakalipas matapos kaming mag-usap ni Philip sa telepono. Ngayon na umuwi siya ay wala siyang malay at duguan? Sumunod ako sa grupo ni Ethan patungo sa silid kung saan dadalhin ang asawa ko, ngunit hindi ako pinayagan na pumasok sa loob at hinarang sa pinto. "Sarah, trust me on this. Mas makabubuti na dito ka na muna sa labas," wika ng doktor bago isinara ang pintuan. Noon ko lang napuna ang assistant ni Philip na nalulungkot na nakatingin sa akin. Iniabot niya sa akin ang supot ng buns na huli kong ibinilin kay Philip na iuwi niya sa akin. Tumulo ang mga luha sa pisngi ko nang lumingon ako kay Alex, nanginginig at hindi mapigilan ang galit sa tinig ko, determinadong makakuha ng mga sagot. "Anong nangyari, Alex? Bakit duguan ang asawa ko? May nangyari ba sa kanya? Saan nagpunta si Philip?" Nagbuga ng hangin si Assistant Alex bago saglit na tinanggal ang salamin sa mata at diretsong hinarap ang akin. "He's doing this for you, Madam Sarah. Ginawa
Philip Niyakap ko si Sarah, sinubukan kong balewalain ang nakapapasong sakit mula sa mga sugat ng kutsilyo na nakakalat sa aking katawan. Ang init niya ang bumuhay sa akin, halos ang presensya niya lang ang makakapagpagaling sa mga sugat ko. Marahan kong hinawakan ang kanyang tiyan, kumakalat ang mga daliri, dinarama ang bagong buhay na lumalago sa kanyang loob. Nakaramdam ako ng konsensiya sa naganap kay Josh, ngunit ganoon yata talaga, iyon ang mundo na kinabibilangan namin na kailangan kong talikuran. Mukhang parehas pa kami ng nasa isip ng asawa ko habang panay ang rolyo ng daliri ko sa kanyang balat. "Hindi ako makapaniwala na wala na si Josh. Hinayaan mo sana siya, Philip," pag-uulit ni Sarah sa kanyang sentimento. I lifted her face and kissed her passionately, pouring all my emotions into that mind-blowing, toe-curling, cum-inducing kiss she deserved. Tila hindi pa siya nakabawi nang maghiwalay kami. "I've already told you, did I? That I hate it when you think about other
Sarah "Jakob, that’s impossible!" Nasapo ko ang noo ko at tila sumakit ang ulo ko sa ibinahagi ng aking kaibigan. Wala akong relasyon kay Josh! Hindi ko nga siya tinitingnan sa ganoong paraan! Pinakamalalim nang relasyon ko sa kanya bukod sa propesyonal ay ang pagiging magkaibigan namin, ngunit hindi kasing lalim ng relasyon ko kina Jakob or Jane. Nararamdaman ko na masakit ang balakang ko at tila hinahalukay ang tiyan ko; but it must probably because of the anxiety I feel right now. "No, Sarah. I’m not kidding," Jakob replied with seriousness in his tone. "You mean, walang bahid sa video na filter ito? You have an idea that I’m pregnant, right? Isa pa, patay na si Josh!" Nasa tinig ko ang pagkabahala. "Oh, right! But, look at the date on the video, it said it was captured months ago. Posibleng hindi pa malaki ang tiyan mo nito at buhay pa si Josh. Also, hindi ba’t sa Serenity Pines ninyo ito ni Philip?" tanong niya. Nanginig ako matapos mapagtanto ang kanyang sinabi. The back
Emily [Ilang buwan ang nakalipas...] Binalikan ko ang araw kung bakit ako napapayag ni Bronn na sumama at tumira sa Henderson kasama ni Willow. It was months ago… I received a text message from Bronn. Bronn: 'Emily, why are you declining my offer? I am doing this for Willow. Magkakasundo tayo para magkaroon ng kumpletong pamilya ang anak natin. We will inform the public gradually, but as much as possible ay mas gusto ko sana na maging lihim ito para hindi putaktihin ng reporters si Willow.' Napasinghot ako at saka bumahing. Itinabi ang cellphone ko dahil tila sinisilaw ako niyon. Wala kahit isa sa mga sinabi ni Bronn ang natuwa ako. Pinayagan ko siya na dalawin ang anak namin na sa palagay ko ay nakuha na niya ang loob. Diaan din sa clubhouse sandwich! Tss! Ngunit hindi ako sumasang-ayon kay Bronn, at ang kontratang alok niya ay tila lason sa akin. Pwede siyang maging tatay kay Willow nang hindi niya ako kailangan idamay at asawahin. Hindi ko na binasa ang laman ng kontrat
Philip Hindi ako mapakali at nanginginig ako sa kaba habang naroon sa pasilyo. It's almost midnight. Ilang oras nang naroon si Sarah sa loob ng labor room para iluwal ang kambal. Hindi pa ngayon ang tamang oras ng kanyang panganganak kaya naman sobrang kabado ako kung anong nangyayari sa loob ng silid. May ilang linggo pa dapat na bilang bago niya ilabas ang mga anak namin. Kinailangan dumaan ng C-section si Sarah dahil wala sa tamang posisyon ang kambal. Iniisip ko pa lang na bubuksan ang kanyang tiyan ay hindi na ako mapakali. "Boss, si Mr. Benner!" pukaw sa akin ni Alex. Papalapit sa amin si Amir na halatang nag-aalala. Ayoko na muna siyang harapin at hindi ko makontrol ang isipan ko. "Nasaan si Sarah?" tanong ng lalaki na bagong dating. Sumulyap sa akin si Alex bago binalingan muli si Amir. "Nasa loob siya, Mr. Benner at kasalukuyan na dumadaan sa cesarean section." "What did you do?!" galit na sita sa akin ni Amir. Matalim na tingin ang isinagot ko sa kanya. Hindi
Sarah Nagdala ng matinding trauma sa akin matapos akong dalhin dito sa ospital. During the procedure, panic attacks overwhelmed me. My heart raced, and my breath came in short gasps. Philip's voice, though muffled through the operating room doors, tried to reassure me that he would stay outside to ensure the safety of me and our unborn babies. Hindi ako napanatag niyon at pumasok talaga sa isipan ko ang huling naganap sa akin kung saan nang magising ako ay wala na akong anak sa sinapupunan. "Dr. Vanderbilt, Ms. Mitchell's heart rate isn't stabilizing," pagbibigay alam ng doktora ko kay Ethan. "Mahihirapan ako na operahan siya at baka makaapekto pa ito sa ipinagbubuntis ni Ms. Mitchell." Alerto na hinarap ako ni Ethan. "Sarah, you must calm down. Kapag nagpanic ka, posibleng iyon pa ang ikamatay ng anak mo." "Ethan, please..." I pleaded, "Ayokong makita si Megan o si Madam Cornell! Ayokong makakita ng demonyo! Kukunin nila ang mga anak ko!" natataranta kong sabi na tila nababal
Philip Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko habang nakatingin sa larawan na ni Josh. pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ni Mariano. Nilingon ko si Sarah. Nakaawang pa rin ang kanyang labi at hindi makapaniwala. "I feel so stupid!" she exclaimed. Binilog ng kanyang mga kamay ang malinis na puting kumot. "Calm down love…" paninigurado ko. "Nagsabi ako sa kanya ng mga nararamdaman ko, ng problema ko. Paano niya ako nagawang traydurin?!" Tumaas ang boses niya, may bahid ng galit at hindi makapaniwala. "At sino itong bagong Sarah? What kind of sick game is this?" Nilingon ko si Jakob. Baka posible na may sagot siya sa tanong na iyon. Nagkibit siya ng balikat. Ang huling bagay na nais ko ay magkaroon si Sarah ng nakaka-stress na moment tulad nito. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanya ang naganap. "Don't worry about it. We'll figure this out," paniniguro ko sa kanya, sinusubukang ipasok ang kumpiyansa sa tinig ko. "Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya." "But it doesn't
Philip "What do you mean, 'Who am I?'" the woman asked incredulously. Nilingon si Trey habang umaarte na naguguluhan. Isang ngisi ang sumilay sa gilid ng labi ko. "Sarah's expressions, the way she speaks, her subtle gestures, even her scent—they're all unique to her. Yours, on the other hand... it's pungent." I took a deep breath, noticing her overpowering perfume. Gusto ko pang malaman kung sino ang babae kaya naman dinaan ko na muna sa mabulaklak na salita. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya nauubusan ng pasensiya, at ipagpaatuloy ang pagpapanggap. "Why are you doing this to me?" Lumayo siya sa akin at saka prenteng umupo sa couch. Pinagmasdan niya ako. "Alam ko na… Tungkol ba ito kay Josh? I promise, there's nothing between us. Nagkaroon ako ng damdamin sa kanya, ngunit hindi naman iyon kasinglalim ng nararamdaman ko sa 'yo…" Nanginginig ang boses niya, nangingilid ang luha sa mga mata na hindi naman dumaloy. Kahit ang bodyguard ko na si Trey ay hindi binibili ang drama niya
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat
Sarah Nang tanungin ako kung ano ang una kong pupuntahan, isang direksiyon ang itinuro ko. Mahal ko si Philip at kaarawan niya ngayon, ngunit hindi ko palalampasin na makita na muna ang mga anak ko. Pumailanlang ang bell ng paaralan, at bumuhos ang paglabas ng mga bata mula sa magarang bakal na pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa niyon ang kambal, nakasunod sa kanila ang malaking bulto ni Josh na siniguro ang kanilang kaligtasan. Hindi nila ako namukhaan sa una dahil malaki ang ibinaba ng timbang ko kumpara noong huli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang anumang reaksiyon nila… habang-buhay ko silang iintindihin. Yakap ni Iris ang rabbit doll, si Rowan naman ay hawak ang lunch box nilang dalawa. Nagsimula akong lumuha hanggang sa labuin niyon ang mga mata ko. Ayad kong hinawi iyon para makita nang mas malinaw ang kambal. Malaki din ang diperensiya ng ipinagbago nila. Mas mataas na ngayon ang mga anak ko. May salamin sa mata si Rowan, at mas pumusyaw ang balat ni Iris. My be
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki