Philip Hindi ako mapakali at nanginginig ako sa kaba habang naroon sa pasilyo. It's almost midnight. Ilang oras nang naroon si Sarah sa loob ng labor room para iluwal ang kambal. Hindi pa ngayon ang tamang oras ng kanyang panganganak kaya naman sobrang kabado ako kung anong nangyayari sa loob ng silid. May ilang linggo pa dapat na bilang bago niya ilabas ang mga anak namin. Kinailangan dumaan ng C-section si Sarah dahil wala sa tamang posisyon ang kambal. Iniisip ko pa lang na bubuksan ang kanyang tiyan ay hindi na ako mapakali. "Boss, si Mr. Benner!" pukaw sa akin ni Alex. Papalapit sa amin si Amir na halatang nag-aalala. Ayoko na muna siyang harapin at hindi ko makontrol ang isipan ko. "Nasaan si Sarah?" tanong ng lalaki na bagong dating. Sumulyap sa akin si Alex bago binalingan muli si Amir. "Nasa loob siya, Mr. Benner at kasalukuyan na dumadaan sa cesarean section." "What did you do?!" galit na sita sa akin ni Amir. Matalim na tingin ang isinagot ko sa kanya. Hindi
Sarah Nagdala ng matinding trauma sa akin matapos akong dalhin dito sa ospital. During the procedure, panic attacks overwhelmed me. My heart raced, and my breath came in short gasps. Philip's voice, though muffled through the operating room doors, tried to reassure me that he would stay outside to ensure the safety of me and our unborn babies. Hindi ako napanatag niyon at pumasok talaga sa isipan ko ang huling naganap sa akin kung saan nang magising ako ay wala na akong anak sa sinapupunan. "Dr. Vanderbilt, Ms. Mitchell's heart rate isn't stabilizing," pagbibigay alam ng doktora ko kay Ethan. "Mahihirapan ako na operahan siya at baka makaapekto pa ito sa ipinagbubuntis ni Ms. Mitchell." Alerto na hinarap ako ni Ethan. "Sarah, you must calm down. Kapag nagpanic ka, posibleng iyon pa ang ikamatay ng anak mo." "Ethan, please..." I pleaded, "Ayokong makita si Megan o si Madam Cornell! Ayokong makakita ng demonyo! Kukunin nila ang mga anak ko!" natataranta kong sabi na tila nababal
Philip Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko habang nakatingin sa larawan na ni Josh. pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ni Mariano. Nilingon ko si Sarah. Nakaawang pa rin ang kanyang labi at hindi makapaniwala. "I feel so stupid!" she exclaimed. Binilog ng kanyang mga kamay ang malinis na puting kumot. "Calm down love…" paninigurado ko. "Nagsabi ako sa kanya ng mga nararamdaman ko, ng problema ko. Paano niya ako nagawang traydurin?!" Tumaas ang boses niya, may bahid ng galit at hindi makapaniwala. "At sino itong bagong Sarah? What kind of sick game is this?" Nilingon ko si Jakob. Baka posible na may sagot siya sa tanong na iyon. Nagkibit siya ng balikat. Ang huling bagay na nais ko ay magkaroon si Sarah ng nakaka-stress na moment tulad nito. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanya ang naganap. "Don't worry about it. We'll figure this out," paniniguro ko sa kanya, sinusubukang ipasok ang kumpiyansa sa tinig ko. "Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya." "But it doesn't
Philip "What do you mean, 'Who am I?'" the woman asked incredulously. Nilingon si Trey habang umaarte na naguguluhan. Isang ngisi ang sumilay sa gilid ng labi ko. "Sarah's expressions, the way she speaks, her subtle gestures, even her scent—they're all unique to her. Yours, on the other hand... it's pungent." I took a deep breath, noticing her overpowering perfume. Gusto ko pang malaman kung sino ang babae kaya naman dinaan ko na muna sa mabulaklak na salita. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya nauubusan ng pasensiya, at ipagpaatuloy ang pagpapanggap. "Why are you doing this to me?" Lumayo siya sa akin at saka prenteng umupo sa couch. Pinagmasdan niya ako. "Alam ko na… Tungkol ba ito kay Josh? I promise, there's nothing between us. Nagkaroon ako ng damdamin sa kanya, ngunit hindi naman iyon kasinglalim ng nararamdaman ko sa 'yo…" Nanginginig ang boses niya, nangingilid ang luha sa mga mata na hindi naman dumaloy. Kahit ang bodyguard ko na si Trey ay hindi binibili ang drama niya
Philip Naganap ang libing ng aking ina at ang laban ko kay Josh sa parehas na araw. Kung nakita ko noon ang babaeng ito na kinopya ang mukha ng asawa ko, malaki ang posibilidad na inalam niya ang destinasyon ko. Nasabi na sa akin ng bagong assistant ni Mariano na hindi nila nakita ang katawan ni Josh dahil sa matinding current ng dagat. Ngunit matapos ang ilang araw na hindi nila ito nakita, idineklara ang pagkamatay ni Josh. Gaano kalalim ang nalalaman ni Megan sa grupo ni Mariano? Sa kabilang banda, nasabi sa akin ni Sarah na matindi ang galit ni Josh sa babae dahil sa ginawa nito. Pwera na lang kung walang katotohanan ang mga sinabi ng bodyguard kay Sarah at kasinungalingan lang ang lahat para kuhanin ang loob ng asawa ko. If Josh lied, it would definitely hurt Sarah’s feelings. Josh's true motives were a mystery, a puzzle with pieces that didn't quite fit together. Bakit parang namamangka siya sa sanga-sangang ilog? Nakikipagtulungan siya kay Megan, Mariano, Madam Olsen a
Sarah Inimbitahan ko si Josh sa loob ng opisina kaysa gumawa kami ng eksena. Mabuti na lang at may nakalaan na maliit na meeting room doon kung sakali na may bumisitang business partners. Ang silid na ito na tinatawag na Summit Room, kung saan nag-oopisina sina Lexi at Jakob kapag narito sila sa Highland Hills para sa LoveLogic project app, Sa ngayon ay binabantayan si Josh ng dalawang guwardiya at Jakob. Mukhang professionally detached, nakaupo si Jakob sa tapat ni Josh na nakabukas ang laptop, pero nakatutok sa kanya ang atensyon nito. Naroon ako sa main office room. Ipinakilala ko nang personal ang sarili ko kina Mike at Sophia. "It's a pleasure to meet you both in person," bati ko sa kanila kahit na maraming bagay na bumabagabag sa isipan ko. Mahigpit na nakipagkamay si Mike, at ngumiti si Sophia. "Nagkita rin tayo nang personal, Ms. Sarah!" ani Mike. Ngumiti ako nang pilit. Dama ko ang pawis na namumuo sa gilid ng aking noo. Hinihintay ko na dumating si Philp. Naalertu
Sarah "Could everyone please leave Philip and me alone?" I asked, addressing everyone in the Summit Room. Hindi alam ni Jakob kung ano ang gagawin, nag-iwan na lang ng mapag-unawang pagtango bago lumabas. Isa-isa silang nagsipaglabasan hanggang sa huling lumabas si Trey. Dumaan ang nakabibinging katahimikan nang maiwan ako at si Philip sa silid. Pinunasan ko ang luha ko. Naningkit naman ang mata ng aking asawa sa nakikitang reaksiyon ko. "Ano ang hindi ko nalalaman, Philip? Ano ba ang mga kailangan kong intindihin para hindi ako nabibigla nang ganito?" desperadong tanong ko sa kanya. Hindi siya makapaniwala at tumawa siya nang mapait na ikinagulat ko. "Tinatanong mo ako niyan, Sarah?" Umiling siya. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng pinagtataguan!" aniya na bahagyang nagtaas ng boses. Natigilan ako. Makailang ulit na bumuka ang labi ko ngunit hindi ko masagot ang sinabi na iyon ni Philip dahil malaki iyong katotohanan. Nakalarawan sa kanyang mukha ang sakit. "Sarah
Bronn May ilang linggo na rin nang mapapayag ko si Emily na sumama sa akin sa Henderson. Kaya lang ay mas madalas din siyang manatili sa Highland Hills dahil sa mga trabahong kailangan niyang asikasuhin sa grupo ni Sarah. Parehas kaming nabigla ni Emily nang malaman namin na kaya napapadalas ang pag-stay ni Sarah sa Serenity Pines ay dahil nagdadalang-tao ang babae, na hindi niya maaaring sabihin sa publiko. Isang pagtitipon ang pinuntahan ko, si Emily naman ang representante ni Sarah kaya sabay lang din kami na umalis ng mansiyon. "Daddy, hindi ako pwedeng sumama sa inyo ni Mommy?" tanong ni Willow habang nagsusuot ako ng necktie. Inaasikaso si Emily sa isang silid ng tatlong stylist. "Come here." Pinalapit ko siya. Humakbang nang mabilis ang kanyang maliliit na paa palapit sa akin, ang mga mata ay punong-puno ng tuwa. I realized how much my life had transformed. In an instant, I went from being alone to experiencing pure happiness. I scooped Willow, ninanamnam ko ang bigat