Share

KABANATA 138: Aching Space Between

Sarah

"Could everyone please leave Philip and me alone?" I asked, addressing everyone in the Summit Room.

Hindi alam ni Jakob kung ano ang gagawin, nag-iwan na lang ng mapag-unawang pagtango bago lumabas. Isa-isa silang nagsipaglabasan hanggang sa huling lumabas si Trey.

Dumaan ang nakabibinging katahimikan nang maiwan ako at si Philip sa silid. Pinunasan ko ang luha ko.

Naningkit naman ang mata ng aking asawa sa nakikitang reaksiyon ko.

"Ano ang hindi ko nalalaman, Philip? Ano ba ang mga kailangan kong intindihin para hindi ako nabibigla nang ganito?" desperadong tanong ko sa kanya.

Hindi siya makapaniwala at tumawa siya nang mapait na ikinagulat ko.

"Tinatanong mo ako niyan, Sarah?" Umiling siya. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng pinagtataguan!" aniya na bahagyang nagtaas ng boses.

Natigilan ako. Makailang ulit na bumuka ang labi ko ngunit hindi ko masagot ang sinabi na iyon ni Philip dahil malaki iyong katotohanan.

Nakalarawan sa kanyang mukha ang sakit. "Sarah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status