Sarah "Could everyone please leave Philip and me alone?" I asked, addressing everyone in the Summit Room. Hindi alam ni Jakob kung ano ang gagawin, nag-iwan na lang ng mapag-unawang pagtango bago lumabas. Isa-isa silang nagsipaglabasan hanggang sa huling lumabas si Trey. Dumaan ang nakabibinging katahimikan nang maiwan ako at si Philip sa silid. Pinunasan ko ang luha ko. Naningkit naman ang mata ng aking asawa sa nakikitang reaksiyon ko. "Ano ang hindi ko nalalaman, Philip? Ano ba ang mga kailangan kong intindihin para hindi ako nabibigla nang ganito?" desperadong tanong ko sa kanya. Hindi siya makapaniwala at tumawa siya nang mapait na ikinagulat ko. "Tinatanong mo ako niyan, Sarah?" Umiling siya. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng pinagtataguan!" aniya na bahagyang nagtaas ng boses. Natigilan ako. Makailang ulit na bumuka ang labi ko ngunit hindi ko masagot ang sinabi na iyon ni Philip dahil malaki iyong katotohanan. Nakalarawan sa kanyang mukha ang sakit. "Sarah
Bronn May ilang linggo na rin nang mapapayag ko si Emily na sumama sa akin sa Henderson. Kaya lang ay mas madalas din siyang manatili sa Highland Hills dahil sa mga trabahong kailangan niyang asikasuhin sa grupo ni Sarah. Parehas kaming nabigla ni Emily nang malaman namin na kaya napapadalas ang pag-stay ni Sarah sa Serenity Pines ay dahil nagdadalang-tao ang babae, na hindi niya maaaring sabihin sa publiko. Isang pagtitipon ang pinuntahan ko, si Emily naman ang representante ni Sarah kaya sabay lang din kami na umalis ng mansiyon. "Daddy, hindi ako pwedeng sumama sa inyo ni Mommy?" tanong ni Willow habang nagsusuot ako ng necktie. Inaasikaso si Emily sa isang silid ng tatlong stylist. "Come here." Pinalapit ko siya. Humakbang nang mabilis ang kanyang maliliit na paa palapit sa akin, ang mga mata ay punong-puno ng tuwa. I realized how much my life had transformed. In an instant, I went from being alone to experiencing pure happiness. I scooped Willow, ninanamnam ko ang bigat
Emily Napansin ko sina Bronn at Jane, ang kapatid ni Philip Cornell na lumabas sa open area ng party. Nag-atubili ako kung susundan ko sila ngunit naisip ko na baka may importanteng sasabihin si Jane. hihintayin ko na lang na matapos mag-usap ang dalawa. Nagpatuloy na lang ako na makipag-usap sa dalawang assistant din ng kilalang businessman na miyembro ng Aspire Financial Group. “Ms. Carter, kumusta nga pala si Ms. Mitchell? May ilang importanteng pagtitipon na rin na hindi namin nakikita ang babae. Hindi rin siya nagpupunta sa opisina. May ilang tsismis na ikinukulong siya ni President Cornell,” wika ni Vivian, babae ito na hindi nalalayo ang edad kay Sophia. Nang may dumaan na serbidora sa harapan ko na may bitbit na tray ng champagne at kumuha na muna ako roon ng isang kopita. Sanay na ako na sagutin ang tungkol kay Sarah. Sinagot ko ang komento matapos maingat ni sumimsim ng alak. “Tsismis lang iyon. Nagkaroon lang siya ng ilang issues sa publiko at sa pamilya, ngunit ayos
Sarah “What are you doing here?” usisa ko kay Jane, may bahid ng pag-aalala. Nilingon ko ang paligid kung may nakikita ba ako na posibleng kasama niya roon. “I'm alone. I heard Bronn married your executive assistant,” malungkot niyang usal. Hindi na kami nakakapagkuwentuhan ni Jane kaya wala akong balita sa nararamdaman niya. Ngunit narinig ko kay Jakob na nagtapat siya ng pag-ibig kay Bronn. Hinawakan ko ang kamay ni Jane at saka sinubukan siyang paliwanagan. “Love, it's fine. Infatuation lang siguro ang naramdaman mo kay Bronn. Marami pang lalaki ang posibleng magmahal sa 'yo,” magaan kong sabi. Agad at matindi ang reaksyon niya sa sinabi ko. “No Sarah! I was in love with Bronn since the very first time you introduced him to me. Iniligtas niya pa ako sa kamay ni Madam Cornell noon sa cruise! Ginalingan ko ang pag-drawing sa character niya sa LoveLogic dahil mahal ko siya!” ani Jane na nagtaas ng tinig. Hindi ko masabi na lasing si Jane, ngunit diretso naman siyang magsali
Sarah With my vision blurred, I tried to spot the person who snatched my phone. Sandali… Bakit pakiramdam ko ay may dumating na bagong nilalang? No! “Hello there, Sarah! Matagal din tayong hindi nagkita,” wika ng pamilyar na tinig, hindi si Jane. Kinukuha ako ng dilim ngunit nagpupumilit ako na lumaban. “S-saglit lang? Ayos lang ba siya?” iyon ang tinig ni Jane. Napapikit ako nang mariin kahit pa nga wala sa pokus ang isipan ko. “Jane, nagawa mo na ang dapat mong gawin… Bakit parang nagdadalawang-isip ka? Hindi ba’t ito ang gusto mo—ang maghiwalay sina Sarah at President Cornell? Isa pa, hindi ba’t ikaw ang nagsabi na kasalanan ni Sarah kung bakit nakilala mo si Mr. Martin? Kapag naghiwalay sila ulit ng kapatid mo, Sarah will rely on you again.” “B-but—” Narinig ko ang hikbi ni Jane, hindi niya maituloy ang kanyang katwiran. “Ikaw ang may kagustuhan nito, Jane. Dahil deep inside, nagseselos ka sa kanya…” ‘Jane…’ Nadudurog ang puso ko nang malaman kong pinagtaksilan niya ako.
Sarah Mahinang mga tinig ang nahihimigan ko nang magkaroon ako ng malay. Kumirot nang matindi ang ulo ko at dama ko ang panghihina sa aking katawan. Binalikan ko ang mga huling ala-ala at natatandaan ko na si Jane ang huli kong nakasama. Siya ang nag-abot sa akin ng alak kaya alam ko na may kinalaman siya sa naganap sa akin. Inikot ko ang tingin at sa palagay ko ay narito ako sa tirahan ni Ethan Vanderbilt. Dinala na ako rito ni Philip minsan. “That lunatic! I couldn’t believe that scumbag!” naririnig kong asik ni Dr. Ruth sa labas ng silid. “Ruth, please, you need to calm down. This level of stress isn't good for you or the baby,” tinig iyon ni Dr. Ethan Vanderbilt. ‘Baby? Buntis ba si Dr. Ruth?’ Tinungo ko ang pintuan at natagpuan ko ang dalawang doktor sa tapat ng silid. Nabigla parehas na makitang gising ako. “Hi! Uh, p-paano ako napunta rito?” usisa ko sa kanila. Isa pa, bakit narito si Dr. Ruth? Ngunit sinarili ko ang huling katanungan. “Mabuti at gising ka na, Sar
Jane Binabalot ng kakaibang sikip ang dibdib ko habang nakaupo sa tabi ng bintana sa aking kwarto, nakatingin sa hardin na binabalutan ng bulaklak at halaman sa ibaba. Hindi ako makapag-isip nang maayos mula pa kagabi. Minamanipula ako ni Madam Cornell noon, at hindi ako makapaniwala na nahuhulog pa rin ako sa ilalim ng impluwensya ni Madam Olsen. Nag-iwan ito ng mapait na lasa sa aking bibig. Galit ako kay Sarah, katumbas ng pagmamahal na mayroon ako sa kanya. May kumatok sa pintuan kaya hinawi ko ang luha na namuo sa aking mga mata at saka tinungo ang pinto. Ang butler sa tirahan ang unang bumungad sa akin kasunod si Sarah na naroon sa kanyang likuran. Sigurado ako na pagkabigla at takot ang lumarawan sa mukha ko. “Sarah…” The butler cleared his throat. “Gusto kang makita ni Madam Sarah, Miss Jane. Libre ba ang oras na ito para makausap ka?” Tatanggi sana ako, ngunit naisip ko na wala akong karapatan na tumanggi sa oras na ito. Sigurado na nais linawin ni Sarah ang nagana
Sarah Four years later… Naroon ako sa library ng Serenity Pines habang hawak ang imbitasyon mula sa aking ama. It’s his sixtieth birthday. Sa loob ng apat na taon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita sa ilang business events. Sa pagkakaalam ko, ililipat niya na kay Amir ang chairmanship ng TerraTraxx Automotive. Posibleng sabihin niya ang tungkol doon sa pagtitipon na ito. “Mommy!” Narinig ko ang iyak ni Rowan kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko. Nagtungo ako sa pintuan para harapin at tingnan kung ano ang kaguluhan na iyon. Nang buksan ko ang piuntuan ay naroon ang anak ko sa bungad. Basa ang kanyang pisngi. “Mommy, Iris ate my favorite snack. Inubos niya lahat ng cheese headstring na para sa akin!” Umigting ang kanyang iyak. Lumuhod, pinunasan ko ang mga luha ng anak kong lalaki. Umasim ang mukha ko dahil sigurado na sasakit na naman ang tiyan ng isang iyon! Hinawakan ko ang kamay ni Rowan. “Iris!” tawag ko sa anak kong babae. “She’s… she’s not here anymor