Philip Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko habang nakatingin sa larawan na ni Josh. pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ni Mariano. Nilingon ko si Sarah. Nakaawang pa rin ang kanyang labi at hindi makapaniwala. "I feel so stupid!" she exclaimed. Binilog ng kanyang mga kamay ang malinis na puting kumot. "Calm down love…" paninigurado ko. "Nagsabi ako sa kanya ng mga nararamdaman ko, ng problema ko. Paano niya ako nagawang traydurin?!" Tumaas ang boses niya, may bahid ng galit at hindi makapaniwala. "At sino itong bagong Sarah? What kind of sick game is this?" Nilingon ko si Jakob. Baka posible na may sagot siya sa tanong na iyon. Nagkibit siya ng balikat. Ang huling bagay na nais ko ay magkaroon si Sarah ng nakaka-stress na moment tulad nito. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanya ang naganap. "Don't worry about it. We'll figure this out," paniniguro ko sa kanya, sinusubukang ipasok ang kumpiyansa sa tinig ko. "Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya." "But it doesn't
Philip "What do you mean, 'Who am I?'" the woman asked incredulously. Nilingon si Trey habang umaarte na naguguluhan. Isang ngisi ang sumilay sa gilid ng labi ko. "Sarah's expressions, the way she speaks, her subtle gestures, even her scent—they're all unique to her. Yours, on the other hand... it's pungent." I took a deep breath, noticing her overpowering perfume. Gusto ko pang malaman kung sino ang babae kaya naman dinaan ko na muna sa mabulaklak na salita. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya nauubusan ng pasensiya, at ipagpaatuloy ang pagpapanggap. "Why are you doing this to me?" Lumayo siya sa akin at saka prenteng umupo sa couch. Pinagmasdan niya ako. "Alam ko na… Tungkol ba ito kay Josh? I promise, there's nothing between us. Nagkaroon ako ng damdamin sa kanya, ngunit hindi naman iyon kasinglalim ng nararamdaman ko sa 'yo…" Nanginginig ang boses niya, nangingilid ang luha sa mga mata na hindi naman dumaloy. Kahit ang bodyguard ko na si Trey ay hindi binibili ang drama niya
Philip Naganap ang libing ng aking ina at ang laban ko kay Josh sa parehas na araw. Kung nakita ko noon ang babaeng ito na kinopya ang mukha ng asawa ko, malaki ang posibilidad na inalam niya ang destinasyon ko. Nasabi na sa akin ng bagong assistant ni Mariano na hindi nila nakita ang katawan ni Josh dahil sa matinding current ng dagat. Ngunit matapos ang ilang araw na hindi nila ito nakita, idineklara ang pagkamatay ni Josh. Gaano kalalim ang nalalaman ni Megan sa grupo ni Mariano? Sa kabilang banda, nasabi sa akin ni Sarah na matindi ang galit ni Josh sa babae dahil sa ginawa nito. Pwera na lang kung walang katotohanan ang mga sinabi ng bodyguard kay Sarah at kasinungalingan lang ang lahat para kuhanin ang loob ng asawa ko. If Josh lied, it would definitely hurt Sarah’s feelings. Josh's true motives were a mystery, a puzzle with pieces that didn't quite fit together. Bakit parang namamangka siya sa sanga-sangang ilog? Nakikipagtulungan siya kay Megan, Mariano, Madam Olsen a
Sarah Inimbitahan ko si Josh sa loob ng opisina kaysa gumawa kami ng eksena. Mabuti na lang at may nakalaan na maliit na meeting room doon kung sakali na may bumisitang business partners. Ang silid na ito na tinatawag na Summit Room, kung saan nag-oopisina sina Lexi at Jakob kapag narito sila sa Highland Hills para sa LoveLogic project app, Sa ngayon ay binabantayan si Josh ng dalawang guwardiya at Jakob. Mukhang professionally detached, nakaupo si Jakob sa tapat ni Josh na nakabukas ang laptop, pero nakatutok sa kanya ang atensyon nito. Naroon ako sa main office room. Ipinakilala ko nang personal ang sarili ko kina Mike at Sophia. "It's a pleasure to meet you both in person," bati ko sa kanila kahit na maraming bagay na bumabagabag sa isipan ko. Mahigpit na nakipagkamay si Mike, at ngumiti si Sophia. "Nagkita rin tayo nang personal, Ms. Sarah!" ani Mike. Ngumiti ako nang pilit. Dama ko ang pawis na namumuo sa gilid ng aking noo. Hinihintay ko na dumating si Philp. Naalertu
Sarah "Could everyone please leave Philip and me alone?" I asked, addressing everyone in the Summit Room. Hindi alam ni Jakob kung ano ang gagawin, nag-iwan na lang ng mapag-unawang pagtango bago lumabas. Isa-isa silang nagsipaglabasan hanggang sa huling lumabas si Trey. Dumaan ang nakabibinging katahimikan nang maiwan ako at si Philip sa silid. Pinunasan ko ang luha ko. Naningkit naman ang mata ng aking asawa sa nakikitang reaksiyon ko. "Ano ang hindi ko nalalaman, Philip? Ano ba ang mga kailangan kong intindihin para hindi ako nabibigla nang ganito?" desperadong tanong ko sa kanya. Hindi siya makapaniwala at tumawa siya nang mapait na ikinagulat ko. "Tinatanong mo ako niyan, Sarah?" Umiling siya. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng pinagtataguan!" aniya na bahagyang nagtaas ng boses. Natigilan ako. Makailang ulit na bumuka ang labi ko ngunit hindi ko masagot ang sinabi na iyon ni Philip dahil malaki iyong katotohanan. Nakalarawan sa kanyang mukha ang sakit. "Sarah
Bronn May ilang linggo na rin nang mapapayag ko si Emily na sumama sa akin sa Henderson. Kaya lang ay mas madalas din siyang manatili sa Highland Hills dahil sa mga trabahong kailangan niyang asikasuhin sa grupo ni Sarah. Parehas kaming nabigla ni Emily nang malaman namin na kaya napapadalas ang pag-stay ni Sarah sa Serenity Pines ay dahil nagdadalang-tao ang babae, na hindi niya maaaring sabihin sa publiko. Isang pagtitipon ang pinuntahan ko, si Emily naman ang representante ni Sarah kaya sabay lang din kami na umalis ng mansiyon. "Daddy, hindi ako pwedeng sumama sa inyo ni Mommy?" tanong ni Willow habang nagsusuot ako ng necktie. Inaasikaso si Emily sa isang silid ng tatlong stylist. "Come here." Pinalapit ko siya. Humakbang nang mabilis ang kanyang maliliit na paa palapit sa akin, ang mga mata ay punong-puno ng tuwa. I realized how much my life had transformed. In an instant, I went from being alone to experiencing pure happiness. I scooped Willow, ninanamnam ko ang bigat
Emily Napansin ko sina Bronn at Jane, ang kapatid ni Philip Cornell na lumabas sa open area ng party. Nag-atubili ako kung susundan ko sila ngunit naisip ko na baka may importanteng sasabihin si Jane. hihintayin ko na lang na matapos mag-usap ang dalawa. Nagpatuloy na lang ako na makipag-usap sa dalawang assistant din ng kilalang businessman na miyembro ng Aspire Financial Group. “Ms. Carter, kumusta nga pala si Ms. Mitchell? May ilang importanteng pagtitipon na rin na hindi namin nakikita ang babae. Hindi rin siya nagpupunta sa opisina. May ilang tsismis na ikinukulong siya ni President Cornell,” wika ni Vivian, babae ito na hindi nalalayo ang edad kay Sophia. Nang may dumaan na serbidora sa harapan ko na may bitbit na tray ng champagne at kumuha na muna ako roon ng isang kopita. Sanay na ako na sagutin ang tungkol kay Sarah. Sinagot ko ang komento matapos maingat ni sumimsim ng alak. “Tsismis lang iyon. Nagkaroon lang siya ng ilang issues sa publiko at sa pamilya, ngunit ayos
Sarah “What are you doing here?” usisa ko kay Jane, may bahid ng pag-aalala. Nilingon ko ang paligid kung may nakikita ba ako na posibleng kasama niya roon. “I'm alone. I heard Bronn married your executive assistant,” malungkot niyang usal. Hindi na kami nakakapagkuwentuhan ni Jane kaya wala akong balita sa nararamdaman niya. Ngunit narinig ko kay Jakob na nagtapat siya ng pag-ibig kay Bronn. Hinawakan ko ang kamay ni Jane at saka sinubukan siyang paliwanagan. “Love, it's fine. Infatuation lang siguro ang naramdaman mo kay Bronn. Marami pang lalaki ang posibleng magmahal sa 'yo,” magaan kong sabi. Agad at matindi ang reaksyon niya sa sinabi ko. “No Sarah! I was in love with Bronn since the very first time you introduced him to me. Iniligtas niya pa ako sa kamay ni Madam Cornell noon sa cruise! Ginalingan ko ang pag-drawing sa character niya sa LoveLogic dahil mahal ko siya!” ani Jane na nagtaas ng tinig. Hindi ko masabi na lasing si Jane, ngunit diretso naman siyang magsali
Jane "Jane!" Umalingawngaw sa hallway ang boses ni Brody kaya natigilan ako. Oh no! He was really here. Sinilip ko ang peephole at natagpuan ko si Brody na nakatayo sa kabilang bahagi ng pintuan na hindi maayos ang pagkakalagay ng kanyang necktie. Bukas pa ang butones nang pinakamalapit sa kanyang leeg. Bubuksan ko ba ang silid o hindi? "I know you're there, Jane," he said, his voice low and steady. Huminga ako ng malalim, dahan-dahan kong pinihit ang seradura at saka nagharap ang mata namin parehas. May ilang buwan din kaming hindi nagkita. Napuna niya yata ang namamaga kong mga mata kaya kita ko ang pagkabigla sa kanyang labi. Humakbang siya papasok at itinulak ng kanyang binti ang makapal na kahoy ng pintuan pasara. Nabigla ako nang sakupin niya ang labi ko at ipinadama sa akin ang kasagutan na naglalaro sa puso ko. Sa loob ng dalawang taon na naghiwalay kami, naiwasan namin ang intimacy. Kaswal kaming magkita sa tuwing pupunta ako dito sa siyudad. Madalas niya akong tinata
JaneKailan nga ba ako nahulog sa kanya nang sobra? That night when he was abroad for a business meeting. Nagkaroon ako ng sakit noon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Probably it happened four years ago.Mula sa Paris ay dama ko ang pagkahilo nang umuwi ako sa penthouse namin sa London. I sneezed when I texted him. Me: ‘Kararating ko lang mula sa business trip. Anong gusto mong kainin for dinner?’Nakatanggap kaagad ako ng sagot mula kay Brody: ‘I have a business trip to New York. Hindi mo nasabi sa akin na ngayon pala ang balik mo.’Gusto ko kasing sorpresahin sana si Brody kaya inilihim ko ang tungkol dito. Hindi niya rin sinabi sa akin na may business trip siya.Me: ‘Alright! Mag-ingat ka!’Namumula na ang ilong ko sa kababahing. Naligo lang ako saglit at umiikot ang paligid ko na nahiga sa kama. Hindi maayos ang pakirtamdam ko sa magdamag. Ang natatandaan ko lang noon ay nangangatog ako sa lamig, pinagpapawisan ako nang sobra at nais kong bumangon sa higaan ngunit hindi ko magawa.
Jane Hindi ko napigilan na lumuha habang nakatingin sa mala-fairy-tale na kasal nina Philip at Sarah. Narito kami sa Dubai; sa mansiyon ni Grandpa Mitchell at narito ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak para saksihan ang intimate na kasal ng mag-asawa. Nakaramdam ako ng kakulangan habang pinagmamasdan kung paano sila magpalitan ng kanilang mga pangako ng pag-ibig, kung paano nila sabihin sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal. Totoo nga siguro ang sabi nila; nararamdaman mo na parang may kulang sa iyong buhay kapag paikot-ikot lang ito. Opisina, trabaho, Cornell mansion at pagkatapos ay babalik ulit sa dati. Pagkatapos ng seremonyas, niyakap ko nang mahigpit si Sarah, nagbabadyang tumulo ang mga luha. “Congratulations, love!” Nagpatuloy ang salo-salo, ngunit wala dito ang puso at isipan ko. Alam kong kailangan kong bumalik sa London para pakalmahin ang naguguluhan kong emosyon. “Auntie Jane, are you alright?” asked Iris. Kasama ko siya sa bilog na mesa at si Rowan. Pi
Sarah Nagpadala sa akin ng mensahe ang ama ko na si Mr. Benner sa muling pagkakataon. Nakipagkita na ako sa kanya para tapusin na rin ang sama ng loob ko. Kasama si Trey ay tinungo ko ang hotel suite kung saan siya tumutuloy. Pinagbuksan ako ng kanyang alalay ng pintuan. “Good afternoon, Ms. Mitchell!” wika niya sa akin, nakangiti. “Hi!” “Tumuloy po kayo,” aniya. Gumilid siya para ako bigyan ng daan. Hinakbang ko ang carpet hanggang sa magtagpo ang mata namin ni Mr. Benner. Naka-wheelchair na lang siya sa kasalukuyan, halata sa kanyang balat at buhok ang katandaan. Sobrang tagal na rin noong itinakwil niya ako bilang anak. “I'm so happy to see you, Sarah,” he said, his voice filled with emotion. “Malaki ang ipinayat mo, anak…” ‘Anak…’ Iniabot ko sa kanya ang dala kong regalo. “Tatlong libro ito mula sa paborito mong writer,” usal ko sa kanya. Tumango siya. “Salamat! Uh, do you want something to eat?” Hindi niya na hinintay ang tugon ko. “Carla, please order somethin
Sarah Inalis ni Philip ang kasuotan ko para alamin kung ano ang anyo ko sa kasalukuyan. "W-why are you doing this? Philip, I have to remind you na galing ako sa coma. Hindi ako pwedeng makipagtalik," tapat kong sabi. Halos dalawang taon na gamot lang ang bumuhay sa akin; hindi pa ako nakabawi sa isang buwan. His gaze softened immediately. “Oh, Sarah, no. That's not why… I'm not trying to take advantage of you. It's just that…” Sinuri niya ang balat ko, ang braso ko na numipis. Bahagya akong naasiwa sa kanyang ginagawa. “You've lost so much weight.” Napapangitan na ba siya sa akin? Lumabi ako at naningkit ang mata ko sa kanya. "What do you mean by that? Pangit na ba ako?" "No, no. No, babe!" mariin niyang tanggi. "That's not what I meant. It's just..." Matagal bago nagpatuloy si Philip. "Malinaw sa isipan ko ang araw na binaril ka ni Marcus. Nakalarawan sa isip ko ang huli mong anyo noon. May ilang buwan na rin noong huli tayong nagkitang dalawa at gusto ko lang i-take note sa
Philip Narito ako sa Serenity Pines Estate dahil nais kong magkaroon ng kaunting oras sa sarili ko, kahit bago man lang maghating-gabi at lumipas ang araw ng aking kaarawan. Sinubukan kong magpakaabala sa trabaho para hindi ko maalala si Sarah. Ngunit malakas ang impluwensiya niya sa puso ko. Pagkapasok ko pa lang ng pintuan, tila nakikita ko ang mas batang si Sarah sa couch doon sa living space, naghihintay sa aking pagdating… Tumayo siya para kumustahin ako. Tinanong niya ako kung kumain na ba ako… Ngayon ay ala-ala na lang ang mga iyon. Humigpit ang pagkakabilog sa kamao ko. Naglakad ako patungo sa kusina, kung saan kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga marble countertop. Nanginginig ang mga kamay nang abutin ko ang crystal decanter, nagbuhos ng matapang na scotch. Ang likidong amber nito ay kumikinang, nag-aalok ng panandaliang pagtakas mula sa aking mga iniisip. Binili ko itong Serenity Pines noong ikalawang gabi na naging mag-asawa kami ni Sarah, sinisiguro na may sapat
Sarah Nang tanungin ako kung ano ang una kong pupuntahan, isang direksiyon ang itinuro ko. Mahal ko si Philip at kaarawan niya ngayon, ngunit hindi ko palalampasin na makita na muna ang mga anak ko. Pumailanlang ang bell ng paaralan, at bumuhos ang paglabas ng mga bata mula sa magarang bakal na pintuan. Maya-maya pa ay iniluwa niyon ang kambal, nakasunod sa kanila ang malaking bulto ni Josh na siniguro ang kanilang kaligtasan. Hindi nila ako namukhaan sa una dahil malaki ang ibinaba ng timbang ko kumpara noong huli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang anumang reaksiyon nila… habang-buhay ko silang iintindihin. Yakap ni Iris ang rabbit doll, si Rowan naman ay hawak ang lunch box nilang dalawa. Nagsimula akong lumuha hanggang sa labuin niyon ang mga mata ko. Ayad kong hinawi iyon para makita nang mas malinaw ang kambal. Malaki din ang diperensiya ng ipinagbago nila. Mas mataas na ngayon ang mga anak ko. May salamin sa mata si Rowan, at mas pumusyaw ang balat ni Iris. My be
Sarah Tila ako dumaan sa napakahabang panaginip. Noong panahon na nagluluksa ako sa pagkamatay ng unang anak ko, Isinarado ko ang isip ko sa lahat, walang bagay na nakapagpasaya sa akin dahil alam ko na hindi ako okay. Tulad noon ay tila sarado ang isip ko at para bang may makapal na yelo na nakabalot dito. Ngayon ay paulit-ulit ang pagmamaneho ko at makailang beses din na huminto daw ako para pagmasdan ang papalubog na araw. Patungo na ako sa dilim, ngunit sa tuwing madidinig ko ang tinig ng mga anak ko… si Philip… pinagpapatuloy kong magmaneho muli sa direksiyon ng liwanag. Isa pa, bakit nadinig ko rin ang tinig ng aking ina? Matapos iyon ay nagdrive muli ako, ngunit walang kulay, para akong nagd-drive sa napakahabang kalsada na disyerto ang magkabilang panig. Sa kabila ng walang kulay na kapaligiran, nakakita ako ng kapanatagan sa mahabang paglalakbay. *** Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Masyadong malabo at wala akong maaninag sa paligid, kasunod niyon ay ang pa
Philip Lumipas ang isang linggo, dalawa, tatlo… Kinailangan na akong paalisin ni Ethan dahil may mga pasyente na mas nangangailangan ng pasilidad ng ospital. “Pwede kitang dalawin sa Serenity Pines o kaya naman ay kahit sumaglit ako sa Luminary Productions kung kailangan linisin ang mga sugat mo,” panimula ni Ethan. Hindi ako kumibo. Gusto ko sanang manatili rito sa ospital dahil narito si Sarah. May takot na naglalaro sa aking dibdib at hindi ako makatulog nang maayos dahil sa matinding pag-aalala. Natatakot ako na baka bigla na lang akong balitaan na wala na ang asawa ko, bumigay ang kanyang katawan o kung ano mang mga salita na hindi kanais-nais. Kaya lang, paano ang mga anak ko. Maraming bacteria at hindi maganda sa kalusugan ng apat na taong gulang ang ospital. Kailangan ko rin protektahan sina Iris at Rowan. Habang nagsusuot ako ng malinis na t-shirt, hindi napigilan ni Rowan ang magtanong. “Uncle Ethan, are we going home? Iiwan na ba namin si Mommy?” ani Rowan. Nakiki