Philip "What do you mean, 'Who am I?'" the woman asked incredulously. Nilingon si Trey habang umaarte na naguguluhan. Isang ngisi ang sumilay sa gilid ng labi ko. "Sarah's expressions, the way she speaks, her subtle gestures, even her scent—they're all unique to her. Yours, on the other hand... it's pungent." I took a deep breath, noticing her overpowering perfume. Gusto ko pang malaman kung sino ang babae kaya naman dinaan ko na muna sa mabulaklak na salita. Sa palagay ko ay hindi pa rin siya nauubusan ng pasensiya, at ipagpaatuloy ang pagpapanggap. "Why are you doing this to me?" Lumayo siya sa akin at saka prenteng umupo sa couch. Pinagmasdan niya ako. "Alam ko na… Tungkol ba ito kay Josh? I promise, there's nothing between us. Nagkaroon ako ng damdamin sa kanya, ngunit hindi naman iyon kasinglalim ng nararamdaman ko sa 'yo…" Nanginginig ang boses niya, nangingilid ang luha sa mga mata na hindi naman dumaloy. Kahit ang bodyguard ko na si Trey ay hindi binibili ang drama niya
Philip Naganap ang libing ng aking ina at ang laban ko kay Josh sa parehas na araw. Kung nakita ko noon ang babaeng ito na kinopya ang mukha ng asawa ko, malaki ang posibilidad na inalam niya ang destinasyon ko. Nasabi na sa akin ng bagong assistant ni Mariano na hindi nila nakita ang katawan ni Josh dahil sa matinding current ng dagat. Ngunit matapos ang ilang araw na hindi nila ito nakita, idineklara ang pagkamatay ni Josh. Gaano kalalim ang nalalaman ni Megan sa grupo ni Mariano? Sa kabilang banda, nasabi sa akin ni Sarah na matindi ang galit ni Josh sa babae dahil sa ginawa nito. Pwera na lang kung walang katotohanan ang mga sinabi ng bodyguard kay Sarah at kasinungalingan lang ang lahat para kuhanin ang loob ng asawa ko. If Josh lied, it would definitely hurt Sarah’s feelings. Josh's true motives were a mystery, a puzzle with pieces that didn't quite fit together. Bakit parang namamangka siya sa sanga-sangang ilog? Nakikipagtulungan siya kay Megan, Mariano, Madam Olsen a
Sarah Inimbitahan ko si Josh sa loob ng opisina kaysa gumawa kami ng eksena. Mabuti na lang at may nakalaan na maliit na meeting room doon kung sakali na may bumisitang business partners. Ang silid na ito na tinatawag na Summit Room, kung saan nag-oopisina sina Lexi at Jakob kapag narito sila sa Highland Hills para sa LoveLogic project app, Sa ngayon ay binabantayan si Josh ng dalawang guwardiya at Jakob. Mukhang professionally detached, nakaupo si Jakob sa tapat ni Josh na nakabukas ang laptop, pero nakatutok sa kanya ang atensyon nito. Naroon ako sa main office room. Ipinakilala ko nang personal ang sarili ko kina Mike at Sophia. "It's a pleasure to meet you both in person," bati ko sa kanila kahit na maraming bagay na bumabagabag sa isipan ko. Mahigpit na nakipagkamay si Mike, at ngumiti si Sophia. "Nagkita rin tayo nang personal, Ms. Sarah!" ani Mike. Ngumiti ako nang pilit. Dama ko ang pawis na namumuo sa gilid ng aking noo. Hinihintay ko na dumating si Philp. Naalertu
Sarah "Could everyone please leave Philip and me alone?" I asked, addressing everyone in the Summit Room. Hindi alam ni Jakob kung ano ang gagawin, nag-iwan na lang ng mapag-unawang pagtango bago lumabas. Isa-isa silang nagsipaglabasan hanggang sa huling lumabas si Trey. Dumaan ang nakabibinging katahimikan nang maiwan ako at si Philip sa silid. Pinunasan ko ang luha ko. Naningkit naman ang mata ng aking asawa sa nakikitang reaksiyon ko. "Ano ang hindi ko nalalaman, Philip? Ano ba ang mga kailangan kong intindihin para hindi ako nabibigla nang ganito?" desperadong tanong ko sa kanya. Hindi siya makapaniwala at tumawa siya nang mapait na ikinagulat ko. "Tinatanong mo ako niyan, Sarah?" Umiling siya. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng pinagtataguan!" aniya na bahagyang nagtaas ng boses. Natigilan ako. Makailang ulit na bumuka ang labi ko ngunit hindi ko masagot ang sinabi na iyon ni Philip dahil malaki iyong katotohanan. Nakalarawan sa kanyang mukha ang sakit. "Sarah
Bronn May ilang linggo na rin nang mapapayag ko si Emily na sumama sa akin sa Henderson. Kaya lang ay mas madalas din siyang manatili sa Highland Hills dahil sa mga trabahong kailangan niyang asikasuhin sa grupo ni Sarah. Parehas kaming nabigla ni Emily nang malaman namin na kaya napapadalas ang pag-stay ni Sarah sa Serenity Pines ay dahil nagdadalang-tao ang babae, na hindi niya maaaring sabihin sa publiko. Isang pagtitipon ang pinuntahan ko, si Emily naman ang representante ni Sarah kaya sabay lang din kami na umalis ng mansiyon. "Daddy, hindi ako pwedeng sumama sa inyo ni Mommy?" tanong ni Willow habang nagsusuot ako ng necktie. Inaasikaso si Emily sa isang silid ng tatlong stylist. "Come here." Pinalapit ko siya. Humakbang nang mabilis ang kanyang maliliit na paa palapit sa akin, ang mga mata ay punong-puno ng tuwa. I realized how much my life had transformed. In an instant, I went from being alone to experiencing pure happiness. I scooped Willow, ninanamnam ko ang bigat
Emily Napansin ko sina Bronn at Jane, ang kapatid ni Philip Cornell na lumabas sa open area ng party. Nag-atubili ako kung susundan ko sila ngunit naisip ko na baka may importanteng sasabihin si Jane. hihintayin ko na lang na matapos mag-usap ang dalawa. Nagpatuloy na lang ako na makipag-usap sa dalawang assistant din ng kilalang businessman na miyembro ng Aspire Financial Group. “Ms. Carter, kumusta nga pala si Ms. Mitchell? May ilang importanteng pagtitipon na rin na hindi namin nakikita ang babae. Hindi rin siya nagpupunta sa opisina. May ilang tsismis na ikinukulong siya ni President Cornell,” wika ni Vivian, babae ito na hindi nalalayo ang edad kay Sophia. Nang may dumaan na serbidora sa harapan ko na may bitbit na tray ng champagne at kumuha na muna ako roon ng isang kopita. Sanay na ako na sagutin ang tungkol kay Sarah. Sinagot ko ang komento matapos maingat ni sumimsim ng alak. “Tsismis lang iyon. Nagkaroon lang siya ng ilang issues sa publiko at sa pamilya, ngunit ayos
Sarah “What are you doing here?” usisa ko kay Jane, may bahid ng pag-aalala. Nilingon ko ang paligid kung may nakikita ba ako na posibleng kasama niya roon. “I'm alone. I heard Bronn married your executive assistant,” malungkot niyang usal. Hindi na kami nakakapagkuwentuhan ni Jane kaya wala akong balita sa nararamdaman niya. Ngunit narinig ko kay Jakob na nagtapat siya ng pag-ibig kay Bronn. Hinawakan ko ang kamay ni Jane at saka sinubukan siyang paliwanagan. “Love, it's fine. Infatuation lang siguro ang naramdaman mo kay Bronn. Marami pang lalaki ang posibleng magmahal sa 'yo,” magaan kong sabi. Agad at matindi ang reaksyon niya sa sinabi ko. “No Sarah! I was in love with Bronn since the very first time you introduced him to me. Iniligtas niya pa ako sa kamay ni Madam Cornell noon sa cruise! Ginalingan ko ang pag-drawing sa character niya sa LoveLogic dahil mahal ko siya!” ani Jane na nagtaas ng tinig. Hindi ko masabi na lasing si Jane, ngunit diretso naman siyang magsali
Sarah With my vision blurred, I tried to spot the person who snatched my phone. Sandali… Bakit pakiramdam ko ay may dumating na bagong nilalang? No! “Hello there, Sarah! Matagal din tayong hindi nagkita,” wika ng pamilyar na tinig, hindi si Jane. Kinukuha ako ng dilim ngunit nagpupumilit ako na lumaban. “S-saglit lang? Ayos lang ba siya?” iyon ang tinig ni Jane. Napapikit ako nang mariin kahit pa nga wala sa pokus ang isipan ko. “Jane, nagawa mo na ang dapat mong gawin… Bakit parang nagdadalawang-isip ka? Hindi ba’t ito ang gusto mo—ang maghiwalay sina Sarah at President Cornell? Isa pa, hindi ba’t ikaw ang nagsabi na kasalanan ni Sarah kung bakit nakilala mo si Mr. Martin? Kapag naghiwalay sila ulit ng kapatid mo, Sarah will rely on you again.” “B-but—” Narinig ko ang hikbi ni Jane, hindi niya maituloy ang kanyang katwiran. “Ikaw ang may kagustuhan nito, Jane. Dahil deep inside, nagseselos ka sa kanya…” ‘Jane…’ Nadudurog ang puso ko nang malaman kong pinagtaksilan niya ako.