Share

Chapter 3

Lumipas ang ilang taon, habang lumalaki ang mga anak ko, lalo silang nagiging kamukha ng kanilang ama. Sa edad na anim, tinutulungan nila akong magtanim at magdilig. Tinutulungan din nila ako sa pagtitinda kapag sila’y nakakauwi mula sa paaralan. Tama po kayo. Nag-aaral na sila at nasa Grade 1 na. Matalino rin sila. Sa murang edad nila, para na silang matanda kung mag-isip. Tama nga ang sabi ng iba—sila ang biyaya ko sa gitna ng lahat. Kung wala sila, hindi ko alam kung magiging masaya ako tulad ngayon. Siguro, nakatakda talagang mangyari iyon sa buhay ko upang bigyan ng kulay ang madilim at malungkot kong nakaraan. May mabuti rin palang naidulot ang trahedya sa buhay ko. Masaya na ako ngayon kasama sila—si Lory, ang mga anak ko, at ang mga kababayan ko.

"Nanay! I want milk po. Meron po ba tayong milk?" tanong ng nag-iisa naming prinsesa, si Zebediah Ursula.

Napatawa ako bago ko siya nilingon. Nakanguso siya sa may pinto habang may hawak na baso. Lumingon muna ako sa tatlo kong prinsipe, na abala sa kani-kaniyang ginagawa—nagdidilig, naghuhukay, at nagpuputol ng mga bulaklak gamit ang gunting. Tumayo ako, pinagpag ang saya, at naglakad papunta sa harap niya. Yumuko ako ng bahagya at sinuklay ang mahabang kulot niyang buhok, na namana niya sa akin. Nakatingin ang inosente niyang asul na mga mata sa akin. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

"Oo naman. Tara na," malambing kong sagot habang hawak ang malambot niyang kamay. Lumingon ako muli sa tatlo, na tuloy pa rin sa kanilang ginagawa.

"Boys, tama na muna 'yan. Pasok na kayo sa bahay," natatawa kong anunsyo.

Napatingin si Zephyr Hades sa amin habang nakakunot ang noo. Tumayo naman si Zeus Thanatos at walang kibo kaming tinitigan. Si Zuhair Eros naman, masaya at nakangiti habang lumilingon sa amin—siya na lang ang hindi masungit. Napailing na lang ako sa kanilang tatlo.Sa loob ng anim na taon kasama ko sila, masaya kami kahit na mahirap palakihin ang apat na bata. Mabuti na lang at nandiyan sina Lory, Aling Fe, at iba pang kapitbahay na tumutulong. Naging malapit ang apat sa kanila, kahit pa sumusumpong ang kasungitan ng dalawa kong prinsipe—namanang ugali sa ama nila.

***

Nasa bahay ako, naglilinis, habang ang mga anak ko ay nasa paaralan, at si Lory ay nasa palengke. Hindi gaanong kalaki o kaliit ang bahay namin, sakto lang para sa aming lima.

"Cassandra! Cassandra!" Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang matinis na boses ni Lory mula sa labas ng bahay. Napakunot ang noo ko nang makita siyang aligaga at may dalang dyaryo.

"Oh? Maaga ka yatang umuwi?" Taka kong tanong sa kanya. Napakamot ako ng ulo nang makita ko siyang sumandal sa pinto, pinapaypayan ang sarili gamit ang hawak na dyaryo.

"Wait lang... hhooo..."

Pinagpatuloy ko ang paglilinis habang tinitignan siya.

"Jusko, Cassandra!" Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw.

"May kaguluhan sa palengke! May mga lalaking nakaitim, parang mga gwardya. Ano nga ba tawag doon? Ah! Tama! Men in black. Parang may hinahanap sila. Jusko! Buti nakatakas ako," sabi niya, sabay upo sa sahig. Hinila ko ang isang silya at doon naupo.

"Mga lalaki?"

"Oo, Cassandra. May good news or bad news ako sa'yo. Hindi ko alam kung alin. Heto, basahin mo." Lumapit siya sa akin at iniabot ang dyaryo. Napa-iling ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang hawakan ko ang dyaryo. Matagal na akong hindi humahawak ng ganito simula noon. Huminga ako ng malalim at pumikit. Pagdilat ko, bumungad sa akin ang front page, at ang malalaking letra ay tila hindi ko lubos maisip na mababasa ko ulit.

"Nako, Cassandra. Pinapahanap ni Mr. Smith ang mga babaeng dumaan sa buhay niya? Naging psycho pala ang fiancée niya—ay, I mean, ex-fiancée na niya. Akalain mo? Pinabugbog niya si Mr. Smith nang malaman niyang may mga babae ito sa past. At tanga rin si Mr. Smith, hinayaan niyang mabugbog siya! Mafia Lord pa naman siya. Pag-ibig nga naman... Akala ko kinasal na sila pagkatapos nating umalis ng Maynila, pero hindi pala."

Blangko ang utak ko matapos kong mabasa ang headline.

"Nasa mental si Aestheria noong umalis tayo, at ngayon patay na raw siya. Nagbigti. Akala ko mabait siya, pero psycho pala...."

"Pinapahanap niya kayo, Cassandra, dahil nagbabakasakali siyang may anak siya sa inyo. Naging baog siya simula noong nangyari iyon, Cassandra. Kung hindi niya matagpuan ang anak niya, mawawala ang lahat sa kanya. Mawawala ang titulo niyang Mafia Lord."

"Huling taon na niya para makahanap ng anak, Cassandra. Ano'ng gagawin mo?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status