Share

Chapter 7

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa nakasaradong pinto matapos marinig ang bulong ng doctor. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Masyado itong mahina at hindi klaro sa pandinig ko.

Nagkibit-balikat na lang ako at lumingon sa anak kong si Zephyr, na ngayon ay nakaupo nang prente sa sofa. Nakakunot ang noo nito, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong nangyari sa'yo?" nagtataka kong tanong. Sumimangot siya.

"I don't like him, Nanay," masungit niyang sagot.

"He’s your sister’s doctor."

"Still, I hate him."

"Why?"

"I dunno," sagot nito. Naku, batang ‘to.

"O, siya! Dito ka lang. Bantayan mo ang kapatid mo, okay? Huwag kang lalabas dito. Bibili ako ng makakain natin sa labas. Alam ko namang ayaw mo ng pagkain dito sa hospital. Anong gusto mo, mahal na prinsipe?" nakita ko siyang nag-iisip.

"I want ampalaya and torta, Nanay," masaya niyang sagot na kinatango ko. Mahilig na silang kumain ng gulay. Minsan lang sila kumain ng karne. Ayaw nila ng baboy. Ang gusto nila ay manok na hindi galing sa palengke, yung sarili mong alaga. Pihikan ang mga anak ko pagdating sa pagkain, kaya mas mabuting tanungin sila kung ano ang gusto nilang kainin.

"Masusunod, kamahalan. Bantayan mo ang kapatid mo ha? Kapag gusto niyang uminom, nasa bag ang tumbler. Kapag may kumatok at hindi si Doc, huwag mong pagbuksan. Ingat ka dito," bilin ko sa kanya. Nakita kong napakamot siya sa ulo.

"Nanay, you don’t need to remind me. I already know what to do. I’m not a baby anymore," nakasimangot niyang sagot. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya kaya mas humaba ang nguso niya.

"You’re still a baby to me, anak. Sige na, aalis na ako. Huwag mong kalimutan ang bilin ko," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi, pati ang kapatid niyang natutulog.

Habang nasa kalagitnaan ako ng hallway palabas ng hospital, nahagip ng mata ko ang doctor ni Zebediah sa unahan. May kausap siya sa phone, parang nagtatalo. Nakita ko pa siyang humilot sa noo habang naglalakad pabalik-balik. Nilampasan ko na lang siya. Hindi niya ako napansin, pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya bago ako makalayo.

"F*ck it, bud. I’m telling the truth. If you don’t want to believe me, you’re f*cking sh*t! Get your f*cking ass over here, motherf*cker… What? You won’t believe me? You’re a f*cking pain in my a*s, as*ho*e… What? Guards? Guards? What the h*ll do you need with your motherf*cking guards? ...Fine! I’ll do it… F*ck you. My mi*dle finger salutes you, man."

Napailing-iling na lang ako. Curse machine pala ang doctor na yun.

Tumitig muna ako sa likod ni doctor bago umalis ng hospital. Paglabas ko ay agad akong naghanap ng murang kainan kahit sobrang impossible lalo na't nasa syudad ako ngayon. Buti na lang at meron kahit medyo malayo sa hospital. Ayos na ito kesa sa mahal. Healthy naman ang pagkain nila.

Pawisan akong tumawid ng pedestrian papunta sa hospital. Pagdating ko, napanganga ako nang makita ang maraming itim na van at kotse na nakaparada sa harap ng hospital. Ang dami nila, kaya napatingin din ang ibang tao. Mukhang mamahalin ang mga ito. Nakuha ang atensyon ko ng mga kalalakihang naka-suit at may mga nakasibilyan din na naglilibot sa paligid ng hospital, parang mga security. Nakita ko rin ang ilan sa kanila na nag-uusap at nagsimulang maglibot.

Anong meron? Wala naman sila kanina ah.

I just shook my head and quickly walked inside the hospital. Nasa isip ko pa rin ang mga lalaking nasa labas.

Anong meron? Bakit ang dami nila? May importante bang tao silang binabantayan dito sa hospital? At ganoon pa kadami? Ganoon ba ka-importante ang taong iyon?

Pero bakit ako kinabahan? Bakit parang may masamang mangyayari? Ayoko nitong pakiramdam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status