SAGLIT akong napasulyap sa katabi ko na humahagikhik habang may pinapanood sa kanyang cellphone. Gusto ko siyang batukan dahil dumagdag siya sa problema ko sa buhay. Stress na stress na nga ako sa kakahintay ng jeep tapos sobrang init pa, dadagdag pa siya. Di na ako natutuwa sa life ko ngayon. Lintek talaga. Kung di lang ako mahirap di sana ako magtatyagang maghintay ng jeep para mag-apply ng trabaho. Gusto ko na lang maging kamote. Napatingala ako. Lord! Bigyan mo naman ako ng sign. Aahon na ba ako sa kahirapan? Di na ba lubog buhay ko? Palaging binabagyo buhay ko kaya baha araw-araw. Lubog na lubog. Huminga ako ng malalim at pinagtitinginan ang mga tao. Busy buhay nila kagaya ko pero nakatutok naman sa phone. Kahit saang sulok ng kalye may hawak silang phone. Ako lang ata ang wala. Di bale very soon magkakaroon din ako niyan. "Naku! Ang dami na naman nakidnap. Halos mga babae." "Oo nga! Kaya di ko pinayagan ang anak ko lumabas ng bahay dis oras ng gabi. Delikado na talag
I was busy scanning the newspaper when my eyes landed on his face. I gave a bitter smile—still handsome, still emotionless."Cassandra? Let’s go, or someone might take our spot. Careful as you stand up," said Lory, my only friend in this world. She stood at the door of my small house, holding a basket of goods. I set the newspaper down, grabbed my basket filled with soman and bico, and smiled at her."Ready?" she asked. I nodded.When we arrived at the market, all the vendors stared at me—just me. I lowered my head as I headed to my stall, hearing their whispers clearly."Here comes the disgraced one.""There she is, the curse to our market.""She’s pretty, but such a fool.""You said it.""Shh, lower your voices. She might hear you."I sighed as I set up my goods, ignoring their gossip. They didn’t know anything, and I was used to their cruelty. No matter how much it hurt, I refused to show it. I wanted to seem strong, even though deep down, I felt like I was being stabbed repeatedly
Mahirap talagang kalimutan ang isang taong naging bahagi ng buhay mo, kahit gaano pa kasakit ang dinulot niya sa'yo. Hindi mo siya basta-basta maaalis sa isip mo, dahil tumatak na siya sa puso't buhay mo. Tulad ko, noong una, hirap na hirap akong mag-move on. Nakakabaliw, hindi ba? Ako na nga ang biktima, pero heto ako, hindi siya makalimutan. Hinahanap-hanap ko pa rin ang mukha niya, pero pinilit kong kalimutan siya. Ginawa ko ang lahat—tinapon ko lahat ng dyaryong may mukha niya, sinunog ko pa. Hindi na rin ako nanonood ng TV, kahit yun ang libangan ko sa bahay. Iniwasan ko ang mga tao at tsismis tungkol sa kanya. Ngayon, nag-iimpake ako ng gamit dahil babalik na ako sa probinsyang pinanggalingan ko—ang lugar na matagal ko nang iniwan para maghanap ng trabaho. Pero iba ang ibinigay ng tadhana. “Cass! Tara na, baka mahuli tayo sa byahe.” Isinara ko ang itim na bag bago tumingin kay Lory. Nagpumilit siyang sumama sa akin, dahil wala siyang kamag-anak dito at malapit na rin akong man
Lumipas ang ilang taon, habang lumalaki ang mga anak ko, lalo silang nagiging kamukha ng kanilang ama. Sa edad na anim, tinutulungan nila akong magtanim at magdilig. Tinutulungan din nila ako sa pagtitinda kapag sila’y nakakauwi mula sa paaralan. Tama po kayo. Nag-aaral na sila at nasa Grade 1 na. Matalino rin sila. Sa murang edad nila, para na silang matanda kung mag-isip. Tama nga ang sabi ng iba—sila ang biyaya ko sa gitna ng lahat. Kung wala sila, hindi ko alam kung magiging masaya ako tulad ngayon. Siguro, nakatakda talagang mangyari iyon sa buhay ko upang bigyan ng kulay ang madilim at malungkot kong nakaraan. May mabuti rin palang naidulot ang trahedya sa buhay ko. Masaya na ako ngayon kasama sila—si Lory, ang mga anak ko, at ang mga kababayan ko."Nanay! I want milk po. Meron po ba tayong milk?" tanong ng nag-iisa naming prinsesa, si Zebediah Ursula.Napatawa ako bago ko siya nilingon. Nakanguso siya sa may pinto habang may hawak na baso. Lumingon muna ako sa tatlo kong prinsi
Nabalik ako sa reyalidad nang pinitik ni Lory ang kanyang daliri sa mukha ko. Napatingin ako sa kanya, kita sa mukha niya ang pagkakunot ng noo habang naghihintay ng sagot mula sa akin. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."M-Marami naman siguro siyang babae, hindi lang ako, Lory. Madami pa diyan sa tabi-tabi. Hindi lang ako, at alam ko ‘yun. Wala akong pakialam kung mawala ang pagiging Mafia Lord niya. Anong pakialam ko sa organisasyon nila? Sa underground nila? Sa mga patakaran at regulasyon nila? Wala."I know I'm dump and stupid to think about that. Wala na akong pakialam dahil ganun naman talaga kapag isa kang mafia, hindi ba?Tumayo ako, ngunit bago ko iniwan si Lory, inilapag ko ang diyaryo sa silya at muling nabasa ang malalaking letra:"Mr. Smith, pinapahanap ang mga babaeng dumaan sa buhay niya.""Isang taon na lang ang natitira upang may maipakita sa ibang mafia na may magmamana sa titulo niy
Simula nang malaman ko iyon, bantay-sarado ko na ang apat kong anak. Hatid-sundo ko sila sa paaralan. Sobra akong natatakot. Ilang araw na ring naghahanap ang mga lalaking iyon sa bayan namin. Buti na lang at hindi nila nakita ang mga anak ko kahit na ang dami-dami nila. Minsan ko na silang nakita noong dumaan sila sa bahay namin at bumili ng paninda ko. Noon, nasa paaralan ang mga anak ko, at pinasalamatan ko talaga ang Diyos dahil doon. Pero dumating na ang araw na labis kong kinatatakutan, at hindi ko mapigilang mabahala."Hindi na ito biro, Cass. Kailangan mo na siyang dalhin sa pribadong ospital.""Ang taas ng lagnat niya. Apat na araw na ito. Alam mo ‘yan, ija. Walang sapat na kagamitan ang ospital natin dito para alamin ang kondisyon ng anak mo."Napakagat ako ng ibabang labi ko. Bakit nangyari ito? Huminga ako ng malalim at masuyong hinaplos ang pisngi ng aking anak na babae habang natutulog siya. Naawa ako sa kanya. Sino bang ina ang hindi maawa sa kalagayan ng kanyang anak?
Nandito na ako. Nasa harapan ko na ang reyalidad. Sobrang tagal na rin pala mula noong umalis ako sa syudad. Ang daming nagbago. Mas maraming establishment ang nakatayo ngayon. Mas naging traffic na rin at sobrang daming tao.Napakurap-kurap akong nakatitig sa harapan. Ang isa sa mga sikat at pribadong ospital sa buong pinas kilala bilang isang tanyag at prestihiyosong ospital na kilala hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa labas ng Pilipinas. Nakatayo ito nang matayog, modernong gusali na tila ba nagpapakita ng kakayahan at karangyaan ng mga serbisyong medikal nito. Kumikislap ang mga salamin sa mga bintana, nagpapakitang handa itong tumanggap ng mga taong nangangailangan ng lunas, ngunit para sa akin, ang bawat hakbang papasok ay tila nagpapabigat ng aking dibdib.Parang kahapon lang nang huli akong nandito, ngunit ngayon, iba ang dahilan ng aking pagdating. Noon, hindi ako pinapasok dahil dukha ako at buntis kahit gusto ko lang naman magtrabaho bilang janitress, pero ngayon, d
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa nakasaradong pinto matapos marinig ang bulong ng doctor. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Masyado itong mahina at hindi klaro sa pandinig ko.Nagkibit-balikat na lang ako at lumingon sa anak kong si Zephyr, na ngayon ay nakaupo nang prente sa sofa. Nakakunot ang noo nito, kaya tinaasan ko siya ng kilay."Anong nangyari sa'yo?" nagtataka kong tanong. Sumimangot siya."I don't like him, Nanay," masungit niyang sagot."He’s your sister’s doctor.""Still, I hate him.""Why?""I dunno," sagot nito. Naku, batang ‘to."O, siya! Dito ka lang. Bantayan mo ang kapatid mo, okay? Huwag kang lalabas dito. Bibili ako ng makakain natin sa labas. Alam ko namang ayaw mo ng pagkain dito sa hospital. Anong gusto mo, mahal na prinsipe?" nakita ko siyang nag-iisip."I want ampalaya and torta, Nanay," masaya niyang sagot na kinatango ko. Mahilig na silang kumain ng gulay. Minsan lang sila kumain ng karne. Ayaw nila ng baboy. Ang gusto nila ay manok na