Share

Chapter 4

Nabalik ako sa reyalidad nang pinitik ni Lory ang kanyang daliri sa mukha ko. Napatingin ako sa kanya, kita sa mukha niya ang pagkakunot ng noo habang naghihintay ng sagot mula sa akin. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"M-Marami naman siguro siyang babae, hindi lang ako, Lory. Madami pa diyan sa tabi-tabi. Hindi lang ako, at alam ko ‘yun. Wala akong pakialam kung mawala ang pagiging Mafia Lord niya. Anong pakialam ko sa organisasyon nila? Sa underground nila? Sa mga patakaran at regulasyon nila? Wala."

I know I'm dump and stupid to think about that. Wala na akong pakialam dahil ganun naman talaga kapag isa kang mafia, hindi ba?

Tumayo ako, ngunit bago ko iniwan si Lory, inilapag ko ang diyaryo sa silya at muling nabasa ang malalaking letra:

"Mr. Smith, pinapahanap ang mga babaeng dumaan sa buhay niya."

"Isang taon na lang ang natitira upang may maipakita sa ibang mafia na may magmamana sa titulo niya bilang Mafia Lord."

"Six years have passed, and Mr. Smith has become more dangerous. He will do everything to find out if he has a child from another woman. He’s not called the Not*rious and D*vil Mafia Lord for nothing."

"The Notorious Mafia Lord has spread all over the media."

Kagat-labi akong lumabas ng bahay at nagtungo sa harap ng mga rosas.

Hindi ko maisip na, makalipas ang anim na taon, siya pa rin ang laman ng mga balita—sa TV, social media, at radyo. The Notorious Mafia Lord is searching for his kid? Nakakatawa.

Ako man ang naging biktima niya, pero alam mo na, I will always be a silent victim. I don’t care if other mafias will cut his throne. I’m still in pain. I’m still trapped in my nightmare. I can’t get out of the world I created because of him, after that night—the night that changed my whole life. But I’m blessed after all.

The memory of that cruel night with the Notorious Mafia Lord still lingers, but I don’t know. I don’t know what to do. Hindi lang naman siguro ako ang nabuntis niya, diba? May iba pa. Iyon ang pinanghahawakan ko ngayon, at sana tama. Ayaw kong mawalan ng anak. Iyon lang naman ang gusto niya, diba? Anak? To maintain his position. Kung iisipin ang bagay na ‘yon, ang sakit-sakit. Pakiramdam ko, kalahati ng katawan ko ay mamam*tay. Paano pa kaya kapag nalaman niyang may anak siya—at hindi lang isa, kundi apat? Ayaw ko. Hindi ko kaya. Masakit isipin na kailangan niya lang ang mga bata para sa kanyang trono. Ginamit niya lang ang mga bata to secure his throne. Pagkatapos masecure ang trono, anong kasunod? Maging katulad niya? Mamam*tay tao? He will t*rture his children to be like him? Hinding-hindi ako papayag.

I’m happy now and content. Masaya na ako with my four angels. Hindi ako mabubuhay kapag kinuha niya sila. They are my breath and everything. Sila ang buhay ko at hininga. Ayaw ko ng gulo dahil alam kong hindi biro ang buhay ng isang Mafia Lord. Paano na lang kapag may nangyaring trahedya na konektado sa pagiging mafia niya? Paano kung mapahamak ang mga anak ko dahil sa kamay niya? Alam kong kaya niyang protektahan ang mga anak ko, pero hindi sapat iyon para kunin niya sila nang ganun-ganun lang. Ako ang naghirap, habang siya ay nagpakasaya. Ako ang biktima, hindi siya.

I hope he can’t find us, even though I know it’s nearly impossible. I’m not a selfish person, but for the safety of my kids, I won’t hesitate to become one. I’ll hide and hide. I’ll make sure no one can find us, but I know it’s unlikely, because after all, he’s a wealthy man.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status