"Sino ka?!" Halos mapatili si Margarette nang magising na may katabing lalaki sa kama.
At hindi lang basta lalaki! Isang gwapong lalaki! Hindi, sobrang gwapo! Iyong tipong hindi lang lilingunin. Ito iyong klase ng gwapo na gusto mong titigan maghapon magdamag.
N*******d ito ng pang-itaas kaya naman kita ng mga nanlalaki niyang mga mata ang tila mga inukit sa pagkaperpekto nitong mga abs!
"Done checking me out?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito sa isang ngisi.
"Anong checking you out?! Hoy, kung sino ka man, lumabas ka ngayon din! Kung hindi ay kakasuhan kita! Kakasuhan kita ng, ng—" napatingin siya sa sarili niyang balot na balot.
"Ng?" Kunot noo nitong hamon sa pagitan ng nakakaloko pero gwapo nitong pagkakangiti.
"Basta! Lumabas ka!" tili niya.
"Unang araw nating mag-asawa pero pinapalayas mo na ako agad, Mrs. Soh?"
Nanlaki ang mga mata niya. Ano ang sinasabi nito?!
"Hoy, hindi magandang biro 'yan, ha? Kung ayaw mong lumabas, ako ang aalis!" Hinagilap niya ng tingin ang bag niya na hindi naman siya nabigong makita sa ibabaw ng bedside table. Agad niya iyong kinuha at nagmartsa papunta sa pinto.
"Stop right there, Margarette," tumayo mula sa kama ang gwapong lalaki at lumapit sa kanya.
Napahinto siya dahil tinawag nito ang pangalan niya. Kilala siya ng gwapong lalaki!
Pakiramdam niya natuyuan siya ng lalamunan nang tumambad nang mainam sa harapan niya ang sexy nitong katawan.
"You don't remember anything, do you?" tanong nito.
Sinikap niyang iangat ang tingin sa mukha ng may katangkarang lalaki. Nasa limang talampakan at apat na pulgada ang tangkad niya. Pero malaki pa rin ang agwat nila nito. Tantya niya ay nasa anim na talampakan pataas ito.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Bahagya muna itong natawa at napakagwapo nito nang tila sumayaw pa sa katuwaan ang magaganda nitong mga mata.
"My name is Wallace Soh. And yesterday, last night to be exact, we got married. Here in Las Vegas."
"Las Vegas?!" Mas nasorpresa siyang nasa Las Vegas sila kaysa sa nauna nitong sinabi na nagpakasal sila.
Paano sila napunta roon kung ang huli niyang naaalala ay nag-walk out siya sa wedding planning nina Michaela at Bobby? At sa Pilipinas iyon! Pilipinas!!!
Paanong nasa Las Vegas na siya ngayon? Sino si Wallace Soh? Teka— Wallace Soh?! Narinig na niya ang pangalang iyon dati. Pero hindi niya maapuhap sa alaala kung saan at kanino niya narinig ang pangalan nito.
"I asked you to marry me and you said you'd like to be married in Las Vegas," sabi pa nitong hindi nabubura ang ngiting nakakaloko.
"I said that?!" Imposible! Hindi niya pangarap magpakasal sa saan mang lugar na may divorce!
Tumango ito. "We flew right here and got married. And that's how you became Mrs. Soh."
Pinanliitan niya ito ng mga mata niya na wari ay inaarok kung seryoso ito o nangti-trip lang. Bakit kasi wala siyang maalala?
"Naka-drugs ka ba?" Nagawa niyang itanong ang kanina pang pagdududang naglalaro sa utak niya.
Paanong ang isang katulad nito ay naatim magpakasal sa katulad niya? Maliban kung wala ito sa sarili nito at nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot!
Nangunot ang noo ni Wallace. "Pardon?"
"Hindi ako naniniwala sa 'yo! Imposible ang sinasabi mo, Mr. Soh! Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako gullible na nagpapapaniwala sa kwento ng kung sino!" sabi niya sabay talikod.
Anong kasal kasal? Anong Las Vegas? Hindi siya naniniwala! Sigurado siyang paglabas niya sa lugar na iyon ay nasa Maynila pa rin siya!
"Hindi ba't nagpauto ka sa kagaya ni Bobby?" seryosong ani Wallace na nagpahinto na naman sa tangka niyang pagwo-walk out.
Kilala nito si Bobby???
"Pumayag kang magpakasal sa akin para gantihan sina Michaela at Bobby."
Nanlalaki ang mga mata niya nang muli niya itong lingunin. Seryoso na ang mukha nito at wala ng bahid ng kahit na anong pagbibiro.
"Pwede ka bang maupo para maipaalala ko sa 'yo kung paano tayo napunta rito?"
Wala sa loob na napatango siya.
MAKALIPAS ang sampung minutong kwento, hindi pa rin makapaniwala si Margarette. Hindi niya lubos maisip na nagpakadesperada siya. 'Asaan ang sensible CEO ng MV Industries, Inc.?
Iniwanan siya ng utak niya kung kailan kailangan niya ito!
Nagpakalasing siya, nagkrus ang landas nila ng lalaki, lumipad sa Las Vegas ora mismo, at ngayon nga ay kasal na siya sa isang Wallace Soh.
Naunahan pa niya sina Michaela at Bobby! Ngayong napag-isip-isip niya, maganda ngang pagbangon sa naapakan niyang pride ang pagpapakasal na una sa mga ito.
Pero teka, para lang ba makaganti siya kaya siya pinakasalan ng gwapong lalaki? Napakabait naman nito kung sakali?
"Bakit mo ako tinutulungang makaganti?" tanong niya, nasa baba na sila ng hotel at nag-aagahan. Nakumpirma na nga niyang wala sila sa Pilipinas base sa mga taong puro ibang lahi na nakikita niya sa paligid. "Ano ang kapalit nito?"
Ipinaliwanag kanina ni Wallace na inom daw kasi siya ng inom ng alak bago sila umalis, at habang nasa flight kaya nang magpakasal sila, literal siyang bangag.
Kung tutuusin, pwede siyang magreklamo. Pero nasa Vegas nga pala sila. Lahat pwede sa lugar na iyon na napakabilis lang magpakasal.
Uminom muna ng tubig nito si Wallace at nagpunas ng bibig bago siya tiningnan at sinagot.
"It's good that you asked. Una sa lahat, gusto kong malaman mo that I do not wish us to be married for longer than a year," umpisa ni Wallace.
Weird. Pero may gumuhit na disappointment sa puso ni Margarette. Hindi naman iyon sa kung anong dahilan dahil realistic siyang babae. Alam naman niyang imposibleng na-love at first sight sa kanya ang gwapong lalaki.
Pero sa maikling sandali, umasa siyang totoo ito sa intensyon. Pero lahat pala talaga ng bagay ay may kapalit.
"May dalawang rason ako kung bakit kita pinakasalan. Una, para patahimikin na ako ng Mama ko sa kakakumbinse niyang mag-asawa na ako. Pangalawa, para bumalik sa akin si Camila."
"Sino si Camila?" tanong niya. Obvious naman pero gusto pa rin niyang malaman.
"My ex. Iniwan niya ako for my best friend. So believe me, Margarette. I knew exactly how it feels to be betrayed by the people you love," may bahid nang matinding galit ang tinig nito.
"Pero gusto mo pa rin siyang bumalik?" Nalilitong tanong niya. Niloko na, gusto pang balikan?
Ayaw ni Margarette ng gano'n. Mahal niya si Bobby. Pero hindi niya nais na balikan siya nito matapos ang panloloko nito.
Pero iba si Wallace. Siguro nga ay sadyang mahal nito ang Camila na iyon.
"Alright. So, how exactly do we execute our plan?" tanong niya ulit nang hindi sagutin ni Wallace ang nauna niyang tanong.
Sukat doon ay ngumiti na ito ulit at nawala na ang medyo hindi magandang vibe nito kanina.
"Let's fly back and surprise everyone. Linggo na ang dating natin sa Pilipinas. Kasal ng mahal mong Bobby at ng kapatid mo."
Tama ito. Humugot siya nang malalim na buntong hininga. Gusto ba talaga niyang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng mga taksil?
Sa kabilang banda, mukhang magandang ideyang idisplay sa kapatid niya ang gwapo niyang napangasawa.
Mas gwapo si Wallace kaysa kay Bobby. Not to mention na matured ang itsura ng una kumpara sa ex niya na mukhang 'di pa tapos magloko sa buhay.
At nakakatuwa sigurong isipin na kahit mainggit pa si Michaela, hindi na nito maaagaw pa si Wallace dahil ikakasal na ito kay Bobby.
Naging malaking sorpresa ang pagdalo ni Margarette sa kasal ng kapatid. Pero hindi iyon dahil sa kasal din iyon ng dati niyang kasintahan at alam iyon ng majority ng mga bisita. Ang dahilan ay ang pagdating niya kasama si Wallace. Sa katunayan, maging si Margarette ay nasorpresa. Hindi niya kasi inaasahan na kilala ng ex niyang si Bobby si Wallace. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala!"Uncle!" Rumehistro ang gulat at bahagyang pamumutla sa mukha ni Bobby. "Anong ginagawa mo rito? Ang sabi ng Lola ay hindi ka makakapunta! At," sinulyapan siya nito at ang kamay niyang maingat na nakasalikop sa kamay ni Wallace. "Kasama mo si Margarette," nadagdagan pa ng pagkalito ang mukha nitong hindi na maintindihan. Nagpapawis si Bobby at kitang-kita ang pagka-tense nito sa presensya ni Wallace na tinawag nitong Uncle. Tiyuhin ito ng ex niya?! Pero hindi sila pareho ng apelyido! Montealba si Bobby.Hindi makapaniwala si Margarette. Alam ba iyon ni Wallace buong pagkakataon na magkasama sil
Nalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. "Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? "And of course, a bunch of security and househelps."Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at k
"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito. "Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?" "Hindi naman sa gano'n," kaila niya. Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan. Hindi nito deserve mapagtawanan. "Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya."Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon. "Kung gano
"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette. Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya? O sadyang hindi sinabi ni Bobby? At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
“So, did you enjoy the look on Michaela’s face?” tanong ni Wallace.Nagbe-breakfast sila nang sumunod na araw. Hindi naman intended ni Margarette na mag-almusal, pero nadatnan niya si Wallace sa dining room nang kukuha lang sana siya ng maiinom. Pinilit na siya nitong sabayan itong kumain kaya hindi na siya nakatanggi. Inakit na siya ng mga nakahain sa mesa at nauna pa nga siyang sumubo kaysa sa lalaking nag-imbita sa kanya.“Ginawa mo talaga ‘yon? Mr. Soh, sinira mo ang Europe tour nila,” natatawa niyang sagot. Naikwento niya rito ang pagsugod ni Michaela sa opisina niya pati na rin ang sinabi nitong card ni Bobby na pinutol ni Wallace.“Hindi na bata si Bobby, pero nakadepende siya sa allowance niya galing sa akin. Now that he’s married, kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.” “But ain’t that cruel?” Hindi naman siya naaawa kay Bobby. Naisip lang niya na sana pinatapos man lang nito ang happy days ng pamangkin nito. “Come on, I had fun doing that to him. He d
Tanghali na at nangalahati na ang araw. Pero si Margarette, lutang pa rin ang pakiramdam. Hindi pa siya nakaka-get over sa first kiss niya sa pisngi. Sino ang mag-aakala na ang makaka-distract lang sa kanya nang gano'n ay isang simpleng halik sa pisngi? Kahit noong nalaman niyang nawala na sa kanya si Bobby, nagawa pa rin niyang magtrabaho at kapag libre na siya saka lang siya umiiyak. Pero ngayon, buong umaga na siyang distracted. "Mrs. Soh?" Untag ni Gilbert sa kanya pero hindi niya ito napapansin. "Mrs. Soh?""H-huh?" Gulat pa siyang napatingin sa secretary na nakatayo na pala sa harapan niya.Tumikhim ang lalaki bago nagsalita ulit. "Nakabalik na po ako. Nakuha ko na ang sasakyan sa bahay ni Mr. Soh.""Okay. Salamat," saad niyang ibinalik sa laptop ang tingin kahit wala roon o sa kausap ang atensyon niya. "Then I'll call you when I need you." Bahagyang yumuko si Gilbert at iniwanan na siya. Inis naman sa sariling padabog niyang isinara ang laptop niya. Ano ang nangyayari sa k
"Ano pong kasal ang ibig ninyong sabihin? Ma, boyfriend ko si Bobby!"Paakkk!Isang matunog na sampal ang naging sagot sa tanong ni Margarette. Nanlalaki ang mga matang napasapo siya sa pisnging dinapuan ng palad ng kanyang ina. "Ano ang karapatan mong kwestyunin ang desisyon ko, Margarette?! Kahit kailan ay hindi ka marunong rumespeto!" Lalong napat*nga ang dalaga sa sinabi ng ina. Siya? Walang respeto? Napadako ang tingin niya sa umiiyak na nakababatang kapatid na si Michaela. Yakap-yakap ito ng nobyo niyang si Bobby na matiim ang pagkakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang pagbabadya ng kanyang mga luha sa ayos ng dalawa. Isang linggo lang siyang nawala para ayusin ang gulong kinasangkutan ni Mich sa ibang bansa. Pero heto at sa pagbabalik niya, buhay na niya ang ginulo ng kanyang kapatid.Ang masakit, mukhang may permiso ng kanilang ina. "Ma, ako ba ang walang respeto?! Hindi ba ang paborito mong anak? Kasintahan ko si Bobby! Pero ano ang ginawa niya?!" sumbat niya. Halos map
Pinilit ni Margarette na tanggapin ang kapalaran niya. Pero sa bawat araw na lumilipas na sadyang ini-involve siya ng ina sa pagpaplano ng kasal ng mga taksil, bumigay rin ang kanyang pasensya.Ngayon ay nag-walk out siya nang sabihin ni Magda na siya ang magiging maid of honor ni Michaela. Ano siya? Baliw? Sinong pinagtaksilan ang masokista pa para pagbigyan ang hiling na iyon? Sumusobra na ang mga ito! Hindi siya gano'n ka-gullible para pumayag! Alam naman niyang nais lang ipamukha sa kanya ni Michaela na naagaw nito sa kanya si Bobby. At hindi niya ibibigay ang layaw nitong saktan pa siya lalo."Margarette!" sigaw ni Magda. Pero hindi niya nilingon ang ina. Tama na ang pagpaparaya! Gusto nilang magpakasal? Eh 'di magpakasal sila! Pero gawin nila nang hindi na siya idinadamay pa. Kasi masakit pa rin. Hindi naman siya plastik para sabihin na naka-move on na siya. Hindi pa! At palagay niya ay habambuhay na niyang dadalhin sa dibdib niya ang sama ng loob niya sa ina at kapatid. Na
Tanghali na at nangalahati na ang araw. Pero si Margarette, lutang pa rin ang pakiramdam. Hindi pa siya nakaka-get over sa first kiss niya sa pisngi. Sino ang mag-aakala na ang makaka-distract lang sa kanya nang gano'n ay isang simpleng halik sa pisngi? Kahit noong nalaman niyang nawala na sa kanya si Bobby, nagawa pa rin niyang magtrabaho at kapag libre na siya saka lang siya umiiyak. Pero ngayon, buong umaga na siyang distracted. "Mrs. Soh?" Untag ni Gilbert sa kanya pero hindi niya ito napapansin. "Mrs. Soh?""H-huh?" Gulat pa siyang napatingin sa secretary na nakatayo na pala sa harapan niya.Tumikhim ang lalaki bago nagsalita ulit. "Nakabalik na po ako. Nakuha ko na ang sasakyan sa bahay ni Mr. Soh.""Okay. Salamat," saad niyang ibinalik sa laptop ang tingin kahit wala roon o sa kausap ang atensyon niya. "Then I'll call you when I need you." Bahagyang yumuko si Gilbert at iniwanan na siya. Inis naman sa sariling padabog niyang isinara ang laptop niya. Ano ang nangyayari sa k
“So, did you enjoy the look on Michaela’s face?” tanong ni Wallace.Nagbe-breakfast sila nang sumunod na araw. Hindi naman intended ni Margarette na mag-almusal, pero nadatnan niya si Wallace sa dining room nang kukuha lang sana siya ng maiinom. Pinilit na siya nitong sabayan itong kumain kaya hindi na siya nakatanggi. Inakit na siya ng mga nakahain sa mesa at nauna pa nga siyang sumubo kaysa sa lalaking nag-imbita sa kanya.“Ginawa mo talaga ‘yon? Mr. Soh, sinira mo ang Europe tour nila,” natatawa niyang sagot. Naikwento niya rito ang pagsugod ni Michaela sa opisina niya pati na rin ang sinabi nitong card ni Bobby na pinutol ni Wallace.“Hindi na bata si Bobby, pero nakadepende siya sa allowance niya galing sa akin. Now that he’s married, kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.” “But ain’t that cruel?” Hindi naman siya naaawa kay Bobby. Naisip lang niya na sana pinatapos man lang nito ang happy days ng pamangkin nito. “Come on, I had fun doing that to him. He d
"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette. Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya? O sadyang hindi sinabi ni Bobby? At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito. "Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?" "Hindi naman sa gano'n," kaila niya. Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan. Hindi nito deserve mapagtawanan. "Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya."Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon. "Kung gano
Nalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. "Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? "And of course, a bunch of security and househelps."Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at k
Naging malaking sorpresa ang pagdalo ni Margarette sa kasal ng kapatid. Pero hindi iyon dahil sa kasal din iyon ng dati niyang kasintahan at alam iyon ng majority ng mga bisita. Ang dahilan ay ang pagdating niya kasama si Wallace. Sa katunayan, maging si Margarette ay nasorpresa. Hindi niya kasi inaasahan na kilala ng ex niyang si Bobby si Wallace. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala!"Uncle!" Rumehistro ang gulat at bahagyang pamumutla sa mukha ni Bobby. "Anong ginagawa mo rito? Ang sabi ng Lola ay hindi ka makakapunta! At," sinulyapan siya nito at ang kamay niyang maingat na nakasalikop sa kamay ni Wallace. "Kasama mo si Margarette," nadagdagan pa ng pagkalito ang mukha nitong hindi na maintindihan. Nagpapawis si Bobby at kitang-kita ang pagka-tense nito sa presensya ni Wallace na tinawag nitong Uncle. Tiyuhin ito ng ex niya?! Pero hindi sila pareho ng apelyido! Montealba si Bobby.Hindi makapaniwala si Margarette. Alam ba iyon ni Wallace buong pagkakataon na magkasama sil
"Sino ka?!" Halos mapatili si Margarette nang magising na may katabing lalaki sa kama.At hindi lang basta lalaki! Isang gwapong lalaki! Hindi, sobrang gwapo! Iyong tipong hindi lang lilingunin. Ito iyong klase ng gwapo na gusto mong titigan maghapon magdamag.Nakahubad ito ng pang-itaas kaya naman kita ng mga nanlalaki niyang mga mata ang tila mga inukit sa pagkaperpekto nitong mga abs!"Done checking me out?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito sa isang ngisi. "Anong checking you out?! Hoy, kung sino ka man, lumabas ka ngayon din! Kung hindi ay kakasuhan kita! Kakasuhan kita ng, ng—" napatingin siya sa sarili niyang balot na balot. "Ng?" Kunot noo nitong hamon sa pagitan ng nakakaloko pero gwapo nitong pagkakangiti. "Basta! Lumabas ka!" tili niya."Unang araw nating mag-asawa pero pinapalayas mo na ako agad, Mrs. Soh?" Nanlaki ang mga mata niya. Ano ang sinasabi nito?! "Hoy, hindi magandang biro 'yan, ha? Kung ayaw mong lumabas, ako ang aalis!" Hinagilap niya ng tingin ang bag ni
"'Yong boyfriend ko nang limang taon, ginalaw ang kapatid ko na isang linggo pa lamang niyang nakikilala! At ngayon, ikakasal na sila sa darating na Linggo. Ilang araw na lang iyon! At alam mo ba? Gusto ng magaling kong ina na ako pa ang maid of honor! Wala na silang itinirang respeto sa akin! Hindi ko ito deserve! Hindi…" Kalahating oras pa ang lumipas, natagpuan ni Margarette ang sarili na nakasandal sa hood ng mamahaling sasakyan ng lalaking kasama. Nasa tabi rin niya ito at nakatingala sa maaliwalas na kalangitan. Marami ngang bituin doon. Pero wala siya sa mood na mag-appreciaate ng nature. Hindi niya nga alam kung saan siya nito dinala. Ginamit nila ang sasakyan nito paalis ng bar. Ni hindi niya maalala kung bakit siya sumama rito.Inaya ba siya nito? O nirekomenda niya ang sarili na sumama para lang may makausap kahit na kanina ay nagalit siyang bigla itong sumasagot sa kanya. Basta namalayan na lang niyang nasa medyo mataas na lugar sila base sa dumadamping malamig na hangi