Chapter: TIW 10. GentlemanTanghali na at nangalahati na ang araw. Pero si Margarette, lutang pa rin ang pakiramdam. Hindi pa siya nakaka-get over sa first kiss niya sa pisngi. Sino ang mag-aakala na ang makaka-distract lang sa kanya nang gano'n ay isang simpleng halik sa pisngi? Kahit noong nalaman niyang nawala na sa kanya si Bobby, nagawa pa rin niyang magtrabaho at kapag libre na siya saka lang siya umiiyak. Pero ngayon, buong umaga na siyang distracted. "Mrs. Soh?" Untag ni Gilbert sa kanya pero hindi niya ito napapansin. "Mrs. Soh?""H-huh?" Gulat pa siyang napatingin sa secretary na nakatayo na pala sa harapan niya.Tumikhim ang lalaki bago nagsalita ulit. "Nakabalik na po ako. Nakuha ko na ang sasakyan sa bahay ni Mr. Soh.""Okay. Salamat," saad niyang ibinalik sa laptop ang tingin kahit wala roon o sa kausap ang atensyon niya. "Then I'll call you when I need you." Bahagyang yumuko si Gilbert at iniwanan na siya. Inis naman sa sariling padabog niyang isinara ang laptop niya. Ano ang nangyayari sa k
Huling Na-update: 2022-08-04
Chapter: TIW 9. As real as possible“So, did you enjoy the look on Michaela’s face?” tanong ni Wallace.Nagbe-breakfast sila nang sumunod na araw. Hindi naman intended ni Margarette na mag-almusal, pero nadatnan niya si Wallace sa dining room nang kukuha lang sana siya ng maiinom. Pinilit na siya nitong sabayan itong kumain kaya hindi na siya nakatanggi. Inakit na siya ng mga nakahain sa mesa at nauna pa nga siyang sumubo kaysa sa lalaking nag-imbita sa kanya.“Ginawa mo talaga ‘yon? Mr. Soh, sinira mo ang Europe tour nila,” natatawa niyang sagot. Naikwento niya rito ang pagsugod ni Michaela sa opisina niya pati na rin ang sinabi nitong card ni Bobby na pinutol ni Wallace.“Hindi na bata si Bobby, pero nakadepende siya sa allowance niya galing sa akin. Now that he’s married, kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.” “But ain’t that cruel?” Hindi naman siya naaawa kay Bobby. Naisip lang niya na sana pinatapos man lang nito ang happy days ng pamangkin nito. “Come on, I had fun doing that to him. He d
Huling Na-update: 2022-08-02
Chapter: TIW 8. Ganti number one"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette. Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya? O sadyang hindi sinabi ni Bobby? At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
Huling Na-update: 2022-07-16
Chapter: TIW 7. Cheers"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito. "Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?" "Hindi naman sa gano'n," kaila niya. Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan. Hindi nito deserve mapagtawanan. "Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya."Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon. "Kung gano
Huling Na-update: 2022-07-15
Chapter: TIW 6. EmailNalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. "Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? "And of course, a bunch of security and househelps."Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at k
Huling Na-update: 2022-07-13
Chapter: TIW 5. MaggieNaging malaking sorpresa ang pagdalo ni Margarette sa kasal ng kapatid. Pero hindi iyon dahil sa kasal din iyon ng dati niyang kasintahan at alam iyon ng majority ng mga bisita. Ang dahilan ay ang pagdating niya kasama si Wallace. Sa katunayan, maging si Margarette ay nasorpresa. Hindi niya kasi inaasahan na kilala ng ex niyang si Bobby si Wallace. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala!"Uncle!" Rumehistro ang gulat at bahagyang pamumutla sa mukha ni Bobby. "Anong ginagawa mo rito? Ang sabi ng Lola ay hindi ka makakapunta! At," sinulyapan siya nito at ang kamay niyang maingat na nakasalikop sa kamay ni Wallace. "Kasama mo si Margarette," nadagdagan pa ng pagkalito ang mukha nitong hindi na maintindihan. Nagpapawis si Bobby at kitang-kita ang pagka-tense nito sa presensya ni Wallace na tinawag nitong Uncle. Tiyuhin ito ng ex niya?! Pero hindi sila pareho ng apelyido! Montealba si Bobby.Hindi makapaniwala si Margarette. Alam ba iyon ni Wallace buong pagkakataon na magkasama sil
Huling Na-update: 2022-06-21