Naging malaking sorpresa ang pagdalo ni Margarette sa kasal ng kapatid. Pero hindi iyon dahil sa kasal din iyon ng dati niyang kasintahan at alam iyon ng majority ng mga bisita. Ang dahilan ay ang pagdating niya kasama si Wallace.
Sa katunayan, maging si Margarette ay nasorpresa. Hindi niya kasi inaasahan na kilala ng ex niyang si Bobby si Wallace. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala!
"Uncle!" Rumehistro ang gulat at bahagyang pamumutla sa mukha ni Bobby. "Anong ginagawa mo rito? Ang sabi ng Lola ay hindi ka makakapunta! At," sinulyapan siya nito at ang kamay niyang maingat na nakasalikop sa kamay ni Wallace. "Kasama mo si Margarette," nadagdagan pa ng pagkalito ang mukha nitong hindi na maintindihan.
Nagpapawis si Bobby at kitang-kita ang pagka-tense nito sa presensya ni Wallace na tinawag nitong Uncle. Tiyuhin ito ng ex niya?! Pero hindi sila pareho ng apelyido! Montealba si Bobby.
Hindi makapaniwala si Margarette. Alam ba iyon ni Wallace buong pagkakataon na magkasama sila? At hindi nito binanggit sa kanya?
"Hindi ba ako imbitado, Bobby? Dahil nakita ko ang invitation card na pinadala mo. Nagkamali ka lang ba?" May pang-uuyam sa tinig ni Wallace.
"Of course not, Uncle. Hindi ko lang naisip na pauunlakan mo ang imbitasyon ko," lumingon ito sa paligid at tinawag si Michaela na parang nababato balaning ewan sa 'di kalayuan. "Uncle, this is Michaela, my wife."
Wife. Tama. Dahil reception na ang inabutan nila.
Hindi pinansin ni Wallace si Michaela na parang timang na halos maglaway sa lalaki. Nakakahiya ito. Hindi man lang nahiya kay Bobby na sa sobrang nerbiyos nito na hindi niya maintindihan ay hindi na napunang nagtataksil na agad ang asawa nito.
Hinila siya ni Wallace palayo sa dalawa at hinanap mula sa mga nagtsi-tsimisang mga bisita ang tila pakay nito.
Tumigil sila sa harapan mismo ng kanyang inang si Magda na kausap ang mga magulang ni Bobby na nakilala na niya bilang siya ang kasintahan ng anak ng mga ito sa nakalipas na limang taon. Sa tabi ng mga ito ay isang sopistikadang ginang na may edad na.
Lumiwanag ang mukha ng babae nang makita si Wallace at masuyo itong niyakap.
"Wallace, anak! This is a surprise!"
Ina ito ng asawa niya? Bahagya pa siyang kinilabutan sa salitang asawa na naisip niya. Masasanay ba siyang tukuying kabiyak ang kagaya nito?
"Hindi ko palalampasin ang kasal ng pamangkin ko, Mama," tugon nitong malamyos ang tinig pero nagbabanta naman ang tinging ipinukol sa mga magulang ni Bobby. "And oh, Ma, I'd like you to meet my wife, Margarette Vega." Masuyo siya nitong inakbayan at sa gulat niya— nilang lahat, hinalikan siya nito sa pisngi.
Pakiramdam ni Margarette, pulang-pula hindi lang ang kanyang mukha kung hindi lahat ng balat niyang kita sa suot niyang konserbatibong blue gown.
Si Magda na tila hindi niya ina dahil 'di man lang siya binati ay nanlalaki ang mga mata. Ang mga magulang naman ni Bobby na una pa lang ay alam na niyang hindi siya gusto maliban sa titulo niyang lady CEO, ay halos malaglag ang mga panga. Pero ang ina ni Wallace, kuminang ang mga mata sa nalaman.
"What a lovely woman you chose for a wife, son!" sabi ng ginang na walang pag-aatubili siyang niyakap.
Lovely woman? 'Di yata't may diperensya sa mga mata nito ang ginang?
"A-asawa mo siya, ate?" Punit ni Michaela sa pagkabigla ng ibang naroroon. Para itong maiiyak na ewan.
Sinasabi na nga ba niya, maiinggit nang sobra ang kapatid niya.
"She's my wife. Do you have a problem with that, niece-in-law?" Si Wallace ang sumagot para sa kanya.
Mariing napailing si Michaela na napakapit pa sa braso ni Bobby na matiim naman ang titig sa kanya.
"I'm sorry for stealing the spotlight, Bobby. Narito lang kami para pormal ko ring ipakilala sa Mama ang asawa ko at para ipaalam na rin kay Mrs. Vega na iuuwi ko na ang anak niya," bumaling ito kay Magda na nakatulala pa rin. "I'm hoping you will also give us your blessing, Ma'am."
Tila noon lang natauhan ang kanyang ina na bigla namang naghugis dolyar ang mga mata. "O-oo naman, Mr. Soh!"
Kilala agad ito ng kanyang ina? Teka, siya lang ba ang hindi nakakakilala kay Wallace Soh? Pero si Wallace mismo, kung makaakto ito ay para bang alam na alam din nito kung sino ang kanyang ina.
"Thank you."
Nagulat pa si Margarette nang hilahin siya ng ina ni Wallace.
"Come here, child. So, tell me, how did you meet my son? I would like to know how you managed to win his heart. Oh, sorry, I'm just overwhelmed! My Wallace is such a pain, akala ko hindi na siya mag-aasawa pa!" Purong excitement at walang halong disgusto ang interes sa tanong ng ginang na tantya niya ay nasa lampas sixty years old na.
Gayunpaman ay kitang-kita pa rin sa maganda nitong kutis ang kagandahang meron ito.
Namutla siya at hinagilap ang tingin ni Wallace na agad namang lumapit para sumaklolo. Hindi nila napag-usapan ang tungkol sa kwento nila. Alangan namang sabihin niyang hindi naman talaga nila kilala ni Wallace ang isa't isa at napagkatuwaan lang nilang magpakasal?
"Ma, hindi tamang inilalayo mo agad ang asawa ko. Don't scare her with your questions. Baka ibalik agad ako nito sa 'yo," masuyo at nagbibiro nitong sabi sa ina kahit wala itong narinig sa mga sinabi nito sa kanya.
Lumabi si Suzanne Soh. "I didn't know you got married. I'm just trying to find out the story of how she won your heart, Wallace."
Hindi mapigilan ni Margarette na matuwa sa ginang. Pero ito ba ang inang nais takasan ni Wallace ang pangungulit sa pag-aasawa nito? Sweet ang ginang. Paano naatim ni Wallace na mainis dito?
Well, isa lang naman iyon sa dahilan kaya siya nito pinakasalan. Kung gayo'n ay mas mabigat ang ikalawang rason, si Camila.
"Save your questions some other time. I'll bring her to dinner next weekend. Sa ngayon, sa akin muna ang buong atensyon ng asawa ko, Mama," humalik pa ito sa ina nito na mukhang nasatisfy naman sa sagot ng anak nito.
"Alright. Guess I could wait another week," pagpayag nito.
Nagawi naman ang atensyon ni Margarette sa ina na sinisenyasan siyang lumapit dito. Kaya nagpaalam muna siya kina Wallace at Suzanne at mabibigat ang mga hakbang na pinuntahan ang ina.
"Ano ang nangyari? Paano ka naging asawa ni Wallace Soh? Niloloko mo ba ako, Margarette?" Puno ng pagdududa ang tono ng kanyang ina.
Napaismid si Margarette sa loob niya. Gano'n ba kaimposibleng makapangasawa siya ng katulad ni Wallace?
"Hindi po, Ma. Totoong kasal na ako. Pasensya na kung hindi ko po kayo naimbita. Ako man ay hindi pa rin makapaniwala," tugon niya, honest pero may himig ng pagkasarkastiko.
Bago pa makausisa nang higit pa ang kanyang ina, lumapit na si Wallace at ipinagpaalam na siya kay Magda.
Gaya noong una ay mabilis napapayag ni Wallace ang kanyang ina. Sa pagkakataong iyon ay hindi na mapigilan ni Margarette ang kuryusidad niya sa pagkatao ng lalaki.
Pag-uwi nila galing Las Vegas ay private jet ang sinakyan nila. Malamang iyon din ang nagdala sa kanila roon. Pero hindi siya nag-usisa dahil marami namang mayaman ang mayroong kapasidad magmay-ari ng gano'n.
Pero ang reaksyon ng mga tao rito ay nagpaigting sa katanungan sa utak niya. Sino ito?
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatingin? 'Wag mong sabihing in love ka na sa akin agad, Maggie," pilyo ang pagkakangiting nilingon siya ng nagmamanehong si Wallace.
"Maggie?" Umigkas ang kilay niya. Doon natuon ang pansin niya kaysa sa tanong nito kung in love na siya rito.
Hindi niya kailangang maging defensive sa isang bagay na imposibleng maging totoo sa loob ng iilang araw lang. Pero sa pagtawag nito sa kanya gamit ang nickname na wala pang tumatawag sa kanya ay nagreact siya.
"What? Do you prefer honey instead? Or sweetheart? Darling? Babe?"
"Argh, quit it," halos magbuhol na ang mga kilay niya. Kahit sa totoo lang, may tila mga paro-parong umatake sa sikmura niya.
Weird. Ano ang pakiramdam na iyon?
"I'd settle with Margarette. Gusto ko ang pangalan ko, 'wag mong iniiba."
"Fine," tugon nitong muling itinuon ang pansin sa daang tinatahak nila. "Maggie."
Pinaikutan niya ito ng mga mata at 'di na nagsalita pa. Saka na niya itatanong kung sino talaga ito.
Nalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. "Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? "And of course, a bunch of security and househelps."Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at k
"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito. "Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?" "Hindi naman sa gano'n," kaila niya. Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan. Hindi nito deserve mapagtawanan. "Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya."Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon. "Kung gano
"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette. Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya? O sadyang hindi sinabi ni Bobby? At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
“So, did you enjoy the look on Michaela’s face?” tanong ni Wallace.Nagbe-breakfast sila nang sumunod na araw. Hindi naman intended ni Margarette na mag-almusal, pero nadatnan niya si Wallace sa dining room nang kukuha lang sana siya ng maiinom. Pinilit na siya nitong sabayan itong kumain kaya hindi na siya nakatanggi. Inakit na siya ng mga nakahain sa mesa at nauna pa nga siyang sumubo kaysa sa lalaking nag-imbita sa kanya.“Ginawa mo talaga ‘yon? Mr. Soh, sinira mo ang Europe tour nila,” natatawa niyang sagot. Naikwento niya rito ang pagsugod ni Michaela sa opisina niya pati na rin ang sinabi nitong card ni Bobby na pinutol ni Wallace.“Hindi na bata si Bobby, pero nakadepende siya sa allowance niya galing sa akin. Now that he’s married, kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.” “But ain’t that cruel?” Hindi naman siya naaawa kay Bobby. Naisip lang niya na sana pinatapos man lang nito ang happy days ng pamangkin nito. “Come on, I had fun doing that to him. He d
Tanghali na at nangalahati na ang araw. Pero si Margarette, lutang pa rin ang pakiramdam. Hindi pa siya nakaka-get over sa first kiss niya sa pisngi. Sino ang mag-aakala na ang makaka-distract lang sa kanya nang gano'n ay isang simpleng halik sa pisngi? Kahit noong nalaman niyang nawala na sa kanya si Bobby, nagawa pa rin niyang magtrabaho at kapag libre na siya saka lang siya umiiyak. Pero ngayon, buong umaga na siyang distracted. "Mrs. Soh?" Untag ni Gilbert sa kanya pero hindi niya ito napapansin. "Mrs. Soh?""H-huh?" Gulat pa siyang napatingin sa secretary na nakatayo na pala sa harapan niya.Tumikhim ang lalaki bago nagsalita ulit. "Nakabalik na po ako. Nakuha ko na ang sasakyan sa bahay ni Mr. Soh.""Okay. Salamat," saad niyang ibinalik sa laptop ang tingin kahit wala roon o sa kausap ang atensyon niya. "Then I'll call you when I need you." Bahagyang yumuko si Gilbert at iniwanan na siya. Inis naman sa sariling padabog niyang isinara ang laptop niya. Ano ang nangyayari sa k
"Ano pong kasal ang ibig ninyong sabihin? Ma, boyfriend ko si Bobby!"Paakkk!Isang matunog na sampal ang naging sagot sa tanong ni Margarette. Nanlalaki ang mga matang napasapo siya sa pisnging dinapuan ng palad ng kanyang ina. "Ano ang karapatan mong kwestyunin ang desisyon ko, Margarette?! Kahit kailan ay hindi ka marunong rumespeto!" Lalong napat*nga ang dalaga sa sinabi ng ina. Siya? Walang respeto? Napadako ang tingin niya sa umiiyak na nakababatang kapatid na si Michaela. Yakap-yakap ito ng nobyo niyang si Bobby na matiim ang pagkakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang pagbabadya ng kanyang mga luha sa ayos ng dalawa. Isang linggo lang siyang nawala para ayusin ang gulong kinasangkutan ni Mich sa ibang bansa. Pero heto at sa pagbabalik niya, buhay na niya ang ginulo ng kanyang kapatid.Ang masakit, mukhang may permiso ng kanilang ina. "Ma, ako ba ang walang respeto?! Hindi ba ang paborito mong anak? Kasintahan ko si Bobby! Pero ano ang ginawa niya?!" sumbat niya. Halos map
Pinilit ni Margarette na tanggapin ang kapalaran niya. Pero sa bawat araw na lumilipas na sadyang ini-involve siya ng ina sa pagpaplano ng kasal ng mga taksil, bumigay rin ang kanyang pasensya.Ngayon ay nag-walk out siya nang sabihin ni Magda na siya ang magiging maid of honor ni Michaela. Ano siya? Baliw? Sinong pinagtaksilan ang masokista pa para pagbigyan ang hiling na iyon? Sumusobra na ang mga ito! Hindi siya gano'n ka-gullible para pumayag! Alam naman niyang nais lang ipamukha sa kanya ni Michaela na naagaw nito sa kanya si Bobby. At hindi niya ibibigay ang layaw nitong saktan pa siya lalo."Margarette!" sigaw ni Magda. Pero hindi niya nilingon ang ina. Tama na ang pagpaparaya! Gusto nilang magpakasal? Eh 'di magpakasal sila! Pero gawin nila nang hindi na siya idinadamay pa. Kasi masakit pa rin. Hindi naman siya plastik para sabihin na naka-move on na siya. Hindi pa! At palagay niya ay habambuhay na niyang dadalhin sa dibdib niya ang sama ng loob niya sa ina at kapatid. Na
"'Yong boyfriend ko nang limang taon, ginalaw ang kapatid ko na isang linggo pa lamang niyang nakikilala! At ngayon, ikakasal na sila sa darating na Linggo. Ilang araw na lang iyon! At alam mo ba? Gusto ng magaling kong ina na ako pa ang maid of honor! Wala na silang itinirang respeto sa akin! Hindi ko ito deserve! Hindi…" Kalahating oras pa ang lumipas, natagpuan ni Margarette ang sarili na nakasandal sa hood ng mamahaling sasakyan ng lalaking kasama. Nasa tabi rin niya ito at nakatingala sa maaliwalas na kalangitan. Marami ngang bituin doon. Pero wala siya sa mood na mag-appreciaate ng nature. Hindi niya nga alam kung saan siya nito dinala. Ginamit nila ang sasakyan nito paalis ng bar. Ni hindi niya maalala kung bakit siya sumama rito.Inaya ba siya nito? O nirekomenda niya ang sarili na sumama para lang may makausap kahit na kanina ay nagalit siyang bigla itong sumasagot sa kanya. Basta namalayan na lang niyang nasa medyo mataas na lugar sila base sa dumadamping malamig na hangi
Tanghali na at nangalahati na ang araw. Pero si Margarette, lutang pa rin ang pakiramdam. Hindi pa siya nakaka-get over sa first kiss niya sa pisngi. Sino ang mag-aakala na ang makaka-distract lang sa kanya nang gano'n ay isang simpleng halik sa pisngi? Kahit noong nalaman niyang nawala na sa kanya si Bobby, nagawa pa rin niyang magtrabaho at kapag libre na siya saka lang siya umiiyak. Pero ngayon, buong umaga na siyang distracted. "Mrs. Soh?" Untag ni Gilbert sa kanya pero hindi niya ito napapansin. "Mrs. Soh?""H-huh?" Gulat pa siyang napatingin sa secretary na nakatayo na pala sa harapan niya.Tumikhim ang lalaki bago nagsalita ulit. "Nakabalik na po ako. Nakuha ko na ang sasakyan sa bahay ni Mr. Soh.""Okay. Salamat," saad niyang ibinalik sa laptop ang tingin kahit wala roon o sa kausap ang atensyon niya. "Then I'll call you when I need you." Bahagyang yumuko si Gilbert at iniwanan na siya. Inis naman sa sariling padabog niyang isinara ang laptop niya. Ano ang nangyayari sa k
“So, did you enjoy the look on Michaela’s face?” tanong ni Wallace.Nagbe-breakfast sila nang sumunod na araw. Hindi naman intended ni Margarette na mag-almusal, pero nadatnan niya si Wallace sa dining room nang kukuha lang sana siya ng maiinom. Pinilit na siya nitong sabayan itong kumain kaya hindi na siya nakatanggi. Inakit na siya ng mga nakahain sa mesa at nauna pa nga siyang sumubo kaysa sa lalaking nag-imbita sa kanya.“Ginawa mo talaga ‘yon? Mr. Soh, sinira mo ang Europe tour nila,” natatawa niyang sagot. Naikwento niya rito ang pagsugod ni Michaela sa opisina niya pati na rin ang sinabi nitong card ni Bobby na pinutol ni Wallace.“Hindi na bata si Bobby, pero nakadepende siya sa allowance niya galing sa akin. Now that he’s married, kailangan niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa.” “But ain’t that cruel?” Hindi naman siya naaawa kay Bobby. Naisip lang niya na sana pinatapos man lang nito ang happy days ng pamangkin nito. “Come on, I had fun doing that to him. He d
"So, hindi nga close sina Bobby at Wallace sa isa't isa," ani Margarette. Limang taon lang ang agwat ng edad ng magtiyuhin. Kung tutuusin, dahil tumira naman sila sa iisang bahay, dapat ay malapit ang loob ng mga ito sa isa't isa.Pero hindi gano'n ang nangyari. Kung ano ang dahilan kaya malayo ang loob ng mga ito sa isa't isa, wala silang ideya. Hindi detalyado sa parteng iyon ang report ni Gilbert. Naiintindihan naman niya dahil personal na iyon.Ang nakapagtataka, limang taong kasintahan ni Margarette si Bobby. Pero wala siyang kamalay-malay na pamilya nito ang may-ari ng sikat na primyadong hotel brand. Gano'n ba siya ka-busy para hindi maitanong ang ilang personal na bagay sa buhay ng ex-boyfriend niya? O sadyang hindi sinabi ni Bobby? At muntik na pala siyang magpakasal sa lalaking hindi niya gaanong kilala. Paanong hindi man lang niya alam na Soh ang middle name ni Bobby?"Yes, Ms. Vega. Nasa report na sa States nag-aral si Mr. Soh samantalang nanatili dito sa Pilipinas si Mr
"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito. "Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?" "Hindi naman sa gano'n," kaila niya. Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan. Hindi nito deserve mapagtawanan. "Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya."Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon. "Kung gano
Nalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. "Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? "And of course, a bunch of security and househelps."Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at k
Naging malaking sorpresa ang pagdalo ni Margarette sa kasal ng kapatid. Pero hindi iyon dahil sa kasal din iyon ng dati niyang kasintahan at alam iyon ng majority ng mga bisita. Ang dahilan ay ang pagdating niya kasama si Wallace. Sa katunayan, maging si Margarette ay nasorpresa. Hindi niya kasi inaasahan na kilala ng ex niyang si Bobby si Wallace. At hindi lang basta kilala, kilalang-kilala!"Uncle!" Rumehistro ang gulat at bahagyang pamumutla sa mukha ni Bobby. "Anong ginagawa mo rito? Ang sabi ng Lola ay hindi ka makakapunta! At," sinulyapan siya nito at ang kamay niyang maingat na nakasalikop sa kamay ni Wallace. "Kasama mo si Margarette," nadagdagan pa ng pagkalito ang mukha nitong hindi na maintindihan. Nagpapawis si Bobby at kitang-kita ang pagka-tense nito sa presensya ni Wallace na tinawag nitong Uncle. Tiyuhin ito ng ex niya?! Pero hindi sila pareho ng apelyido! Montealba si Bobby.Hindi makapaniwala si Margarette. Alam ba iyon ni Wallace buong pagkakataon na magkasama sil
"Sino ka?!" Halos mapatili si Margarette nang magising na may katabing lalaki sa kama.At hindi lang basta lalaki! Isang gwapong lalaki! Hindi, sobrang gwapo! Iyong tipong hindi lang lilingunin. Ito iyong klase ng gwapo na gusto mong titigan maghapon magdamag.Nakahubad ito ng pang-itaas kaya naman kita ng mga nanlalaki niyang mga mata ang tila mga inukit sa pagkaperpekto nitong mga abs!"Done checking me out?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito sa isang ngisi. "Anong checking you out?! Hoy, kung sino ka man, lumabas ka ngayon din! Kung hindi ay kakasuhan kita! Kakasuhan kita ng, ng—" napatingin siya sa sarili niyang balot na balot. "Ng?" Kunot noo nitong hamon sa pagitan ng nakakaloko pero gwapo nitong pagkakangiti. "Basta! Lumabas ka!" tili niya."Unang araw nating mag-asawa pero pinapalayas mo na ako agad, Mrs. Soh?" Nanlaki ang mga mata niya. Ano ang sinasabi nito?! "Hoy, hindi magandang biro 'yan, ha? Kung ayaw mong lumabas, ako ang aalis!" Hinagilap niya ng tingin ang bag ni