Home / Romance / The Instant Wedding / TIW 3. Desperada

Share

TIW 3. Desperada

"'Yong boyfriend ko nang limang taon, ginalaw ang kapatid ko na isang linggo pa lamang niyang nakikilala! At ngayon, ikakasal na sila sa darating na Linggo. Ilang araw na lang iyon! At alam mo ba? Gusto ng magaling kong ina na ako pa ang maid of honor! Wala na silang itinirang respeto sa akin! Hindi ko ito deserve! Hindi…" 

Kalahating oras pa ang lumipas, natagpuan ni Margarette ang sarili na nakasandal sa hood ng mamahaling sasakyan ng lalaking kasama. Nasa tabi rin niya ito at nakatingala sa maaliwalas na kalangitan. 

Marami ngang bituin doon. Pero wala siya sa mood na mag-appreciaate ng nature. Hindi niya nga alam kung saan siya nito dinala. Ginamit nila ang sasakyan nito paalis ng bar. Ni hindi niya maalala kung bakit siya sumama rito.

Inaya ba siya nito? O nirekomenda niya ang sarili na sumama para lang may makausap kahit na kanina ay nagalit siyang bigla itong sumasagot sa kanya. 

Basta namalayan na lang niyang nasa medyo mataas na lugar sila base sa dumadamping malamig na hangin sa balat niya maliban sa gabi na talaga kaya hindi na mainit. Ang tangi nilang liwanag ay ang buwan. 

"Pero hindi ko naman pwedeng ipaglaban ang ayaw na sa akin, hindi ba? Naiintindihan ko na mas maganda si Michaela! Alam ko na mas nakakaakit siya! Pero umasa kasi ako! Umasa ako na tanggap ako ni Bobby…" napaiyak na siya sa sama ng loob. 

Nagbanggit na siya ng mga pangalan. Hindi bale, hindi naman siya kilala ng lalaking kasama. Ewan nga ba niya't nagtatiyaga itong makinig sa kanya. 

"Alam mo kasi sinabi niya na mahal niya ako! Akala ko totoo. Pero gusto kong isipin na totoo… Kaya lang—"

"Hindi ka niya mahal," putol ng lalaki sa kanya. Napakaprangka naman! Hindi man lang bumusina. Inis na aangil sana siya. 

Pero nagulat siya nang sa paglingon niya, nakita niyang may iniaabot itong panyo sa kanya. Kulay puti at napakaayos ng pagkakatupi. Mukhang hindi pa nagagamit.

"Dry your tears. A man like that doesn't deserve it."

Saglit siyang natulala sa kasama. Brutal pero may konsensya? 

"Hindi mo siya kilala," napaismid siya pero tinanggap naman niya ang panyo. "Mabait si Bobby. Pinakamabait na lalaking nakilala ko. Kaya lang ay…" humaplos ulit ang sakit sa puso niya.

Hindi. Hindi mabait si Bobby.

"Ipinagtatanggol mo pa rin siya? Face it, ang mga katulad niya, hindi alam ang salitang commitment. A man with a character like Bobby cannot be trusted. Mabuti nga at nalaman mo bago ikaw ang matali sa kanya sa kasal." 

Lumabi siya. Tama kasi ito. Pero bakit kahit na pinagtaksilan na siya ay tila ayaw pa rin tanggapin ng puso niya na nagkamali siya ng akala sa nobyo?

"Lalaki lang siya. At natukso siya kay Michaela."

"Lalaki rin ako. At sinasabi ko sa 'yo, hindi ako basta-basta natutukso at nagpapatukso. Stop defending him. Besides, you are beautiful, Miss."

Bakit pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito? 

"Hmn, may alak ka ba r'yan? Gusto ko pang maglasing!" Sa halip ay tanong niya.

"There's a bar inside the resort. Let's go and get you wasted. Tutal, sigurado ako't mayamaya lang ay tulog ka na." 

"Try me, Mister…!"

"Tsk."

Iginiya siya ng lalaki pabalik sa kotse nito at pinaandar iyon. Nasa vicinity na pala sila ng isang resort. Huminto rin sila agad makalipas ang ilang minuto lang sa tapat ng mukhang hotel. 

Mas tahimik ang bar na pinasok nila. Iilan lang ang naroon. Siguro ay pribado ang resort o dahil malalim na ang gabi. Pumwesto sila sa dulong bahagi. Pang-grupo kaya komportable ang mga upuan.

Iniwanan siya saglit ng lalaki nang tumunog ang cellphone nito. Kinuha naman niya ang pagkakataon para maglasing pa ulit. Gusto niyang makalimot. Kung pwede lang ay wala na siyang maalala pagkatapos. 

Halos makalahati na niya ang iniinom ay hindi pa bumabalik ang kasama niya. Hindi kaya iniwanan na siya nito? 

Nagkibit siya ng balikat. Wala siyang pakialam kung ganoon nga. Malaki na siya. Kaya niya ang sarili niya! Saka sa hitsura ba niya ay may magkakainteres pang gawan siya nang masama? 

Natawa siya sa sarili. Sarili nga niyang nobyo ay hindi naakit sa kanya kahit minsan sa loob ng limang taon! Ibang tao pa kaya?

Dahil naisip na rin niya ang bagay na iyon, ngayon lang niya napagtanto na kahit minsan pala, hindi sila lumampas ni Bobby sa holding hands lang. Gaya ng lahat ng naging nobyo niya noon, wala man lang sa mga ito ang nagtangkang halikan siya!

Ganoon ba siya kapangit? 

Kinuha ni Margarette ang bote ng alak at tumungga direkta mula roon. Nakakaiyak kasi at nakakababa ng pagkatao ang naisip niya!

"What are you doing?!" Inagaw ng kasama niyang nakabalik na pala ang bote galing sa kanya. "Are you planning to drown yourself with alcohol?" Galit nitong dagdag.

Pinanliitan niya ito ng mga mata. Hindi pa rin niya nakikita nang maayos ang mukha ng lalaki. Pero mukha naman itong may hitsura. Pero kahit ano pa, wala itong karapatang kwestyunin ang ginagawa niya.

"Wala kang pakialam," asik niya. 

"May pakialam ako dahil ako ang kasama mo. Kargo kita kapag may nangyari sa 'yo!" Bakit ba ito nagagalit? Kanina naman ay malumanay lang ito. 

"Oh, eh 'di iwan mo na ako rito para 'di na kita kasama!" Inis niyang tugon. "Give it back!"

"No way! Wala ka na sa tamang huwisyo mo para magdesisyon."

Asar na tumayo siya bigla. "Killjoy ka. Ayaw na kitang kasama!" Sinikap niyang maglakad kahit doble na ang tingin niya sa paligid. 

"Sit back, d*mmit!" sigaw nito.

Napahinto naman siya at hindi makapaniwalang nilingon ito. Sinigawan ba siya ng hudyo? Siya? Si Margarette Vega, sinisigawan ng lalaking hindi naman niya kilala? 

"Hoy," dinuro niya ito. "'Wag mo akong sisigawan, ha? Hindi tayo close. Ni hindi kita kilala! Sumama ako rito dahil gusto ko lang ng kausap. Pero hindi ko maalala na binigyan kita ng karapatan na manduhan ako! Magkano ba para sa serbisyo mong pakikinig sa kwento ko?!" Akma siyang kukuha ng pera pero wala pala siyang dalang bag.

Nasaan ang gamit niya?

Tumayo ang lalaki at nilapitan siya. "Alright, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sumigaw. I just had a fight with my mom. Mainit lang talaga ulo ko. Nadamay ka lang." Mas malumanay na nga nitong paliwanag. 

Huminga siya nang malalim. "Ibalik mo sa akin ang alak para bati na tayo."

Natawa ito. Napakunot noo naman siya. Masarap sa tenga ang tawa nito. Parang musika. Tsk, mukhang lasing na nga talaga siya.

"Not a chance, lady."

Sumimangot siya pero hindi siya nagpilit. Masakit na kasi ang ulo niya. Naupo siya ulit habang hinihilot ang sintindo. 

"May offer ako sa 'yo," mayamaya ay sabi nito. "What do you think about marrying me, Miss?" 

"Huh?" Tumigil siya sa pagmamasahe sa sintido niya at napatingin sa kasama. Hindi niya ito makita nang malinaw kaya hindi niya mabasa ang mga mata nito. "Nagbibiro ka ba? Tinalikuran ako ng pakakasalan ko pero hindi ako desperada!"

"Wala akong sinabing desperada ka. In fact, I am the one who is desperate." 

"Why so?"

"Look, gusto mo bang makaganti sa ex-boyfriend mo at sa kapatid mo? Marry me, Miss. And do me a favor at the same time." 

Tumawa siya. Tawang-tawa. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya natawa nang todo. Bagamat inaamin niyang gusto niyang makaganti, hindi siya magpapakasal sa hindi niya kilala para lang sa ganoong purpose.

"Wala tayo sa Las Vegas, Mister. Na kung kailan mo gustong magpakasal ay pwede agad-agad!" 

"Do you fancy a Las Vegas wedding, Miss?" Malapad itong ngumisi. "Then, let's go to Vegas!" 

Napanganga siya nang walang pasabing kinuha nito ang isang kamay niya at hilahin siya. 

"Hoy!!!" 

Ni hindi pa nga nila kilala ang isa't isa!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status