Share

TIW 6. Email

Nalula si Margarette sa laki ng bahay ni Wallace. Tatlong palapag iyon na moderno ang disenyo. Malawak din sa tantya niya ang hindi bababa sa eight thousand square feet na property. 

"Ako lang ang nakatira rito," sabi pa nito na lalo niyang ikinamangha. "But now that you're here, that makes the two of us."

Lumaki rin naman siyang marangya. Pero wala pa pala iyon kumpara sa karangyaan ng napangasawa niya. Sino ba talaga ito? 

"And of course, a bunch of security and househelps."

Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ng mga unipormadong gwardiya. At sa entrance naman na papunta sa high ceiling at malawak na living room ay nakahilera ang mga naka-uniform din na kasambahay. 

Ipinakilala siya ni Wallace bilang asawa nito nang walang pangingimi. Hindi naman proud, pero walang bahid nang pagkahiya na katulad niya ang napangasawa nito. 

Hindi nakaligtas kay Margarette ang gulat sa mukha ng mga kasambahay. Pero wala siyang pakialam. Amo na rin siya ng mga ito kaya walang magagawa ang gulat at kung mayro'n mang hindi pagtanggap sa loob ng mga ito. 

Pero bukod sa mga batang kasambahay pa ay isang ginang na bakas ang tuwa sa mukha. 

"Napakamagandang balita nito, Mr. Soh," sabi nito na halos maluha pa. 

"Yaya Anita, magaling ba akong pumili?" Malambing na inakbayan ito ni Wallace. 

Sa maikling sandaling tahimik na pag-obserba, naramdaman ni Margarette ang magandang relasyon ni Wallace sa matandang kasambahay.

"Oo naman. Nakikita ko sa batang ito ang busilak niyang puso," tugon ni Yaya Anita na ngumiti sa kanya at ginagap ang kanyang mga kamay. "Maligayang pagdating dito, Madam Margarette. Kapag may kailangan ka ay 'wag kang mangiming tawagin ako."

"Salamat po," magalang niyang sabi. Kung paano man nito nasabi na may busilak siyang puso, sana ay hindi niya ito mabigo. 

Isa siyang Lady Boss. At hindi sa lahat ng pagkakataon, puso ang pinapairal niya sa kanyang mga pagpapasya lalo na sa kalakaran ng negosyo. Ang compassionate na businesswoman ay walang mararating, 'yan ang kanyang paniniwala.

At nito lang, napatunayan niya sa kanyang sarili na kahit pala sa personal niyang buhay, kaya niyang isantabi ang kanyang puso.

Hindi ba nga't pumayag siya sa alok na kasal ni Wallace para lang makaganti kina Bobby at Michaela? Kapag nalaman kaya iyon ni Yaya Anita, magbabago ang isip nito sa kanya?

Ano naman kung magkagayo'n nga?

"Hindi ako pipili ng iuuwi rito na hindi mo magugustuhan, Yaya," pagmamalaki ni Wallace.

So dapat ba siyang matuwa na nakaabot siya sa pamantayan?

"Salamat naman kung gano'n. Sana nga ay 'wag nang makatungtong dito iyong isa," pinaikutan nito ng mga mata si Wallace.

Bahagyang natawa si Margarette. Kung susumahin niya, hindi ito takot sa asawa niya. 

"Hindi ako nangangako," niyapos ito ni Wallace pero pinalo ng matanda ang mga braso nito. 

"Hala sige, umakyat na kayo at magpahinga. Tatawagin ko na lang kayo para sa dinner," utos nito na tinawanan lang ni Wallace.

Inakay siya ng asawa niya papunta sa ikalawang palapag habang nakasunod ang mga kasambahay na bitbit ang mga maleta niya. Ang iba naman ay pinabalik na ni Yaya Anita sa trabaho ng mga ito. 

"Dito ang magiging silid mo," huminto ito sa isang pintuan sa kaliwa at binuksan iyon. 

Tumambad sa harapan ni Margarette ang isang malaking silid na may malaking kama sa dulong gitna sa kanan. Wala masyadong furnitures maliban sa essentials. Pakiramdam nga niya, kilala siya nito dati pa para malaman na minimalist siyang babae. 

"Thank you," usal niya. 

"Mine is the one on the right end," sabi ni Wallace na binuksan sa pamamagitan ng remote control ang mga kurtina. Magandang view sa likurang bahagi ng mansyon ang nakita ni Margarette. 

"Alam ni Yaya ang setup natin," patuloy nito nang makaalis ang mga katulong na nagbitbit ng mga gamit niya. "Wala kang aalalahanin sa mga tao rito sa bahay. They are under my authority. Pero sa Mama ko, iba ang kwento. Kaya kapag bibisita siya rito, you have to stay in my room."

Tumango siya. "Okay."

"I will have Yaya Anita to put some of your clothing in my room para hindi tayo palipat-lipat kung sakali."

Wala siyang problema sa kahit na ano. Hindi niya alam pero malaki ang tiwala niya sa lalaki. Nagkatabi na nga sila matulog sa Las Vegas, 'di ba? At honeymoon pa nila iyon kung tutuusin. 

Pero hindi siya pinakialamanan ni Wallace Soh. Isa lang sa dalawa, hindi siya kanasa-nasa o matindi ang pagmamahal nito kay Camila. Pwede ring sa parehong kadahilanan na iyon.

"If there's nothing else, iiwanan na kita para makapagpahinga ka muna."

At kung bakit biglang naging mapait ang pakiramdam ni Margarette sa naisip niya.

"May kailangan pa ako," sabi niya sabay pilig sa ulo para iwaksi ang naramdaman.

"What is it?" 

"I need a room for Gilbert. Preferably, close to my bedroom," sagot niya na ikinalukot ng noo nito.

"Pardon?" 

"Secretary ko siya," paliwanag niya. 

"You have a guy for a secretary?" Parang may bahid ng disgusto ang tono nito. O baka nagkamali lang siya ng dinig. 

"Ano ang problema? Magaling at efficient si Gilbert. Sa bahay ay may silid siya dahil may mga pagkakataong kailangan naming mag-overtime." 

"I also run a company but I don't bring my secretary home," kunot na kunot ang noo nito.

"Magkaiba tayo," saad niya. Naiinis nang bahagya na kailangan niya iyong ipaliwanag. 

"Then, I'll think about it," tugon naman ni Wallace. "This is my house, after all."

"Alright. Then I won't insist. But I supposed that you won't expect me to always be home," suko niya. 

Tama naman ito. Nakikitira lang siya ro'n. Pero human extension niya si Gilbert. Kailangan niya ito. 

"Let's talk about it some other time. Magpahinga ka muna."

Lumabas na rin ito pagkatapos. 

Napabuga ng hangin si Margarette nang mapag-isa na. Ayaw niyang isipin na nabigla lang siya sa pagpapakasal sa lalaking kaaalis lang. 

Pero sa bilis niyang nagdesisyon na nasa impluwensya pa ng alkohol noon, mukhang nagkamali nga siya. 

Naupo siya sa kama at hinagilap ang phone niya. Ilang saglit pa ay nasa kabilang linya na si Gilbert.

"Yes, Ms. Vega?" 

"Send me details about Wallace Soh. I want it before dinner time," sabi niya at kaagad ding pinutol ang tawag. 

Inayos niya ang mga gamit niya pagkatapos. Kaunti lang naman ang dinala niya kaya hindi siya nagtagal sa pag-aayos. 

At sa halip na magpahinga, nagshower siya at binuksan na ang laptop niya pagkatapos. Masaya siya na may balcony ang silid niya. Doon siya pumwesto para magtrabaho. 

Hindi siya nakapasok nang ilang araw gawa ng instant Las Vegas wedding niya. Kaya naman, pagbukas niya ng email niya, tambak na ang kailangan niyang basahin. 

Karamihan naman ay nasagot na ni Gilbert kahit wala siyang notice sa secretary niya kung saang lupalop ng mundo siya napadpad at bakit missing in action siya. Kaya iyong i-handle ni Gilbert. Kaya importante sa kanya ang lalaki. 

Sa katunayan, bukod sa kanya, iniilagan din ito sa opisina. Nirerepresenta siya ni Gilbert. Kapag wala siya, ito ang boss at hindi ang kanyang mga Vice President o kung sino pa mang board o opisyales ng kompanya. Iyon ay dahil wala siyang pinagkakatiwalaan. 

Iyon ang turo sa kanya ng yumao niyang ama. 

Pero sa dalawang pagkakataon, nabigo niya ito. Iyon ay nang pagtiwalaan niya si Bobby at pati na rin si Michaela. 

Iniisa-isa niya ang mga emails nang makatanggap siya ng bago. At galing iyon kay Gilbert na may pamagat na Mr. Wallace Soh. 

Mabilis na binuksan iyon ni Margarette, para lang mapanganga pagkatapos. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jie BAC
waiting sa next update thanks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status