Share

TIW 7. Cheers

"Hindi na kailangan!" Mabilis na kontra ni Margarette kay Wallace.

Nagdi-dinner sila at sinasabi nito ang plano nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa nito.

"Bakit hindi?" Kunot ang noo na tanong nito. "Ikinakahiya mo ba ako?"

"Hindi naman sa gano'n," kaila niya.

Talaga namang hindi niya ito ikahihiya. Kahit pa makarating siya ng ibang planeta maipagsigawan lang na pinakasalan siya ng isang Wallace Soh, gagawin niya. Ang kaso, nahihiya siya para rito at hindi para sa kanya.

Hindi deserve ng isang kagaya nito na kilala pala talaga sa alta sosyedad na makapangasawa ng katulad niya ang panlabas na kaanyuan.

Hindi nito deserve mapagtawanan.

"Pero sa palagay ko ay hindi naman kailangang umabot tayo sa gano'n na ipaalam pa sa lahat. Pwede mo namang iparating kay Camila na nagpakasal ka na nang hindi nilalathala pa sa pahayagan ang kasal mo," dagdag niya.

"Don't forget about my mother. In fact, I'm planning to marry you again for her benefit," kalmado naman nitong tugon.

"Kung gano'n, pwede ba na iyon na rin ang announcement? I mean, bigyan mo ako nang kaunting panahon na ayusin ang sarili ko. Ayaw kong mapahiya ka o ang Mama mo," sagot niya.

"Ayusin ang sarili mo at ayaw mo kaming mapahiya? Why is that, Maggie?" Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Wallace. "I don't see anything wrong with you."

Pinaikutan niya ito ng mga mata niya. Duh! Hindi ba obvious? Sobrang gwapo nito, mayaman, respetado, kilala sa lipunan. Siguradong mataas ang expectations ng mga tao sa babaeng pipiliin nito.

At kahit naman walang totoo sa kanila ni Wallace, ayaw pa rin niyang dahil sa kanya ay mapapahiya ito.

'Ano ang problema mo, Margarette?' Sabat ng utak niya. 'Dati kang confident na babae. Hindi nga ba't hindi ka naman nahihiya noon kahit na lumabas kayo sa publiko ni Bobby? Ano ang problema ngayon kay Wallace Soh?'

'G*ga!' tugon ng ibang bahagi ng kanyang konsensya. 'Si Wallace Soh ay isa sa mga pinakamayaman sa bansa! May ari siya ng Walt Soh Hotels and Resorts! It's a five star chain of hotels, Margarette! At 'wag mong ikukumpara si Bobby. Isa lang siyang Vice President sa kumpanya na pagmamay-ari ng mga magulang niya! Ni hindi siya self made billionaire. Wala nga atang billions ang net worth ni Bobby!'

'Pero mahal mo si Bobby!'

'Noon! Makinig ka, noon. Hindi na ngayon!' diin niya.

Napailing pa siya na parang nais itaktak ang utak niya sa pagtanggi sa pag-ibig na mayroon siya para sa ex niyang taksil.

"Maggie—"

Bahagya pa siyang napaigtad nang marinig ang pagtawag ni Wallace sa kanya sa nickname niyang ito lang ang may gusto. Hindi niya gusto ang Maggie, tunog MSG iyon.

"Is something wrong? Kinakausap kita pero ang layo yata ng iniisip mo?" Ibinaba na nito ang kubyertos at nagpunas ng bibig.

'Pati pagpunas ng bibig, elegante!' sabi na naman ng isip niya na fan na yata ni Wallace.

"Hindi sa gano'n. Alam mo, hindi mo naiintindihan. Ganito ako at ganiyan ka–"

"Anong ganiyan ka at ganito ako?"

"Mr. Soh–"

"Ah, I get it," mayamaya ay deklara nito at 'di na siya pinagsalita pa. "Listen to me and remember this. I wouldn't have asked you to marry me if I did not find you attractive. Alalahanin mo, Maggie, ikaw ang lasing noon at hindi ako. I hope you will stop doubting yourself."

Bakit pakiramdam ni Margarette, lumukso ang puso niya? Parang may humaplos doon at nais na rin talaga niyang maniwala na hindi siya alangan dito.

"Bukod doon, matalino ka. Para sa isang babae para maging lady CEO, I can say you're quite a catch. So, don't belittle yourself just because my good for nothing nephew dumped you for your sister," may diin ang bawat salita nito. Parang galit ito para sa kanya. O sadyang galit ito sa ex-boyfriend niya? "Let's get married again. I will make sure it's going to be a grand wedding. You will be the most beautiful bride and Bobby will regret ever letting you go. And your sister will hate Bobby because he was only able to give her a mediocre wedding."

Tumango siya. Mukhang maganda nga iyon. Maganda sigurong ipamukha sa dalawang iyon na hindi sila kawalan sa buhay niya. Na mas nakabuti sa kanya ang panlolokong ginawa nila.

Siguradong uusok ang ilong ni Michaela sa inggit.

"Kung gano'n ay hindi ko tatanggihan 'yan. Aaminin ko sa 'yo, gusto kong magsisi sila sa ginawa nila sa akin," sabi niyang may halong galit ang tinig.

Paano, tila naramdaman niya ulit ang sakit at galit sa puso niya na nawalang parang bula ang limang taon na pinagsamahan nila ni Bobby.

"Good girl," may satisfied na ngiti sa mga labi ni Wallace. "Pero gusto kong mangako ka sa akin."

"Ano namang pangako?" Tikwas ang kilay na tanong niya.

"Hindi mo babalikan si Bobby kahit na maglupasay siya sa harapan mo."

Pinaikutan niya ito ng mga mata. "Hindi ko ugali ang mamulot ng basura."

"That's my girl," tila proud na sabi ni Wallace.

Syempre naman, may pride pa rin naman siya. Iniwanan na siya ni Bobby, alangan namang tanggapin niya ulit ito sa buhay niya? No way!

Nasaktan siya, oo. Pero kahit nang unang beses na malaman niyang pinakialamanan nito si Michaela, hindi siya nagmakaawa na piliin siya nito.

Umiyak siya dahil masakit. Umiyak siya dahil sayang ang limang taon. Pero hanggang doon na lang iyon.

"Pwede ko nang kainin lahat ng mga 'to?" Paalam niyang itinuro ang mga pagkain sa mesa. Mukha namang tapos na rin itong kumain dahil nakatingin na lang ito sa kanya.

"Go ahead. Just remember not to sleep at once," pagpayag naman ni Wallace na walang bahid nang panghuhusga sa tinig.

"Hindi talaga ako natutulog nang maaga," sagot naman niya. "Salamat."

Tumango ito. Sinamahan siya ng lalaki sa mesa kahit tapos na itong kumain. Panaka-naka ay nagtatanong ito tungkol sa kanya.

Siya naman ay nakapagtatakang komportableng lumamon kahit nakatingin ito. Hindi niya nagawa iyon ni minsan sa harapan ni Bobby. Laging sa likod ng ex niya siya kumakain nang marami. Pambawi sa pa-demure niyang kain kapag kasama ito.

Iniwasan na lang niyang magtanong tungkol kay Wallace. Lahat naman ng tungkol dito ay nakasama na sa report ni Gilbert. Pati na ang picture ni Camila na long time girlfriend pala nito.

Sa kasalukuyan, nasa Europe ang babaeng modelo para sa isang malaking breakthrough sa career nito.

Kulang ang salitang maganda para ilarawan si Camila. Ngayon ay naiintindihan na niya ang pinanggagalingan ni Wallace para lang mapabalik sa piling nito ang nobya.

"About your secretary," ani Wallace. "I'll agree to give him a room near yours. But I'd like to make it clear with you na for occasional use lang iyon."

"Thanks!" sambit niyang natuwa na pinagbigyan siya nito. "Trust me, magagalit ang girlfriend niya kapag 'di ko siya pinauwi." Binuntutan niya iyon nang maiksing tawa.

"So, he's got a girlfriend?"

"Of course, Mr. Soh. Matagal na sila at ang dalawang 'yon, lagi pa akong pinag-i-sponsor ng tickets and accommodations sa tuwing lalabas sila ng bansa," kwento niyang may pagka-aliw sa tono.

Hindi siya maramot kina Gilbert at Tanya. Ginagawa niya iyon para bumawi na rin sa pang-ooverwork niya sa secretary niya.

"Maganda palang magtrabaho para sa 'yo kung gano'n," may amusement sa tinig ni Wallace.

"No. Believe me, working for me is close to slavery."

Malakas na tawa ang pinakawalan ni Wallace sa sinabi niya.

"Looks like I made the right decision to have you as my wife. Magkakasundo tayo, Maggie. I'm sure of it." He held his glass up to initiate a toast.

"Cheers," sakay naman niya.

Well, wala namang pinagkaiba sa trabaho ang pinasok niya kasama si Wallace. Pareho silang magbe-benefit kung sakali. At bilang sanay siya sa mga bagay na kailangang may pakinabang sa huli, hindi niya bibiguin ang expectations ni Wallace Soh.

Babalikan ito ni Camila. At siya, makakapaghiganti siya kina Bobby at Michaela.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status