Kamalasan
NANUNUYO ang lalamunan ni Alie nang magising. Tumambad sa kanya ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata para sanayin iyon sa liwanag at ng maging maayos na ay saka naman tumambad ang mukha ng estranghero sa harapan niya. Abot tainga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya at naramdaman niya na lang na hinahaplos nito ang pisngi niya. Gumanti siya ng ngiti at tinangka rin itong hawakan pero sa isang iglap ay nagbago ang senaryo. Nakita niya ang sarili na nakasubsob sa manibela. Saka niya napagtanto ang tunay na nangyari sa kanya.Sukat nang maisip ang nangyari ay napamulagat ang dalaga. Ramdam niya ang malamig na pawis na gumigiti sa noo niya. Inilibot niya ang paningin sa kulay puting silid na kinaroroonan at tumigil 'yon sa baklang kaibigan na abalang kinakalikot ang cellphone nito. Nananaginip pala siya."M-Mandy," tawag niya sa paos na tinig. Gulat itong napatingin at agad na tumalima para lapitan siya."Jusko, Nathalie, buti naman gising ka na! Tatawagin ko ang doktor," puno ng pag-aalalang wika nito at nagmamadaling lumabas ng silid.Sinubukan niyang bumangon pero hindi kinaya ng katawan niya at muling bumalik sa pagkakahiga. May brace ang leeg niya at naka-semento ang isang kamay at paa. Wala siyang maramdaman sa mga bahaging 'yon bukod sa ulo niya na kumikirot. Pero kahit na gano'n ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala lalo na nang mapagtanto ang kalagayan niya.Walang ano-ano ay naramdaman niya na lang ang pagtulo ng mga luha niya. Ano bang kamalasan ang nangyayari sa kanya? Paano na lang sila ni Tantan? Hindi siya pwedeng tumigil sa pagtitinda kahit isang araw dahil siguradong wala din silang kakainin. Aburido niyang ginulo ang buhok at marahas na pinunasan ang luha."Ano bang iniiyak-iyak mo, Nathalie?! Wala din naman mangyayari kung magmumukmok ka at kakaawaan ang sarili mo!" Kastigo ng isang bahagi ng isip niya.May hikbi na kumawala sa bibig niya na agad niyang pinigilan kasabay no'n ay ang pagsulpot ng doktor. Iniiwas niya ang mukha sa gawi ng mga ito at agad na tinuyo ang luha sa mata at pisngi niya. Pagkatapos ay saka ibinaling ang tingin sa mga ito.."Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" anang doktor habang ini-eksamin siya. "M-maayos na ho ako, Dok. Pwede na ho akong lumabas at pakitanggal na ho itong nasa binti at braso ko," sabi niya at alanganing nginitian ang lalaking doktor. Sa tingin niya ay nasa late 50's na ito base sa dami ng mga puting buhok na visible sa ulo nito. "Sumasakit ba ang ulo mo?" tanong ng dokor na hindi inintindi ang sinabi niya.Napaisip siya sa isasagot. Kapag itinanggi niyang wala na siyang nararamdaman ay maaaring pumayag ito na lumabas na siya. Pero kapag sinabi niya naman ang totoo ay maaaring humaba pa ang pagtigil niya roon.Bahagya siyang ngumiti at marahang umiling. "H-hindi na po. Wala na 'kong nararamdamang kahit ano.""Alie, nagsisinungaling ka," sabi ni Mandy na nasa likuran ng doktor. Nanlaki ang mata ni Alie at pasimpleng sinamaan ng tingin ang kaibigan.Nang ibaling ng doktor sa mukha niya ang tingin ay bigla siyang ngumiti. "Huwag niyo pong pakinggan ang kaibigan ko," turan niya.Hindi ito nagsalita at seryoso siyang tinitigan pagkaraan ay inayos ang stethoscope at isinabit sa batok nito. "Bueno, hindi muna kita pwedeng payagan na lumabas dahil kailangan nating ulitin ang CT-scan mo at ang ibang lab tests. Sa nakikita ko may malaki kang bukol sa noo at kailangan nating makasiguro na hindi 'yan delikado,""H-ho? I-ilang araw naman ho akong mananatili rito? Wala ho akong pambayad sa lab tests at lalong-lalo na kailangan ko pong balikan ang kapatid ko at ang shop ko," protesta niya pagkaraan ay binalingan si Mandy animo humihingi ng tulong dito. Pero nag-iwas lang ito ng tingin. Nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya.Nang umalis ang doktor ay tinalikuran niya si Mandy. Naiinis siya rito. Akala pa naman niya ay kakampi niya ito pero hindi pala."Alie, may mga bisita ka," pagbibigay alam nito."Sabihin mo pagod ako," balewalang tugon niya."We are here to settle everything, Miss Gomez," sabi ng baritonong tinig.Hindi niya alam pero parang may pwersa na humatak sa kanya para lingunin ang pinanggalingan ng tinig na 'yon. Pero bago pa niya tuluyang makita ang mukha nito ay humarang na si Mandy para tulungan siyang bumangon at umupo.Parang sinisilihan ang puwet ng baklita sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Kumunot ang noo niya lalo na ng malandi siya nitong kindatan. Nang umalis ito sa harapan niya ay saka niya nakita ang dalawang lalaki na nakatayo sa may pintuan. Pakiramdam niya ay namamalikmata siya at nagdo-doble ang paningin dahil magkamukhang-magkamukha ang mga ito. Nang lumipas ang ilang segundo ay saka niya nasiguro na dalawang tao nga sila. Apologetic na ngumiti sa kanya ang isang lalaki samantalang ang isa ay seryoso lang na nakapamulsa."We will cover all the expenses while you are here, Miss Gomez, but in exchange you wil not sue us." Napalingon siya sa isang bahagi ng silid at saka niya nakita ang lalaking nakasandal sa dingding. Diretso itong nakatitig sa kanya. Ang maiitim nitong mata na matiim kung tumitig at binagayan ng may kakapalan na kilay."I-ikaw na naman?! Ikaw ba ang nakabangga sa 'kin?!" Singhal niya at akmang bababa sa kama ng bigla niyang maramdaman ang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan niya kaya napatigil siya. Bumalik siya sa pagkakasandal sa unan habang mariing nakapikit at pilit iniinda ang sakit.Nang maka-recover ay muli niyang ibinalik ang tingin sa Poncio Pilatong nasa harapan niya. Pero wala na ang tapang doon kundi panghihina na lang. Sa kabila ng nararamdaman ay hindi pa rin mawala ang paninikip ng dibdib niya dahil sa inis dito. Sinusubukan na naman nitong gamitin ang kapangyarihan ng pera nito. Oo nga naman barya lang dito ang mga gastusin niya sa ospital."Umalis na kayo dito!" Bulyaw niya habang nakaturo sa pintuan. Nanlaki ang mata ng isa sa kambal habang ang isa ay ni hindi man lang natinag. Cool pa itong tumayo at inayos ang suot na suit pagkatapos ay lumabas."Pasensya na talaga, Miss. Pero baka naman pwede nating ayusin 'to?" sabi ng isa."Umalis na kayo. Lalo ka na..." Baling niya sa lalaki. Ilang segundo siya nitong tinitigan pagkaraan ay dire-diretsong lumabas ng pintuan.Nang makaalis ang mga ito ay impit na napatili si Mandy at niyugyog siya. Napangiwi siya sa sakit kaya tinigilan nito ang ginagawa. Pero hindi pa rin nawawala ang kilig sa mukha nito."Jusko, Alie, ang mga Vallejo ang nagdala sa 'yo dito sa hospital," namimilipit at animo bulate na wika nito. Hindi siya nagsalita at bumalik na sa pagkakahiga."Si Colton at Connore, baby ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan mo. At alam mo ba narinig ko sa mga nurse, si my loves Uno ang nag-buhat at nagsugod sa 'yo ditey," patuloy pa nito. So kilala na pala nito ang mga lalaking 'yon?"Kasalanan niya 'to," mahinang sabi niya at pasimpleng pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi niya. Bwisit na luha ang bilis tumulo. Kahit pigilan niya ay lumalabas pa rin."Oo, sila nga raw ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente. Pero hindi siya ang nagmamaneho kundi si Colton. 'Yong humingi ng pasensya sa 'yo kanina, si Colton 'yon. Si Connore, 'yong isa at si Erwann, 'yong isa o Uno kung tawagin ng iba," kagat-kagat ang daliri na paliwanag nito.Buo na sa isip niya na ito ang may kasalanan at dapat sisihin. Dahil sa tuwing magku-krus ang landas nila ay minamalas siya. Kapwa sila napalingon ng may kumatok sa pintuan. Agad na lumapit si Mandy at binuksan 'yon."B-bakit kayo bumalik? May kailangan pa ba kayo?" Narinig niyang tanong ng kaibigan. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay bumalik na ang mga ito."Ano pang ginagawa niyo dito?" tanong niya sa mga ito partikular kay Erwann o Uno kung ano man ang pangalan nito."Miss Gomez, we want to talk to you. We are here to settle everything. It's not Uno's fault," wika ng isa sa kambal. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Colton."Dapat lang na sagutin niyo lahat dahil kung hindi ide-demanda ko kayo. Lalo ka na," baling niya kay Erwann Vallejo."Look, Miss, hindi ako ang may kasalanan sa nangyari---""Kahit na! Bakit kapag nagkikita tayo minamalas ako? May kamalasan ka yatang dala," sarkastikong turan niya."Magkakilala kayo?" sabay-sabay na tanong no'ng tatlo at tiningnan sila ng may pagtataka.Tumawa si Erwann pero para bang insulto ang dating ng boses nito sa pandinig niya. "Miss Gomez, baka naman ikaw ang may dalang KAMALASAN? Kasi sa pagkakatanda ko wala pa 'kong nakakasama na minamalas. Sa katunayan, sinuswerte pa nga sila," puno ng kumpiyansa na turan nito na agad ikinainit ng ulo niya. Pero pinigil niya na ang sarili dahil baka kung ano pang masabi niya rito."Let's go, Uno," anang kambal at inakbayan ito. May ilang segundo pa nitong sinalubong ang titig niya at nang makita nitong wala siyang balak magpatinag ay saka ito lumabas ng silid. Alanganin siyang tiningnan ni Mandy pagkatapos ay sumunod sa magpi-pinsang Vallejo.Secret AdmirerTHREE weeks later…Naalimpungatan si Erwann nang maramdamang may humalik sa punong tainga niya pababa sa leeg at batok. Unti-unti siyang nagmulat ng mata kasabay ay naramdaman niya rin ang paggising ng nasa pagitan ng mga hita niya. Naghuhumindig iyon na animo gustong kumawala.Napatingin siya sa babaeng gumising sa kanya. Ibang mukha ang nakikita niya. Her soft and natural red lips that he wanted to kiss all day if he had the chance.Wala sa sariling napangiti siya at hinaplos ang mukha ng babae nang bigla siya nitong halikan. Sa puntong 'yon ay napagtanto niyang hindi ito ang babaeng pinapantasya niya. Marahan niya itong itinulak at bumalikwas ng bangon."Carrie..." Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala at nasa unit siya ni Carrie. "I-i have to go." Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon.Bumangon si Carrie na tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan at niyakap siya mula sa likod."Later na. Why don't we repea
Nathalie meets CarrieNAPATIGIL si Alie sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel nang tumunog ang cellphone ni Mandy. Actually kanina pa niya naririnig 'yon kaya pinuntahan niya na ito sa terrace."Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina pa tunog ng tunog 'yan ah, nakakabingi." Tumabi siya rito at sinubukang silipin ang cellphone pero iniiwas nito 'yon."Inggit ka lang kasi ang mga ka-text mo puro parokyano ng flower shop mo," nakangusong turan nito.Iningusan niya ito at walang pagbababalang ginulo ang natural na mahaba nitong buhok. Kulang na lang ay lumundag ito at masama ang tinging ipinukol sa kanya pero tinawanan niya lang ito. Ayaw na ayaw kasi nitong gagalawin ang buhok nito. "At least marami akong kita," wika niya."Ayaw mo pa kasing mag-hanap ng jowa," anito."Aanhin ko ang jowa? Para lang akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko," pakli niya."Paano mo nasabi 'yan? Nagka-jowa ka na ba?" Nagkibit balikat siya sa tanong nito. Paano nga ba? Ni hindi pa niya naranasang ma-in love.
NATIGIL si Alie sa pintuan ng bahay nila nang makita kung sino ang nasa loob niyon. Kalaro ni Erwann ang kapatid niya. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Kunot-noong tanong niya. Bago pa ito makasagot ay sumulpot na si Mandy mula sa kusina. "Nand'yan ka na pala. Tutal birthday naman ni Tantan kaya pinapunta ko si Uno." Inilapag niya sa mesa ang mga pinamiling ihahanda para sa ika-labingwalong taon ng kapatid. Hindi na lang niya tinapunan ng pansin ang binata dahil ayaw niyang masira ang masayang araw na 'yon. Tutal ay espesyal na araw naman ng kapatid at ngayon lang may ibang makikipag-celebrate sa kanila. Agad niyang inihanda ang mga lulutuin katulong si Mandy. Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ginagawa ng binata. "Pasado na ba si Uno?" Mula sa kawalan ay tanong ni Mandy. "Ha?" Hind niya maintindihan kung ano ang ibig nitong ipakahulugan. "Tanggap niya si Tantan. Saka halata naman na may gusto siya sa---" "Aray..." Hi
"CARRIE JIMENEZ, came to me, Uno," Panimula ni Katarina nang umagang 'yon sa malawak na komedor. Kaharap niya ang mga binatang apo."Anong ginawa niya dito?" Kunot-noong tanong ng binata."If it's about the date, I had to cancel it because of some important matter. Anyway, I texted her about it. So, anong dahilan at nagpunta siya---""She's mad because of this certain delivery girl? Tell me, who is she?""Nathalie Gomez, Granny. Siya 'yong kinu-kwento ko sa'yo na nabangga namin." Si Colton na mapang-asar na ngumiti kay Erwann."So her name is, Nathalie Gomez," anang abuela na parang may malalim na iniisip."Isang buwan na simula ng lumabas siya sa ospital. Don't tell me hindi pa rin siya magaling?" Si Connore habang umiinom ng kape. Sa pagkakatanda ni Connore sa naging huling pag-uusap nila ni Uno ay pinupuntahan lamang nito ang babae para magbigay ng karagdagang tulong. Hinuha niya ay dahilan lamang ni Uno 'yon at mukhang may mas malalim pa itong dahilan."Anong plano mo kay, Carr
RAMDAM NI Mandy ang sasakyan na bumubuntot sa kanya kanina pa. "Wala kang kakausapin," bulong niya sa sarili habang kumekembot ang mga bewang sa paglalakad. Nakasukbit sa isang braso niya ang bayo na naglalaman ng mga pinamili niya. Ipagluluto niya si Alie para mabawasan ang sama ng loob nito sa kanya."Mandy!" Tawag ng isang baritonong tinig na kilalang-kilala niya."Wala akong naririnig, lalalala..." Binilisan niya ang lakad. S'yempre with poise pa rin."Teka lang, Mandy, kausapin mo 'ko." Bago pa niya napagtanto nakaharang na ang sasakyan ni Uno sa daraanan niya.Napakagat siya sa labi. Mandy, hindi pa tinatanggap ni Alie, ang sorry mo tapos ito na naman? Wititit!"H-hindi na kita pwedeng kausapin, machu-tsugi ako kay, Alie!" Hindi tumitingin na pakli niya."Bakit? Anong dahilan? Sabihin mo sa'kin." Bumaba na ito ng sasakyan at lumapit sa kanya."Emerged, kahinaan ko po ang mga gwapo!" sigaw ng utak niya."K-kasi 'yang girlfriend mong hilaw nagpunta sa bahay namin! Sinusuhulan niy
"WHAT'S UP, Uno?" Bati ni Connore na sumulpot mula sa kung saan at nag-apir sa kanya. Nasa library siya at kasalukuyan nagbabasa habang nakasandal sa single couch na naroon.Araw ng linggo kaya't nasa mansion sila. May konting salo-salo na ginaganap tuwing linggo. 'Yon ay para lamang sa mga Vallejo na hindi abala sa kanya-kanyang trabaho. At siya, bilang isang happy-go-lucky guy, ay laging present. Wala pa siyang tinatanggap na posisyon sa kompanya kahit pa nga nais na ng ama na magretiro at siya ang papalit dito."Ang aga mo," wika ng binata at hinubad ang suot na reading glass. "Hindi ka na ba kinukulit ni Colton na makipagpalit?" Ang tinutukoy niya ay ang pakikipagpalit ni Connore kay Colton sa mga occasion na kinabibilangan ng huli. Sa tuwing ayaw nito ay si Connore ang pumapalit."How I wish." Nakapamulsang turan nito at inisa-isang tingnan ang mga libro sa bookshelf.Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok na at iniluwa no'n ang katulong para sabihing may bisita siya."Sino'ng
"HOWDY, Uno?!" Pumailanlang sa apat na sulok ng pad ang boses ng kambal na sina Colton at Connore dahilan para magising siya ng tuluyan.Bumangon siya sapo ang ulo at umupo sa gilid ng kama. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. "D*mn! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya."I'm just curious why you left us early last night," Si Colton na prenteng umupo sa couch habang si Connore ay pabagsak na humiga sa kama niya."What? You went here just to ask me that?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Good boy na kasi siya, 'bal. Loyal na siya kay Nathalie, babe," kantiyaw ni Connore."Ah, kaya pala. Nakakapagtaka nga ang linis ng pad mo. Walang bakas na may nanggaling ditong babe." Manghang turan nito.Napailing siya habang nakangiti. Nadampot niya ang dalawang unan at ibinato sa dalawa. Hindi maalis ang ngiti niya kaya't tumayo siya at pumasok sa banyo para maghilamos.Nagkayayaan silang lima na mag-bar hopping kagabi at laging siya ang nagiging tampulan ng tukso dahil sabi nila, 'The Gre
"YOU GOTTA be kidding me, Uno." Bulalas ni Colton nang matapos siyang magkwento sa nangyari sa pagitan nila ni Alie.Kasama niya sa balkonahe ng pad niya ang mga binata niyang pinsan habang umiinom."Kailan pa naging torpe ang isang Erwann Vallejo?" Kantiyaw ni Theo na nakasandal sa railings."Kanina lang," Segunda ni Connore na tinawanan nilang lahat."Nautal ka ba kanina? 'Yong tipong a-ah, k-kasi--" Dagdag pa ni Connore.Tinapunan niya ito ng beer at umiiling na itinuon ang tingin sa madilim na kalangitan."Akala ko si Theo lang ang torpe sa'tin? May bagong miyembro na pala," ani Louise."Hindi ako na-torpe, okay? Sa tingin ko lang hindi 'yon ang tamang oras para umamin," aniya."So meron na rin parang right at wrong time?" pambubuska pa rin ni Connore."Oo, at hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko munang ayusin ang gulong ginawa ni Carrie. Ano tutulungan niyo ba 'ko?" Tiningnan niya ang mga pinsan isa-isa. Nagpalitan ang mga ito ng tingin.NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Al