Hi, I'm back! Kung may reader man si Nathalie at Erwann sana suportahan niyo pa rin sila. Maraming salamat! Enjoy Reading! 💜😘
NAPAPAILING NA lang si Alie habang nakangiting tinitingnan si Mandy. Paano ay sumasayaw-sayaw pa ito habang inaayos ang paninda nilang bulaklak. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa alok ni Erwann na kasal at daig pa nito ang naging reaksyon niya. Kung siya ay nagulat ito ay kinikilig pa."Anong naging sagot mo kay my loves?" tanong nito pagkaraang lumapit sa kanya.Imbes na magsalita ay nagkibit balikat lang siya."Anong ibig sabihin no'n?" Ginaya nito ang ginawa niya habang nakangiwi. Bahagya siyang natawa. "Wala! Kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya, 'no? Ikaw kaya alukin ng kasal habang nag-e-emote makakasagot ka ba?" pakli niya."Ay, oo nga 'no?!" Pagsang-ayon na rin nito.Sa totoo lang hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang sagot sa alok na iyon ng binata. Hindi niya alam kung oo o hindi ang sagot niya at kung alin man doon ang magiging sagot ay kailangan may paliwanag siya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ihatid siya nito at mula noon ay hin
Kabanata XXIIIPANAY ang paggalaw ng mga hita ni Uno indikasyon ng pagiging balisa niya at hindi 'yon nakaligtas sa paningin ng abuela na kaharap niyang nag-aalmusal sa veranda."Have you eaten already?" tanong nito nang mapansin na hindi niya ginagalaw ang pagkain na inilagay nito sa plato niya."I-I'm fine with coffee, Gran," aniya at dinampot ang tasa ng kape at bahagyang humigop doon. Bahagya pa siyang napaso at inilayo 'yon sa bibig niya. "Bwisit, ang pait!" bulalas ng isang bahagi ng isip niya. Nakalimutan niya palang maglagay ng asukal. Lalo pa tuloy siyang ninerbyos dahil sa tindi ng lasa niyon."What's wrong with you, hijo? It looks like something is bothering you? What happened to Alie? Does she need help?" Sunod-sunod na tanong nito.Sunod-sunod rin ang ginawa niyang pag-iling. "Gran, I don't know if you will believe me but I will say it anyway…" Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis na gumiti sa noo niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan tila tinitimbang ni
First Encounter"WOW, ako ba talaga 'to?" Usal ni Nathalie o Alie sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin na nakadikit sa dingding. Sinipat pa niyang mabuti ang sarili partikular ang mukha para siguruhing siya 'yon. Pagkatapos ay ngiting-ngiti na hinarap ang baklang kaibigan. Bumagay ang manipis na makeup na inilagay nito at para bang inalis no'n ang mga sama ng loob sa buhay na kinikimkim niya. Ang alon-alon at hanggang balikat niyang buhok ang isa sa laging napapansin. Pati na rin ang mapilantik na pilikmata at mapulang mga labi na kahit walang lipstick ay mukha pa ring nag-aanyaya ng halik. Hindi naman sa pagyayabang pero may ipagmamalaki rin naman siya kung pagandahan lang ang usapan. Sa kutis niyang morena at taas na five feet, seven inches ay papasa na siyang beauty queen. 'Yon nga lang sa hirap ng buhay ni ang pagbili ng skincare ay hindi niya magawa dahil imbes na gastusin sa ganoon ay inilalaan na lang niya sa mga mas importanteng bagay."Ang ganda mo talaga, girl. Pak
Unfortunate Event ABALA si Alie sa pag-aayos ng mga bulaklak sa maliit niyang pwesto. Kasama niya ang kapatid na si Nathan na nakaupo lang sa isang tabi at naglalaro ng crayola. "Alie..." "O, Mandy, nand'yan ka na pala," nakangiting salubong niya sa kadarating lang na si Mandy at kinuha ang mga pagkain na ipinabili niya.. Hindi niya na nagagawang magluto para sa kanilang magkapatid dahil araw-araw silang nasa tindahan. Kaya't nagpapabili na lang siya kay Mandy ng lutong pagkain sa karinderya. "Sabayan mo na kaming kumain," saad niya habang inihahanda ang pagkain sa maliit na mesang naroroon. "Naku, hindi ko tatanggihan 'yan," at nauna na itong naupo. "O, Tantan, kain na tayo. Good boy 'yan," nakangiting tawag ni Mandy kay Tantan. Napangiti siya ng makita kung paano sinunod ng kapatid niya si Mandy. Ipinanganak na may Down syndrome si Tantan. Pero kahit na may gano'ng kondisyon ay naturuan niya ang kapatid ng ilang bagay. Salamat na lang sa maunlad na teknolohiya at abot kamay
KamalasanNANUNUYO ang lalamunan ni Alie nang magising. Tumambad sa kanya ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata para sanayin iyon sa liwanag at ng maging maayos na ay saka naman tumambad ang mukha ng estranghero sa harapan niya. Abot tainga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya at naramdaman niya na lang na hinahaplos nito ang pisngi niya. Gumanti siya ng ngiti at tinangka rin itong hawakan pero sa isang iglap ay nagbago ang senaryo. Nakita niya ang sarili na nakasubsob sa manibela. Saka niya napagtanto ang tunay na nangyari sa kanya.Sukat nang maisip ang nangyari ay napamulagat ang dalaga. Ramdam niya ang malamig na pawis na gumigiti sa noo niya. Inilibot niya ang paningin sa kulay puting silid na kinaroroonan at tumigil 'yon sa baklang kaibigan na abalang kinakalikot ang cellphone nito. Nananaginip pala siya."M-Mandy," tawag niya sa paos na tinig. Gulat itong napatingin at agad na tumalima para lapitan siya."Jusko, Nat
Secret AdmirerTHREE weeks later…Naalimpungatan si Erwann nang maramdamang may humalik sa punong tainga niya pababa sa leeg at batok. Unti-unti siyang nagmulat ng mata kasabay ay naramdaman niya rin ang paggising ng nasa pagitan ng mga hita niya. Naghuhumindig iyon na animo gustong kumawala.Napatingin siya sa babaeng gumising sa kanya. Ibang mukha ang nakikita niya. Her soft and natural red lips that he wanted to kiss all day if he had the chance.Wala sa sariling napangiti siya at hinaplos ang mukha ng babae nang bigla siya nitong halikan. Sa puntong 'yon ay napagtanto niyang hindi ito ang babaeng pinapantasya niya. Marahan niya itong itinulak at bumalikwas ng bangon."Carrie..." Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala at nasa unit siya ni Carrie. "I-i have to go." Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon.Bumangon si Carrie na tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan at niyakap siya mula sa likod."Later na. Why don't we repea
Nathalie meets CarrieNAPATIGIL si Alie sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel nang tumunog ang cellphone ni Mandy. Actually kanina pa niya naririnig 'yon kaya pinuntahan niya na ito sa terrace."Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina pa tunog ng tunog 'yan ah, nakakabingi." Tumabi siya rito at sinubukang silipin ang cellphone pero iniiwas nito 'yon."Inggit ka lang kasi ang mga ka-text mo puro parokyano ng flower shop mo," nakangusong turan nito.Iningusan niya ito at walang pagbababalang ginulo ang natural na mahaba nitong buhok. Kulang na lang ay lumundag ito at masama ang tinging ipinukol sa kanya pero tinawanan niya lang ito. Ayaw na ayaw kasi nitong gagalawin ang buhok nito. "At least marami akong kita," wika niya."Ayaw mo pa kasing mag-hanap ng jowa," anito."Aanhin ko ang jowa? Para lang akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko," pakli niya."Paano mo nasabi 'yan? Nagka-jowa ka na ba?" Nagkibit balikat siya sa tanong nito. Paano nga ba? Ni hindi pa niya naranasang ma-in love.
NATIGIL si Alie sa pintuan ng bahay nila nang makita kung sino ang nasa loob niyon. Kalaro ni Erwann ang kapatid niya. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Kunot-noong tanong niya. Bago pa ito makasagot ay sumulpot na si Mandy mula sa kusina. "Nand'yan ka na pala. Tutal birthday naman ni Tantan kaya pinapunta ko si Uno." Inilapag niya sa mesa ang mga pinamiling ihahanda para sa ika-labingwalong taon ng kapatid. Hindi na lang niya tinapunan ng pansin ang binata dahil ayaw niyang masira ang masayang araw na 'yon. Tutal ay espesyal na araw naman ng kapatid at ngayon lang may ibang makikipag-celebrate sa kanila. Agad niyang inihanda ang mga lulutuin katulong si Mandy. Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ginagawa ng binata. "Pasado na ba si Uno?" Mula sa kawalan ay tanong ni Mandy. "Ha?" Hind niya maintindihan kung ano ang ibig nitong ipakahulugan. "Tanggap niya si Tantan. Saka halata naman na may gusto siya sa---" "Aray..." Hi