Share

Chapter 5.

Nathalie meets Carrie

NAPATIGIL si Alie sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel nang tumunog ang cellphone ni Mandy. Actually kanina pa niya naririnig 'yon kaya pinuntahan niya na ito sa terrace.

"Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina pa tunog ng tunog 'yan ah, nakakabingi." Tumabi siya rito at sinubukang silipin ang cellphone pero iniiwas nito 'yon.

"Inggit ka lang kasi ang mga ka-text mo puro parokyano ng flower shop mo," nakangusong turan nito.

Iningusan niya ito at walang pagbababalang ginulo ang natural na mahaba nitong buhok. Kulang na lang ay lumundag ito at masama ang tinging ipinukol sa kanya pero tinawanan niya lang ito. Ayaw na ayaw kasi nitong gagalawin ang buhok nito. "At least marami akong kita," wika niya.

"Ayaw mo pa kasing mag-hanap ng jowa," anito.

"Aanhin ko ang jowa? Para lang akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko," pakli niya.

"Paano mo nasabi 'yan? Nagka-jowa ka na ba?" Nagkibit balikat siya sa tanong nito. Paano nga ba? Ni hindi pa niya naranasang ma-in love. Siguro ay dahil sa personal na karanasan ng Tatay niya.

Napabuntong hininga siya. "Sa tingin mo may magkaka-gusto sa 'kin?" Mula sa kawalan ay tanong niya.

"Bakit mo naman natanong?" Umupo na ulit ang kaibigan sa tabi niya at inihilig niya naman ang ulo sa balikat nito. Hindi niya  napansin ng may idinayal na kung ano si Mandy sa phone nito.

"Hindi na pala ako mag-aasawa," sabi niya na lang kasabay ng pagbuntong hininga.

"Gagi, sayang ang lahi mo no? Kung maton lang ako naku, naku! Kaso pareho tayo ng gusto," palatak nito.

"Paano na lang si Tantan? Paano kung hindi siya matanggap ng lalaking mamahalin ko?"

Twenty-five na siya at ni minsan hindi pa nagkaka-nobyo dahil sa takot na baka layuan siya kapag nalaman na may kapansanan ang kanyang kapatid. Takot siya sa maaaring sabihin kay Tantan. Hindi naman lahat ng tao ay malawak ang pang-unawa.

"Pinapangunahan mo agad si Pareng tadhana. Malay mo hindi mo pa man nakikilala ang lalaking para sa'yo eh, tanggap na niya si Tantan," makahulugang turan nito.

"Ewan ko." Nagkibit balikat lang siya.

Habang nakahiga ay nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Mandy. May tatanggap nga kaya sa kapatid kay Tantan? May gano'n kayang klase ng lalaki na kayang tanggapin ang lahat tungkol sa babaeng mamahalin? Hay, hindi ko alam... Napapabuntong hininga niyang ipinikit ang mga mata.

KINABUKASAN ay maagang umalis si Alie. Tulog pa si Mandy at Tantan kaya nag-iwan na lang siya ng letter. Inagahan niya ang pagbubukas matapos na makatanggap ng mensahe mula sa HR ng VGC at nagpapa-deliver ng bulaklak para sa nagngangalang, Carrie Jimenez.

Dumiretso agad siya sa pag-aayos ng bouquet pagbukas ng shop. Matapos lang ang sampung minuto ay lulan na siya ng motor na binili niya mula sa settlement money na natanggap mula sa mga Vallejo. Hindi naman siya ipokrita para hind tanggapin ang pera matapos ng damage na naidulot ng mga ito. Pasalamat na lang siya at hindi na niya makikita ang mga ito. Pero habang tinatahak niya ang patungo sa VGC ay pinapanalangin niyang sana ay hindi na niya makadaupang palad si Erwann Vallejo. Hangga't maaari ay ayaw na niyang magkaroon pa ng ugnayan dito.

Bakit nga ba ito lang ang ayaw niyang makita? Kung tutuusin ay hindi naman ito ang bumangga sa kanya kundi si Colton. Ah, basta ayaw na niyang makasalamuha pa ito ulit o ang kahit sino pa sa mga Vallejo.

Hindi siya galit pero hindi ibig sabihin no'n ay makikipagmabutihan na siya rito. Isa itong Vallejo, nabibilang sa alta-sosyedad. Marapat lamang na kabilang din sa sirkulong ginagalawan ang makatuluyan nito.

"Ano bang iniisip mo Nathalie?" Pinagalitan niya ang sarili dahil sa naisip.

Ipinarada niya ang motor sa parking at bitbit ang bulaklak na pumasok sa matayog na gusali. Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay sinipat niya ang sarili sa animo'y salamin na pinto.

Nitong mga nakalipas na araw napansin niyang nagiging conscious siya sa itsura. Itinali niya ang aking buhok at siya na mismo ang nag-apply ng light makeup sa sarili. Nag-dress din siya ng lampas tuhod. Bagay na hindi niya pinagtutuunan ng pansin noon. Noon ay basta kung ano lang ang madampot ay 'yon na ang isinusuot niya.

Nang bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok. Akmang pipindutin niya na ang button nang biglang may pumasok at tumabi sa kanya. Para siyang itinulos sa kinatatayuan ng maramdaman ang pagdampi ng balat ni Erwann sa braso niya. Nagdalawang isip pa siya kung lalabas o hindi pero huli na dahil tuluyan nang nagsara ang pintuan. Ngayon ay stuck siya kasama ang binata. Nahihiya at halos manginig ang mga kamay niya ng ilapit 'yon sa mga button at hindi niya inaasahan ang pagsabay nito dahilan para muli silang magkadikit.

Napapitlag si Alie at napapasong binilisan ang pagpindot saka sumiksik sa sulok. Tumikhim siya at itinuon ang tingin sa harapan. Hindi niya maintindihan ang naramdaman ng magkadaiti ang mga balat nila. Unang beses niyang maramdaman 'yon--- 'yung parang kuryente na dumaloy at nagpatayo sa mga balahibo sa kanyang katawan.

Matindi ang pagpipigil niyang 'wag itong tapunan ng tingin. Pero mas nanaig pa rin ang kuryosidad at pasimple niya itong sinulyapan. Lalo itong naging makisig sa suot na white V-neck shirt dahil na-emphasize no'n ang biceps nito.

Sa katawan pa lamang ay sigurado na siyang gabi-gabi itong may iniuuwing babae sa bahay nito. Dagdagan pa ng gwapo nitong mukha. Wala sa sariling naipilig niya ang ulo. Bakit ba mga ganoong bagay ang pumapasok sa isip niya?

Napukaw siya sa pag-iisip ng marinig ang baritono nitong tinig. "Tenth floor, Miss," anito na bahagya lang siyang sinulyapan.

Atubili siyang tumango at agad na lumabas. Nakakahiya... Ramdam niya ang pamumula ng mukha dahil na-realize niyang nakatitig siya kay Erwann. Sa tingin niya ay magmula pa ng pagsakay sa elevator ay nakatulala na siya rito.

Napansin kaya siya nito? Pero mukhang hindi na siya nito natatandaan. May pagkadismayang rumehistro sa mukha niya. Napakabilis naman nitong nakalimot.

"Hindi ba dapat masaya ka? Dahil lalayuan ka na ng malas," wika pa ng boses sa isip niya. Habang naglalakad ay huminga siya ng malalim. 

"Kung ano-ano ng naiisip ko. Epekto siguro 'to ng aksidente," bulong niya sa sarili. Lumiko na siya sa kanan papuntang HR nang sa hindi inaasahan ay may nakabangga siya.

"Ouch! Oh my God..." Bulalas ng babaeng nakabangga niya.

Nakita niya kung paano tumilapon sa mukha ng babae ang dala nitong kape. Namantsahan ang suot nitong beige side V-neck dress at daig pa nito ang naghilamos.

"S-Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya," hinging-paumanhin niya. Hindi niya malaman kung anong gagawin. Naghanap siya ng pwedeng pagpatungan ng bulaklak pero wala siyang makita sa napakahabang sahig na naroon. Naisip niya ang panyo na nasa sling bag niya at iyon na lang ang iniabot dito. Pero imbes na tanggapin 'yon ay nagulat na lang siya nang ibuhos nito ang natitirang kape na nasa cup nito. Patuloy pa rin ang pag-usal ko ng paghingi ng paumanhin. Hindi siya nakahuma dahil sa kabiglaanan at hindi pa ito nakuntento dahil pati ang bulaklak na hawak niya ay inagaw nito at inihampas aa kanya.

"Stupid, stupid, stupid!.. Don't you know how much this cost?" Galit na patuloy ng babae. Samantalang sinasalag niya lang ang mga ginagawa nito sa kanya. Nanliliit siya ng mga oras na 'yon pero wala siyang magawa kundi humingi ng pasensya. Aminado siyang kasalanan niya kaya naman tinanggap niya lang ang ginagawa nito.

Ibinuhos nito ang galit hanggang sa maubos ang petals ng tulips at maglaglagan 'yon sa sahig. Hinihintay niya lang ang susunod nitong gagawin pero nagulat na lang siya nang may malakas na bisig na humatak sa kanya at itinago siya sa likuran nito. Napamulagat siya nang mapagsino ang humigit sa kanya.

"E-e-erwann..." Nauutal na tawag niya sa pangalan nito. Hindi siya nito tinapunan ng tingin at seryosong hinarap ang babaeng nabangga niya.

"What are you doing, Carrie? Hindi ka ba nahihiya?" mariing tanong nito sa tinawag na Carrie.

Napatingin naman ang babae sa paligid at nakita nito ang mga taong nakiki-usyoso. Saka lamang ito tila nahimasmasan.

"It's her fault. She threw the coffee in my dress, look," at iminuwestra kay Uno ang suot nitong dress.

"It's still doesn't give you the right to hurt her," pagkasabi no'n ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila palayo roon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status