"ANG LAKI naman pala talaga ng venue na 'to, 'no?" Hindi na alam ni Nathalie kung pang-ilang beses na 'yong sinabi ni Mandy sa buong durasyon ng pag-aayos nila. Kahit siya ay namamangha at may konting inggit na naramdaman sa birthday celebrant. Hindi niya kasi naranasan ang mag-celebrate ng kaarawan."Pakibilisan mo na para matapos na tayo at makapaghanda sa outing natin mamaya," wika niya. Stage na lang ang ginagawa niya at tapos na ang nasa paligid. Mukhang mahilig sa bulaklak ang mother ng celebrant dahil halos buong lugar ang pinalagyan nito."Ay, oo nga pala, pinaghihintay tayo ng event coordinator dahil gusto raw tayong makausap ng mommy ni debutant. Baka bigyan tayo ng malaki-laking tip dahil balita ko nagustuhan raw ang setup mo," anito."O, sige sayang din 'yon saka maaga pa naman." Nang mailagay ang huling stem ng fresh carnation ay nakangiti niya 'yong pinagmasdan.Ni sa hinagap hindi niya na-imagine na magkakaroon siya ng mga ganitong proyekto. Unti-unti na ring lumalago a
"N-NASAAN tayo?" Tanong ni Alie habang inililibot ang tingin sa paligid. Nakaparada ang sasakyan ng binata sa tapat ng isang matayog na gusali na sa paningin niya ay animo hotel."We are in front of my condo building. I'm sorry this is the first place that I thought. Sa tingin ko kasi hindi mo gugustuhing makita ka ni Tantan na ganyan," anito. Nakita niya ang mukha mula sa side mirror. Namumugto ang mga mata niya na animo pinapak siya ng bubuyog.Nagpakawala siya ng malalim na hininga. May punto ito. Isa pa, hindi niya kayang harapin ang mga tanong ni Mandy kung sakali. Para bang natangay ng pag-iyak ang kakayahan niyang magsalita. Sa tuwing naiisip niya ang nangyari hiindi niya lubos maisip na iiyak siya ng gano'n sa muling pagkakita niya sa ina."Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi. Ihahatid kita," wika nito.Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "H-hindi pwedeng makita nila akong ganito,""Gusto mo bang umakyat sa unit ko? Pwede kang magpalipas ng gabi roon," prisinta nito. N
MATAAS NA ang araw sa labas pero tila wala sa plano ni Nathalie ang kumilos. Nakauwi na siya sa bahay nila kaninang madaling araw lang. Inihatid siya ni Erwann. Sinubukan pa niya itong imbitahan para makapagkape pero tumanggi na ito dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin. Pero bago umalis ay may sinabi ito sa kanya."Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa 'yo, Alie. Lalo na ang iniaalok ko. Alam kong nagugulat ka pa sa mga sinabi ko pero seryoso ako at hindi ako nabibigla lang. Maghihintay ako sa magiging sagot at desisyon mo…" Pagkatapos no'n kinintalan nito ng halik ang noo niya.Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinahayag ng binata sa kanya pati na rin ang ginawa nitong paghalik sa noo niya. Sumama lang naman siya rito dahil ayaw niyang mag-krus ang landas nila ng ina at nasabi niya rin dito ang mga pinagdaanan niya. Nais lang niyang may mapagsabihan ng sama ng loob na kinikimkim niya. Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito.Inaalok lang naman siya ng isang Erwann
NAPAPAILING NA lang si Alie habang nakangiting tinitingnan si Mandy. Paano ay sumasayaw-sayaw pa ito habang inaayos ang paninda nilang bulaklak. Naikuwento na niya rito ang tungkol sa alok ni Erwann na kasal at daig pa nito ang naging reaksyon niya. Kung siya ay nagulat ito ay kinikilig pa."Anong naging sagot mo kay my loves?" tanong nito pagkaraang lumapit sa kanya.Imbes na magsalita ay nagkibit balikat lang siya."Anong ibig sabihin no'n?" Ginaya nito ang ginawa niya habang nakangiwi. Bahagya siyang natawa. "Wala! Kasi hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya, 'no? Ikaw kaya alukin ng kasal habang nag-e-emote makakasagot ka ba?" pakli niya."Ay, oo nga 'no?!" Pagsang-ayon na rin nito.Sa totoo lang hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa rin siyang sagot sa alok na iyon ng binata. Hindi niya alam kung oo o hindi ang sagot niya at kung alin man doon ang magiging sagot ay kailangan may paliwanag siya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang ihatid siya nito at mula noon ay hin
Kabanata XXIIIPANAY ang paggalaw ng mga hita ni Uno indikasyon ng pagiging balisa niya at hindi 'yon nakaligtas sa paningin ng abuela na kaharap niyang nag-aalmusal sa veranda."Have you eaten already?" tanong nito nang mapansin na hindi niya ginagalaw ang pagkain na inilagay nito sa plato niya."I-I'm fine with coffee, Gran," aniya at dinampot ang tasa ng kape at bahagyang humigop doon. Bahagya pa siyang napaso at inilayo 'yon sa bibig niya. "Bwisit, ang pait!" bulalas ng isang bahagi ng isip niya. Nakalimutan niya palang maglagay ng asukal. Lalo pa tuloy siyang ninerbyos dahil sa tindi ng lasa niyon."What's wrong with you, hijo? It looks like something is bothering you? What happened to Alie? Does she need help?" Sunod-sunod na tanong nito.Sunod-sunod rin ang ginawa niyang pag-iling. "Gran, I don't know if you will believe me but I will say it anyway…" Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis na gumiti sa noo niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan tila tinitimbang ni
First Encounter"WOW, ako ba talaga 'to?" Usal ni Nathalie o Alie sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin na nakadikit sa dingding. Sinipat pa niyang mabuti ang sarili partikular ang mukha para siguruhing siya 'yon. Pagkatapos ay ngiting-ngiti na hinarap ang baklang kaibigan. Bumagay ang manipis na makeup na inilagay nito at para bang inalis no'n ang mga sama ng loob sa buhay na kinikimkim niya. Ang alon-alon at hanggang balikat niyang buhok ang isa sa laging napapansin. Pati na rin ang mapilantik na pilikmata at mapulang mga labi na kahit walang lipstick ay mukha pa ring nag-aanyaya ng halik. Hindi naman sa pagyayabang pero may ipagmamalaki rin naman siya kung pagandahan lang ang usapan. Sa kutis niyang morena at taas na five feet, seven inches ay papasa na siyang beauty queen. 'Yon nga lang sa hirap ng buhay ni ang pagbili ng skincare ay hindi niya magawa dahil imbes na gastusin sa ganoon ay inilalaan na lang niya sa mga mas importanteng bagay."Ang ganda mo talaga, girl. Pak
Unfortunate Event ABALA si Alie sa pag-aayos ng mga bulaklak sa maliit niyang pwesto. Kasama niya ang kapatid na si Nathan na nakaupo lang sa isang tabi at naglalaro ng crayola. "Alie..." "O, Mandy, nand'yan ka na pala," nakangiting salubong niya sa kadarating lang na si Mandy at kinuha ang mga pagkain na ipinabili niya.. Hindi niya na nagagawang magluto para sa kanilang magkapatid dahil araw-araw silang nasa tindahan. Kaya't nagpapabili na lang siya kay Mandy ng lutong pagkain sa karinderya. "Sabayan mo na kaming kumain," saad niya habang inihahanda ang pagkain sa maliit na mesang naroroon. "Naku, hindi ko tatanggihan 'yan," at nauna na itong naupo. "O, Tantan, kain na tayo. Good boy 'yan," nakangiting tawag ni Mandy kay Tantan. Napangiti siya ng makita kung paano sinunod ng kapatid niya si Mandy. Ipinanganak na may Down syndrome si Tantan. Pero kahit na may gano'ng kondisyon ay naturuan niya ang kapatid ng ilang bagay. Salamat na lang sa maunlad na teknolohiya at abot kamay
KamalasanNANUNUYO ang lalamunan ni Alie nang magising. Tumambad sa kanya ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata para sanayin iyon sa liwanag at ng maging maayos na ay saka naman tumambad ang mukha ng estranghero sa harapan niya. Abot tainga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya at naramdaman niya na lang na hinahaplos nito ang pisngi niya. Gumanti siya ng ngiti at tinangka rin itong hawakan pero sa isang iglap ay nagbago ang senaryo. Nakita niya ang sarili na nakasubsob sa manibela. Saka niya napagtanto ang tunay na nangyari sa kanya.Sukat nang maisip ang nangyari ay napamulagat ang dalaga. Ramdam niya ang malamig na pawis na gumigiti sa noo niya. Inilibot niya ang paningin sa kulay puting silid na kinaroroonan at tumigil 'yon sa baklang kaibigan na abalang kinakalikot ang cellphone nito. Nananaginip pala siya."M-Mandy," tawag niya sa paos na tinig. Gulat itong napatingin at agad na tumalima para lapitan siya."Jusko, Nat