Secret Admirer
THREE weeks later…Naalimpungatan si Erwann nang maramdamang may humalik sa punong tainga niya pababa sa leeg at batok. Unti-unti siyang nagmulat ng mata kasabay ay naramdaman niya rin ang paggising ng nasa pagitan ng mga hita niya. Naghuhumindig iyon na animo gustong kumawala.Napatingin siya sa babaeng gumising sa kanya. Ibang mukha ang nakikita niya. Her soft and natural red lips that he wanted to kiss all day if he had the chance.Wala sa sariling napangiti siya at hinaplos ang mukha ng babae nang bigla siya nitong halikan. Sa puntong 'yon ay napagtanto niyang hindi ito ang babaeng pinapantasya niya. Marahan niya itong itinulak at bumalikwas ng bangon."Carrie..." Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala at nasa unit siya ni Carrie. "I-i have to go." Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon.Bumangon si Carrie na tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan at niyakap siya mula sa likod."Later na. Why don't we repeat what we did... last night..." mapang-akit na bulong nito at sinimulan ulit siyang halikan."May kailangan pa 'kong gawin. I'll call you." Matapos isuot ang tshirt ay walang lingon-likod siyang umalis ng unit nito. The woman she was with was Carrie Jimenez. Ang babaeng gusto ng abuela na i-date niya and he did. Labis pa sa napag-usapan ang ginawa niya. Dinala siya nito sa unit nito at ibinigay niya kung ano ang hinihingi nito. He's just a man and he has needs. What happened between them will stay that way. No strings attached. 'Yon ang mantra niya pagdating sa pakikipag-date at alam 'yon ng mga babaeng nakikilala niya.Makalipas lang ang ilang minuto ay lulan na siya ng land rover defender at kasalukuyang tinatahak ang kalsada patungo sa Dangwa. Nang makarating sa lugar ay itinigil niya ang sasakyan 'di kalayuan sa flower shop ni Nathalie. Sa lugar na hindi siya nito makikita. Hindi niya na matandaan kung kailan pa niya sinimulan na manmanan ang dalaga. Siguro simula noong kuhanin niya ang address ng bahay at flower shop nito kay Mandy sa ospital. Dahil hindi na ito matanggal sa sistema niya. May ibang epekto ito na hindi niya maintindihan. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Mandy."Pagpasensyahan niyo na si Nathalie, naaawa lang siguro siya sa sarili niya dahil siya na lang ang nagtatrabaho para sa kanilang magkapatid." pahayag ni Mandy habang nasa labas sila ng silid ng dalaga."Bakit nasa'n ang mga magulang nila?" tanong ni Connore.Isinalaysay sa kanila ni Mandy ang kwento ng buhay ni Nathan at Nathalie. Mataman nakinig ang kambal lalo na siya at bawat detalye ay pinapakinggan niya. Matapos 'yon ay hindi niya na alam kung ano ang mararamdaman niya para sa dalaga.Wala sa sariling napangiti ang binata ng masulyapan si Alie na lumabas ng flower shop. Lumulan ito sa motor at sa likod ay may bouquet ng roses. Motor ang isa sa binili nito mula sa perang ibinayad ni Colton. Hindi siya nito napansin at nilampasan lang ang sasakyan niya. Magaling na ito at natanggal na ang pagkaka-semento ng kamay at paa.Nang masigurong nakalayo na ito ay agad siyang bumaba ng sasakyan at tumawid sa kalsada para pumunta sa shop."A-anong ginagawa mo dito, Uno?" gulat na tanong ni Mandy at lumabas para tingnan kung wala na si Alie. Alam niyang ayaw nitong makita siya ng kaibigan nito kaya't inililihim nito ang pagkikita nila.Ibinaba niya ang dalang mga pagkain at inilibot ang tingin sa kabuuan ng shop. Maliit lamang 'yon. Tipikal na tindahan ng bulaklak sa Dangwa. Ang kaibahan lang ay maganda ang pagkakaayos sa mga bulaklak na naroon. Presentable at talaga namang mapapatigil ang sinuman para bumili. Kaya rin siguro dito palaging umo-order ang taga-VGC dahil sa kalidad."Nag-abala ka pa. Sigurado puputaktehin na naman ako ni Alie, ng tanong kung sa'n nanggaling 'yan," anito.Sa tuwing makikipag-kita siya kay Mandy ay marami siyang dalang pasalubong para kina Alie. Pero hindi lahat ay ibinibigay nito para na rin hindi naghihinala ang dalaga. Dahil nang minsang dalhin nito ang mga nanggaling sa kanya ay binulabog ito ng tanong. Mabuti at naniwala si Alie, sa alibi nito na bigay iyon ng kostumer sa parlor."Tell me, paano niya 'ko mapapatawad?" mula sa kawalan ay tanong niya."Napatawad na kita--- este mapapatawad ka rin niya. Basta sincere kang mag-sorry sa kanya," may simpatya sa tinig na wika nito. Hindi siya nagsalita at hinimas ang baba niya."Sa pagkakakilala ko kay Alie, hindi siya mapag-tanim ng galit," dagdag pa nito."But I'm an exception," pakli naman niya."Eh... Malay mo naman," nakangiwing tugon nito. Maski ito ay hindi sigurado sa sagot nito. Ibig lang sabihin no'n ay hindi gano'n kadaling magtiwala si Alie.Hanggang sa makauwi siya sa pad niya ay laman pa rin ito ng isip niya. Hindi niya alam pero masyado na nitong ginugulo ang sistema niya.Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa loob ng silid ay narinig niya na ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Pumihit siya pabalik para tingnan kung sino man ang nag-doorbell. Pasado alas otso na 'yon at wala siyang inaasahang bisita."Carrie," kunot ang noong wika niya nang mapagbuksan ng pintuan ang babae. Walang salitang pumasok ito habang may bitbit na isang bote ng wine. Base sa lakad ay mukhang nakainom na ito dahil pagewang-gewang itong nagtungo sa living room."Let's drink, Erwann." Pumihit ito paharap sa kanya pero nagkamali ito ng hakbang at muntik ng bumuwal. Mabuti na lang at mabilis niya itong nasalo."You're drunk, Carrie. I'll take you home," seryosong wika niya at inakay ito sa paglalakad."No, no, don't! Let me stay." Nagpumiglas ito dahilan para parehas silang mawalan ng balanse at bago pa siya makahuma ay bumagsak na sila sa carpeted floor at nakakubabaw ito sa kanya. Napangiwi siya nang maramdaman ang init ng katawan nito. Sunod-sunod ang naging paghugot niya ng malalim na hininga at sinubukang itayo si Carrie."I can feel your arousal, Uno. You want me, don't you?" tanong nito habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa kanya.Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mahirap kontrolin ang uhaw lalo na kung nasa harapan mo na at buong kusang iniaalok ang sarili sa 'yo."Lasing ka na, Carrie. Kung ayaw mong umuwi ay maari kang magpahinga sa couch." Pigil na pigil niya ang paghinga. Itinayo niya ito at inalalayang mahiga sa couch. Nilagyan niya ito ng kumot saka iniwan para magpunta sa balkonahe. Then he texted Mandy.Nathalie meets CarrieNAPATIGIL si Alie sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel nang tumunog ang cellphone ni Mandy. Actually kanina pa niya naririnig 'yon kaya pinuntahan niya na ito sa terrace."Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina pa tunog ng tunog 'yan ah, nakakabingi." Tumabi siya rito at sinubukang silipin ang cellphone pero iniiwas nito 'yon."Inggit ka lang kasi ang mga ka-text mo puro parokyano ng flower shop mo," nakangusong turan nito.Iningusan niya ito at walang pagbababalang ginulo ang natural na mahaba nitong buhok. Kulang na lang ay lumundag ito at masama ang tinging ipinukol sa kanya pero tinawanan niya lang ito. Ayaw na ayaw kasi nitong gagalawin ang buhok nito. "At least marami akong kita," wika niya."Ayaw mo pa kasing mag-hanap ng jowa," anito."Aanhin ko ang jowa? Para lang akong naghanap ng batong ipupukpok sa ulo ko," pakli niya."Paano mo nasabi 'yan? Nagka-jowa ka na ba?" Nagkibit balikat siya sa tanong nito. Paano nga ba? Ni hindi pa niya naranasang ma-in love.
NATIGIL si Alie sa pintuan ng bahay nila nang makita kung sino ang nasa loob niyon. Kalaro ni Erwann ang kapatid niya. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Kunot-noong tanong niya. Bago pa ito makasagot ay sumulpot na si Mandy mula sa kusina. "Nand'yan ka na pala. Tutal birthday naman ni Tantan kaya pinapunta ko si Uno." Inilapag niya sa mesa ang mga pinamiling ihahanda para sa ika-labingwalong taon ng kapatid. Hindi na lang niya tinapunan ng pansin ang binata dahil ayaw niyang masira ang masayang araw na 'yon. Tutal ay espesyal na araw naman ng kapatid at ngayon lang may ibang makikipag-celebrate sa kanila. Agad niyang inihanda ang mga lulutuin katulong si Mandy. Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ginagawa ng binata. "Pasado na ba si Uno?" Mula sa kawalan ay tanong ni Mandy. "Ha?" Hind niya maintindihan kung ano ang ibig nitong ipakahulugan. "Tanggap niya si Tantan. Saka halata naman na may gusto siya sa---" "Aray..." Hi
"CARRIE JIMENEZ, came to me, Uno," Panimula ni Katarina nang umagang 'yon sa malawak na komedor. Kaharap niya ang mga binatang apo."Anong ginawa niya dito?" Kunot-noong tanong ng binata."If it's about the date, I had to cancel it because of some important matter. Anyway, I texted her about it. So, anong dahilan at nagpunta siya---""She's mad because of this certain delivery girl? Tell me, who is she?""Nathalie Gomez, Granny. Siya 'yong kinu-kwento ko sa'yo na nabangga namin." Si Colton na mapang-asar na ngumiti kay Erwann."So her name is, Nathalie Gomez," anang abuela na parang may malalim na iniisip."Isang buwan na simula ng lumabas siya sa ospital. Don't tell me hindi pa rin siya magaling?" Si Connore habang umiinom ng kape. Sa pagkakatanda ni Connore sa naging huling pag-uusap nila ni Uno ay pinupuntahan lamang nito ang babae para magbigay ng karagdagang tulong. Hinuha niya ay dahilan lamang ni Uno 'yon at mukhang may mas malalim pa itong dahilan."Anong plano mo kay, Carr
RAMDAM NI Mandy ang sasakyan na bumubuntot sa kanya kanina pa. "Wala kang kakausapin," bulong niya sa sarili habang kumekembot ang mga bewang sa paglalakad. Nakasukbit sa isang braso niya ang bayo na naglalaman ng mga pinamili niya. Ipagluluto niya si Alie para mabawasan ang sama ng loob nito sa kanya."Mandy!" Tawag ng isang baritonong tinig na kilalang-kilala niya."Wala akong naririnig, lalalala..." Binilisan niya ang lakad. S'yempre with poise pa rin."Teka lang, Mandy, kausapin mo 'ko." Bago pa niya napagtanto nakaharang na ang sasakyan ni Uno sa daraanan niya.Napakagat siya sa labi. Mandy, hindi pa tinatanggap ni Alie, ang sorry mo tapos ito na naman? Wititit!"H-hindi na kita pwedeng kausapin, machu-tsugi ako kay, Alie!" Hindi tumitingin na pakli niya."Bakit? Anong dahilan? Sabihin mo sa'kin." Bumaba na ito ng sasakyan at lumapit sa kanya."Emerged, kahinaan ko po ang mga gwapo!" sigaw ng utak niya."K-kasi 'yang girlfriend mong hilaw nagpunta sa bahay namin! Sinusuhulan niy
"WHAT'S UP, Uno?" Bati ni Connore na sumulpot mula sa kung saan at nag-apir sa kanya. Nasa library siya at kasalukuyan nagbabasa habang nakasandal sa single couch na naroon.Araw ng linggo kaya't nasa mansion sila. May konting salo-salo na ginaganap tuwing linggo. 'Yon ay para lamang sa mga Vallejo na hindi abala sa kanya-kanyang trabaho. At siya, bilang isang happy-go-lucky guy, ay laging present. Wala pa siyang tinatanggap na posisyon sa kompanya kahit pa nga nais na ng ama na magretiro at siya ang papalit dito."Ang aga mo," wika ng binata at hinubad ang suot na reading glass. "Hindi ka na ba kinukulit ni Colton na makipagpalit?" Ang tinutukoy niya ay ang pakikipagpalit ni Connore kay Colton sa mga occasion na kinabibilangan ng huli. Sa tuwing ayaw nito ay si Connore ang pumapalit."How I wish." Nakapamulsang turan nito at inisa-isang tingnan ang mga libro sa bookshelf.Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok na at iniluwa no'n ang katulong para sabihing may bisita siya."Sino'ng
"HOWDY, Uno?!" Pumailanlang sa apat na sulok ng pad ang boses ng kambal na sina Colton at Connore dahilan para magising siya ng tuluyan.Bumangon siya sapo ang ulo at umupo sa gilid ng kama. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. "D*mn! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya."I'm just curious why you left us early last night," Si Colton na prenteng umupo sa couch habang si Connore ay pabagsak na humiga sa kama niya."What? You went here just to ask me that?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Good boy na kasi siya, 'bal. Loyal na siya kay Nathalie, babe," kantiyaw ni Connore."Ah, kaya pala. Nakakapagtaka nga ang linis ng pad mo. Walang bakas na may nanggaling ditong babe." Manghang turan nito.Napailing siya habang nakangiti. Nadampot niya ang dalawang unan at ibinato sa dalawa. Hindi maalis ang ngiti niya kaya't tumayo siya at pumasok sa banyo para maghilamos.Nagkayayaan silang lima na mag-bar hopping kagabi at laging siya ang nagiging tampulan ng tukso dahil sabi nila, 'The Gre
"YOU GOTTA be kidding me, Uno." Bulalas ni Colton nang matapos siyang magkwento sa nangyari sa pagitan nila ni Alie.Kasama niya sa balkonahe ng pad niya ang mga binata niyang pinsan habang umiinom."Kailan pa naging torpe ang isang Erwann Vallejo?" Kantiyaw ni Theo na nakasandal sa railings."Kanina lang," Segunda ni Connore na tinawanan nilang lahat."Nautal ka ba kanina? 'Yong tipong a-ah, k-kasi--" Dagdag pa ni Connore.Tinapunan niya ito ng beer at umiiling na itinuon ang tingin sa madilim na kalangitan."Akala ko si Theo lang ang torpe sa'tin? May bagong miyembro na pala," ani Louise."Hindi ako na-torpe, okay? Sa tingin ko lang hindi 'yon ang tamang oras para umamin," aniya."So meron na rin parang right at wrong time?" pambubuska pa rin ni Connore."Oo, at hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko munang ayusin ang gulong ginawa ni Carrie. Ano tutulungan niyo ba 'ko?" Tiningnan niya ang mga pinsan isa-isa. Nagpalitan ang mga ito ng tingin.NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Al
PABABA SI Erwann ng hagdan nang matanawan niya ang abuela sa veranda. Nag-aayos ito ng mga bulaklak sa vase. Araw ng linggo kaya kagabi pa lang ay naroon na siya para doon matulog.Nilapitan niya ang matanda na mukhang abala sa ginagawa. Hinalikan niya ito sa buhok at niyakap. "Good morning, Gran. Where did you bought the flowers?" Nakangiting tanong niya at umupo sa kaibayong silya na naroon. Iisang tao lang ang pumapasok sa isip niya sa tuwing nakakakita ng bulaklak."Oh, I bought these outside the church this morning. Hindi masyadong maganda ang pagkakaayos kaya inilagay ko na lang sa vase. Hindi kagaya noong binibili ni Fred kay Alie. 'Yon ay maganda at sariwa." Lalong lumawak ang ngiti sa labi ng binata makaraang banggitin ng abuela ang pangalan ng dalaga."I'm glad that you still remember her name," aniya."She's way better than Carrie. You know I regret setting you up on a date with her. Kung hindi lang siya apo ng aking Amiga..." Ibinitin nito sa ere ang sasabihin at umiling.