"WHAT'S UP, Uno?" Bati ni Connore na sumulpot mula sa kung saan at nag-apir sa kanya. Nasa library siya at kasalukuyan nagbabasa habang nakasandal sa single couch na naroon.Araw ng linggo kaya't nasa mansion sila. May konting salo-salo na ginaganap tuwing linggo. 'Yon ay para lamang sa mga Vallejo na hindi abala sa kanya-kanyang trabaho. At siya, bilang isang happy-go-lucky guy, ay laging present. Wala pa siyang tinatanggap na posisyon sa kompanya kahit pa nga nais na ng ama na magretiro at siya ang papalit dito."Ang aga mo," wika ng binata at hinubad ang suot na reading glass. "Hindi ka na ba kinukulit ni Colton na makipagpalit?" Ang tinutukoy niya ay ang pakikipagpalit ni Connore kay Colton sa mga occasion na kinabibilangan ng huli. Sa tuwing ayaw nito ay si Connore ang pumapalit."How I wish." Nakapamulsang turan nito at inisa-isang tingnan ang mga libro sa bookshelf.Bago pa siya makapagsalita ay may kumatok na at iniluwa no'n ang katulong para sabihing may bisita siya."Sino'ng
"HOWDY, Uno?!" Pumailanlang sa apat na sulok ng pad ang boses ng kambal na sina Colton at Connore dahilan para magising siya ng tuluyan.Bumangon siya sapo ang ulo at umupo sa gilid ng kama. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. "D*mn! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya."I'm just curious why you left us early last night," Si Colton na prenteng umupo sa couch habang si Connore ay pabagsak na humiga sa kama niya."What? You went here just to ask me that?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Good boy na kasi siya, 'bal. Loyal na siya kay Nathalie, babe," kantiyaw ni Connore."Ah, kaya pala. Nakakapagtaka nga ang linis ng pad mo. Walang bakas na may nanggaling ditong babe." Manghang turan nito.Napailing siya habang nakangiti. Nadampot niya ang dalawang unan at ibinato sa dalawa. Hindi maalis ang ngiti niya kaya't tumayo siya at pumasok sa banyo para maghilamos.Nagkayayaan silang lima na mag-bar hopping kagabi at laging siya ang nagiging tampulan ng tukso dahil sabi nila, 'The Gre
"YOU GOTTA be kidding me, Uno." Bulalas ni Colton nang matapos siyang magkwento sa nangyari sa pagitan nila ni Alie.Kasama niya sa balkonahe ng pad niya ang mga binata niyang pinsan habang umiinom."Kailan pa naging torpe ang isang Erwann Vallejo?" Kantiyaw ni Theo na nakasandal sa railings."Kanina lang," Segunda ni Connore na tinawanan nilang lahat."Nautal ka ba kanina? 'Yong tipong a-ah, k-kasi--" Dagdag pa ni Connore.Tinapunan niya ito ng beer at umiiling na itinuon ang tingin sa madilim na kalangitan."Akala ko si Theo lang ang torpe sa'tin? May bagong miyembro na pala," ani Louise."Hindi ako na-torpe, okay? Sa tingin ko lang hindi 'yon ang tamang oras para umamin," aniya."So meron na rin parang right at wrong time?" pambubuska pa rin ni Connore."Oo, at hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan ko munang ayusin ang gulong ginawa ni Carrie. Ano tutulungan niyo ba 'ko?" Tiningnan niya ang mga pinsan isa-isa. Nagpalitan ang mga ito ng tingin.NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Al
PABABA SI Erwann ng hagdan nang matanawan niya ang abuela sa veranda. Nag-aayos ito ng mga bulaklak sa vase. Araw ng linggo kaya kagabi pa lang ay naroon na siya para doon matulog.Nilapitan niya ang matanda na mukhang abala sa ginagawa. Hinalikan niya ito sa buhok at niyakap. "Good morning, Gran. Where did you bought the flowers?" Nakangiting tanong niya at umupo sa kaibayong silya na naroon. Iisang tao lang ang pumapasok sa isip niya sa tuwing nakakakita ng bulaklak."Oh, I bought these outside the church this morning. Hindi masyadong maganda ang pagkakaayos kaya inilagay ko na lang sa vase. Hindi kagaya noong binibili ni Fred kay Alie. 'Yon ay maganda at sariwa." Lalong lumawak ang ngiti sa labi ng binata makaraang banggitin ng abuela ang pangalan ng dalaga."I'm glad that you still remember her name," aniya."She's way better than Carrie. You know I regret setting you up on a date with her. Kung hindi lang siya apo ng aking Amiga..." Ibinitin nito sa ere ang sasabihin at umiling.
"WHERE'S Alie?" Bungad ni Erwann ng pagbuksan siya ni Mandy ng pintuan.Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay alanganin itong ngumiti."A-ah, kasi hindi pa ready si Alie. Masama raw kasi ang pakiramdam niya. Pakisabi na lang sa Lola mo.""Nasaan siya? Pwede ko ba siyang makita?" tanong niya at kusa ng pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya si Tantan na nakaupo sa silya at naglalaro. Tutuloy na sana siya sa sa silid ng dalaga para katukin ito pero natigilan siya nang lumabas ito mula sa kusina at kasalukuyan itong nagpupunas ng buhok tanda na katatapos lang nitong maligo.Nagtama ang tingin nila at tulad niya ay natigilan ito. Pagkaraan ay napadako ang tingin nito kay Mandy. Tila may nais itong sabihin perp hindi nito isinatinig."I'm here to pick you up. Pero sabi ni Mandy ay masama ang pakiramdam mo. Is that true?" aniya. Ibinaba nito ang tingin sa hawak na bath towel.Ramdam niyang may problema pero walang gustong magsalita. "I'm sorry I got stuck in traffic
"ERWANN? You're here?" Bulalas ni Ether ng maabutan siya sa gym sa bahay ng mga magulang nila sa San Carlos. Huwebes 'yon mg umaga.Kasalukuyan siyang nagbubuhat ng dumbbells ng pumasok ito na may dalang tumbler. Mukhang mag-eexercise rin ito. Minsanan lang siya kung umuwi room kaya hindi niya masisisi ang kakambal kung gulat na gulat ito."What's up?" tanong niya at ibinaba ang weights. Kinuha niya ang towel at sinimulang punasan ang sarili."Here, I'm still managing our mom's hotel and resorts chain. How about you? It's been awhile since you went here. When was the last time you exactly came home? Two? Three months ago? Ang tagal na pala 'no?" May bahid na sarcasm ang tinig nito. Pumwesto ito paharap sa glasswall at nagsimulang mag-stretching.Matanda lang si Ether ng three minutes sa kanya so technically Ate niya ito. Pero hindi siya sanay na tawagin itong Ate."Sorry I haven't been able to visit." Kinuha niya ang tumbler nito at diretsong lumagok ng tubig galing doon."Stop! You f
NATIGIL si Alie sa pagsasara ng roll up door ng shop nang may matanawan siyang pamilyar na bulto sa kabilang bahagi ng kalsada. Hapon na 'yon at magsasara na siya para umuwi sa bahay nila."Erwann?" Hindi siguradong tanong niya. Pinaliit pa niya ang mata para aninagin ito."Alie!" Tawag nito at kumaway. Pagkaraan ay tumakbo ito palapit. Hindi niya alam pero parang sinisilihan siya ngayong nasa harapan niya ito. "P-pwede ba kitang kausapin?" tanong nito nang tuluyang makalapit.Imbes na magsalita ay tango lang ang naging tugon niya. Hindi niya inaasahan ang presensya nito. Kaninang umaga lang ay ito ang paksa ng usapan nila ni Mandy at ngayon ay nasa harapan niya ito."Magsasara ka na? Tutulungan na kita," anito at ito na ang humila sa roll up door. Hindi siya nakahuma ng kunin nito ang susi at ito na rin ang mag-lock no'n."S-salamat," kiming turan niya.Nang matapos ay tumayo ito at pinagpag ang nagusot na puting polo shirt. Pero imbes na tumuwid ay nabahiran pa ng dumi ang suot nito
"SIGURADO ka ba sa ipapagawa mo kay Uno?" Usisa ni Mandy habang tinutulungan siya sa pag-aayos ng mga paninda. Kagabi pa niya naikwento rito ang plano niyang subukin so Erwann pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on."Ilang beses ko bang sasabihin na sigurado ako. Doon ko lang malalaman kung talagang seryoso siya o hindi niya kaya ng wala ang pera niya," tugon niya."E, tingin mo darating pa ba 'yon? Tirik na ang araw, o?" Kahit nakatalikod ay alam niyang nakataas ang kilay ni Mandy."Hindi ba dapat ang tanong ay kung sasakay siya ng tricycle? Hindi na 'ko magtataka kung darating 'yon dito na naka-kot—""Alie!... Jusko, Alie tingnan mo!" Tili ni Mandy. Kulang na lang ay mabingi siya sa tinis ng boses nito."Ano ba 'yon?" Nakasimangot na tanong niya at hinarap ito. Pero agad ring nagbago ang reaksyon niya nang makita kung sino ang bumaba sa tricycle ni Emong. Parang slow motion ang pagbaba ni Erwann at ang paglalakad nito palapit sa kinaroroonan niya. Nakasuot ito ng puti