Share

Chapter 6.

NATIGIL si Alie sa pintuan ng bahay nila nang makita kung sino ang nasa loob niyon. Kalaro ni Erwann ang kapatid niya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung sa'n ako nakatira?" Kunot-noong tanong niya.

Bago pa ito makasagot ay sumulpot na si Mandy mula sa kusina.

"Nand'yan ka na pala. Tutal birthday naman ni Tantan kaya pinapunta ko si Uno."

Inilapag niya sa mesa ang mga pinamiling ihahanda para sa ika-labingwalong taon ng kapatid. Hindi na lang niya tinapunan ng pansin ang binata dahil ayaw niyang masira ang masayang araw na 'yon. Tutal ay espesyal na araw naman ng kapatid at ngayon lang may ibang makikipag-celebrate sa kanila.

Agad niyang inihanda ang mga lulutuin katulong si Mandy. Habang nagluluto ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ginagawa ng binata.

"Pasado na ba si Uno?" Mula sa kawalan ay tanong ni Mandy.

"Ha?" Hind niya maintindihan kung ano ang ibig nitong ipakahulugan.

"Tanggap niya si Tantan. Saka halata naman na may gusto siya sa---"

"Aray..." Hinawakan niya ang kamay na napaso sa kumukulong mantika.

Nagulat siya at hindi nakakilos nang sa isang iglap ay naroon ang binata.

"What happened?"

"Napaso si Alie ng kumukulong mantika." Kunwa'y natatarantang saad ni Mandy.

Sinubukan kunin ni Erwann ang kamay niya pero iniiwas niya 'yon.

"A-Ayos lang ako." Pumunta siya sa lababo para hugasan ang kamay.

"Mali 'yan. Hindi dapat hinuhugasan kapag napapaso," Marahang dinampian ni Erwann ng tuyong tela ang kamay niya.

"You should put this." At inilapat nito ang isang slice ng kamatis sa kamay niya.

Nakatitig lamang siya sa ginagawa nito at para bang sa salita nito ay nawawala ang hapdi na nararamdaman niya. Saka lang siya natauhan nang tumikhim si Mandy.

"K-Kaya ko na 'to. S-Salamat."

NAPANGITI si Erwann nang marinig ang sinabi ng dalaga.

"Anong sabi mo?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga at sinubukan itong itaboy sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa pagluluto. Pero sinundan siya nito.

"Pakiulit ng sinabi mo?" Pangungulit nito.

"W-wala akong sinabi. Ano bang narinig mo?" Nagpunta siya sa sink para hugasan ang mga gulay at muli itong sumunod.

"Nagpasalamat ka sa'kin?" Sumunod rin ito ng ilapag niya ang hawak sa mesa at sa pagkakataong 'yon ay pinigilan na siya nito.

"You're welcome." Pagkasabi no'n ay nakangiti siya nitong iniwanan.

MASAYANG natapos ang espesyal na araw na 'yon ng kapatid ni Nathalie. Kahit na siya, si Mandy, si Tantan at Erwann lamang ang nagdiwang.

Nilapitan siya ni Mandy at tinulungan siyang magligpit ng mga pinag-kainan nila. Habang si Erwann ay nakikipaglaro pa rin sa kapatid niya. Totoo nga yatang tanggap nito si Tantan.

"Bakit hindi na yata matanggal 'yang ngiti sa labi mo? Dahil 'yan kay Uno, 'no?" Pambubuska nito at sinundot siya sa tagiliran na ikinaigtad niya.

"Hoy, Armando, tigilan mo 'ko ha!" Magka-sunod silang pumasok ng komedor.

"Huwag mo 'kong tatawaging 'Armando' sa harapan ni my loves, Uno, ha! Eew! Gross!" Natatawang iniwanan niya ito.

Paglabas niya sa maliit nilang tanggapan ay nahuli niyang nakatingin sa kanya ang lalaki kaya tumikhim siya para tanggalin ang ngiti sa labi. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"I should go now. Thanks for the invite." Nakapamulsang saad nito.

"Kay Mandy ka magpasalamat dahil siya ang nag-imbita sa'yo." Hindi niya maiwasan na mag-mukhang bastos pero sa tuwing kaharap niya ito ay para bang may sariling buhay ang bibig niya.

"Okay, I will just text him. I have to go." Paalam nito.

Sinamahan niya ito hanggang sa labas. Kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga kapit-bahay nila. Lalo na ang chismosang si Aling Bebang.

"Sana sa susunod 'wag ka ng pupunta dito," nahihiyang wika niya.

"Bakit, anong problema?" Maang na tanong ni Erwann. Sinundan nito ang tingin niya at nakita nito ang ilan pang chismosa na nakasilip sa tabing kalsada.

"Umalis ka na." Pumasok na siya sa loob ng bahay at isinara ang pintuan. Sumandal siya sa nakasarang pintuan at sunod-sunod ang ginawang paglunok para tanggalin ang bara sa lalamunan. Nagi-guilty siya sa kabastusan na ipinakita niya gayong hindi 'yon deserve ni Erwann. Maayos itong nagpunta roon pero sinuklian niya ng kagaspangan. Pero okay na rin siguro 'yon para habang maaga ay maputol na ang ugnayan nila. Ayaw rin niyang maging masama ang tingin sa kanya ng mga tao.

MAGKAHALONG inis at selos ang nararamdaman ni Carrie habang pabalik sa condo niya. Naalala niya kung paanong close na close na nag-uusap si Erwann at ang delivery girl na 'yon. Ang sakit sa mata! Ito lamang pala ang dahilan kung bakit hindi siya sinipot ng binata sa date nila.

"Turn around, Manong. May iba tayong pupuntahan," aniya sa driver.

She should get rid of that flower girl. That girl is getting on her nerves. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa naisip.

Makalipas ang ilang minuto ay kaharap na niya ang abuela ni Erwann. With a classy and sophisticated look, Donya Katarina faces her with a warming smile.

"What brings you here, Ms. Jimenez?" anang matanda na itinaas ang salamin mula sa pagbabasa.

Sa lanai niya ito nakita gaya ng sabi ng katulong.

"I want to talk about Erwann and this flower girl." Panimula niya.

Isinara ni Katarina ang librong binabasa at tinanggal ng tuluyan ang salamin.

"What about, Uno? And who's this girl na sinasabi mo?"

"I don't know. Kaya nga ako nagpunta dito eh. Nasa date dapat ako ngayon kasama siya pero ano? Nakita ko siyang kasama 'yong babae na 'yon na nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa," Naglabas ang dalaga ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan 'yon saka walang habas na humithit. Hindi inintindi ang ginang na nasa kanyang harapan.

"I'll talk to my grandson."

"No, I want you to command him to marry me..." She sighed exasperatingly.

"I won't force him unless he demand for it, Ms. Jimenez. If you need anything ask the maids. Excuse me." Tumayo ito at tinalikuran siya pero muli itong humarap. "And one more thing… If you want to be part of this family you should know the right etiquette." Pagkasabi no'n ay iniwanan na siya ng matanda.

Nagpupuyos ang damdamin na nilisan niya ang mansion ni Donya Katarina. Hindi niya na-kontrol ang pagiging bitchesa niya sa harapan nito at napagsabihan pa siya tungkol sa tamang etiquette. Paano na lang ang gusto niyang kasal?

Anyway, hindi naman niya kailangan ang approval nito. Hindi man nito mautusan ang apo ay siya na mismo ang hahanap ng paraan. Hindi siya naging isang Jimenez para lang maging talunan.

Tungkol sa babaeng malandi na 'yon, madali lamang iyon tapalan ng pera. Sigurado siyang tatanggapin nito 'yon.

MissJAM

Heads up sa mga maliligaw na reader. Si Erwann Vallejo ay part ng una kong story na na-publish sa dreame/yugto entitled, "To Love Again". Anak siya ng main characters sa story na nabanggit ko. So kung gusto niyong malaman ang background ni Erwann basahin niyo na. Pwedeng manood ng ads para sa coins na gagamitin pang-unlock. My penname on dreame is also MissJAM. Enjoy reading! 💜

| Like
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thank u author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
b****s at walang m**o pala itong c carrie...wlang breeding na babae haiiissst sbgay may mga gnyan tlga in real life...malamang ggawa yan ng paraan para makuha nya c uno
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status