Eros is his name which was derived from the Greek god of love that was also known as "The Cupid". However, his name is a total opposite of him. He hates romance and all kinds of stuff which relates to passionate and intimate love. Other than that, he's also an aspiring mystery/thriller writer who is dreaming to be a famous and successful author someday. But his path to achieve his dream became mysterious, much thrilling and unexpectedly romantic when the cupid which turn out as a ghost named Shawna suddenly appeared in his room and force him to write a romance story for her.
View MoreEPILOGUE“Hello, Ako si Eros ang author ng Fourteen,” pagpapakilala ko sa sarili ko. Hindi ako takot sa public speaking pero dahil sa bawat taong nakikita ko ay feeling ko hinihigop nila ang energy ko. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa mga readers ko ay hindi ako magpapakita sa kanilang harapan dahil tinatamad ako. “Tungkol ito kay Lorraine Rodriguez ang ating female lead na isang role model ng school nila na nakilala ang isang transferee at outcast na si Kayde Reyes na mayro’ng bad image dahil sa muntik na nitong mapatay ang isang faculty sa dati nitong school.”Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Anim na taon na ang lumipas.24 years old na ako ngayon. Natupad ang pangarap ko na maging published author at dumagsa ang readers ng Fourteen.Hindi ako mukhang romantiko kuno gaya ng inaasahan nila. Kaya alam ko naman agad kung ano ang tumatakbo sa isip nila nang tuluyan nang magpakita ako sa public para sa booksigning para sa bagong book cover at rep
Chapter TwentyWithered Wings Pokus na pokus si Eros sa kaniyang laptop at mabilis na gumagalaw ang kaniyang mga daliri sa pagtipa sa keyboard. Kaya lang nagambala siya nang bigla na lang naramdaman niya ang dalawang kamay ni Shawna sa kaniyang balikat. “Napasa mo na yung story sa contest?” tanong ni Shawna sa kaniya. Napabuntong hininga si Eros. “Oo, matagal ko nang napasa.” Muling pinagpatuloy ni Eros ang pagtipa sa keyboard at hindi na niya pinansin ang presensya ni Shawna sa likod. Pero walang balak si Shawna na tigilan si Eros at muli na naman siyang tinapunan ng tanong, “So, ano na? Ano nang balita?” Sinagot na lang ni Eros ang tanong habang patuloy pa rin sa pagtitipa sa keyboard. “Mag-aabang na lang tayo ng result. Huwag mo na masyado isipin ang contest na iyon.” Pero mukhang walang balak tumahimik si Shawna. Dahil hindi na rin niya maiwasan macurious sa ginagawa ni Eros at sinilip niya na kung ano ang pinagtatype ni
Chapter NineteenThe Love Fool Hindi na mabilang ni Eros kung ilang beses na ba siyang bumuga ng hangin sa harapan ng hospital. Wala na rin siyang ideya kung ilang minuto na ba siyang nakatayo. Walang Shawna na mamimilit sa tabi niya kaya tanging ang sarili niya lang ang kumukunbinsi sa kaniya. Kaya lang ay sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hiya at kaba. Tama si Shawna. Siguradong hindi agad maniniwala sa kaniya ang pamilya ni Lorraine o kung sino man ang nagbabantay sa kaniya ngayon. Pero siya lang ang nag-iisang tao na makakatulong kay Shawna dahil siya lang naman mismo ang nakakakita at nakakaalam kung ano ang mga gustong sabihin nito sa mga mahal niya sa buhay na naiwanan niya. Muli na naman siyang napabuntong hininga. Pero sa pagkakataong ito ay may kasamang pag-iling at pagkunot ng noo. Ano naman ngayon kung siya lang ang nakakarinig at nakakakita kay Shawna? Ibig sabihin ay responsibilidad na niya kaagad na tulungan ito?
Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy
Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n
Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin
Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih
Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”
Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay
Dagsaan ang mga kabataang may kaniya-kaniyang mga hawak na mga libro. Kasalukuyan silang nasa isang venue upang mapirmahan ang mga librong hawak nila na ang title ayFourteen. Kaniya-kaniyang bulungan at ingay ang nangingibabaw sa buong lugar. Makikita rin ang pagkasabik sa mukha ng mga kabataang ito. Dahil sa wakas ay magwawakas na rin ang kuryosidad nila. Ngayong araw na kasi ipapakita ng author ang mukha niya sa kaniyang mga mambabasa.Maya't maya ay dumating na ang takdang oras. Lumabas na mula sa pintuan ang isang misteryosong lalaki dahilan para mag-ingay ang mga kabataang gustong gusto nang makita ang mukha ng kanilang iniidolong manunulat. Ang iba ay namangha, ang iba naman ay nagulat. Hindi kasi iyon ang inaasahan nilang mukha ng inaabangan nilang author.Prenteng umupo naman sa kanilang harapan ang kanilang autho...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments