Chapter Two
Ghost Writer
"MAMA! MAY MAGNANAKAW!"
Dahil sa isinigaw ni Eros ay nataranta ang babaeng pangahas na pumasok sa kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata nito habang kukurap kurap na tinuturo niya ang sarili niya.
"Ha? Teka? Nakikita mo ko?" reaksyon nito pero hindi nito pinansin ni Eros hanggang sa dumating na nga ang ina nito sa tabi niya.
"Oh? Nasaan ang magnanakaw?" kaagad na lumabas sa bibig ng ina niya. Bitbit-bitbit na nito ang sandata niyang walis tambo na handang handa na niyang ihampas sa mga kampon ng kadiliman.
Kaagad tinuro ni Eros ang babaeng may pakpak. "Ayan Ma! Nasa harapan lang natin!" Masamang tinignan nito ang babae. "Hoy ikaw! Ano pang tinutunganga mo d'yan?! Lumabas ka na diyan sa kwarto k—!" Napatigil si Eros sa pagsinghal sa babae nang malakas siyang hinampas ng walis tambo ng kaniyang ina. Gulat na gulat naman itong napalingon sa ina niya dahil sa ginawa nito.
"Ma! Bakit ka nanghahampas?!"
"Siraulo kang bata ka!" galit na singhal sa kaniya ng ina. "Walanghiya ka! Para akong tanga na nagbitbit pa ng walis tambo tapos lolokohin mo lang pala ako!"
Nanlaki ang mata ni Eros at napanganga. "Ha?! Ano?!" Hindi na magawang dagdagan ni Eros ang sasabihin niya dahil kaagad nagmartsa na paalis ang kaniyang ina na badtrip na badtrip sa panloloko ng kaniyang anak.
Nanlalaki ang mata niyang binalik ang tingin sa babae. Kasabay no'n ay ang biglang pagtaas ng balahibo sa batok niya habang paulit ulit niyang tinatanong sa isip niya kung bakit hindi siya nakita ng ina niya kanina eh obvious namang nasa harapan lang niya ang babae.
Sinuri nito muli ang itsura ng babae. Nakasuot ito ng puting dress. Pero ang nakakapagtaka at nakakaagaw atensyon rito ay ang pakpak nito na kulay pink. Mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Eros dahil sobrang weirdo ng kaganapan ngayon. Maraming tanong ang sumulpot sa isipan niya kaya hindi niya na namalayan na ilang segundo ang lumipas nang matagal niyang pagkakatitig sa babae.
"Uh...Hello?" kinaway kaway ng babae ang kamay niya sa harapan ni Eros. "Owmayji! Nakikita niya nga ako!" bulong nito sa sarili niya. Tumikhim siya atsaka niya inayos ang tindig niya sa harap ni Eros na nagla-lag pa rin ang isip. Nagloloko pa kasi ang connection ng mga mata niya sa utak niya. Taray! Ginawang wifi yung utak.
"Alam kong maganda ako pero hindi ka naman siguro tatagal ng five minutes kakatitig lang sa a...kin." Bigla siyang nagdalawang isip sa pagmamahangin niya.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Eros habang nanginginig ang isa niyang kamay na kinapa ang seradura ng pinto. Pagkatapos ay saka niya dahan dahang sinara ang pinto. Napuno naman ng pagtataka ang babae dahil sa ginawa ni Eros.
Nagpalipas muna ng ilang segundo si Eros atsaka niya naisipang dahan dahang buksan na ang pinto. Nang tuluyan na niyang nabuksan muli ang pinto ay nandoon pa rin ang babaeng nakatingin pa rin sa kaniya nang may pagtataka pa rin sa kaniyang mukha.
"Tangina..." wala sa sariling mura niya. "Putangina..." muli niyang mura. Maya't maya ay tuluyan nang naging connected successfully ang kaniyang mga senses sa kaniyang brain kaya marahas niyang sinara muli ang pinto ng kaniyang kwarto.
Umiling iling si Eros. "Hindi. Imposible..." mariin niyang bulong sa kaniyang sarili. "Kailangan kong patunayan na mali 'tong iniisip ko."
Marahas niya muling binuksan ang pinto at dire-diretsong naglakad sa babaeng binibigyan pa rin siya ng nagtatakang tingin.
Habang papalapit nang papalapit si Eros sa kinaroroonan niya ay hindi naging maganda ang kutob niya. "Teka! Anong binabalak mong gawin?" Nanlaki naman ang mata niya nang marahas na hinawakan ni Eros ang pulsuhan niya.
Gulat na gulat ang babae habang pinapasadahan ng tingin ang kamay ni Eros na walang kahirap-hirap na nahawakan ang pulsuhan niya. Dahil sa gulat ay kaagad siyang nagpumiglas dahilan para mabitawan din siya kaagad nito.
Napatakip siya sa bibig niya atsaka napaatras habang gulat na gulat na nakatingin kay Eros na nabigla rin sa naging reaksyon niya. "Humaygad!" reaksyon nito. "Paano mo ako nahawakan?!"
Hindi tinugunan ni Eros ang reaksyon nito at muling hinawakan ang pulsuhan nito at walang pag-aatubiling kinaladkad ito palabas ng kwarto.
"Hoy teka! Bitawan mo ko!" sigaw ng babae. Pero walang reaksyon lang si Eros habang hinihila niya ang babae patungo sa sala. Pinipilit namang tanggalin ng babae ang pagkakahawak ni Eros sa pulsuhan niya pero mas lalo lang hinihigpitan ni Eros ang pagkakahawak niya kaya napapa-aray na lang siya. Sinubukan niya ring gamitin ang isa niyang kamay para tuluyang makabitaw sa pagkakahawak ni Eros pero hindi siya nagtagumpay gaya nung una.
Nang makarating na sila sa sala ay muling tinawag ni Eros ang kaniyang ina na busy sa pagwawalis. Galit naman siyang binalingan ng ina.
"Bakit na naman ba?!" inis na sabi nito. Maya't maya napakunot noo ito nang mapatingin ito sa tabi ni Eros. Lumiwanag ang mukha ni Eros dahil sa tingin niya ay nakita na ng kaniyang ina ang babaeng nasa kwarto niya kanina.
"Bakit nakataas 'yang kamao mo?! Ano?! Susuntukin mo ba ako?!" Kaagad nataranta si Eros at napaatras nang inangat ng ina niya ang walis tambo.
"Teka Ma!" sabi niya. "Syempre hindi! Bakit mo naman iniisip 'yan?!"
Bumalik muli ito sa paglilinis. "Tsu! Tsupe ka nga do'n! Isa pang beses na guguluhin mo ko sa paglilinis ko patay ka talaga sa 'kin!"
"Sabi ko nga, aakyat na po ako," tanging nasabi na lang ni Eros at muling kinaladkad ang babae paakyat sa taas. Pero hindi pa nga sila tuluyang nakakahakbang sa unang baitang ng hagdanan nang biglang kinagat ng babae ang braso niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
"ARAAAAYY!" Tuluyan na niyang nabitawan ang pulsuhan ng babae at mabilis itong tumakbo palabas ng kanilang bahay. Nataranta naman ang ina ni Eros kaya kaagad itong lumapit sa anak niya.
"Hoy! Anong nangyare sa 'yo?" akmang hahawakan nito ang braso ni Eros na kinagat ng babae pero agad iniwas iyon ni Eros sa kaniya at tumakbo palabas rin ng bahay.
"HOY!" tawag ni Venus sa anak niya. "Ano bang nangyayare sa batang 'to?" kamot-ulong bulong niya sa sarili niya.
Nang tuluyang makalabas na si Eros sa bahay nila ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Pero kahit anong linga niya ay wala na siyang nakitang bakas o anino ng misteryosong babaeng may pakpak.
"Ah!" mahinang daing niya ng biglang kumirot ang parte ng braso niya na kung saan bumaon ang ngipin ng mga babae. Hinawakan niya naman ito para maibsan ang kirot. "Bwisit na babaeng maligno na 'yon!" inis na bulong nito. "Ugh!"
~*~
Isang panaginip.
Para kay Eros ay isa lamang panaginip ang mga weirdong kaganapan kanina. Sabi nga nila, wala namang panaginip na hindi weird. May panaginip nga na biglang tatalon ang isda mula sa aquarium tapos pagkabagsak sa lupa ay biglang magsha-shapeshift bilang aso. Minsan may isa pa ngang panaginip na bigla na lang nagiging buntis ang lalaki.
Pero hindi ba't karaniwan sa mga panaginip ay nakakalimutan mo ang iilang mga detalye? Pero si Eros ay naalala pa niya ang bawat detalye na mga naganap kahapon. Pero nagawa niya ring kunbinsihin ang sarili niya na isa nga 'yong panaginip. Isang anghel magkakainteres sa laptop niya? Tapos ano pa, kakagatin siya sa braso niya?
Tinawanan na lang ni Eros ang sarili atsaka siya unti-unting bumangon pagkatapos niyang maisuot ang salamin niya para salubungin ang umaga pero maya't maya ay napatigil siya nang makita niya ang marka sa braso niya.
Unti-unting nanlaki ang mata niya nang mapansin niya na ang itsura nio ay para bang may dalawang matulis na bagay na bumaon rito.
"Kagat ng lamok," sambit niya sa sarili at isinawalang bahala niya na lang iyon. Kahit imposible na ganung kalaking marka ang magagawa ng isang kagat ng lamok. Sa sobrang skeptic niya sa pangyayare ay wala nang sense ang mga lumalabas sa bibig niya.
Unti-unti na niyang inilapag ang dalawang paa niya sa sahig at sinuot ang tsinelas niya pero maya't maya ay muli na naman siyang napatigil nang may maalala siya.
"Ay shete ka!" Napasabunot siya sa buhok niya. "Kailangan na pala ang laptop ko ngayon para sa thesis! Anak ng—!" Sa pangatlong pagkakataon, muli na naman siyang napatigil nang may makita siyang isang bagay na prenteng nakapatong lang sa kaniyang lamesa.
Bigla itong tinamaan ng sinag ng araw na parang isang reward sa isang gameshow.
Imbis na magtatalon siya sa tuwa at yakapin na ang laptop na matagal na nawalay sa kaniya ay tuliro niya lang pinagmamasdan ito. Kasabay no'n ay ang pagbabalik-tanaw niya sa mga nangyareng hindi kapani-paniwala kahapon.
Napanganga siya at muling napahawak sa ulo niya. Ibig sabihin, totoong nangyare ang mga iyon? Ngunit ayaw pa rin niyang maniwala sa binubulong ng utak niya.
"Good morning!" Napatayo siya bigla ng may marinig siyang boses babae sa likod niya. Nanlalaki ang mga mata niyang hinarap niya ito.
Muling nagpakita ang babaeng may pakpak sa kaniya. Matamis itong nakangiti sa kaniya habang komportableng komportable na naka-indian seat sa kama niya.
Nanginginig ang labi ni Eros. "Ikaw—!" Muli ay hindi na naman siya naniwala. Baka naman ay muli na naman siyang nasa ilalim ng isang panaginip. Posible namang managinip ka sa isang panaginip kaya isang katangahan man para sa kaniya ang ginagawa niya pero bahala na.
Sinipa niya ng malakas ang haligi ng kama. Impit na napadaing na lang siya at napatalon talon ng makaramdam siya ng matinding sakit. Hindi na siya pwedeng mag-deny. Totoo nga talagang nakikita niya ang misteryosong babae sa harapan niya.
"Hoy! Ayos ka lang? Ano ba—Ano bang ginagawa mo?" akmang lalapitan siya ng babae pero sinamaan niya ng tingin ang babae habang tumatalon pa rin dahil sa sakit.
"Ikaw! Ano ka ba talaga?!" singhal niya sa babae. "Anghel ka ba?!" Pinasadahan niya ng tingin ang babae atsaka na siya umayos ng tindig. Maya't maya ay napatawa siya ng mahina. "Imposible namang lapitan ako ng isang anghel eh ang sama sama ng ugali ko!" Maya't maya napakunot noo siya nang marealize niya ang kulay ng pakpak ng babae. Biglang may ideyang sumulpot sa isip niya. "Huwag mong sabihing isa kang kupido?! Anak ng—!"
Samantalang natutuwang pinagmamasdan naman siya ng babae. Lalong lumawak ang ngiti nito.
Muling napaatras naman si Eros nang umabante ang babae pinagsususpetyahan niyang isang kupido. Isinayad nito ang kaniyang mga paa sa sahig habang prenteng nakaupo pa rin sa kama ni Eros.
"Hindi ba't dapat ikaw ang tanungin ko n'yan? Eros ang pangalan mo 'di ba? Ikaw ba si Kupido?"
Sarkastikong napatawa si Eros dahil sa sinaad nito sa kaniya. "Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?"
"Secret!" mapang-asar na wika nito sa kaniya. Napataas naman ang kilay ni Eros dahil do'n. "Magpapakilala na ako, Shawna ang pangalan ko at hindi ako isang kupido." Mahinang tumawa muna ito bago itinuloy ang pagpapakilala niya. "Pagkatapos kong mamatay, nagising na lang ako na ganito ang ayos ko. Who knows kung bakit ganito ang get-up ko as a ghost. Pero ayos lang, atleast maganda naman ang itsura ko at hindi nakakatakot."
"M...Multo...ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Eros.
Muling tumawa si Shawna. "Bakit? Ayaw mo pa ding maniwala? Hindi ako nakita ng mama mo 'di ba?"
"Hindi ko alam na kaya ko palang makakita ng multo," sabi niya habang naniningkit ang mga mata. "Paano nangyare 'yon?"
Kumibit-balikat si Shawna. "Ewan ko, kahit nga ako nagulat din ako na nakikita mo pala ako. Nahahawakan mo pa nga ako eh." Bigla naman siyang tumawa at dinagdagan ang sinabi niya. "At nagagawa pa kitang kagatin," sabi niya sabay hagalpak ng tawa.
Napasimangot naman si Eros dahil sa pagtawa nito. Nang magawa na nitong tigilan ang pagtawa ay saka naman nagsalita na si Eros.
"Oh? Ano ngayon ang ginagawa mo pala ngayon dito?" Nagawa nang maging kalmado ni Eros habang nasa paligid niya si Shawna. Sa tingin niya naman ay hindi naman mapanganib ang multong kausap niya. "Dahil nakikita kita, kukulitin mo na ba ako na tulungan kitang makamit ang hustisya na hinahanap mo?"
Umiling iling lang si Shawna habang nakangiti atsaka siya tumayo. Dire-diretsong naglakad ito patungo sa laptop niya at mahinang tinapik-tapik ang laptop nito.
"May tanong ako, isa kang aspiring writer 'di ba?"
"Huh?" Hindi agad nakapag-react si Eros sa sinabi nito.
Kumurba ang labi ni Shawna at pinagdikit ang dalawang palad nito habang nakangiti ng malawak. "May favor ako sa 'yo."
"Ayoko," mabilis na tanggi ni Eros. "Umalis ka na rito at huwag mo na akong guguluhin." Binigyan niya muli ng isang matalim na tingin si Shawna. "At HUWAG NA HUWAG mo nang susubukang nakawin ang laptop ko." Naglakad na siya patungo sa pintuan pero mabilis na iniharang ni Shawna ang sarili niya sa pinto dahilan para mapahinto si Eros.
"Pataposin mo nga muna ako," sabi ni Shawna sa kaniya. "Madali lang naman ang favor na hinihingi ko sa 'yo."
"Madali man 'yan o hindi, wala akong pakielam. Kaya umalis ka na at may pasok pa ako ngayong umaga."
Umiling iling si Shawna. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasasabi sa 'yo ang favor na hinihingi ko."
Napahalukipkip na lang si Eros at napabuntong hininga. Nag-u-umpisa nang maubos ang pasensya niya sa babaeng kausap niya.
"Sige, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin habang napipigilan ko pa ang sarili kong kaladkarin ka paalis diyan sa pinto," nakasimangot na sabi ni Eros dahilan para mapangiti ng malawak naman si Shawna.
"Gusto ko sana na ikaw ang magsulat ng novel na sinulat ko noon pero unfortunately ay hindi ko natapos dahil...you know?" Nag-aksyon si Shawna na parang hiniwa ang leeg niya. "Pakiramdam ko kasi ay yun lang ang susi para maging malaya na ako sa pagiging multo dahil 'yon lang ang piece of memory ko na naalala ko ngayon."
Unti unting kumunot ang noo ni Eros. Maya't maya ay lumabas ang isang mahinang tawa mula sa bibig niya. "Niloloko mo ba ako? Madali? 'Yan ba ang sinasabi mong madali? Akala mo ba madali lang makatapos ng isang nobela?"
"Okay! Alam ko naman na mahirap makatapos ng isang story. Pero ako naman ang utak dito, okay? Parang mag-co-collab lang tayo. Ikaw magsusulat. Ako naman ang mag-iisip. Deal?"
"Bakit naman?" Hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng noo ni Eros. "Bakit hindi na lang ikaw magsulat? Kuwento mo naman 'yan, papahirapan mo pa ako."
"Kasi! Hindi ako makasave sa laptop mo ng word document. Hindi ko alam kung epekto ba 'yon ng pagiging ghost ko pero napupunta lang sa wala ang 1k words na nasusulat ko. Nakakafrustate kaya 'yon!"
"Ah..." bored na sagot ni Eros sa kaniya. "Ang bilis talaga ng karma."
Naiilang na napangiti na lang si Shawna sa sinabi ni Eros. "Okay, sorry na sa pagnakaw ko ng laptop mo. Alam ko naman na mali 'yon."
"Paano mo nalaman ang passcode ko?" pag-iibang topic ni Eros. Naging seryoso na ngayon ang aura niya.
"Ah..." Sandaling inalala ni Shawna kung paano niya nadiscover ang passcode ng laptop ni Eros. "Uhm...Kinuha ko yung unang apat na numbers ng ISBN ng isang libro na nakahiwalay sa mga libro sa shelf mo." Ngumiti ng alanganin si Shawna saka tinuro ang librong kasalukuyang tinatapos ni Eros basahin ngayon kaya nakahiwalay iyon sa mga libro niya.
Napasimangot na lang si Eros atsaka napamura sa isip niya. Hindi siya makapaniwala na talagang nalaman ni Shawna kung saan niya kinuha ang passcode ng laptop niya. Ngayon mukhang kailangan niya siguro magpalit na ng passcode.
Pero joke lang, huwag na lang daw pala. Pinagisipan niya nang mabuti ang passcode ng laptop niya tapos papalitan niya ng ganun-ganun na lang. Atsaka mahirap na baka makalimutan niya lang ang bagong passcode niya at hindi na naman niya magamit ang laptop niya.
"So, ano pumapayag ka na ba?" nakangiting tanong sa kaniya ni Shawna. "Dali na! Pumayag ka na para makakilos ka na! Sige ka! Baka malate ka sa pasok mo ngayon!"
"Atsaka!" Pinagdikit muli ni Shawna ang dalawang palad niya habang makikita pa rin ang pagkasabik sa mukha niya. "Nabasa ko yung mga sinusulat mo sa laptop mo. Ang galing mo kaya!"
"Hindi mo ako madadaan sa ganiyan." Umangat ang isang kilay ni Eros habang makikita sa mukha niya ang pagkaumay sa usapan nilang dalawa. "Hindi ako magaling. 'Yang mga sinusulat ko puro mga hindi tapos ang mga 'yon. Wala pa akong natatapos sa mga sinusulat ko kaya—!"
Pinutol ni Shawna ang sasabihin niya. "Teka! Malay mo! Ito ang kauna-unahang nobela na matatapos mo! Oh 'di ba!"
Napabuntong hininga na lang muli si Eros. Mas lalong tumindi ang lukot sa mukha niya. Umagang-umaga stress na stress siya sa presensya ng babaeng nasa harap niya.
"Ano bang genre 'yang kuwento mo ha?" bigla niyang naisipang itanong.
"Romance," kaagad na sagot ni Shawna.
Mahinang napatawa naman si Eros sa sagot niya na para bang nang-iinsulto ito. "Ano?" sabi niya sa pagitan ng pagtawa niya. "Hindi mo ako mapapasusulat ng ganiyang klaseng kwento." May pandidiri sa tono ng boses nito. "Lumayas ka na d'yan sa harap ko."
"Huh? Bakit?"
Tuluyan nang naubos ang pasensya ni Eros kaya marahas niya nang hinila si Shawna palayo sa pintuan. Pagkatapos ay dire-diretso na itong naglakad palabas.
"Hoy!" tawag nito sa kaniya pero wala na itong natanggap na tugon mula kay Eros.
Pero imbis na malungkot ay lumitaw ang isang mapaglarong ngiti sa labi ni Shawna.
"Pasensiya ka, pero hindi talaga ako tumatanggap ng rejection," usal nito. "Sa huli, mapapapayag rin kita sa gusto ko." Mahinang tumawa ito pagkatapos habang isa-isa namang sumulpot ang mga ideya sa isip nito kung papaano niya guguluhin ang matahimik na buhay ni Eros.
Chapter ThreeYes or YesSa dami ng nabasa ni Eros, dumating rin sa punto na nagsawa na siya sa kakabasa. Hindi dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang mga nababasa niya kundi dahil hindi na siya nakukuntento na hanggang sa pagbabasa na lang ang ginagawa niya. Doon pumasok sa isip niya na magkaroon ng panibagong libangan bukod sa pagbabasa ng mga mystery novels.Inumpisahan niya sa papel. Kahit maraming grammatical errors ay tinuloy niya pa rin ang pagsusulat dahil wala pa siyang masyadong ideya sa kaniyang ginagawa. Ang alam niya lang ay nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na inilikha niya na nagmula sa isang inspirasyon na nakuha mula sa iba't ibang nobelang nabasa niya.Mula sa papel ay lumipat siya
Chapter Four Fourteen Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa? Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe. Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig
Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr
Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse
Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub
Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy
Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon
Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an
Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy
Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n
Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin
Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih
Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”
Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay
Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s
Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.
Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an