Home / YA/TEEN / The Cupid (Tagalog/Filipino) / The Encounter of Two Lovers

Share

The Encounter of Two Lovers

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter Five

The Encounter of Two Lovers

Paano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?

Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.

Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Creative Writing na kailangan gayahin nila ang paborito nilang fictional character. Hindi rin nakatakas ang paandar na ito sa reklamadong utak ni Eros. Pakiramdam niya kasi ay parang ginagawa lang silang elementary sa activity nila. Mabuti na lang ay mayro'n siyang ekstrang salamin na medyo kalakihan ang lenses na magkatulad na magkatulad sa isa sa mga paborito niyang fictional characters. Ayaw niyang masyadong mag-effort sa activity na ito kaya 'yon na lang ang susuotin lang niya. Total obvious naman na makikilala kaagad kung sino ang ginagaya niya.

Speaking of fourteen pala, hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Eros kung bakit iyon ang napiling title ni Shawna. Hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa kaniya dahil wala siyang nakikitang koneksyon sa plot ni Shawna sa naisip nitong title. Pero 'di bale na nga, ang importante kailangan na niyang matapos kaagad ang nobela para lubayan na siya kaagad ni Shawna.

Pero gaya ng sabi niya nung nakaraan, hindi nga pala madali makapagtapos sa isang nobela. Lalo na sa isang katulad niya na wala pa talagang natatapos. Napabuga na lang siya ng hangin dahil sa naisip niya. Mukhang matagal tagal pa niyang pagtitiisan ang babaeng iyon.

Pumasok na sa classroom si Eros habang suot-suot ang signature glasses ng kaniyang ginagayang character. Nabaling naman sa kaniya ang tingin ng ibang mga kaklase niya na nakaayos na rin para sa activity nila.

"Pottah!" nakangiting tawag sa kaniya ng kaklase niyang babae na malapit sa direksyon niya. Napakunot-noo naman si Eros pero 'di na lang niya ito pinagtuunan ng pansin at nilampasan na lang ang babaeng tumawag sa kaniya sa pa-trying hard na british accent.

"Woah! The boy who lived!" sabi naman ng isa niyang kaklaseng lalaki na nadaanan niya. Nadagdagan naman ang pagkakunot-noo ni Eros dahil dito. Pinagsasabi ng mga ito?

"Eksklabadu!" pang-aasar naman sa kaniya ng isa pa niyang kaklase na nadaanan niya at itinutok sa kaniya ang hawak nitong ballpen. Tinawanan naman siya ng katabi niya. "Tanga pre! Expelliarmus 'yon!" sabay tawa pa nito ng mas intense kaysa sa nauna.

Ngayon ay nagsalubong na ang kilay ni Eros. Mukhang nagets na niya kung bakit gano'n ang mga kaklase niya ngayon sa kaniya. At ang tanging may sala lang naman ay ang isinuot niyang salamin.

Tangina niyo! Ako si Detective Conan! sigaw nito sa isip niya habang mas lalong nadadagdagan nang nadadagdagan ang mga nang-aasar sa kaniya.

~*~

Para kay Eros ito lang naman ang mga common clichés ng unang pagkikita ng dalawang lead na kinalakihan niya na hanggang ngayon ay pumapatok pa din. Kahit hindi naman siya fond sa mga movies or novels or anything na may romance genre. Aware naman siya sa mga ito dahil siguro ay isa rin sa mga nag-e-enjoy sa mga ganito ay ang pamilya niya. Pero kahit papaano, kahit siya ang naiiba ang taste sa kanila hindi pa naman niya iniisip na baka ampon lang siya or isang sanggol na napagpalit dahil sa pagkakamali ng nurse. Malinaw na malinaw naman na manang-mana ang mukha niya sa kaniyang ama kaya imposibleng ampon siya or whatever.

Umpisahan natin sa accident. Kadalasan, nagkikita ang dalawang lead ng romance drama dahil sa isang aksidente. Hindi aksidente na as in yung severe na yung nasa alanganin na yung buhay nilang dalawa. E 'di tragic ending na agad 'yon! Kawawa naman! Accident like nagkabungguan tapos ayo'n natalsikan ng juice or ng kape. Pwede ring nagkabungguan tapos nahulog yung madaming mga libro. Natalisod or napilay yung isa kaya sa 'di ineexpect na moment ay biglang nagkapatong na sila tas magkalapit na ang mukha ng isa't isa.

Pangalawa naman, Aym a hero! Yung tipong nasa kapahamakan yung girl like may mga pangit na nilalang na pagtritripan siya tapos ayo'n biglang bugbog sarado kay boy. Then, magtatama ang tingin nilang dalawa. Para bonggacious ang moment may pasabay pang patugtog ng ost nila tapos ayo'n. THE END! Ayo'n na ang end ng episode.

Pangatlo, yung nagkakilala sa nakakahiyang sitwasyon. Halimbawa, nahalikan nang hindi sinasadya. Nahubaran nang 'di sinasadya. Nabosohan nang 'di sinasadya. Nasampal nang 'di sinasadya basta kung ano-ano pang mga pwedeng idagdag na nakakahiya.

Pang-apat, napagtripan or binully. Dito nag-uumpisa ang love-hate relationship ng dalawang bida. From enemies, frenemies, friends to lovers. Mga gano'n!

At ang panglima naman ay ang love at first sight. Medyo hindi problematic ang encounter ng dalawa sa ganito pero masyadong ideal dahil mahirap sa karamihang mga tao ang maniwala sa ganito.

Marami pang bagay na gustong i-mention si Eros kay Shawna pero hanggang lima lang ang nasabi niya kay Shawna dahil pinatigil siya kaagad nito sa pagsasalita bago niya sunod sabihin ang rant—este ang isa niya pang opinyon.

"Oo alam ko! Alam kong cliché ang mga 'yon pero wala namang masama sa cliché 'di ba? Kahit sino namang writer ay gumagamit rin ng mga tropes na gano'n basta nagagawa naman nila ng tama," ang sabi naman sa kaniya ni Shawna. Gabi na at kasalukuyang nasa kwarto silang dalawa ngayon.

Samantalang si Eros, bored lang siyang tinignan nito. "Pero pwede ba mag-isip ka naman ng iba? Yung..." bigla siyang natigil at napabuntong hininga. "Yung hindi naman masyadong...basta! Ang awkward ng mga ito! Hindi mo ako masusulat nang mga ganiyan," saad nito. "Kung ako siguro ang character ng isang libro at ganitong eksena ang gustong mangyare sa akin ng writer baka masapak ko siya."

Bumuga muna ng hangin si Eros bago magsalita. "Una, kung may makabunggo ako or may mangyare mang katangahan sa akin. Hindi ko magagawang titigan pa ng matagal o magkaroon pa ng conversation sa isang taong nakasaksi ng katangahan ko!"

"Pangalawa..." Tumawa muna ng bahagya si Eros bago niya inayos ang salamin niya. "Kung mayro'n man akong ililigtas... Joke lang! Malabo pala 'yon!" Agad niyang binawi ang sinabi niya. "Sino namang matinong tao ang ipapahamak ang sarili niya para sa taong 'di naman niya kakilala?" natatawang turan nito.

"Atsaka pangatlo..." dagdag pa nito na may kasamang pag-taas ng isa niyang kilay. "Hindi ko hahayaan na magkaroon pa ako ng koneksyon sa taong naka-witness naman ng kahihiyan ko. Yung memory nga gustong gusto mo nang kalimutan kaagad-agad yung talagang mapapahiling ka na lang na sana magka-amnesia ka na agad-agad. Eh yung tao pa kaya? Syempre kung ikaw rin 'yon talagang gagawa ka ng paraan para mapalayo sa taong 'yon."

"Yung pang-apat naman, oo may mga bully na nagbabago naman. Pero taeng 'yan! Sino namang papayag na magiging mag-on sila ng taong araw-araw sumisira ng araw niya? Sa taong walang ibang ginawa sayo kundi apihin ka?'

"At jusmeyo marimar! Lalong sakit naman sa ulo ang pang-lima. Dahil lang bumilis ang tibok ng puso sa unang pagkikita mahal na agad? Paranoid lang 'yon!"

Samantalang si Shawna, imbis na mainis sa rant ni Eros. Pinagtawanan lang siya nito dahilan para magtaka na naman sa kaniya si Eros pero medyo nasasanay na rin siya na hindi gano'n kadaling mainis si Shawna sa mga masasamang salitang lumalabas sa bibig niya.

"Hoy! Kumalma ka nga d'yan! Hindi naman ikaw ang bida!" natatawang sabi nito at sinundan pa niya ng mas malakas na pagtawa kaysa nung una atsaka hinampas ang balikat ni Eros dahilan para kunot-noo siyang tinignan ni Eros at dahan-dahang mapausod palayo sa kaniya.

"Alam mo ikaw?" sabi ni Shawna nang makarecover na siya sa pagtawa. "Bitter ka lang kasi wala kang lovelife!"

"Kahit kailan hindi ko naman hiniling na magkaroon ng sinasabi mo!" nakasimangot na sagot sa kaniya ni Eros habang binibigyan siya ng matalas na tingin. "Nakakasuka kaya!"

Natawa na naman muli si Shawna. "Grabe naman 'to makapagsalita!" hindi makapaniwalang komento nito. "Baka naman jowa kasi kaagad ang pumapasok sa isip mo! Wala ka bang crush o ano? Ang daming magaganda at matatalino sa school niyo imposibleng wala!"

"Wala nga," nakasimangot na sagot sa kaniya ni Eros habang diretso lang na nakatingin sa kaniya.

"Ano?" 'di makapaniwalang reaksyon ni Shawna habang natatawa.

"Ano-ano ka d'yan? Bakit required ba 'yon?" Muling nagsalita na naman si Eros habang hindi pa rin nawawala ang masamang tingin nito kay Shawna. Medyo naiinsulto kasi ito sa pagtawa niya.

Unti-unting huminto si Shawna sa pagtawa at sinalubong na ang masamang tingin ni Eros sa kaniya sabay tanong ng, "Bakit?"

Tuluyan nang napikon si Eros dahil sa mga binabatong tanong ni Shawna na wala namang kwenta para sa kaniya kaya padabog na niyang sinara ang notebook niya at muling dinapuan ng matalim na tingin si Shawna. "Wala na kong ganang makipag-usap sa 'yo. Ayoko sa usapan na wala namang kwenta."

"Hoy! Grabe naman! Ang pikon mo!" natatawang komento sa kaniya ni Shawna atsaka pinigilan si Eros sa pagtayo kaya wala ring nagawa si Eros kundi bagot na lang na muling umupo sa harap niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, maling tao ang pinilit mo na tulungan ka. Hindi ko forte 'yang gusto mong ipasulat sa akin," inis na sabi sa kaniya ni Eros.

Mahinang tumawa si Shawna. "Tanong ko lang naman ay bakit?" Kitang kita sa mga mata ni Shawna ang kuryosdidad sa pagkatao ni Eros. "Gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi nagkakagusto at bitter si kupido?" nakangising tanong nito kay Eros habang matamang nakatitig dito.

Masama muna siyang tinignan ni Eros atsaka niya hinablot ang notebook niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig. Hindi na siya nagawang pigilan ni Shawna sa braso dahil sa bilis ng pagkilos nito.

"Ang corny mo," komento muna nito habang nakabaling ang tingin sa lamesa.

"Bukod rin sa bitter ka pala," takang sabi ni Shawna. "Sa tingin ko, wala ka rin sigurong kaibigan kahit isa 'no?"

"Bakit may nakikita ka ba?" sarkastikong sabi ni Eros.

Namilog ang mga mata ni Shawna. "So, wala?" hindi makapaniwalang sabi ni Shawna. Ineexpect niya kasi na mali ang judgement niya kay Eros. "As in wala talaga?! Bukod sa akin?"

Napakunot-noo naman si Eros dahil sa sinabi niya. Bukod sa pagkakunot-noo nito ay kasabay rin ang panliliit ng kaniyang mga mata. "Pinagsasabi mo? Hindi rin kita kaibigan 'no!"

Pabirong napahawak si Shawna sa dibdib niya at pinalobo ang magkabila niyang pisngi. "Ah gano'n! So, ako lang pala ang nag-a-assume!" natatawang sabi nito. "Key payn! Kung ayaw mo e 'di h'wag!"

Hindi na umimik si Eros sa sinabi niya at nagtungo naman siya sa kama niya upang isaayos na ang higaan niya para sa kaniyang pagtulog.

"So, gano'n," muling sabat na naman ni Shawna. "Wala kang social life, wala ka ring lovelife. So ano ka? Allergic sa mga tao ganun?" muli na naman itong natawa dahil sa sinabi niya. "Sabagay, mukha nga," sabay sagot rin nito sa sariling tanong niya at muli na namang dinaldal si Eros pero naunahan siya nito sa pagsasalita.

"Ayoko sa mga tao," saad ni Eros habang nakabaling pa rin sa ibang direksyon ang tingin nito. Nakayuko ito kaya bahagyang natatakpan ang mga mata nito. "Kung magtatanong ka na naman ng walang katapusang 'bakit'. Ayan na yung hinahanap mong sagot."

"Ayaw mo sa mga tao?" ulit ni Shawna sa sinabi ni Eros. "Why naman?" Hindi na niya sinabi ang word na 'bakit' at baka mas lalong maubos ang pasensya ni Eros sa kaniya. "Wala naman sigurong ginagawang masama ang lahat ng mga tao sa 'yo. Ba't naman galit na galit ka sa kanila?"

"Hindi naman ako galit sa kanila." Kalmado na ang tono ng boses ni Eros kaya sa tingin ni Shawna ang bibigyan naman ito ng reasonable na sagot. "Sadyang bwisit lang talaga silang lahat." Pero hindi rin pala.

Dissapointed na napabuntong hininga na lang si Shawna. "So, nabwibwisit ka rin sa pamilya mo kasi tao din sila?"

Humiga na si Eros habang nakatingala sa kisame. "O sige, bobohan mo pa ang pagtatanong."

"Okay!" nakangusong sabi ni Shawna na medyo may halong inis ang tono ng kaniyang boses. "Exempted naman siguro syempre ang family mo." Maya't maya ay lumitaw ang malawak na ngiti sa labi ni Shawna at may kasama pang pagningning ng kaniyang mga mata. "So ibig sabihin ba n'yan, exempted rin ako kasi hindi naman ako tao?" natutuwang sabi nito.

Kumurba naman ang labi ni Eros dahil sa sinabi ni Shawna. Maya't maya ay lumitaw rin ang mga ngipin ni Eros dahil sa bahagyang pagngiti niya. "Ano ka, mas lalo ka na." Pagkatapos ay binaling na nito sa kanan ang paghiga niya dahilan para magmukhang nakatalikod ito sa direksyon ni Shawna.

"Ano?" pabirong ngumuso uli si Shawna. "Okay, sabi ko nga." Pabirong naglungkot-lungkotan ito kahit hindi naman ito masyadong naapektuhan sa sinabi ni Eros. Ang totoo nga niya'n ay mas lalo pa tuloy siyang naengganyo sa pagkatao ng binata.

Lumitaw ang mahinang tawa mula kay Eros dahilan para mapatigil naman si Shawna sa lungkot-lungkutan session niya. Akala niya ay babanat si Eros ng 'joke lang!'. Pero hindi naman pala.

"Goodnight," ani Eros sa kalmadong tono habang nakatalikod pa rin kay Shawna. Nadissapoint na naman si Shawna dahil hindi iyon ang inaasahan niyang pahabol na sasabihin ni Eros.

Gayunpaman, kahit sabihin pa ni Eros kay Shawna na pareho lang siya sa mga taong kinaiinisan niya. Naiiba pa rin ito sa lahat dahil ito ang kauna-unahang nakatanggap ng matamis na 'goodnight' mula kay Eros.

~*~

Umagang-umaga pa lang pero tirik na tirik na ang araw. Parang mga langgam na nagsidausan sa quadrangle ang mga estudyante habang maya't maya ay papikit pikit ang mata upang iwasan ang nakakasilaw na sinag ng araw. Flag ceremony kasi ngayon kaya kaniya kaniyang tungo ang mga estudyante sa kani-kanilang mga pila.

Bigla tuloy pinagsisihan ni Eros ang pagpasok niya ng maaga ngayong araw. Dapat pala ay nagpa-late na lang siya sa first subject. Mas kaya niyang tiisin ang pagtinginan ng mga kaklase niya sa classroom kaysa sa matagal na pagtayo sa tapat ng sikat ng araw.

Napapikit na lang ng mariin si Eros nang padami na ng padami ang mga taong nakikita niya sa paligid. Parang ang sarap magwala at mag-headbang sa lupa. Mga gano'ng feels. Pero syempre sa loob-loob lang niya iyon. Sanay naman na siya na may ganoon siyang nararamdaman sa tuwing napapaligiran na siya ng mga presensya ng mga nagdadamihang mga tao.

Napatigil bigla sa pagmumura si Eros sa isip niya nang bigla siyang may mapansin sa gilid niya. Nginitian naman siya ni Shawna habang tinatakpan ng pakpak niya ang sinag ng araw sa pwesto ni Eros. Medyo naamaze siya dahil posible pala mangyare ang bagay na iyon.

"Ayan tinulungan na kita ah! Baka naman pasok na ako para maging exempted sa hatred mo sa mga tao," tinaas-baba pa niya ng dalawang beses ang mga kilay niya para asarin si Eros. Samantalang si Eros ay pasimpleng natawa na lang ng mahina dahil sa inaakto ni Shawna kahit sa totoo lang hindi niya rin alam kung ano nga bang nakakatawa sa ginawa ni Shawna. Siguro dahil hindi lang siya makapaniwala na sineryoso masyado ni Shawna ang mga sinabi niya kagabi. Pero kunsabagay, totoo naman ang mga sinabi niya.

Lumipas ang ilang mga minuto na parang akala mo ay dalawang oras na ang lumipas. Inumpisahan na ang prayer hymn. Umakyat naman sa stage ang isang pamilyar na babae na suot-suot na naman ang pink na headband.

"Oy! Si Clarisse pala ang mag-le-lead ng prayer!" saad ng isang babae na kaklase ni Eros.

"Oo nga eh! Grabe 'di uso haggard sa kaniya 'no? Pinabilad na sa araw lahat-lahat! Ang ganda pa din!" Kaagad pinatahimik naman ng adviser nila ang dalawa niyang kaklase na maagang nagtsi-tsismisan.

"Eros!" tawag ni Shawna kay Eros dahilan para mapalingon ito kaagad sa kaniya. Pero kaagad din nito napagtanto na wala naman palang ibang nakakakita kay Shawna kaya umiwas siya kaagad ng tingin para hindi siya magmukhang tanga.

Gumawa naman ng paraan si Shawna para mas mapalapit niya ang sarili niya sa tabi ni Eros. Pagkatapos ay saka niya dahan-dahang pinakita ang limang daliri niya sa harap nito.

"Pili ka dito," utos niya. Napakunot-noo naman si Eros dahil dito.

"Sige na! Pumili ka na kahit isa!" pagpupumilit nito. Naguguluhang binalingan niya ng tingin si Shawna.

"Sige na!" pagpupumilit ulit ni Shawna. "Ito naman! Pipili ka lang naman eh!"

Ang tanging nagawa na lang ni Eros ay samaan siya ng tingin. Pagkatapos ay inangat naman ang salamin niya gamit ang gitnang daliri nito.

Nung una pa ay akala ni Shawna ay minumura siya ni Eros pero maya't maya ay napagtanto rin niya na ang pangatlong choice niya ang napili ni Eros. Lumitaw naman ang mapaglarong ngiti sa labi ni Shawna.

Maya't maya ay natapos na rin ang pangtu-tusta sa mga estudyante—este ang flag ceremony. Parang mga langgam na nagkalat ang mga tao dahil nagkaniya-kaniyang balik na sila sa kanilang mga classroom. Wala namang choice si Eros kundi makisama rin sa mga nagkalat na mga estudyante.

"Oy Eros!" Muling naisahan na naman ni Shawna si Eros at muling napalingon sa kaniya ito. Naging mabilis ang mga pangyayare. Sa isang ilap, ay nasa kamay na ni Shawna ang salamin ni Eros at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.

"Hoy!" sigaw ni Eros habang nanliliit ang mga mata dahil sa panlalabo ng paningin. Napatingin naman sa kaniya ang mga estudyanteng nasa paligid niya pero hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito at kaagad hinabol si Shawna.

Bukod sa mukha siyang tanga sa paningin ng mga tao sa paligid niya dahil naghahabol siya ng wala. Hindi rin naging madali ang paghahabol niya kay Shawna dahil wala ang suot niyang salamin dahilan para mahirapan siyang maaninag ang iilang mga tao kaya may mga iilan siyang nakakabangga pero ni isang 'sorry' ay wala silang natanggap mula kay Eros.

Maya't maya ay biglang huminto si Shawna at humarap sa kaniya. Mapaglarong iwinagayway nito ang salamin kay Eros na pansamantalang siya lang muna ang nakakakita nito ngayon. Samantalang, napakagat na lang sa labi si Eros dahil sa inis atsaka siya tumakbo palapit sa kinaroroonan ni Shawna.

Nang tuluyan na siyang makalapit kay Shawna ay kaagad niyang inangat ang kamay niya upang mahablot ang salamin niya kay Shawna.

Pero naging mabilis uli ang mga pangyayare.

Mabilis na nakaiwas kaagad si Shawna sa kamay ni Eros kaya ang nahablot ni Eros ay ang mukha ng isang babae na nasa likod lang kanina ni Shawna. At ang babae lang naman iyon ay walang iba kundi si Clarisse Bonifacio. Ang babaeng palaging may suot na pink headband at ang babae na kinikilala ng lahat ng mga estudyante sa school nila.

Naging tahimik bigla ang buong paligid. Ito na yata ang pinaka-awkward na naganap kay Eros sa buong tanang buhay niya. 

Related chapters

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Friend Request

    Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ask him out

    Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Villain is My Name

    Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

Latest chapter

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status