Share

Friend Request

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2021-04-07 19:28:07

 Chapter Six

Friend Request

Kasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.

Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.

Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse na mismo ang nagtanggal ng kamay nito sa mukha niya. Nagugulumihanang tinignan nito ang mukha ni Eros atsaka na siya nito nilampasan kasama ang mga kaibigan niya. Samantalang nakarecover na ang mga tao sa paligid na nakasaksi ng katangahan at kaweirduhan niya. May ibang natatawa at kasama na do'n si Shawna na mas intense ang pagtawa kaysa sa kanila.

Samantalang si Eros natulala na lang. Siya palang ang hindi pa nakakarecover ang katawan. Sa sobrang hiyang nararamdaman niya ni ayaw na niyang kumilos sa kaniyang kinatatayuan. Ilang minuto na rin ang lumipas pero damang dama pa rin ng kamay niya ang mukha ni Clarisse.

Nakakahiya. Dahil napatitig pa siya rito ng matagal. Mukhang kinain niya ang sinabi niya na hindi niya magagawang titigan pa ng matagal ang tao kung may insidenteng awkward ang maganap sa kanilang dalawa.

"Oh my god! Dude!" Napapalakpak pa si Shawna habang natatawa. "Ang epic talaga ng reaction mo! HAHAHAHAHA! WHOO!" Medyo nanghihina na ito dahil sa katatawa. "Number three pa kasi talaga ang pinili mo!" At muli na naman itong tumawa.

Inis na napabuntong-hininga na lang si Eros at sinamaan ng tingin si Shawna. Nagmartsa na ito paalis mula sa kinatatayuan niya. This time ay seryosong galit na talaga siya kay Shawna. Sino ba namang hindi kung pagtri-tripan ka at ipapahiya ka pa? Lalong lalo na siguro kay Eros na hindi naman ganun kahaba ang pasensya.

Halos buong araw sa school ay hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina. Paulit ulit itong nagpe-play sa utak niya na para bang may 24 hours loop ito. Hindi niya talaga maiwasang alisin sa isip niya ang ginawa niya kay Clarisse. Katulad rin ng paulit ulit niyang pag-alala ro'n ay paulit ulit niya ring minumura ang sarili niya dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya sa sarili niya.

Bukod rin pala sa sarili niya ay may isa pa siyang kinaiinisan. Ito naman kasi talaga ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkakaganito siya. Kung bakit pakiramdam niya ay sobra siyang napahiya. Pero ang taong iyon ay parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya kanina. Suot-suot pa nito ang salamin ni Eros na hindi na binalak ni Eros na kunin sa kaniya dahil sa traumang nakuha niya sa nakakahiyang eksena kanina.

Napairap na lang si Eros at binaling sa iba ang tingin nang biglang mapalingon sa kaniya si Shawna. Sobrang badtrip talaga siya sa babaeng iyon kaya wala siyang balak kausapin ito o pansinin man langpero kahit gano'n man ang gawin niya ay tuloy-tuloy pa rin ito sa pang-aasar sa kaniya.

"Bwisit na mga numbers 'to," nakasimangot na bulong niya habang nakabaling sa nagdi-discuss na teacher sa harapan ang tingin niya. Pati ang math ay nadamay sa pagkabadtrip niya ngayong araw.

"Oh! May naintindihan ba kayong lahat sa discussion natin ngayon?" Kahit walang pumasok sa utak ni Eros ay kasama siya sa mga sumagot ng, "Yes, ma'am!" Pero kahit ang iilan lang naman sa kanila ay nagsisinungaling rin katulad ni Eros.

"O sige! May ipapasagot akong equation dito sa harapan ah." Nataranta naman ang mga kaklase ni Eros dahil sa sinabi ng math teacher nila. Nag-umpisa na itong magsulat ng mga numbers sa whiteboard. Wala silang magawa dahil 'di rin naman nila magawang pigilan ang math teacher nila. Samantalang ang mga iba naman na pinagkalooban ng utak sa ganito ay tamang chill lang sa upuan nila.

Nang matapos na ang teacher na makapagsulat ng tatlong math problems ay inumpisahan naman nitong kunin ang mga nagakumpol-kumpol na mga index cards. Mas lalong nadagdagan ang kaba ng buong klase.

May nabunot ng isang index card ang Math teacher. "Santos!" bigkas nito sa surname ng isa sa mga kaklase ni Eros. Parang nabunutan naman ng tinik ang iba dahil hindi apelyido nila ang natawag. Kaagad tumayo sa kinauupan ang babaeng kaklase ni Eros pagkatapos ay sunod naman nitong tinawag ang isa pang kaklase ni Eros na lalaki. "Cabrero!" Muling nakahinga ulit ng maluwag ang iilan.

Pero mukhang tinadhana yata si Eros na maging malas ngayong araw na ito nang apelyido niya ang sunod na binanggit ng teacher. Nanlalaki ang mga mata nito. "Luh? Ba't ako?" 'di makapaniwalang reaksyon nito pero wala rin itong nagawa kundi tumayo nang makatanggap siya ng matalim na tingin sa teacher.

Mas lalong nadagdagan ang pagkabadtrip ni Eros. Dahil panigurado ngayon ay dagdag kahihiyan na naman ang magaganap sa kaniya. Dahil itinapat lang naman siya sa mga matatalino. Siya lang ang naiwang bobo sa math sa harapan. Ang maganda nga lang sa sitwasyon niya ngayon ay ineexpect na niyang mapapahiya siya hindi katulad kanina na unexpected ang kahihiyang nangyare sa kaniya.

Maya't maya ay sumenyas na ang teacher na sagutan ang mga nakasulat sa whiteboard. Nagmamadaling nagsulat naman ang dalawa niyang kaklase na mababangis sa Math. Samantalang siya naman ay parang tuod lang na napatulala sa mga numbers na nasa harapan niya.

Anong gagawin ko sa mga 'to? Wala siyang ibang nagawa kundi kausapin na lang sa isip niya ang mga numbers na nasa whiteboard. Kulang na lang ay matunaw ito sa katitig niya. Samantalang ang mga kasama niya sa harapan ay marami nang naisusulat samantalang siya naman ay kung ano-anong mga shapes ang dinarawing niya sa whiteboard. Mapa-heart, mapa-happy face o kung ano-ano pa. Pagkatapos ay buburahin niya rin ito gamit ang kamay niya. Problemadong napatingin na lang sa kaniya ang Math teacher niya at napailing iling na lang.

"Pssst! Eros!" tawag sa kaniya ni Shawna pero hindi niya ito binalingan ng tingin. "Alam ko 'yan! Tuturuan kita! Makinig ka lang sa 'kin!" sabi ni Shawna naman sa kaniya habang ang mga kaklase naman ni Eros ay pabirong kinakantyawan na siya na, "Ang galing mo!" o ng, "Grabe! Ang talino ni Eros! Whoo!"

Pero wala siyang natanggap na pagtugon mula kay Eros at nagpanggap lang ito na hindi siya nito nakikita o naririnig. Biglang nawala ang cheerfulness sa mukha ni Shawna at napalitan ng pag-alala.

~*~

"Sorry..." sabi ni Shawna kay Eros habang sinusundan niya ito papasok sa kwarto niya. Pero wala uli siyang natanggap na tugon mula kay Eros at lumabas lang ito ng kwarto kaya nagmamadaling sinundan niya naman ito.

Nakarating silang dalawa sa kusina. "Uy! Sorry na!" pag-uulit nito sa sinabi niya. Napaatras naman ito nang muntikan siyang matamaan sa pagbukas ng refrigerator ni Eros. Kumuha ng isang malaking tumblr ng tubig si Eros at tinungga ito pagkatapos ay binalik uli ito at naglakad na muli pabalik sa taas.

"Uy!" nakangusong sabi ni Shawna. "Sorry na please! Alam ko na hindi ko dapat iyon ginawa sa 'yo! Sorry na talaga dude!" Pinagdikit niya ang dalawa niyang palad. "Sorry na ha? Uy! Sorry na talaga! Inaamin ko na sobra na yung ginawa ko sa 'yo kanina at hindi na 'yon nakakatuwa."

Wala pa rin siyang natanggap na tugon mula kay Eros. Huminto bigla ito sa pag-akyat sa hagdanan atsaka naman ito nagmamadaling bumaba. Sinundan na naman siya ulit ni Shawna. Pagkatapos ay saka naman nakarating silang dalawa sa banyo atsaka nagmamadaling pumasok naman doon si Eros pero nanlalaki naman ang mata nito nang akmang susundan rin siya ni Shawna sa loob kaya mabilis niyang isinara ang pinto pero nagawang iharang ni Shawna ang sarili niya.

"Hoy! Ano ka ba!" Medyo pasigaw na bulong ni Eros. "Tatae ako!"

"Hindi ka makakatae hangga't hindi mo tinatanggap ang sorry ko!" determinadong turan sa kaniya ni Shawna. Samantalang halos hindi na maipinta ang mukha ni Eros dahil sa sobrang pagtataka sa sinabi ni Shawna sa kaniya. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o talagang seryoso ito sa sinasabi nito sa kaniya.

"Tch!" Iritadong napabuga na lang ng hangin si Eros. "Oo na. Umalis ka na d'yan kung hindi magpapasabog na talaga ako!" Mahinang tinulak niya si Shawna kaya medyo napalayo na ito at naisara na niya ang pintuan.

Kahit sapilitan niya lang pinatawad si Shawna ay unti-unti na rin namang nawawala ang pagkabadtrip niya rito. Pero gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nakakahiyang eksena na nangyare sa kaniya dahilan para hindi siya makatulog ng maayos ngayong gabi. Para siyang teenager na may crush na hindi mawawala sa isip niya kaya hindi makatulog sa gabi.

"Gising ka pa 'no?" Napadilat siya at napabalikwas ng bangon dahil sa gulat nang marinig niya ang boses ni Shawna na naka-indian sit ngayon sa dulo ng kama niya at matamang nakatingin lang sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo d'yan sa kama ko?!" singhal sa kaniya ni Eros.

"Nakaupo," diretsong sagot naman ni Shawna dahilan para mapasimangot si Eros dahil sa pagpipilosopo nito. Napabuntong hininga na lang sya at muling nagsalita.

"Umalis ka d'yan sa kama ko," kalmado pero mautoridad na utos niya kay Shawna.

"Ayoko nga," pagmamatigas nito habang nakasilay ang ngiti nito sa labi.

"Aalis ka o itutulak kita d'yan," pagbabanta ni Eros.

"E 'di itulak mo," paghahamon naman sa kaniya ni Shawna atsaka humalikipkip. Napairap na lang si Eros at muling napabuntong hininga.

"Talagang hinahamon mo talaga ako," inis na bulong nito atsaka ito sumugod sa direksyon ni Shawna pero pagkalapit niya rito ay siya naman ang itinulak ni Shawna kaya siya muling napahiga sa kama.

Lumapit sa kaniya si Shawna habang nakahalukipkip at nang-aasar na tinignan siya. "'O? Palag? Mas malakas kaya ako kaysa sa 'yo!" pagmamayabang niya.

Padabog na bumangon na lang siya at iritadong binalingan ng tingin si Shawna na natatawang pinagmamasdan pa rin siya. Talagang wala nang ibang ginawa ang babaeng ito sa kaniya kundi pagtripan at pikonin siya.

"Hindi ka ba makatulog dahil—!"

"Huwag mo nang ipaalala pa," may diin na sabi ni Eros kay Shawna dahilan para hindi na maituloy ni Shawna ang mga sasabihin niya.

Kumibit-balikat na lang si Shawna. "Okay!" simpleng saad nito. "Overthinker ka naman pala."

Hindi tumugon si Eros at binigyan lang ng matalim na tingin si Shawna. Pero gaya nung una, wala pa ring epekto ang death glare ni Eros sa kaniya.

"Bakit mo kasi naisipang gawin 'yon?" tanong ni Eros sa kaniya.

Sandaling natahimik si Shawna. Pero maya't maya ay unti-unting sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya. "Wala lang, tinetest ko lang kung tao ka ba talaga."

Naningkit ang mga mata ni Eros. "Ano?" naguguluhang ani nito. "Ikaw nga ang hindi tao sa ating dalawa."

"Oy! Naging tao rin ako!" Pinagdiinan pa nito ang salitang 'tao'. "Pero ayo'n nga, napatunayan ko rin na tao ka nga talaga. Tignan mo hindi ka makatulog ngayon dahil sa kakaisip sa embarrassing encounter mo sa pretty girl na 'yon."

Mas lalong naningkit ang mga mata ni Eros. "Ano? Pinagsasabi mo? Hindi ako makatulog ngayon hindi dahil sa maganda siya kundi dahil ang tanga ng ginawa ko."

"Pero maganda siya para sa 'yo hindi ba?" pang-aasar nito.

"Wala akong pakielam kung maganda siya o pangit!" nakasimangot na sagot ni Eros sa kaniya.

"Sus! Aminin mo na lang dude na maganda siya para sa 'yo!" natatawang sabi ni Shawna. "Tinatanong ko lang naman kung maganda ba siya."

Maya't maya ay biglang napangiti ng sarkastiko si Eros nang may mapagtanto siya sa mga kinikilos ni Shawna. "Hoy ikaw," tawag nito sa kaniya. "Nakukutuban ko na kung ano 'yang tumatakbo sa isip mo."

Tinaasan naman siya ng kilay ni Shawna pero hindi pa rin nawawala ang pagkurba ng labi nito.

"Sinusubukan mo bang ilapit ako sa ibang babae para maranasan ko rin ang ka-cringyhan ng mga tao?"

"Hoy! Hindi cringy ang magkacrush or maranasan man lang ang magka-puppy love habang ine-enjoy mo ang youth mo. Basta maging responsable ka lang sa bawat acts and decisions mo at sa priorities mo rin." Pinitik niya naman ang dalawang daliri niya sa harap ng mukha ni Eros dahilan para mapakurap ito sa gulat. "Atsaka, nagsusulat ka ng romance novel. Ayaw mo naman kumuha ng reference sa iba dahil palagi mong sinasabi na corny at cheesy kaya sa totoong buhay ka na lang humanap ng ideya."

Mahinang tumawa si Eros. "Kalokohan. Mabuti pang tigilan mo na 'yang binabalak mo. Dahil napakaimposibleng maging successful 'yan sa isang katulad ko." Akmang hihiga na si Eros pero kaagad siyang napigilan ni Shawna sa pamamagitan ng paghawak ng magkabilang balikat nito.

Mataman siyang tinignan ni Shawna. "Gusto mo ng peace of mind 'di ba?" tanong nito. "Puwes! Kailangan mong makalapit uli kay pretty girl para mapanatag na 'yang loob mo."

"Clarisse ang pangalan niya," pangongorek sa kaniya ni Eros dahilan para mas lalo siyang bigyan ni Shawna ng nang-aasar na tingin.

"Akala ko ba hindi mo alam ang pangalan niya?"

Hindi na lang pinansin ni Eros ang pang-aasar uli niya at muli pang nagsalita. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Kung mayro'n man akong nagawang kahihiyan sa isang tao. Hindi ko gustong magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon sa kaniya."

Napatango-tango na lang si Shawna at binitawan na ang magkabilang balikat niya. "Okay! Sabi mo eh! Good luck na lang kung makuha mo 'yang peace of mind na hinahanap mo." Umalis na ito sa kama at nag-umpisa nang maglakad patungo sa pintuan.

"Hoy teka! Saan ka pupunta?"

Huminto sa paglalakad si Shawna at lumingon sa kaniya. "Aalis na para makatulog ka na." Atsaka na naman kumurba ang labi nito na parang nang-aasar na naman muli. "Or para magkaroon ka naman ng alone time sa pagpupuyat kakaisip kay pretty girl."

Napaismid na lang si Eros nang buksan na nito ang pintuan at muling sinara naman nang makalabas na ito.

Pero tama nga si Shawna, hindi nga maayos na nakatulog pa rin si Eros. Dalawang oras lang ang naging tulog. Dahil lang sa nakakahiyang eksena na iyon na hindi niya magawang mag-move on. Hindi naman siya nagu-guilty sa ginawa niya sa babae. Talagang hindi lang siya makamove on dahil para siyang tanga sa eksenang iyon.

Pero mabuti naman ay normal na araw lang ito para sa kaniya ngayon. Walang masyadong kahihiyan at walang masyadong drama. Smooth lang. Kaya magaan ang pakiramdam niya habang naglalakad papunta sa parking lot kung saan nakapark ang e-bike niya habang si Shawna naman ay katulad nang karaniwan niyang ginagawa ay sumusunod lang ito sa kaniya.

Kaya lang ay biglang unti-unting napahinto si Eros sa paglalakad. Parang huminto sa pagtibok ang puso niya nang maramdaman niyang magaan ang bulsa niya. Kinuha niya kaagad ang bag niyang nakasukbit sa likod niya at hinaluglog ang loob ng bag niyang isang notebook, isang ballpen at cellphone lang ang laman.

"Shit! Yung wallet ko!" atsaka ito tumakbo pabalik sa classroom nito. Nagpipigil naman ng tawa si Shawna dahil sa inakto ni Eros pagkatapos ay sinundan na niya si Eros.

"Sandali! Eros! Anong mayro'n?"

~*~

Parang imbestigador na hanap ng hanap si Eros sa nawawala niyang wallet. Nakadapa kasi ito habang chinecheck ang bawat ilalim ng mga upuan.

"Gusto mo bang tulungan kita sa paghahanap?" pagpre-presenta ni Shawna sa kaniya kahit siya naman na ang may pakana nito. "Che-check ko yung CR ng mga lalaki baka naiwan mo do'n!"

Napakunot-noo naman si Eros. "H'wag na, ako na do'n. Baka may maabutan kang lalaki sa CR pagkapasok mo do'n."

"Ah...okay." Kumibit balikat naman si Shawna.

Unti-unting nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Eros nang may mapagtanto siya. "Teka..." ani nito. "Ikaw na naman ba ang may pakana nito?" taas-kilay na tanong nito.

Napakurap-kurap si Shawna. "Pinagbibintangan mo ba ako?" parang naiiyak na tanong nito pero pabiro lang naman. "Dude, I get it kung may trust issues ka na sa 'kin pero promise wala akong kinalaman sa wallet mo. Para sa'n ko naman gagamitin 'yan?" taas kilay rin niyang binalik ang tanong kay Eros.

Gayunpaman kahit nakunbinsi na si Eros sa sagot niya ay tinapunan niya pa rin ito ng matalim na tingin. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo." Pagkatapos ay naglakad na ito paalis ng classroom.

Hinabol naman siya ni Shawna at hinawakan sa braso. Nagtatakang napatingin sa kaniya si Eros. "Wait! Mas maigi siguro kung i-check mo na lang yung wallet mo sa Lost and Found. Kung may makapulot man ng wallet mo sa banyo baka sinurrender na 'yon doon."

"Ge," tipid na tugon ni Eros atsaka inalis na ang braso niya sa pagkakahawak ni Shawna at nagsimula nang maglakad patungo sa Lost and Found. Napangiti naman ng palihim si Shawna nang kumagat si Eros sa plano niya.

Kasabay ng ilang pinaghalong takbo at lakad ay maya't maya ay unti-unting bumagal ng bumagal ang paglakad ni Eros nang may nakauna sa kaniya sa Lost And Found. Parang tuod naman si Eros sa kinatatayuan niya nang makilala niya kung sino iyon. Muli ay nakita na naman niya si Clarisse Bonifacio sa hindi inaasahang pagkakataon. At napanganga din nang makita niyang nasa kamay nito ang wallet niyang nawawala at balak na nitong i-surrender ang wallet sa Lost and Found.

Biglang natanga na naman si Eros, imbis na hintayin na lang si Clarisse na i-surrender ang wallet niya ay bigla niya na lang pinigilan ito. "Sandali!"

Gulat na napalingon sa kaniya si Clarisse. "Sa 'yo ba 'tong wallet na 'to?" tanong kaagad nito sa kaniya sabay abot sa kaniya ng wallet.

Nagulat naman si Eros nang makaramdam siya ng mahinang paghampas sa balikat niya atsaka niya narinig ang boses ni Shawna. "Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na kaagad yung wallet mo!"

Pasimpleng napaismid na lang si Eros. Sabi na nga ba at pakana na naman niya ito. Bwiset!

Naglakad na ito palapit sa kinaroroonan ni Clarisse at nakayukong kinuha nito ang wallet na hawak niya. Hindi na nito nagawang magpasalamat sa kaniya at akmang aalis na sa harapan niya pero napatigil naman siya ng biglang magsalita si Clarisse.

"Wait! Pamilyar yata yung mukha mo?"

"Baka nagkakamali ka lang," tugon sa kaniya ni Eros at muli na namang sumubok umalis pero...

"Hindi! Ikaw yung dumakma sa mukha ko nung isang araw. Ay hindi! Kahapon lang pala nangyari 'yon," natatawang sabi nito.

Sunod na narinig ni Eros ang pagtawa ni Shawna na mas malakas naman ang pagtawa kaysa kay Clarisse. "Malas mo, naaalala pa niya."

Napansin naman ni Clarisse ang pagka-awkward ni Eros dahil sa sinabi niya. "I'm sorry," sabi nito. "Don't worry hindi naman masyadong big deal sa akin ang nangyare nung nakaraan."

Biglang naging maluwag na ang pakiramdam ni Eros dahil sa sinabi niya. Pakiramdam niya ay nabunutan na siya ng tinik sa lalamunan. Binalingan na nito ng tingin si Clarisse na kasalukuyang nakangiti ngayon sa kaniya. Pero wala pa ring balak magsalita si Eros at mukhang napansin naman iyon ni Clarisse.

"Sige, mauna na ako," tipid itong ngumiti sa kaniya. "Nice to meet you, Eros." Naglakad na ito paalis pagkatapos. Nagtatakang napatingin naman sa kaniya si Eros dahil sa pagbanggit nito ng pangalan niya. Naisipan niya namang buklatin ang wallet niya at nakita niya ang student license niya na nakalagay sa wallet niya na marahil ang dahilan kung bakit nalaman ni Clarisse ang pangalan niya.

~*~

"Pakana mo na naman ang nangyare kanina," walang emosyon na sabi ni Eros kay Shawna habang kasalukuyang nasa kwarto na ulit silang dalawa.

"Hindi nga ako 'yon," pagpipilit ni Shawna. "Coincidence lang yung nangyare kanina na si Clarisse ang nakapulot ng wallet mo."

Pinaningkitan naman ni Eros ng mata ang taong pinaniniwalaan niyang nag-iisang suspek sa pagkawala ng wallet niya. "Hindi mo ko maloloko, hindi ako naniniwala sa coincidence na 'yan. Hindi 'yan nag-eexist," pagdidiin niya.

"Ayaw mo sa coincidence? E 'di destiny na lang."

Lalong nadagdagan ang pagkunot-noo ni Eros. "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo at aminin mo na lang sa akin na pakana mo yung kanina."

"Wala akong aaminin dahil wala naman talaga akong ginagawa," pagdidiin din ni Shawna. "Destiny nga yung nangyare kanina kaya maniwala ka na lang na nag-eexist talaga 'yon. Hindi lang 'yon basta nangyayare sa romance novels at drama. Okay?"

Napairap na lang sa kawalan si Eros. "Dahil sa sinabi mong 'yan mas lalo mo akong binibigyan ng dahilan na pinlano mo talaga yung kanina. Dahil 'yang pinagsasabi mo, 'yan ang motibo mo para nakawin ang wallet ko. Ang i-twist ang pinaniniwalaan ko."

Sabay silang dalawa na napatingin sa laptop ni Eros na nakabukas nang biglang pumagitna ang tunog ng notification sa pagtatalo nilang dalawa ni Shawna. Dahil sa kuryosidad ay binuksan naman ni Eros ang notification ng social media account niya.

Parehong gumuhit ang gulat sa mukha nilang dalawa nang makita nila ang pangalan ni Clarisse Bonifacio sa friend request ni Eros.

Related chapters

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ask him out

    Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub

    Last Updated : 2021-04-14
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Villain is My Name

    Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy

    Last Updated : 2021-04-14
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

    Last Updated : 2021-04-19
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

    Last Updated : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

    Last Updated : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

    Last Updated : 2021-05-15
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

    Last Updated : 2021-05-22
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

    Last Updated : 2021-06-09

Latest chapter

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status