Share

Villain is My Name

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter Eight

Villain is My Name

Parang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.

Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.

Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niyang kunin na ang cellphone niya at bisitahin ang social media account niya. Pero imbis na gumaan ang loob niya ay mas lalo lang bumigat ito. Hindi na niya napigilang tumulo ang mga luha niya kaya ang ginawa niya ay isa-isa niyang dineactivate ang lahat ng accounts niya sa social media.

"Sa Chapter 2 na susulpot yung antagonist dito 'di ba?" Samantalang sa kabilang kwarto naman ay kasalukuyang kausap ngayon ni Eros si Shawna. Ngayon ay inuumpisahan na nila ang Chapter 2 ng kanilang romance novel na ang title ay fourteen.

"Ano bang ugali ng antagonist dito?" kunot-noong tanong ni Eros habang nagbabasa sa papel. Medyo nanonoblema rin ito dahil isa sa mga bagay na nahihirapan siya bilang isang manunulat kundi ang paggawa ng kontrabida ng kuwento. Isa sa dahilan kung bakit hirap na hirap siyang makatapos ng kuwento. Kung sabagay, talagang mahirap nga sa isang katulad niya kung lahat ng tao sa paligid niya ay kontrabida para sa kaniya.

Pero paano nga ba gumawa ng isang kontrabida? Paano nga ba lumikha ng isang karakter para kainisan ng mga mambabasa? Pero iyon nga lang ba ang purpose ng kontrabida? Ang kainisan nga lang ba?

Ito ang mga tanong na nakakapagpagulo sa isip ni Eros. Kaya hindi niya alam kung anong ugali ba ng kontrabida ang ililikha niya. Kung kailangan nga nitong maging masama. Anong maiaambag ng pagiging masama nito sa kuwento? Pero higit sa lahat, ay ang rason. Ang dahilan ba sa likod ng mga kinikilos ng kontrabida ay makatutulong ba para mas lubos na maintindihan ang mensahe ng kuwento?

"Ikaw," simpleng sagot ni Shawna. Ang ibig niyang sabihin ay 'Ikaw ang bahalang mag-isip.' Kaya lang, iba ang pagkakaintindi ni Eros sa sagot niya.

"Ako?" tukoy ni Eros sa sarili niya. "I-base ko sa ugali ko? Alam kong masama ang ugali ko pero ayoko nga."

"Hindi," sagot ni Shawna. "May naisip na pala ako." Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo at nagpalakad lakad sa buong kwarto ni Eros kasabay ng pag-aksyon nito sa mga kamay niya na para bang nasa isang theater. "Ang kontrabida hindi lang siya basta masama lang. Dapat mapaglinlang din! Yung biglang may pasabog na...BOOM! Gulat kayo 'no? 'Kala niyo mabait ako, hindi masama ako! I'm a bad guy! Duh!" pagpapaliwanag niya.

Samantalang si Eros ay pinagmamasdan lang siya na may kasamang pasimpleng pangungutya sa kaniya gamit ang isip nito. Para kasi sa kaniya ay mukha siyang tanga sa ginagawa nito.

"Yung tipong...ang sweet-sweet ng ngiti. Tapos ang thoughtful pa. Yung akala mo maaasahan mo siya sa kahit na anong oras pero 'yon pala kapag hindi mo na pala kaharap ay isa palang backstabber bitch! Kung ano-anong masasama na pala ang pinagsasabi sa 'yo!" May halong pandidiring makikita sa mukha nito. Talagang gigil na gigil siya sa kontrabidang naiisip niya. "Yung grabe ang effort niya sa tao para lang pagtawanan lang niya yung tao patalikod! Yung grabe talaga yung acting-an at pagpapanggap niya para lang sa taong 'yon! Yung mga gano'ng klaseng bitchesa, totoong nag-e-exist ang mga gano'n eh! Kaya magandang magkaroon rin ng mga gano'ng kontrabida sa kuwento kasi for sure madaming makakarelate!"

Samantalang si Eros, tulala at naniningkit ang mga mata nitong napatitig sa kaniya. Ngayon niya lang kasi nakitang magalit at mainis ng gano'n si Shawna.

"Hoy," suway sa kaniya ni Eros sa monotonong boses. "Sigurado ka bang fictional character pa 'yang tinutukoy mo? Baka naman, revenge writing pala 'tong sinusulat mong kuwento nung nabubuhay ka pa? May tao ka palang hindi nalalabasan ng sama ng loob."

"Hindi ah!" tanggi ni Shawna. "Nadala lang ako sa pag-e-explain." Pero kahit obvious naman talaga na may tao siyang tinutukoy sa mga pinagsasabi niya.

Kating-kati na siyang sabihin kay Eros kaagad ang mga natuklasan niya tungkol kay Clarisse. Pero sa isang iglap, bigla siyang natigil nang makita niyang natuwa ito nang makatanggap siya ng mga pekeng positive feedback sa sinulat nitong pinabasa niya kay Clarisse. Kung alam na siguro ni Eros kung anong ginagawa sa kaniya ni Clarisse ay paniguradong mas lalong madadagdagan ang inis nito sa mga tao.

Kaya napaisip si Shawna, minsan tama nga lang siguro ang maging mapag-isa. Walang taong kailangan kang maintindihan. Walang taong kailangan mo ring maintindihan. At higit sa lahat, panatag ka na walang taong tatraydor o maninira sa 'yo. Mas maayos pang magalit sa taong ayaw mo kaysa sa taong nakuha na ang tiwala mo.

~*~

Bumaba na si Eros mula sa hagdanan habang basa pa ang buhok niya. Nagtungo na ito sa hapag-kainan upang kumain na ng almusal kasama ang mga kapatid niya na papasok rin sa eskwelahan at ang ama niya rin na papasok na sa trabaho nito. Pero ang weird yata at bakante ang upuan ng kapatid niyang si Juliet.

"Eros, tawagin mo na nga yung kapatid mong si Juliet at baka malate na yung isang 'yon!" utos sa kaniya ng kanyang ina.

Luh. Kabababa ko lang eh. Paakyatin na naman ako. Gayunpaman, kahit magreklamo pa siya sa isip niya ay wala rin siyang magawa kundi sundin ang utos ng kaniyang ina. Nakabusangot itong umakyat sa hagdanan at nagtungo sa kwarto ni Juliet.

Kumatok lang si Eros sa pintuan sabay sabing, "Hoy! Bumaba ka na! Male-late ka na daw!" At pagkatapos ay saka na ito bumaba at bumalik sa hapag kainan.

Samantalang, gising naman si Juliet pero nakatulala lang ito sa kawalan habang nakahiga ng tagilid. At wala talagang balak na pumasok ngayong araw na ito.

Isang araw na hindi pagpasok ni Juliet ay nadagdagan ng isa. Hanggang sa sumunod na ito ng ilang araw. Pero wala pa ring ideya ang buong pamilya kung ano ang nangyayare kay Juliet at bakit parang takot na yata itong pumasok sa eskwelahan niya.

"Hoy," tawag sa kaniya ng kaniyang ina pagkahakbang na pagkahakbang pa lang ng kaliwang paa ni Eros sa sahig ng sala nila.

Napatingin kaagad si Eros sa ina niya at napansin niyang mukhang masama ang mood nito ngayon. Bigla tuloy bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa kaba. May nagawa ba siyang kasalanan? Pinagsususpetyahan ba siya ng ina niya na may girlfriend na siya kahit wala naman talaga? Pero sa pagkakaalala niya talaga, ay wala siyang atraso sa ina niya ngayon.

"Yung kapatid mo," dagdag ng ina niya. "Kausapin mo nga 'yon sa taas. Ewan ko ba sa batang 'yon kung ano nang nangyare do'n."

"Bakit? Hindi pa rin ba siya pumapasok hanggang ngayon?" kunot-noong tanong niya.

"Oo, hindi na naman pumasok ang batang 'yan ngayon." May bakas ng pagkainis ang boses nito. "Kapag naubos talaga ang pasensya ko talagang patitigilan ko na 'yan ng pag-aaral!" Napabuga na lang ng hangin ang mama niya upang doon mailabas ang kaniyang pagkainis. "Nag-away nga kami kaninang umaga n'yan, ayaw naman niyang sabihin sa akin kung anong nangyare sa kaniya at bakit ayaw nang magsipasok n'yan!"

"Pero bakit naman ako?" takang tanong ni Eros. "Bakit hindi na lang si Rose? Close na close ang dalawang 'yon. Siguradong magsasalita 'yon sa kaniya."

Muling bumalik ang kabang naramdaman kanina ni Eros nang bigyan siya ng matalim na tingin ng kaniyang ina. "Ano ka ba?! Panganay ka! Dapat iniintindi mo rin 'yang mga kapatid mo!" bulyaw nito sa kaniya. "Umakyat ka na at puntahan mo na siya sa kwarto niya bago pa mabunton ko sa 'yo ang inis ko sa kapatid mo!"

Napasimangot na lang si Eros. "Oo na po," tanging naisagot na lang niya atsaka na siya malamyang naglakad paakyat sa taas upang puntahan ang kapatid niyang si Juliet.

Nang makarating na siya sa tapat ng kwarto ni Juliet ay napabuntong hininga na muna siya bago niya kinatok ang pinto nito. Naghintay siya ng ilang segundo pero hindi man lang bumukas ang pinto ni Juliet. Muling napakunot-noo si Eros at sinubukang pihitin ang doorknob nito. Hindi naman ito naka-lock kaya siya na lang mismo ang kusang bumukas ng pinto.

Nang makapasok na siya sa loob ng kwarto ni Juliet ay naabutan niya naman ang kapatid niya na nakahiga pa rin sa kama. Nakatagilid at nakatalikod mula sa direksyon niya.

"Hoy, ano?" tawag sa kaniya ni Eros. "Anong nangyare sa 'yo? Bakit ayaw mo daw pumasok?"

Wala siyang natanggap na tugon mula kay Juliet kaya dahan-dahan na siyang naglakad patungo sa kama nito atsaka umupo rito.

"Wala ka talagang balak sumagot? Kahit daw kina Mama, ayaw mo daw sabihin kung bakit hindi ka na pumapasok sa school mo."

At sa pangalawang pagkakataon ay katahimikan na naman muli ang isinagot sa kaniya ni Juliet. Dahil rito ay mabilis pa sa segundo na naubos ang pasensya niya kaya hinawakan na niya ang balikat ng kapatid niya at marahang iniharap sa kaniya.

"Anak ng—!" reaksyon ni Eros nang makita niya na sobrang mugto ang mga mata ng kapatid niya. Tinulak naman nito ang kamay niya at muling tumalikod sa kuya niya. Pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap ang isang unan.

Dito na nagkaroon ng hindi magandang kutob si Eros kaya naging seryoso na ang mukha nito. Muli niyang pinaharap sa kaniya ang kapatid niya. "Hoy!" tawag niya dito. "Uulitin ko ang tanong ko, anong nangyare sa 'yo?" Sa pagkakataong ito ay may halong otoridad na ang boses niya. Hindi na binalak pa ni Juliet na talikuran muli ang kuya niya dahil nakaramdam na ito ng takot dahil talagang seryoso na ang kuya niya.

"Isa," may halong pagbabanta na bilang ni Eros. "Sasabihin mo ba o hindi?"

Napatingin na lang sa baba si Juliet para iwasan ang nagbabantang tingin ng kuya niya at nilaro-laro nito ang daliri niya. "Oo na, sasabihin ko na."

Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa dahil ang tanging nagawa lang ni Juliet ay bumuntong hininga. Hindi niya alam kung papaano niya aalisin sa sarili niya ang pagdadalawang isip.

"Ano na?" Mukhang naiinip na turan ni Eros sa kaniya.

Muli na namang bumuntong hininga si Juliet.

"Hindi naman kita huhusgahan. Kaya sabihin mo na sa akin kung ano ba talagang nangyare sa 'yo kundi kakaltukan na talaga kita."

"Ano kasi eh..." Pinagpatuloy pa rin ni Juliet ang paglalaro sa mga daliri niya at pilit niya pa rin iniiwasan ng tingin ang kaniyang kuya. "Nag-away kami ng mga kaibigan ko. Kaya wala na akong kasama ngayon sa school at mag-isa na lang ako."

"Dahil do'n kaya ayaw mo nang pumasok?"

Umiling iling si Juliet. "Hindi 'yon!" tanggi niya. "Pagkatapos kasi no'n, hindi ko ineexpect na ipagkakalat rin pala nila ang sikreto ko pagkatapos namin mag-away-away."

Naningkit naman ang mga mata ni Eros. "Anong sikreto?"

Dito na mas nakaramdam ng ilang si Juliet. Pero wala rin siyang nagawa kundi isiwalat rin sa kuya niya ang sikretong pinagkatiwala niya sa mga kaibigan niya. "Na ano...May naging crush ako sa school."

"Ano?" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Eros. Kasasabi niya lang na hindi niya huhusgahan ang kapatid pero parang gusto niyang matawa sa harapan ng kapatid niya. "E 'di dahil nga lang do'n?"

"Hindi!" Muling umiling na naman si Juliet. "Hindi pa ko tapos. May kasunod pang nangyare."

Pinagpatuloy na niya ang pagkukwento. "So nakarating sa crush ko yung sikreto ko..." Mas lalong tumindi ang paglalaro-laro niya sa mga daliri niya. "Simula no'n palagi akong pinagtritripan ng mga grupo nila sa school. Kaya hindi na ako komportable na pumasok dagdag mo pa na mag-isa na lang ako. Mukha akong kawawa at mukha ring tanga kapag pinagtritripan ako ng mga tropa niya at pati na rin siya."

Natahimik lang si Eros kaya napatingin sa kaniya si Juliet pero seryoso lang itong nakatitig sa kawalan. "Paano ka nila pinagtritripan? Sila rin ba ang dahilan kung bakit nagdeactivate ka bigla sa facebook?"

"Paano mo nalaman na nag-deactivate ako?" gulat na tanong ni Juliet.

"Bakit naman hindi ko malalaman? Eh..." Nawalan ng gana bigla sa pag-e-explain si Eros. "Ewan ko sa 'yo, malaki nga epekto sa 'yo ng problemang dinadala mo. Tignan mo oh! Nawalan ka na rin ng common sense!"

Hindi na lang pinansin ni Juliet ang matatalim na salita ng kaniyang kuya at sinabi na lang ang dahilan sa likod ng pagkawala ng mga accounts niya sa social media. "Hindi naman ako nagdeactivate dahil sa kanila. Nagdeactivate ako dahil wala akong ibang nakikita sa newsfeed kundi pagpaparinig lang sa akin ng mga kaibigan ko," malungkot nitong paliwanag sa kaniyang kuya. "Nafrustate ako, kahit gusto ko silang i-unfriend lahat hindi ko magawa kasi mga kaibigan ko sila. Kaya ang ginawa ko na lang, sarili ko na lang mismo ang pinalaho ko sa social media. Tutal, 'yon naman talaga ang gusto ko mangyare. Ang maglaho na lang na parang bula sa isip ng mga estudyanteng nag-aaral doon na nakakakilala sa akin. Ang dami ng estudyanteng nakakakilala sa akin kahit hindi ko naman sila kilala. At nakikilala lang nila ako dahil sa nagkacrush ako sa isang sikat na tao sa school."

"Sikat?" Napataas ang kilay ni Eros nang marinig ang word na 'yon kaya inulit niya ito. "Gwapo ba 'tong naging crush mo?"

Sandaling natahimik si Juliet pero kalaunan ay sumagot rin naman. "Oo naman."

"Patingin nga ng itsura, gusto kong makita." Hindi na hinintay pa ni Juliet na muli na naman siyang daanin sa pagbabanta ng kuya niya kaya kaagad niya ring kinuha ang phone niya. Nagscroll-scroll sa gallery at nang huminto na siya sa isang litrato ay pinakita na niya ito sa kuya niya.

Inayos muna ni Eros ang salamin niya at tinignan maigi ang itsura ng lalaki sa picture. Maya't maya ay umalpas ang isang sarkastikong tawa sa bibig nito.

"Ito?" natatawang tukoy ni Eros sa larawan. "Ito ang crush mo?"

"Bakit?" tanong ni Juliet nang kinuha na niya pabalik sa kaniya ang phone niya.

"Ang pangit ng crush mo," dire-diretso at walang padalos-dalos na komento ni Eros. "Anong nangyare sa taste mo? Mula sa mga koreano biglang napunta sa gan'yan yung mga lalaking type mo?"

Napanguso na lang si Juliet at hindi na sinagot ang pang-iinsulto ni Eros sa crush niya. Wala naman siya sa lugar para ma-offend para sa crush niya atsaka lahat naman yatang maganda sa paningin ng kuya niya.

"Ano bang pangalan ng pangit na 'yan?" kunot-noong tanong ni Eros.

"Kailangan pa bang malaman mo ang pangalan niya?" kinunotan rin siya ng noo ni Juliet. Pero mabilis ring naglaho iyon nang makasalubong niya ang matalim na tingin ng kuya niya kaya napayuko na lang siya uli.

"Sige na, sasabihin ko na pangalan niya," pagsusuko ni Juliet. "H'wag mong i-istalk yung account niya ah! H'wag mo rin siyang icha-chat!"

"Pakielam ko naman sa kaniya." Tumaas ang isang kilay ni Eros.

"Vlad de Guzman," sambit ni Juliet sa buong pangalan ng crush niya. "'Yon ang name niya."

~*~

Wala namang naging impact ang pangalan na iyon kay Eros. Kaya nakatutok siya ngayon sa laptop niya habang nakatitig at nilalait sa isipan niya ang profile picture ni Vlad de Guzman. Ilang scroll-scroll lang sa profile niya ay madami na siyang nakalap na impormasyon. Pakiramdam niya ay para siyang hinire na private imvestigator para hanapin ang isang wanted criminal.

"Ano 'yan?" tanong ni Shawna nang mapadaan ito sa likod ni Eros. "Woah! Ang gwapo ah!"

Mabilis pa sa isang segundo na nagbago ang timpla ng mukha ni Eros. May pandidiring makikita sa ekspresyon ng mukha nito nang lumingon siya bigla kay Shawna. "Pati ba naman ikaw?" iritadong tanong niya. "Seryoso? Sino ba sa atin ang may grado ang mata dito? Bakit mas malinaw pa yata yung sa 'kin na ako pa nga yung nakasalamin kaysa sa inyong dalawa ng kapatid ko?" Nang binalik niya na ang tingin niya sa laptop niya ay bigla rin siyang napatigil nang may mapagtanto siya. "Sabagay, apat nga pala ang mata ko kaya mas matino pa ang paningin ko kaysa sa inyo."

Tinitigan niya muli ang larawan ni Vlad sa laptop at naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha nito. Binuksan niya ang drawer niya sa study table na pinagpapatungan ng laptop niya. Bahagyang kumurba ang labi niya nang makita niyang nandito pa ang isang bagay na akala niya ay walang silbi.

Naguguluhang napatitig do'n si Shawna nang kinuha na iyon ni Eros at tinitigan rin ito.

"Fake tattoo?" ani Shawna. "Ano bang binabalak mong gawin?"

Ngumiti ng makahulugan si Eros dahil may masayang plano ang tumatakbo sa isipan niya. "Magpapaka-villain lang ako."

~*~

Malakas na nagtatawanan ang mga grupo nina Vlad habang naglalakad sa daan. Halata mo na sa mga lakad nila na walang hindi siga sa grupo nila. Mga grupo ng kalalakihan na talagang kapag makakasalubong mo ay pipiliin mong iwasan na lang. Hindi nga maayos ang pagkakasuot nila sa mga uniporme nila. Kung hindi sila takot sa rules and regulation ng school nila ay talagang mababangis nga ang mga uri ng hayop sila.

"Hoy! Mga mukhang libag!"

Sabay-sabay silang napahinto at napatigil sa pagtatawanan nang makarinig sila ng isang sigaw.

Sa likod nila ay siga ring naglalakad si Eros. Nakapamulsa ito habang ang kabilang kamay naman niya ay may bitbit-bitbit na baseball bat na pinupokpok niya sa kalsada. Yung talagang aabot ang ingay sa direksyon ng grupo nina Vlad kaya mabilis nitong nakuha ang atensyon nila at sabay-sabay rin silang napalingon sa direksyon ni Eros.

"What the heck pare!" bulalas ng isa sa mga tropa ni Vlad. May halong trying hard na conyong pakboy pa ang accent nito. "Tayo ba talaga yung tinatawag niya?"

"I don't know pare! I think we're doomed na pare! Gangster yata 'yan eh," sagot naman ng isa na kapareho niya rin ng accent.

Patuloy pa rin sa paglalakad na parang siga si Eros. May nakasalpak sa bibig niya na isang sigarilyong wala namang sindi. Ang dami ring mga pekeng piercing ang nakasabit sa iba't ibang parte ng mukha niya. Sobrang itim din ng paligid ng mata nito pero hindi naman dahil sa eyebags niya kundi sa nilagay niyang eyeliner. Medyo makalat nga lang dahil hindi siya marunong. 'Yan tuloy mas lalong naging katakot-takot siya. Dagdag mo pa na nakasuot rin ito nang itim na sando kaya kitang kita ang samu't saring mga tattoo niya sa magkabilang braso nito.

Hindi maiwasan ni Eros na matawa sa isip niya. May silbi rin pala ang pagiging judgemental ng mga tao, sabi nito sa isip niya. Wala pa nga siyang ginagawa pero ang mga itsura nila ay parang malapit nang maihi sa takot.

"Sino sa inyo si Vlad de Guzman?" malamig na tanong sa kaniya ni Eros kahit kilala naman na niya kung sino sa kanila ang taong hinahanap niya. Kineme niya lang ang pagtanong niya para intense ang pagiging kontrabida talaga niya.

"Why?" tapang-tapangan na tanong ni Vlad katulad ng mga kaibigan niya ay may conyong pakboy rin na accent siya. "What the hell is your problem ba, dude? Who the fuck are you?"

Ano bang klaseng dila mayro'n ang mga lalaking 'to? Pakiramdam ni Eros ay nagkandabuhol-buhol ang mga organs niya sa tenga dahil sa way ng pagsasalita ng mga batang kaharap niya.

"Oo nga, sino ka ba?" Gaya-gaya naman ang isa na nagtapang-tapangan din.

Natawa si Eros sa isip niya atsaka siya bahagyang tumingala para alalahanin ang isang linyang palagi niyang naririnig mula sa mga bagong dating na kontrabida sa isang eksena. Nang maalala na niya ang linyang iyon ay muli niyang tinuon uli ang tingin niya kina Vlad.

Tinanggal niya ang sigarilyong nakasalpak sa bibig niya atsaka niya hinulog ito at malakas niyang tinapakan iyon. Napaatras naman ang mga tropa ni Vlad dahil akala nila ay nauubos na ang pasensya nito. Pero kineme niya lang iyon para magmukhang cool uli siya.

"Hindi na importante pa kung sino ako." Natawa na naman si Eros sa isip niya dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Naglakad ito palapit sa pwesto nila at malakas na namang hinampas ang baseball bat sa lupa kaya sabay-sabay na napaigtad sila Vlad.

"Ihaharap niyo ba sa akin si Vlad o kailangan ko pa bang ilabas ang isa ko pang gamit dito?" pagbabanta ni Eros sabay hawak sa parte ng bewang niya.

Syempre ang unang pumasok sa isip ng mga tropa ni Vlad ay ang baril. Dahil napansin rin nila ang pagkaumbok sa parte ng bewang na hinahawakan ni Eros kaya mas lalong nadagdagan ang kabang naramdaman nila kanina.

Dulot siguro ng kaba kaya katahimikan at mga mabigat na paghinga lang ang natanggap ni Eros mula sa kanila dahil do'n ay nag-umpisa nang maubos ang pasensya niya kaya malakas niyang hinampas naman sa hangin ang baseball bat na hawak niya dahilan para muling mapaigtad na naman sina Vlad.

"Ano? Hinihintay niyo pa bang maubos talaga ang pasensya ko?"

Nataranta na ang mga tropa ni Vlad kaya sabay-sabay nilang tinulak ang kaibigan nila sa harap ni Eros. Biglang kumurba ang labi ni Eros para pigilan ang pagtawa niya dahil sa gulat sa mukha ni Vlad dahil sa pagtraydor sa kaniya ng mga kaibigan niya.

"Siya po! Siya po si Vlad!" Biglang naging tuwid tuloy ang pagsasalita nila ng wala sa oras.

"Opo! Siya! Siya yung hinahanap niyo!"

"What the hell mga pare! How could you do this to me?! You fucking traitors!" iritadong sabi ni Vlad sa mga kaibigan niya habang sinusubukan nitong magpumiglas sa kamay ng mga ito.

Nandidiring pinagmasdan ni Eros si Vlad na kasalukuyang hawak ng mga kaibigan niya. Punyeta, mas nababadtrip pa ko sa pagsasalita ng mga 'to kaysa sa atraso nito sa kapatid ko.

"Paluhurin niyo siya sa harapan ko," walang emosyong utos ni Eros na kaagad rin namang sinunod ng mga kaibigan ni Vlad. Si Vlad ay patuloy pa rin sa pagwawala pero mas nangibabaw pa rin ang lakas ng mga tropa niya.

Nang matagumpay na nilang napaluhod si Vlad ay pinukpok naman ni Eros ang bandang harapan ni Vlad. "Ilapag niyo ang kamay niya dito."

Gumuhit ang gulat at kaba sa mga mukha nila dahilan para muntikan nang lumabas ang tawa ni Eros sa bibig niya. Mabuti na lang at napigilan niya naman ito.

Pasensya na, mas malakas ako mantrip kaysa sa inyo, ang nasabi na lang ni Eros sa utak niya.

Muling nilagay ni Eros ang kamay niya sa bewang niyang may umbok. Laruang baril lang naman 'to pero kaagad-agad naging alerto sina Vlad dahil lang sa paghawak niya rito.

"Talagang sinusubukan niyo talagang ubusin ang pasensya ko ah!" Nawala na parang bula ang pagkatuliro nila at kaagad-agad nilang pinagtulungan si Vlad na ilapag ang kaliwang kamay nito sa lupa. Sa lugar kung saan tinuro kanina ni Eros sa kanila gamit ang baseball bat.

"What the hell!" singhal ni Vlad sabay tingin kay Eros. "Ano bang atraso ko sa 'yo?!" singhal nito kay Eros at binalik sa mga kaibigan niya rin ang tingin niya. "Get the hell out your hands off me!"

"Pasensya ka na talaga pare! Kamay lang naman 'yan. Malayo sa bituka," sabi ng isa sa mga kaibigan ni Vlad habang hinihigpitan ang paghawak sa kaniya.

"Atraso? Huh?" ulit ni Eros sa sinabi niya atsaka siya malademonyong tumawa. Syempre inspired lang din sa mga kontrabida na nababasa niya. Sa isang iglap ay bigla na lang niyang inangat ang baseball bat at akmang ihahampas na ito sa kamay ni Vlad. Napasigaw naman lahat sila dahil dito pero hindi naman iyon natuloy at nahinto rin naman ang baseball bat nang malapit na ito sa direksyon ng kamay ni Vlad.

"Ganito na lang..." sabi ni Eros at tinutok na ang baseball bat sa mukha ni Vlad. "Bukas na bukas, lumuhod ka sa harap ni Juliet Sandoval."

Naningkit ang mga mata ni Vlad. "Teka ba't kilala mo 'yon?"

Akmang ihahampas naman ni Eros si Vlad sa mukha kaya kaagad napaiwas naman at natahimik ito. "Teka! Hindi pa ako tapos!" iritadong sabi nito. "Lumuhod ka sa harap ni Juliet Sandoval. Mag-sorry ka ng malakas yung marami makakarinig at pagkatapos no'n huwag ka nang lalapit sa babaeng 'yon. Kapag hindi mo 'yon nagawa, hindi lang ako ang makakaharap mo at sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw kinabukasan."

"Kaano-ano mo si Juliet?" tanong ni Vlad sa kaniya. Pero natahimik na naman siya muli nang dumampi ang dulo ng baseball bat sa bibig niya.

"Masyado kang maraming tanong," iritadong sabi ni Eros. "Gagawin mo ba ang sinabi ko o hindi?"

Dahan-dahang napatango na lang si Vlad bilang tugon kaya dahan-dahan na ring inalis ni Eros ang baseball bat sa bibig niya. "Nga pala, muntikan ko nang kalimutan. Kailangan mo ring kunbinsihin ang mga kaibigan ni Juliet na gawin rin ang sinabi ko sa 'yo. Kapag nakita kong ikaw lang ang lumuhod sa harapan niya, malalagot ka pa rin sa akin." Pagkatapos sabihin iyon ni Eros ay tumalikod na siya at naglakad na palayo habang sumisipol.

~*~

Kinabukasan ay napilit ni Eros na papasukin si Juliet. Nagpresinta pa nga si Eros na ihahatid siya gamit ang e-bike nito. Naweirduhan naman si Juliet sa inasta ng kuya niya pero hindi na lang niya binigyan ng suspetya iyon. Nang makarating na sila sa school ni Juliet ay napansin ni Eros na nagdadalawang isip pang pumasok ang kapatid niya. Inaasahan na niya ito kaya walang pag-aalinlangang tinulak niya ito dahilan para bigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Sasamahan na kita sa pagpasok. Baka mamaya niya'n magcutting ka pa." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng kapatid niya at tinulak tulak niya ito papasok ng school.

"Hindi mo na ako kailangan samahan, kuya. Papasok naman na talaga ako," ani Juliet kay Eros habang kasalukuyang hawak pa rin ni Eros ang mga balikat niya.

"Wala akong tiwala sa 'yo," tugon ni Eros. "Kung kaagad akong umalis kanina paniguradong nagmi-milktea ka na siguro ngayon."

Napairap na lang sa kawalan si Juliet. Maya't maya ay binitawan na siya ni Eros nang makalampas na sila sa school guard.

"Hanggang dito na lang ako," sabi sa kaniya ni Eros. "Dumiretso ka na."

Napabuntong hininga na lang si Juliet at hinigpitan ang hawak sa dalawang straps ng backpack niya at inumpisahan nang maglakad palayo. Samantalang si Eros ay humalikipkip habang pinagmamasdan ang kapatid niya na naglalakad na maya't maya ay bigla ring napahinto nang biglang may lalaking sumugod sa direksyon niya.

Sumunod naman ang tatlong babae sa likod niya. Nagtatakang tinignan sila ni Juliet nang makilala niya ang mga mukha ng mga ito. Si Vlad at ang mga kaibigan niya na nakaaway niya. Napaatras si Juliet nang bigla na lang sabay na lumuhod ang mga ito sa harapan niya dahilan para maging agaw atensyon sa mga estudyanteng kasalukuyang nasa labas pa ng mga classroom nila.

"Juliet!" sigaw ni Vlad. "SORRY!" Pagkatapos ay ginaya rin ng mga kaibigan ni Juliet ang ginawa ni Vlad.

Napatakip na lang si Eros sa bibig niya para pigilan ang pagtawa niya. Siya ang nahihiya ngayon para kay Vlad pero kahit papaano naman ay naenjoy niya ang nawitness niya. Lalong lalo na ang reaksyon ng kapatid niya na awkward na awkward sa sitwasyon niya ngayon.

"So, anong tawag sa ginawa mo?" Napalingon naman si Eros sa tabi niya nang marinig niya bigla ang boses ni Shawna. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito.

"Show don't tell," mahinang sagot niya sabay ayos ng salamin niya na akala mo ay isang cool na anime character. "Hindi ko sinabi sa kanila na nakakatakot ako. Pinakita ko lang sa kanila kung bakit dapat silang matakot sa akin."

~*~

Nang matapos na ang klase ni Eros ay hindi muna siya dumiretso kaagad pauwi at dinaanan muna ang takoyaki na pinagkainan nilang dalawa ni Clarisse kanina. Pagkapark na pagkapark niya sa unahan nito ay nasilayan na niya si Clarisse na nag-aabang sa labas kaya kaagad niya itong nilapitan.

"Bakit dito ka pa sa labas naghihintay? Bakit hindi ka umupo kaagad sa loob?" kunot-noong tanong sa kaniya ni Eros pero tinawanan lang siya nito.

"Sineenzoned mo na naman ako sa chat. Mabuti na lang kahit wala kang reply eh tumuloy ka pa rin dito," sabi nito sa kaniya at nauna nang pumasok sa loob. Kaagad naman siyang sinundan ni Eros sa likod.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nagpalibre si Eros pero nagpresinta pa rin si Clarisse na libre na niya. Kaya hindi na rin siya naka-apela. Himala namang tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Eros si Shawna. Nakahalukipkip ito at binibigyan lang ng nauumay na tingin si Clarisse.

Habang ine-enjoy nilang dalawa ang takoyaki at milktea ay inabot na ni Clarisse ang librong pinahiram sa kaniya ni Eros. Kinuha naman kaagad iyon ni Eros mula sa kamay ni Clarisse.

"Huwag ka mag-alala, iningatan ko naman 'yan." Ngumiti sa kaniya si Clarisse at dahil do'n ay hindi naiwasan ni Shawna ang mapairap. Hindi naman kasi siya ang nagbasa ng libro na 'yon kundi ang kapatid niyang sinasabihan niya ring weirdo katulad ni Eros.

Inilagay na ni Eros ang libro at pinasok na niya ito sa bag niya. "Huwag kang mag-alala. May tiwala naman ako sa 'yo." Ngayon naman ay napataas ang kilay ni Shawna at nagugulumihanang napatingin kay Eros.

Katulad rin nung nakaraan ay hinatid ni Eros si Clarisse pauwi sa bahay nila. Gaya rin nung nakaraan na hinatid niya rin si Clarisse ay hindi na nakasunod sa kanila si Shawna dahil nakaangkas si Clarisse sa e-bike ni Eros.

Nang makarating na sila sa bahay ni Clarisse ay kaagad nang hininto ni Eros ang e-bike niya. Sabay naman na silang bumaba at binigyan uli siya ni Clarisse ng matamis na ngiti.

Ganito rin ang ginawa niya nung una pero kaibahan ay wala siyang narinig na salitang 'salamat' mula sa bibig ni Clarisse.

"Ingat ka ah!" nakangiting paalala nito sa kaniya. Tumango lang sa kaniya si Eros bilang tugon.

Biglang inilapit ni Clarisse ang mukha niya kay Eros. Samantalang, kalmado lang siyang tinignan nung isa dahil wala itong kaide-ideya kung ano ang mga posibleng dapat na sunod na mangyari.

Pero bago pa umabot ng isang pulgada ang layo ng mukha niya kay Eros ay naganap bigla ang isang himala. Dahil nakatanggap siya ng isang sampal...

Mula kay Shawna.

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status