Share

Hate and Fear

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2021-04-19 01:26:37

Chapter Nine

Hate and Fear

"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?"

"Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros.

"Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah."

"Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya.

"Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman."

"Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."

Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon niya. "Sa tingin mo, bakit kaya ayaw nilang makipagkaibigan sa 'yo? Sayang! Hindi nila mae-experience kung gaano ka ka-enjoy kasama."

"Kasi ako mismo ang may ayaw sa kanila," natatawang tugon ni Eros.

"Bakit naman?"

"Ayoko lang," simpleng sagot ni Eros.

Sandaling nanahimik si Clarisse. Panandalian munang inenjoy ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha niya dahilan para eleganteng nakikisayaw sa hangin ang mahabang buhok nito.

Hanggang sa maya't maya ay muling kinausap ni Clarisse si Eros. "Puro bukod sa mabait ka, sa tingin ko may itsura ka rin Eros."

Sandaling naguluhan si Eros sa sinabi ni Clarisse. Literal kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi nito. Samantalang pinagpatuloy ni Clarisse ang pagsasalita niya.

"Kung wala kang kaibigan, for sure may ibang tao na rin sigurong nagkagusto rin sa 'yo. Sumagi ba sa isip mo ang bagay na 'yon?"

"Hindi," tugon ni Eros. "Bakit bigla namang sumagi sa isip mo na itanong 'yan?"

"Wala, naisip ko lang," sagot naman ni Clarisse. "Kasi mabait ka at gwapo ka rin naman."

Hindi na lang tumugon si Eros. Awkward at ayaw niya ng ganitong usapin kaya nanahimik na lang siya. Atsaka isa pa, hindi rin siya komportable na magsabi ng kinaiinisan niya kay Clarisse. Kaya imbis na umapela na karaniwan niyang ginagawa kay Shawna ay tinikom na lang niya ang bibig niya. Siguro dahil talagang kaibigan na ang turing niya kay Clarisse kaya ayaw niyang magbitaw ng masasamang salita rito.

"Alam mo," ani Clarisse. "Ang totoo talaga niya'n kaya ko sinasabi 'to sa 'yo kasi may kakilala ako na may gusto sa 'yo."

"Baka naman nagkamali lang yung tao," tugon ni Eros habang nasa daan pa rin ang tingin. Dahil sa sinabi niya ay natawa si Clarisse.

"Pa'no namang nagkamali?" natatawang tanong ni Clarisse. "I'm sure na ikaw ang tinutukoy niya."

"Ba't ako?" kunot-noong tanong ni Eros. "Baka naman wala nang mapagpilian yung tao kaya napilitan na lang na ako ang magustuhan niya?" Hanggang sa nadagdagan pa ang pagkunot-noo niya. "O baka naman pinagtritripan mo lang pala ako? Sabagay, obvious naman."

"Hindi kita pinagtritripan 'no! Totoo yung sinasabi ko. May nagkakagusto nga sa 'yo na kakilala ko."

Maya't maya ay huminto na si Eros sa pagmamaneho dahil nakarating na sila sa tapat ng malaking mansyon ni Clarisse. Nung unang beses niyang hinatid dito si Clarisse ay nakaramdam ng panliliit si Eros dahil isang rich kid lang naman ang hinatid niya gamit lang ang cheap niyang e-bike sa harap ng bonggang mansyon na ito. Pero ngayon, sa pangalawang pagkakataon ay nabawasan na ang gano'n niyang pakiramdam.

Nang makababa na si Clarisse sa e-bike niya ay binigyan siya nito ng matamis na ngiti.

"Ingat ka ah!" sabi ni Clarisse habang ipinamamalas pa rin nito kay Eros ang matamis nitong ngiti. Tumango lang sa kaniya si Eros bilang tugon at maya't maya lang ay unti-unting nilapit ni Clarisse ang mukha nito sa kaniya.

Samantalang si Eros ay kalmado lang na pinagmamasdan ang mukha niyang papalapit sa kaniya. Pero lumipas ang ilang segundo ay biglang gumuhit ang gulat sa mukha niya nang makarinig ng isang malakas na tunog mula sa kanang pisngi ni Clarisse na natamaan ng kamay ni Shawna.

Napaatras si Eros habang bahagyang nakanganga ang bibig niya. Hanggang sa unti-unting rumehistro naman sa mukha niya ang pagtataka. Paanong nahawakan ni Shawna si Clarisse? At sinundan pala sila nito? Pero ang nakakapagpagulo sa kaniya ay bakit sinaktan ni Shawna si Clarisse?

Sa isang iglap ay si Shawna na ang nasa harap ni Clarisse. Napahawak si Clarisse sa parte ng pisngi niyang namumula. Gayunpaman, kahit naramdaman niya ang malakas na sampal ni Shawna sa pisngi niya ay hindi niya pa rin ito nagagawang makita kaya gumuhit ang takot sa mukha niya nang mapagtanto niyang silang dalawa lang ni Eros ang taong nasa pwesto nila. Lumabas ang isang matinis na tili sa bibig niya at nagtakbo na papasok sa loob ng mansyon nila.

"Buti nga sa 'yo," iritadong sabi ni Shawna habang nakapameywang. Nandidilim pa rin ang mukha nito. "Malandi ka ah."

"Bakit mo ginawa 'yon?" naguguluhang tanong sa kaniya ni Eros kaya humarap sa kaniya si Shawna.

"Hindi mo ba nakita? Hahalikan ka na sana niya!" singhal sa kaniya ni Shawna.

Napakunot-noo si Eros. "Anong hahalikan?"

Napahampas na lang sa noo si Shawna. "Jusko po!" Sa inis niya ay lumapit siya kay Eros atsaka ito tumingkayad at hinawakan ang magkabilang pisngi nito gamit ang dalawa niyang kamay pagkatapos ay inilapit ang mukha niya kay Eros. "Ganito po! Ganito! Gusto mo bang gawin ko talaga sa 'yo para magets mo?! Baka umiyak ka lang kapag ginawa ko talaga!" Pagkatapos ay inalis na niya ang pagkakahawak niya sa mukha ni Eros na medyo nagulat sa ginawa niya.

Naguguluhang tinignan siya ni Eros at napahawak sa magkabilang pisngi niya gamit naman ang isa niyang kamay.

Ang kaninang iritadong mukha ni Shawna ay biglang naglaho na parang bula nang makita niya ang reaksyon ni Eros. Humalikipkip ito sa harap ni Eros at umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Ayos ka lang? Mukhang na-shock ka yata sa ginawa ko." Mapaglarong ngumiti siya pagkatapos. "Sorry na." Tinabingi niya pa ang ulo niya habang nakangisi kay Eros na kasalukuyang naglo-loading pa rin.

Binitawan na ni Eros ang mukha niya at masamang tinignan si Shawna. "Hindi ako iiyak kapag ginawa mo talaga 'yon. Ikaw ang iiyak dahil talagang makakasakit talaga ako ng wala sa oras." Dumiretso na ito sa e-bike niya para sumakay dito at mabilis itong pinaharurot bago pa makaangkas si Shawna sa kaniya.

"Hoy! Teka!" sigaw ni Shawna. "Grabe talaga 'to! Iniwan mo na naman ako!"

Walang emosyon naman ang mukha ni Eros habang pinapaharurot ang e-bike niya. Pero ang nararamdaman niyang kaba at pagkailang ay hindi pa rin naglalaho sa dibdib niya.

~*~

Busy si Eros sa pagbabasa ng libro habang nakadekwatro na nakaharap sa study table niya. Nakabukas naman ang laptop niya na kasalukuyang nagpapatugtog ng mga lofi music.

Maya't maya ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Hindi naman nagawang lingonin iyon ni Eros at nakatuon pa rin ang tingin niya sa libro. "Hindi pwede," kaagad na sabi niya sa taong pumasok bigla sa kwarto niya. "Pareho kayong dalawa ni Rose. Mga hindi maingat sa mga gamit."

Ngumisi ang taong bagong pasok sa kwarto niya at humalikipkip ito. "Sadly, hindi kapatid mo ang kakapasok lang dito." Nawala naman ang tingin ni Eros sa libro nang marinig niya ang boses ni Shawna. "Ako lang naman ang dahilan ng sandaling pag-stop ng heartbeat mo kanina."

Napataas ang isang kilay ni Eros at nakasimangot nitong nilingon si Shawna na nakangiti ng malawak pa rin sa kaniya. "Pinagsasabi mo?"

Palundag na umupo si Shawna sa kama ni Eros. Pagkatapos ay nilaro-laro nito ang mga paa nito na para bang may sinisipa ito sa ere. "Kasi akala mo nanakawan kita ng halik kanina."

Mas lalong tumindi ang pagkafacepalm ni Eros. "Nag-aassume ka ba na may malaking epekto sa 'kin yung ginawa mo?"

"Oo, kasi virgin yung takbo ng utak mo." Mas lalong napakunot-noo si Eros dahil sa isinagot ni Shawna dahilan para mapahagalpak ito ng tawa dahil sa reaksyon niya. "I'm sorry, dapat pala conservative ang pinili kong term."

Binigyan na lang siya ni Eros ng tingin na para bang hinuhusgahan ang pagkatao niya at pagkatapos ay binalik na lang ang tingin sa librong binabasa niya.

"Pero infairness ha!" natutuwang sabi ni Shawna. "Nawala yung inis ko kay Clarisse dahil sa cute na reaction mo!" sabi niya sabay hagikgik. Napataas na naman muli ang isang kilay ni Eros nang marinig niya ang salitang cute mula kay Shawna. Awkward kasi para sa kaniya na tawaging cute dahil pakiramdam niya ay ginagawa siyang tuta o baby. At hindi rin bagay sa kaniya ang salitang iyon para sa pagkatao niya. Maitsura man o sa personalidad.

Naisipan na lang ni Eros na ibaling sa iba ang usapan para matigil na si Shawna sa pangangasar sa kaniya. "Bakit ka nga pala galit kay Clarisse?"

Napahinto sa pagtawa si Shawna at nawala bigla ang mapaglarong ngiti sa labi niya.

Muling nagsalita pa uli si Eros, "Pansin ko na parang may kakaiba sa 'yo kapag nand'yan si Clarisse. Baka naman nadiscover mo na connected siya sa past life mo? May atraso siya sa 'yo 'no?"

"Hindi ah!" tanggi ni Shawna. "Pero hindi naman sa galit ako sa kaniya-!"

Mahinang tumawa si Eros. "Mukha nga, kaya siguro sinampal mo siya kanina."

"Kasi nga!" Bahagyang lumakas na ang boses ni Shawna. "May binabalak siya sa 'yo! Pinaglalaruan ka lang niya!" May halong inis na sinabi niya iyon kay Eros. "...para may mapagtawanan sila ng mga kaibigan niya!"

Tuluyang nakuha na no'n ang interes ni Eros kaya humarap na siya kay Shawna habang nakakunot ang noo nito. May bakas ng gulat sa mukha nito pero mas nangingibabaw ang pagtataka. Mukhang hindi pa nga yata ito sigurado kung tama ang narinig nito.

Napabuga na lang ng hangin si Shawna. "Okay, huwag kang magagalit sa akin kung ngayon ko lang sasabihin ito ah!" Atsaka niya kinuwento kay Eros ang lahat ng narinig niya sa usapan ni Clarisse at ng mga kaibigan niya nang pumasok ito sa kwarto niya.

Nang matapos na siyang magkuwento kay Eros ay wala siyang nakitang kahit na anong hint ng disappointment o lungkot sa mukha nito. Pero sa tingin niya naman ay hindi iyon inaasahan ni Eros na two-faced bitch pala si Clarisse pero hindi niya maiwasang magtaka na walang naging epekto iyon kay Eros.

"Oh," tanging reaksyon ni Eros. "Bored lang siguro sila."

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shawna kaya lumapit na siya kay Eros at umupo sa study table nito para maging magkaharapan sila. "No reaction?"

Pinaningkitan siya ng mata ni Eros. "Bakit ano bang ineexpect mo na magiging reaction ko?"

"Eh kasi...syempre, kaibigan na ang turing mo kay Clarisse. 'Di ba ang saklap no'n na may may sinasabi pala siyang masama sa 'yo sa tuwing nakatalikod ka?"

"Bakit?" taas-kilay na tanong ni Eros. "Hindi ba tayo gano'n lahat?"

Mas lalong naguluhan si Shawna dahil naman sa tanong na lumabas sa bibig ni Eros. "Pa'nong gano'n tayo lahat?"

"Lahat tayo palaging may masasamang masasabi sa tao," saad ni Eros habang sa ibang direksyon na nakabaling ang tingin nito. Walang ekspresyon pa rin ang mukha nito. "Huwag ka na magpakahypocrite, ikaw rin naman may nasabi ka rin na hindi maganda sa isang tao. Imposibleng wala. Hindi mo siguro naaalala ngayon pero for sure may sinabi ka rin."

"Ano?" Napakunot-noo si Shawna.

"Atsaka, kung ganun talaga ang tingin niya sa akin. Ano bang pakielam ko?" Pinagpatuloy ni Eros ang pagsasalita. "Hayaan mo na lang siya."

"Hindi," ani Shawna. "Ano yung sinabi mo?" Seryosong tinignan niya si Eros. "Sinabi mo na wala akong pinagkaiba sa babaeng plastik na bitchesa na 'yon?"

Humalikipkip si Eros at sinalubong rin ang seryosong tingin ni Shawna. "Ikaw ang nagsabi n'yan. Pero parang ganun na din ang ibig kong sabihin kasi ang sabi ko nga pare-pareho lang tayo katulad kay Clarisse."

"Hoy," Bumaba na si Shawna mula sa pagkakaupo niya sa study table at naglakad palapit kay Eros. "Yung ginawa sa 'yo ni Clarisse, hindi ko 'yon ginawa sa 'yo."

"Oo, siguro may point ka naman na hindi naman lahat ng oras ay palaging maganda ang nasasabi natin tungkol sa tao. Pero hindi lahat ng tao katulad ni Clarisse na nililinlang ang tao sa magagandang salita," mahabang lintanya ni Shawna. "Iba ako sa kaniya, Eros. Hindi lahat ng tao katulad ni Clarisse. Ayaw sana kitang husgahan pero kaya siguro walang epekto sa 'yo kung paano nilalait ni Clarisse ang pagkatao mo patalikod dahil kayong dalawa ang magkapareho. Hinuhusgahan mo kaagad ako kahit hindi mo pa ako masyadong nakikilala. At hindi lang ako, pati yung mga taong walang kamalay-malay na dinadamay mo sa mentalidad mo."

Mabilis na naglakad na kaagad si Shawna paalis ng kwarto ni Eros. Hindi na binalak pa ni Eros na dapuan ng tingin si Shawna hanggang sa narinig na lang niya ang pag-sara ng pintuan na ang ibig sabihin ay tuluyan nang nakalabas ito ng silid.

~*~

Mahigpit ang hawak ni Eros sa strap ng backpack niya. Malakas ang kabog ng dibdib dahil sa mga hindi pamilyar na mukha na bawat nakikita niya.

Magmula noong bata pa ay ayaw na talaga ni Eros kapag dagsaan ang mga tao sa paligid niya. Nag-uumpisa siyang maconscious sa sarili niya. Pakiramdam niya bawat taong madadaanan siya ay may masamang sasabihin sa kaniya kung hindi naman ay pagtatawanan naman siya.

Pero ngayon ay grade 7 na siya. Hindi niya namamalayan na unti-unting nadadagdagan ang edad niya kaya kailangan umpisahan na niya din labanan ang takot niya. Dahil kahit ano pang gawin niya, ay mas malala ang kakailanganin niyang harapin sa oras na tumanda na siya. Atsaka ayaw na rin niya muling marinig mula sa tita niya na ang laki-laki na niya pero mahiyain pa rin siya sa mga tao.

Pumasok na siya sa classroom niya nang hindi pa rin normal ang tibok ng puso niya dulot ng kaba. Mas lalo pang lumala ito nang dumapo sa kaniya ang tingin ng iilang mga kaklase niya. Mabilis niyang iniwas kaagad ang tingin at umupo na sa pwesto niya.

Wala namang inaasahan na magiging kaibigan sa kanila si Eros dahil pakiramdam niya naiiba siya sa lahat at walang taong tatanggap sa kaniya.

Ang akala niya ay tatapusin niya ang school year na magiging loner siya sa classroom nila pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may grupo ng kalalakihan ang tumabi sa kaniya habang kumakain siyang mag-isa sa school canteen. Ilang araw pa lang ang lumipas mula nung first day kaya nagulat si Eros na naaalala kaagad ng mga lalaking ito na kaklase niya ang pangalan niya.

"Bakit mag-isa ka lang?" tanong sa kaniya ng isa sa grupo nila. Apat na lalaki kasi ang lumapit sa pwesto niya.

"Wala akong kasama eh," simpleng sagot sa kanila ni Eros habang kumakain.

"Talaga? Wala kang kasama?" sagot naman ng isa. "Sumama ka na lang sa 'min."

Binigyan naman sila ni Eros ng nagtatakang tingin. Dahil do'n ay tinawanan siya ng mga lalaki.

"Oo nga! Sumama ka na lang!" pag-sang-ayon ng isa. "Mukha kang kawawa kasi d'yan! Mag-isa ka lang kumakain!"

"Naglalaro ka ba ng Dota?" Biglang tanong sa kaniya ng isa. Umiling si Eros bilang tugon kaya nagtanong ito muli. Nagkatinginan naman silang magkakaibigan atsaka muling binalik ang tingin kay Eros. "Sama ka sa 'min mamaya sa comshop!"

"Huh?" Tanging naging reaksyon lang ni Eros. Inakbayan naman siya bigla ng isa sa mga kasama niya.

"Oo, sumama ka na lang sa 'min mamaya! Tuturuan ka naman niya'n ni Ian!" sabay tawa nito.

At doon na madaliang natapos ang pagiging loner ni Eros. Nagkaroon siya ng grupo ng mga magkakaibigan. At naenjoy niya naman ang paglalaro ng mga computer games kasama nila. Hanggang sa tuluyan na ngang napalapit ang loob niya sa kanila. Nawala bigla ang pagiging tahimik sa kanila ni Eros dahil paunti-unti ay nagiging komportable na siya na makasama sila.

At dahil nga nagiging komportable na siya sa kanila, ay unti-unti na niyang napapakita sa kanila ang tunay niyang pagkatao. Nasasabi na niya sa kanila ang mga bagay na obsessed siya at ang mga bagay na talagang mahal niyang gawin. Lahat-lahat. Lahat ng mga taste niya sa mgabagay.

Pero kung kailan naman talagang masasabi na ni Eros na sobrang malapit na ang loob niya sa kanila, saka naman sila unti-unting napapalayo sa kaniya. Dahil unti-unti nang nagiging malinaw sa kanila ang mga bagay na ayaw nila kay Eros.

"Wala pa ba si Eros?" tanong ni Ian sa mga kasama niya.

"Malayo pa yata, ka-kachat niya lang ng on the way eh," sagot naman ni Ryan. Isa sa mga kasamahan din ni Ian.

"Tara, iwan na natin!" natatawang sabat naman ni Sean. "Joke!" sabay bawi niya sa sinabi niya.

"Sabagay, kakasawa ng kasama 'yon eh. Puro na lang mga mystery novels saka mga detective-detective bukambibig no'n. Wala namang may pake!" walang gana naman na saad ni Jan.

Nangibabaw ang katahimikan sa kanilang apat. Naging nakakailang bigla ang presensyang nangingibabaw sa paligid. May makikitang pag-tanggi sa mukha ng mga iilan pero nawala na parang bula iyon nang biglang magsalita si Ian.

"Oo nga eh," turan niya. "'Di ko nga akalain na kaya ko pa lang pagtiisan ng matagal ang weirdo na 'yon!"

Nanaig uli ang katahimikan dahil sa sinabi ni Ian. Pero hindi nagpaawat si Jan at siya ang sumunod na magsalita tungkol kay Eros.

"Hoy, ba't ang tahimik niyo?" natatawang sabi nito. "Magpapakahypocrite pa kayo? Aminin n'yo, nung nabasa ni Eros yung sinulat niya. Nakornihan rin kayo! HAHAHAHAHA!" Tumawa ito ng malakas pagkatapos kaya nahawaan na ng tawa niya sina Sean at Ryan.

"Oo nga eh! Ako yung nahihiya sobra sa mga pinagsusulat niya! Kakaiba talaga takbo ng utak no'n!" natatawang sabi ni Ryan.

May pinuslit naman si Sean na papel mula sa bag niya. "Oo nga pala! Naalala ko! Pasimple akong kumuha ng scratch niya!"

Kaagad naman 'yon inagaw ni Ian. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Lumitaw ang isang mapaglarong ngiti sa labi nito at inumpisahan nang basahin ng malakas ang mga sinulat ni Eros sa papel. Samantalang ang mga kaibigan niya naman ay kaniya-kaniyang nagsihawak sa tiyan kakatawa. Habang tumatawa ay kung ano-anong mga salita ang lumalabas sa bibig niya.

Baliw.

Abnormal.

Weirdo.

Abnoy.

"Oy! Anong binabasa n'yo?" tanong ni Eros dahilan para mapahinto silang apat.

Dali-daling pasimpleng tinago kaagad ni Ian ang papel sa bulsa niya at nginitian si Eros. "Wala! Love letter na napulot lang namin! Taena! Ang korny kasi saka ang cringe ng pagkakasulat!" natatawang sagot nito sa tanong ni Eros.

"Ah ganun ba?" simpleng sagot ni Eros at umupo na kasama sila. Pero lingid sa kaalaman nila ay tumatak sa isip ni Eros ang mga salitang binitawan nila kanina tungkol sa kaniya.

Simula no'n ay gumawa ng isang hakbang si Eros, humiwalay na lang ito sa grupo nila Ian ng hindi na lang sila kinokompronta para wala ng gulo dahil kaibigan pa rin naman ang tingin niya sa kanila. Kaya lang ay hindi na niya gugustuhing makasama pa sila. Dagdag pa na mas lalong tumindi ang fear of judgement niya. Kapag pinagpatuloy niya lang na makasama sila ay palagi niya lang iisipin na kung ano ang mga sasabihin ng mga ito sa kaniya.

Kaya para sa sariling kapakanan niya ay humiwalay siya.

"Bakit hindi niyo na nakakasama si Eros?" Narinig naman ni Eros ang tanong ng babae niyang kaklase kina Ian.

Tahimik lang na nagbabasa ng libro sa likod si Eros pero alerto ang pandinig niya kung anong isasagot ng mga kaibigan niya.

"Ewan ko d'yan, bigla lang nagalit 'yan sa 'min eh."

Sobrang nadismaya si Eros sa sinagot ni Ian. Siya pa ngayon ang pinalabas na masama kahit sila naman ang rason kung bakit umiwas sa kanila si Eros. Tama nga ang ginawa niya. Mabuti na lang at inilayo na niyang sarili niya sa kanila. Kaya lang dahil do'n ay nag-iwan naman sila ng takot kay Eros.

Lumipas ang isang taon at grade 8 na siya. Mas lalong tumindi ang fear of judgement niya. Itong taon niya namang sinubukang ibahin ang sarili niya para wala ng taong magsasabi ng masama tungkol sa kaniya. Pero lalo lang lumala ang lahat, mas nagmukha siyang ewan at trying hard. Dagdag pa na niloloko niya ang sarili niya kaya mas lalo siyang katawa-tawa.

Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya na napalitan ng galit ang takot niya. Sa ganoong paraan niya nilabanan ang takot niya sa mga tao.

~*~

Bagong pasok na ngayon sa school ang kasalukuyang Eros. Nakasalpak ang earphones sa tenga nito habang pinapatugtog ang isang classical music. Nakapamulsa rin itong naglalakad patungo sa locker niya.

Maya't maya ay may pamilyar na tao ang sumalubong sa kaniya. Kaagad siyang huminto sa paglalakad nang huminto rin ang taong iyon sa harapan niya. Mukhang may sasabihin ang taong iyon sa kaniya kaya tinanggal niya ang mga earphones na nasalpak sa magkabila niyang tenga.

"Uy! Sorry nga pala sa bigla kong pagtili kahapon!" Mahinang tumawa si Clarisse pero tinignan lang siya ng walang eksresyon ni Eros kaya napahinto siya dahil pakiramdam niya ang awkward ng pagtawa niya.

"Sana maniwala ka sa 'kin. Pero nung time na 'yon talaga parang may biglang sumampal ng malakas sa pisngi ko," pagkukwento sa kaniya ni Clarisse. "I'm sure naman na hindi ikaw 'yon dib...a?" Napatigil siya nang makita niyang sinalpak na uli ni Eros ang mga earphones niya sa tenga niya at nilampasan lang siya na para bang hindi siya interesado sa mga sinasabi niya.

Kaya hinabol niya si Eros at hinarangan ang dinaraanan nito. Napahinto naman muli si Eros sa paglalakad at kunot-noong tinignan lang siya habang tinatanggal uli ang mga earphones sa tenga niya.

"Bakit?" tanong ni Clarisse. "Galit ka ba sa 'kin?"

Katulad ng dati, mga anim na taon ang lumipas. Hindi niya rin kinompronta si Clarisse kung ano ang mga sinabi nito tungkol sa kaniya patalikod. "Hindi naman," simpleng tugon niya. "Ba't naman ako magagalit sa 'yo?"

"Weh? I don't believe you."

"Hindi ako galit," ulit ni Eros sa sinabi niya. "Hindi lang ako komportable na makasama ka kasi ang weirdo mo. Baka sa susunod, pagkatapos ng biglang pagsigaw mo bigla ka na lang sapian at makasakit ka pa ng ibang tao." Napansin ni Eros ang biglang pag-iba ng timpla ng mukha ni Clarisse kaya naisip niya na lang na bawiin ang mga salitang binitawan niya.

"Joke lang, ang ibig ko talagang sabihin ay ayoko nang makipagclose pa sa 'yo kasi ayoko sa mga babaeng baliw at weirdo na katulad mo." Tumalikod na si Eros at nag-umpisa nang maglakad paalis dahilan para uminit ang dugo ni Clarisse at tuluyan nang lumabas ang totoo niyang kulay.

"Hoy!" Iinsultuhin niya sana rin si Eros pero napahinto siya nang bigla na lang may kumatok sa noo niya. Pero wala namang tao sa harapan niya maliban kay Shawna na mapaglarong nakangiti sa kaniya pero hindi naman niya ito nakikita.

Napasigaw siya ng malakas dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayareng iyon dahilan para magsitingin sa kaniya ang mga estudyanteng naweirduhan sa inasta niya. Tumakbo kaagad ito ng mabilis palayo dahilan para mapatawa ng malakas si Shawna na natutuwang pinagmamasdan siya.

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

    Huling Na-update : 2021-05-15
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

    Huling Na-update : 2021-05-22
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

    Huling Na-update : 2021-06-24
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

    Huling Na-update : 2021-07-28

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status