Share

No Cringe Challenge

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2021-04-30 03:20:07

Chapter Ten

No Cringe Challenge

Sarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.

Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.

Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa ang earphones niya. May paheadbang-headbang pa itong nalalaman para masabayan niya ang beat ng pinapagtugtog niya sa earphones niya. Samantalang ang earphones naman na suot-suot niya ay nakakabit sa laptop ni Eros.

Napabuntong hininga na lang si Eros habang pinagmamasdan si Shawna. "Ang aga-aga anubayan," inis na saway nito dito pero mukhang hindi siya nito narinig dahil sa lakas siguro ng tugtog sa earphones nito dahil medyo naririnig na rin ito ni Eros.

"Tch! Nag-earphones pa siya! Gano'n rin naman, nakadistorbo pa rin siya ng tulog ng tao!" inis na bulong ni Eros sa sarili niya habang iritadong pinagmamasdan pa rin ang nag-e-enjoy na si Shawna.

"Aish! Bwiset!" Padabog na muling humiga na lang si Eros at hinayaan na lang si Shawna. Muli niyang ipinikit ang mga mata niya pero nawala na parang bula na ang antok niya kaya kamot-ulo na lang siyang bumangon sa kama niya. Bumaba na lang siya sa kama niya at isinuot na ang mga tsinelas niyang pambahay.

"Uy! Gising ka na pala! Good morning!" Rinig niyang sabi ni Shawna pero binigyan niya lang ito ng death glare atsaka na lumabas ng kwarto ng walang binibitawang salita.

Samantalang gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Shawna pero kalaunan ay napakibit-balikat na lang siya at tinuloy ang ginagawa niya.

Napayakap naman si Eros sa sarili niya nang maramdaman niya ang lamig ng umaga. Sayang lang talaga at nawala na ang antok niya. Mas magiging masarap siguro ang tulog nito. Pero gayunpaman, kaysa magmaktol siya na parang bata mas maganda siguro na i-enjoy na lang niya ang temperatura sa paligid ngayon dahil mamayang tanghali ay siguradong matinding init na ang mararamdaman niya.

Nang matapos na si Eros sa pagtimpla ng kape ay tumambay siya sa labas habang hawak-hawak ang tasa na naglalaman ng kapeng tinimpla niya. Wala pang tao sa paligid pero naenjoy niya naman ang kaniya-kaniyang kulitan ng mga pusang gala at mga asong gala sa kalsada.

Maya't maya ay dumapo ang tingin niya sa bike niya na matagal na niyang hindi nagagamit dahil parating e-bike niya ang palaging ginagamit niya papasok ng school.

Lumipas ang ilang minuto ay natagpuan niya ang sarili niyang nasa kwarto na niya muli. Samantalang si Shawna ay patuloy pa ring nag-e-enjoy sa pakikinig ng music.

Dahil mukhang hindi siya maririnig ni Shawna kung kakausapin niya ito sa malayo kaya lumapit na lang siya dito at umupo para maging magkalebel sila at pagkatapos ay biglaang tinanggal ang earphone na nakasalpak sa kaliwang tenga nito dahilan para mapatigil si Shawna sa paghe-headbang at naguguluhang napatingin sa kaniya.

"Tara, samahan mo kong mag-gala sa labas," diretsong yaya sa kaniya ni Eros.

"Huh?" Biglang nagningning ang mga mata ni Shawna. "Talaga?"

"Oo nga," sagot ni Eros. "Kaya tigilan mo na 'yang ginagawa mo. Tara na!" Tumayo na ito pagkatapos at naglakad na ito palabas ng kwarto. Nakangiti ng malawak naman si Shawna na nagmamadaling hinabol siya.

~*~

Pareho silang masayang sinisimot ang preskong simoy ng umaga. Nakangiting pinagmamasdan ni Eros ang buong lugar na napapaligiran ng mga puno at damo. Ganoon rin si Shawna na nakatayong nakaangkas sa likod nito. Bukod sa parehas silang sinserong nakangiting sinasalubong ang umaga ay parehas rin nilang dama ang preskong hangin na tumatama sa kanila.

Dahil walang masyadong sasakyan o tao sa daan ay mas lalong binilisan pa ni Eros ang pagpapadyak sa bike niya dahilan para mas lalong lumakas ang hangin na tumatama sa kanila. Hindi na nila napigilang mapasigaw dahil sa tuwa. Sa pagkakataong iyon ay himalang nagagawang ngumiti na ng malawak ni Eros kasama ang iba.

Nang mapagod na si Eros sa kakapadyak ay tumambay muna sila sa isang daan. Pareho silang nakaupo ni Shawna sa isang malaking bato.

"So," pambabasag ni Shawna sa katahimikan. "Bakit mo palang naisipang isama ako? Kanina lang badtrip ka tapos ngayon...Sabagay, bakit 'di pa ko nasanay? Alam ko namang moody ka since birth."

"Since birth? Bakit kilala mo na ba ako nung pinanganak ako?" pambabara sa kaniya ni Eros pagkatapos nitong tunggain ang tubig sa dala nitong tumbler.

Napahalukipkip at napanguso na lang si Shawna. "Ang pilosopo mo talaga!"

"Pake mo ba?"

"At masungit din," dagdag ni Shawna habang tumatango pagkatapos ay binaling niya kay Eros ang tingin. "Pero ayos lang, cute naman eh!" Nakangiti nitong ginugulo ang buhok ni Eros na parang bata pero sinamaan lang siya nito ng tingin at hinampas palayo ang kamay niya.

Pero malakas talaga mang-asar si Shawna at inulit ang ginawa niya kanina sa buhok ni Eros habang nakangiti ng mapang-asar kay Eros. "Yiee! Cute! Cute maman n'yan!" At may kasamang pa-baby talk pa para mas lalong inisin pa si Eros na nakasimangot na lang na nakatingin sa kaniya.

Sunod namang pagtritripan sana ni Shawna ang pisngi ni Eros pero napatigil siya nang makita ang porma ng isang kamay ni Eros na akmang pipitikin ang kamay niya.

"Sige, subukan mo," pagbabanta sa kaniya ni Eros kaya nakangusong inilayo na lang ni Shawna ang kamay niya sa mukha nito.

Kaya ang tanging nagawa na lang ni Shawna ay pagmasdan na lang ang mukha nito na siya namang kinataka ni Eros kaya napataas ang isang kilay nito.

"Bakit?" kunot-noong tanong nito.

"Wala lang," tugon ni Shawna. "Sayang talaga kayong dalawa ni Clarisse 'no?"

Napabuntong hininga na lang si Eros at kunot-noong inirapan siya saka siya muling tumungga ng tubig.

"Ang tagal na pala 'no? Nung time na siya pa mismo ang nagblock sa 'yo sa messenger kahit wala ka naman nang balak na magchat pa sa kaniya. Ang kapal ng mukha!" Biglang gumuhit ang nakasimangot na ekspresyon sa mukha nito kaya sinundot naman ni Eros ang pisngi nito.

"Magmove-on ka na nga sa kaniya. Tignan mo oh! Mukha kang chanak kapag galit. Mas lalo kang pumapangit." Sa isang iglap ay nabaliktad na tuloy ang sitwasyon. Dahil si Shawna na ang nagbibigay ng masamang tingin sa kaniya at si Eros na ang mahinang tumatawa dahil sa reaksyon niya.

Nilagay naman ni Shawna ang isang kamay niya sa baba niya na para bang ibinibida niya ang kaniyang mukha. "Itong mukhang 'to? Tinatawag mong chanak? Naku! Pa-check mo na 'yang salamin mo baka need mo ng papalitan 'yan."

Muling pinagmasdan ni Shawna nang maigi si Eros. "Kung sa ibang klaseng tao na lang kaya kita i-pares."

Naningkit ang mga mata ni Eros. "Ano?"

"Hmmm..." Tinitigan ni Shawna si Eros mula ulo hanggang paa pagkatapos ay balik na naman sa kaniyang mukha atsaka sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya habang tumatango. "Mukhang may potensyal ka yata para maging bottom."

"Anong bottom? Pinagsasabi mo?" Naguguluhang turan ni Eros.

Bahagyang natawa si Shawna habang napatakip pa ito sa bibig niya. "Ano bang ibig sabihin ng bottom?"

"Ilalim!" kaagad na sagot ni Eros.

"Oo 'yon nga, ilalim!" sabi ni Shawna sa kaniya habang hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na ngiti sa labi niya.

Pero hindi pa rin nakuha ni Eros ang ibig nitong sabihin. "Ano? Ewan ko sa 'yo! Hindi kita maintindihan! Ang dami mong alam!" Pagkatapos ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa bato at tumungo na sa bike niya.

Napahagalpak naman ng tawa si Shawna. "Grabe naman utak mo talagang wala ka talagang alam sa mga sinasabi ko! Sikat kaya ang mga 'yon!"

~*~

Katulad nang pagiging malapit na rin sa isa't isa ni Shawna at ni Eros. Ganoon na rin ang kwentong isinisulat nilang dalawa. May pag-uusad na rin ang nagaganap dito dahil marami raming mga kabanata na rin ang natapos na maitype ni Eros.

Kaya lang, nang sabay na basahin iyon ni Eros at ni Shawna ay may naramdamang kakulangan si Shawna sa mga nabasa niya.

"Woah! Ang galing mo talaga dudes!" Akmang guguluhin na naman nito ang buhok ni Eros pero mabilis itong nakaiwas sa kaniya. Napanguso na lang tuloy siya at muling ibinalik ang screen ng laptop.

"Kaya lang, may kulang..." sabi ni Shawna habang nakahalukipkip at nakaharap pa rin sa screen.

"Ano?" kaagad na tanong ni Eros.

"Hmmm...Pa'no ko ba 'to i-eexplain?" Napangiwi si Shawna at muling humarap kay Eros. "Alam mo 'yon, yung walang kiliti..."

"Anong kiliti?"

Napasenyas na tuloy ang mga kamay ni Shawna sa ere dahil hindi pa rin magets ni Eros ang gustong ipahiwatig ni Shawna kaya didiretsahin niya na lang ito.

"Walang something na nakakakilig. Alam mo 'yon?"

"Oh eh anong gagawin ko?" tanging naging reaksyon lang ni Eros kaya napayuko na lang at napafacepalm si Shawna. Oo nga pala, ginusto niya rin ito. Sa isang katulad ba naman niya gustong ipasulat ang romance novel niya. Isang tao na mabilis maawkward at mabilis ring macringe sa usapang mga romantic. Bukod pa ro'n, ay clueless rin sa mga ganito. Wala ngang kaide-ideya na binabalak na pala siyang halikan nung isa.

Napabuntong hininga na lang si Shawna at hinawi ang buhok niya saka niya tinignan si Eros na clueless pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Gusto kita, Eros."

"What the fuck?" sabay ring sabi ni Shawna at Eros kaya mas lalong rumehistro ang confusion sa mukha ni Eros. Pero tinawanan lang siya ng mahina nung isa.

"Ang galing 'no? Nahulaan ko na kaagad reaksyon mo," pagmamalaki ni Shawna sa sarili niya. "Naku kawawa talaga sa 'yo yung taong magco-confess sa 'yo kung sakali." Napailing iling na lang siya habang nakangiti.

"Bakit iniisip mo na posibleng may magkakagusto talaga sa akin?" Natatawang tugon sa kaniya ni Eros.

"Oo, pero mas maganda kung wala muna kasi masasaktan lang ang taong 'yon sa 'yo kasi for sure hindi mo maaappreciate ang nararamdaman niya sa 'yo. O 'di kaya yung mas malala pa, baka hindi mo lang agad magets na nagco-confess na pala sa 'yo yung tao."

Napangiwi na lang si Eros at hindi na tinugonan ang mga sinasabi ni Shawna.

"Pero ang point ko kasi, paano magkakaaminan ng feelings ang dalawang bida natin kung wala namang hint na mayro'n nga silang naramdaman sa isa't isa." Pinagpatuloy ni Shawna ang pagsasalita. "Walang something na...tawag nito...walang romantic gestures! Ayo'n!"

"Alam ko na." Biglang ma ideyang pumasok sa isip ni Shawna. "Manonood tayo ng romance films!"

"Ano?" Kunot-noong tinignan siya ni Eros. Halatang halata sa ekspresyon ng mukha nito ang matindi niyang hindi pag-sang-ayon kay Shawna.

~*~

Pero sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil napilit na naman siya ni Shawna na sumunod sa gusto niya. Ngayon ay pareho silang dalawa na nakaupo sa kama at nakasandal ang mga likod sa headboard ng kama. Nasa harapan nila ang laptop ni Eros na kasalukuyang inaayos na ni Shawna ang pelikulang papanoorin nilang dalawa.

"No cringe challenge ha! Bawal kang umalis dito sa kamang ito," bilin sa kaniya ni Shawna na akala mo naman ay siya ang may-ari talaga ng kama.

"Kapag umalis ako, anong gagawin mo?" paghahamon sa kaniya ni Eros dahilan para umangat ang sulok ng labi ni Shawna.

"Ah! So gusto mo talaga na may gawin ako sa 'yo?"

Napairap na lang sa kawalan si Eros at piniling iwasan na lang ng tingin si Shawna. Hanggang sa maya't maya ay nag-umpisa na ang pelikulang pinapanood nilang dalawa.

Nakasimangot lang na pinapanood ni Eros ang palabas habang nakahalukipkip. Maya't maya rin ay nag-uumpisa nang lumipad ang isip niya at kulang na lang ay umabot na sa ibang universe ang nilipad ng utak niya dahil wala na siyang naiintindihan sa mga naganap.

Hanggang sa doon na lang nagising ang diwa niya nang dumating na ang eksenang unti-unting naglalapit ang mukha ng dalawang bida.

Dahil mukhang alam na niya ang susunod na mangyayare ay kaagad niyang iniwas ang tingin niya sa screen na agad napansin naman ni Shawna.

"Bakit ang bilis naman yata? Magki-kiss na agad sila?" biglang reklamo ni Eros. "Ang pangit! Ayoko nang panoorin 'yan!" Aalis na sana si Eros sa kama pero kaagad siyang napigilan ni Shawna sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa mukha niya at sapilitan pa itong pinaharap sa screen na kung saan makikita ang unti-unting paglapit ng mukha ng dalawang bida.

"Ano ba! Bitawan mo ko!" Pero hindi niya nagawang labanan ang lakas ni Shawna. Napahagalpak naman ng tawa ang isa habang nakikita niyang nahihirapan si Eros at desperado talaga itong hindi makita ang kissing scene ng dalawang bida. "Ayoko na sabi!"

Tinawanan lang siya muli ni Shawna at nagawa pa siya nitong asarin sa pamamagitan ng pagna-narrate na parang isang writer. "Pagmasdan mo ang pagpapalit ng laway nila sa isa't isa." Malademonyong tumawa ito pagkatapos habang nagwawala na si Eros dahil malapit nang maghalikan ang dalawang bida. "...este ang matamis at masuyo pala nilang paghahalikan. 'Yon pala dapat 'no?"

Napasigaw na lang ng bahagya si Eros nang masaksihan niya ang halikan ng dalawang bida sa harapan niya. "Ahh! Taena! Ayoko na! Ang sakit sa mata!"

"Jusko! Makareact naman 'to parang akala mo naman may tinotorture sa harapan mo! Tignan mo oh! Ang galing nila pareho!"

"Bwisit!" sigaw ni Eros. "Parang sisikmurain na yata ako! Kelan ba matatapos halikan n'yo?!" Pati ang dalawang bida ay nagawa niya na rin sigawan kahit hindi naman siya naririnig ng mga ito. "'Di ko na kaya! Nacri-cringe na ako ng sobra! Siraulo ka talaga, Shawna! Bitawan mo na ako pakiusap!"

Hindi na napigilan ni Shawna na mapatawa ng malakas dahil kay Eros. Bukod sa nakakaawang tignan si Eros ay talagang nakiusap na talaga ito sa kaniya na bitawan siya na talagang para sa kaniya ay napakalabong gawin ito ni Eros sa kaniya.

Maya't maya ay nasa huling eksena na sila ng pelikula na kung saan ay kahit papaano ay nagkaroon ng magandang wakas ang kuwento. Nang lumabas na ang credits para sa mga pangalan ng mga actor at actress ay nabaling ang tingin niya kay Eros na kasalukuyang nakasandal sa balikat niya at wala ng malay dulot ng sobra-sobrang cringe na naramdaman niya kanina.

Biro lang, hindi talaga iyon ang nangyare. Nakatulog na siya dahil rin sa haba ng pinanood nilang pelikula. Hindi niya namalayan sa sobrang antok ay nakasandal na pala siya sa balikat ni Shawna.

Maingat na lang na ginalaw ni Shawna ang ulo niya atsaka ito inihiga at maingat ring pinatong sa unan para hindi ito magising. Isinara na rin niya ang laptop para hindi na ito lumikha pa ng ingay.

Napatitig siya uli sa mukha ni Eros na mahimbing ang tulog. Napansin niya naman na natatakpan ng buhok nito ang mga mata niya kaya maingat niya namang hinawi ito atsaka hinimas paitaas.

Bahagyang kumurba ang labi ni Shawna nang masilayan niya ang maamong mukha ni Eros. Natuwa naman siya sa lambot ng buhok nito kaya paulit-ulit niya uling hinimas ang buhok niya.

Unti-unting nilapit ni Shawna ang hintuturo niya atsaka niya mahinang pinindot ang ilong ni Eros. "Boop!" bulong niya atsaka siya mahinang tumawa.

"Sana maconsider mo kong first ever true friend mo..." sabi niya habang pinagmamasdan pa rin ang tulog na mukha ni Eros. "...bago mahuli ang lahat."

~*~

"Hoy Kayde! Ang dami mong mali—!"

Napahinto si Lorraine nang makita niyang nakadukmo na sa lamesa si Kayde. Sa haba ng tutorial session nila ay hindi na nagawang pigilan nito ang antok niya. Napasimangot na lang tuloy si Lorraine at napabuntong hininga.

Imbis na gisingin ay ang tanging nagawa lang niya ay titigan ang mukha ni Kayde. Nang mapansin niyang natatakpan ng mga mata nito ang buhok niya ay maingat niya namang hinawi ang buhok nito pataas. Kaya lang ay hindi niya namalayang nawili na pala siya sa malambot na buhok ng lalaki at pauli-ulit na niyang hinihimas ang buhok nito.

Napatigil si Eros sa pagtatype sa harap ng laptop niya at wala sa sariling hinawakan rin ang buhok niya.

"Ang weird, bakit ko ba napaginipan ang babaeng 'yon?" bulong niya sa sarili niya.

Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman niya ay bahagyang pag-init ng mga pisngi niya kaya pinilig na lang niya ang ulo niya. Pagkatapos ay ibinalik na lang niya ang sarili niya sa pagtatype sa laptop.

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

    Huling Na-update : 2021-05-15
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

    Huling Na-update : 2021-05-22
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

    Huling Na-update : 2021-06-24
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

    Huling Na-update : 2021-08-09

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status