Share

Fourteen

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter Four

Fourteen

Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa?

Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe.

Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig niya ay naunahan na siya ni Shawna sa pagtawa. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Eros. Nanliliit ang mga mata niyang pinagmasdan ang tumatawang si Shawna.

"HAHAHAHA! Uy! Joke lang 'yon!" nakangiting sabi ni Shawna. Maya't maya ay unti-unti na rin siyang nakakarecover sa pagtawa. "Okay! Walang bawian na 'yan ah! Talagang pumapayag ka na sa gusto ko?"

Namulsa muna si Eros atsaka siya napairap sabay tango. "Oo nga!" iritadong sagot nito. "Kaya pwede ba huwag mo na ako susundan dito sa school ko!"

Paulit-ulit na tumango si Shawna na parang bata. "'Key!" masiglang tugon niya sabay thumbs up.

Napairap na lang muli si Eros at walang sabi-sabing lumabas na ng cubicle at iniwan roon si Shawna. Hindi niya na kasi kayang tagalan na makita ito dahil masyado itong pacute para sa kaniya dahil sa pagiging kilos-bata nito.

Kaagad naman siyang sinundan ni Shawna na nagtatalon sa tuwa.

Pagkarating nilang dalawa sa bahay nina Eros ay inumpisahan na nilang dalawa mag-outline. Nakaupo silang dalawa sa sahig ng kwarto ni Eros habang may notebook at ballpen naman na pumapagitna sa kanilang dalawa.

"Ahm! So itong nobela kasi na sinusulat ko tapos na siya sa utak ko! Balak ko talaga siyang taposin nung year siguro na namatay ako para ipasa yung manuscript no'n sa publishing house."

"Dami mong sinasabi!" nakasimangot na tugon ni Eros kay Shawna habang nakahalukipkip. "Ikuwento mo na lang kung tungkol saan 'yang nobela mo nang matapos na kaagad 'yan. Tapos mo na rin naman 'yan sa utak mo diba? Kaya bilisan mo na!" naiinip na reklamo nito.

"Okay, ito na nga!" sagot sa kaniya ni Shawna at inumpisahan na niyang ikuwento ang tungkol sa nobela niya.

Ang nobela ay tungkol sa babaeng sikat na role model student ng school. Kilala ito bilang isa sa pinakamatalinong estudyante na nagdadala ng pangalan ng school dahil palagi itong sinasabak sa mga quiz bee or ng mga contest laban sa iba't ibang mga eskwelahan. Bukod sa pagiging role model student ng bida ay nag-vo-volunteer din ito na magtutor upang magkaroon ng sariling pera at may panagdag sa mga gastusin niya sa pag-aaral niya. Ngunit isang araw, may isang outcast na nagtransfer sa eskwelahan nila dahil sa masamang image nito na muntik nang makapatay ng isang faculty sa former school nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang babaeng bida pa ang naging tutor nito.

Seryoso ang mukha ni Eros na sinusulat sa notebook niya ang mga bawat mga detalyeng sinasabi ni Shawna tungkol sa nobela niya. Mukha tuloy siyang journalist na nag-i-interview ng isang celebrity or VIP na konektado sa namatay ring sikat na celebrity.

Pasimpleng ipinilig na lang ni Eros ang ulo niya. Ito na naman siya sa mga fantasies niya.

Sunod nilang ginawa ay ang paggawa ng mga pangalan ng mga karakter. Ang lalaking outcast ay pinangalanang 'Kayde Reyes'. Samantalang ang babaeng bida naman na role model student daw ay pinangalanan namang 'Lorraine Villarosa'.

"So, yung itsura ni Lorraine Villarosa..." Pagkatapos ay inumpisahan nang i-aksyon ni Shawna ang mga sinasabi niya. "Long haired siya. Bale, hanggang bewang ang super straight na buhok niya. Tapos, meron siyang nunal dito sa may bandang pisngi niya." Tinuro niya naman sa pisngi niya kung saang parte ang may nunal sa bida ng kuwento niya. "Tapos ang pinakapersonality niya ay palangiti siya sa mga tao at natural na matulungin."

Magsasalita sana si Eros pero bigla siyang naunahan ni Shawna. " Ang favorite niyang suotin ay mga pastel colored na long dress. Tapos ang favorite niyang snacks ay takoyaki at milktea!"

"Teka-teka lang!" biglang awat ni Eros kay Shawna. "Ano ba 'yan! Masyado namang detalyado 'yang pagkakagawa mo kay Lorraine. Totoong tao ba 'yan? Bakit parang kilalang kilala mo yata siya?"

"Hindi ah! Fictional character lang siya!" tanggi ni Shawna sa kaniya.

"O sige sige! Bahala ka!" Isiniwalang bahala na lang iyon ni Eros. "Sa susunod na lang natin ituloy 'to. Aasikasuhin ko muna mga hinahabol kong deadline sa school." Isinara na ni Eros ang notebook niya.

"Teka lang!" biglang pigil ni Shawna. "Wala pa palang title!"

Napabuntong hininga na lang si Eros. "Oo nga pala." Binuklat niya muli ang notebook. "Anong title nito?"

Napangiti ng alanganin si Shawna. "Nakalimutan ko hehe."

"Pambihira," nakasimangot na komento ni Eros.

"Basta alam ko may title na 'yan nung inumpisahan kong gawin 'yan!" sabi sa kaniya ni Shawna. "Sige sa susunod na lang. Baka maalala ko rin iyon. Nasa dulo pa ng dila ko."

"Tch! Ewan ko sayo!" nakasimangot na sagot sa kaniya ni Eros atsaka sinara na muli ang notebook pagkatapos ay tumayo na siya at nagtungo sa study table para ilapag iyon doon.

~*~

Kinabukasan, inihahanda na ni Eros ang e-bike niya. Maya't maya ay bigla siyang napahinto nang makita niya si Shawna na nakangiti sa kaniya at nakatayo malapit sa kinaroroonan niya.

Nanliit ang mga mata ni Eros. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sabay ako!" Nakangiti na parang bata si Shawna. Dahil dito ay iritadong napairap muli si Eros.

"Bati na rin naman tayo 'di ba?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Shawna. "Pramis! Hindi kita guguluhin sa school! Magbe-behave lang ako!"

Natural ba na ganiyan siya? Natural bang kilos bata at matinis ang boses ng babaeng ito? Kairita. bulong ni Eros sa isip niya. Pagkatapos ay saka niya binalik ang tingin niya sa e-bike niya.

"Bakit? Hindi ka marunong mag-teleport?"

Umiling si Shawna. "Nope. Ang sad nga eh," sagot nito. "Scam pala yung mga horror movies," dagdag pa niya sabay tawa.

"Ah...Ganun ba." Tumango-tango si Eros atsaka naman siya sumampa na sa e-bike niya. Sasampa rin sana si Shawna pero... "Lumipad ka na lang, tutal may pakpak ka naman." At walang pasabi niyang pinaandar ng mabilis ang e-bike.

Parang bula na nawala ang cheerful smile ni Shawna. Nakanguso niyang pinagmasdan ang mga pakpak niya.

"Bakit ba kasi costume lang 'to?" nakangusong bulong niya.

Lumipas ang ilang mga minute ay natagpuan niya ang sarili niya na nakasakay sa loob ng magarang kotse. Habang may katabi naman siyang babae na tahimik na nakikinig ng mga tugtog sa earphones. Hanggang bewang ang haba ng buhok nito kumpara kay Shawna na hanggang balikat lang ang haba ng buhok niya. Nakasuot rin ng pink na headband ang babaeng katabi niya na talagang bumagay naman sa sweet and charming nitong mukha.

Muli na namang napanguso si Shawna habang pinagmamasdan ang headband na suot ng babae. "Ang cute naman ng headband niya," bulong niya. "Kainggit, gusto ko rin n'yan."

~*~

Kaagad napatigil si Eros pagkapasok ng classroom niya. Meron nang nakaupo sa pwesto niya. Malapit nang mag-umpisa na pa naman ang unang klase nila ngayong araw na ito. Sa kabila ng pagtatanong niya sa isip niya kung paano siya nasundan ni Shawna ay kaagad rin niyang sinagot ang sarili niyang tanong na baka nagsisinungaling lang ang babaeng iyon at talagang kaya naman talaga nitong magteleport at pinagtri-trip-an na naman siya kaya pinipilit niyang sumabay kanina.

Dahan dahan itong naglakad patungo sa upuan niya. Nang makarating na siya ro'n ay kaagad nagsalita si Shawna sa kaniya.

"Uy! Baka isipin mong lumipad talaga ako ah! May babaeng maganda akong nakasabay kanina. Estudyante rin siya dito. Nag-one- two-three ako sa kotse nila."

Hindi sumagot si Eros at binigyan lang siya ng isang matalim na tingin. Straight na straight mismo to the eyes. Pero imbis na ma-intimidate na karaniwang nagiging reaksyon ng mga kaklase niya o lalo na ng mga kapatid niya ay tinawanan niya lang si Eros.

"Oo na! Sige, aalis na ako!" Dahan dahan siyang umalis sa pagkakaupo at nag-bow pa kay Eros habang nakamuwestra ang kamay sa upuan upang lalo pang sirain ang araw ni Eros.

Hindi na lang pinansin ni Eros ang pangangasar ni Shawna at pabagsak na lang niyang inilapag ang backpack niya sa upuan atsaka umupo na rito. Mabuti na lang at sa ilang oras na pagkaklase ay hindi naman siya ginugulo nito. Kaya nakapagpokus na siya ng maayos sa klase at hindi na masyadong nawe-weirduhan ang mga kaklase niya sa kaniya.

Maya't maya dumating na ang lunch time at as usual ay mag-isa lang kakain si Eros. Napilitan siyang makipagsapalaran sa mga naggugulohang mga tao sa school canteen dahil kulang ang baon niyang pagkain. Halos umabot na rin ng pasko ang haba ng pila dahil marami-rami rin ang magkakapareho ng lunch break.

Lumipas ang ilang minuto ay may bitbit ng fries si Eros. Oo, pumila siya ng pagkahaba-haba para lang doon. Pagkatapos ay saka na siya bumalik sa classroom niya na bakante ngayon dahil lahat ng mga kaklase niya ay mas trip sa labas kumain. Pabor naman do'n si Eros dahil masosolo niya ang classroom.

Pero sa sitwasyon niya ngayon ay mukhang malabo na masolo na niya ang silid.

"Ano 'yan?" tanong ni Shawna nang makita niyang may bitbit-bitbit si Eros. Hindi naman siya pinansin nito at tahimik lang na inilabas ang baon niya atsaka binuksan ito. Bumungad naman sa kaniya ang mabangong amoy ng kanin. Nagtatakang pinagmasdan naman siya ni Shawna nang inumpisahan na niyang ibuhos ang fries sa kanin. Pagkatapos ay ginuhitan niya ito ng malaking pa-zigzag gamit ang ketchup.

Napapanganga na lang si Shawna nang inumpisahan nang sumubo ni Eros ng pagkain na ang ulam ay ang fries.

"Anong ginagawa...What the heck? Ang weird ng kinakain mo!" komento ni Shawna sa kaniya. Dinapuan naman siya ni Eros ng isang matalim na tingin.

"Wala kang pakielam," simpleng tugon nito sa kaniya at itinuloy lang ang pag-kain niya.

Katulad nung una ay walang epekto kay Shawna ang matatalas nitong mga salita. "Kaya dito ka ba kumakain dahil sa weird mong recipe?"

"Hindi," sagot naman nito sa kaniya. "Maingay at matao sa labas kaya mas gusto ko dito. Saka naka-aircon pa kaya mas masaya dito kumain."

Mukhang hindi naman nakunbinsi si Shawna sa sagot niya. "Sus! Nagpapalusot ka lang! Bakit ba naman kasi sa lahat ng iu-ulam mo 'yan pa?"

Kinunotan siya ng noo ni Eros atsaka siya muling sinagot, "Bakit ba? Eh mas mura 'to eh! 15 pesos lang ang fries kaya bakit pa ko mag-aaksaya ng pera sa ibang ulam na hindi naman masasarap."

Mahinang tinawanan na lang siya ni Shawna. "Okay! Chill ka lang! Bakit ka na naman nagagalit?!" natatawang sabi nito sa kaniya at tinapik ang balikat nito pero marahas lang na ginalaw ni Eros ang balikat niya dahilan para mapabitaw kaagad si Shawna.

Maya't maya ay sabay silang napatingin sa direksyon ng pintuan nang bigla itong bumukas. Pumasok rito ang babaeng nakapink na headband na nakasabay lang kanina ni Shawna. Kaya hindi agad ito nakapagpigil si Shawna at kaagad dinuro ang babaeng bagong pasok at sinabing, "Uy wait! Siya yung pretty girl na nakasabay ko kanina sa sasakyan nila!"

Nagpalinga-linga ito sa paligid at nagulat naman ito ng tumama ang tingin nito kay Eros. Napatutop ito sa bibig. "Oh my god! I'm so sorry! May tao pala dito!" Mabilis kaagad siyang lumabas ng classroom habang bitbit ang pagkaing binili niya sa canteen.

Sinundot ni Shawna ang balikat ni Eros. "Uy! Kilala mo ba 'yon?"

Halos wala yatang tao sa school nila ang hindi nakakaalam ng pangalan ng babaeng iyon. Hindi rin exception kay Eros 'yon dahil maging siya ay alam niya rin ang pangalan ng babaeng iyon pero hindi siya naging interesado sa buhay ng babaeng iyon kahit kung ano-ano pang 'tea' ika nga nila ang nagaganap sa babae na iyon.

"Hindi," sagot sa kaniya ni Eros. "Ibang strand yata 'yon." Pagkatapos ay saka ito muling sumubo.

~*~

Lumipas ang ilang oras ay malapit nang sumapit ang uwian nila. Nag-announce naman ang Creative Writing teacher nila na sa 14 ay kailangan nilang magsuot ng improvised costume ng kanilang favorite na fictional character. Pagkatapos sabihin ang activity na iyon ay pinayagan na niyang mauwi ang kaniyang mga estudyante dahilan para magkaguluhan naman ang mga kaklase ni Eros dahil sa pagpapaunahan nilang makalabas. Samantalang si Eros naman ay nakasimangot lang na nakapangalumbabang pinagmamasdan ang mga kaklase niya. Kaniya-kaniyang sigaw dito at sigaw doon. May ibang hinahabol ang mag kagrupo nila sa Research at ang iba naman ay hinahabol ang mga kaklase nilang tumakas sa pagiging cleaners. Oo, uso pa sa kanila talaga iyon para hindi maiwang makalat ang classroom.

Maya't maya may lumapit kay Eros na isa ring kaklase niyang babae. "Uy Eros! 'Di ba isa ka rin sa mga cleaners ngayon?"

Napaismid na lang si Eros atsaka tumayo pagkatapos ay walang pag-aatubili niyang hinablot ang walis tambo sa kaklase niyang kumausap sa kaniya. "Magsilayas na kayo, ako nang bahalang maglinis dito."

"Sigurado ka?" Tila ayaw pang maniwala ng babae kay Eros pero sa huli ay bumigay rin siya at excited na sinukbit ang backpack niya sa kanang balikat niya. "Sabi mo 'yan ah! Sige mauuna na ko! Bye!" At tatalon talon pang lumabas ng pintuan.

Ngayon ay mag-isa na muli si Eros sa tahimik na ngayon na classroom. Inumpisahan na niyang linisin ang mga kalat at alikabok gamit ang walis tambo.

"Gusto mo tulungan na kita?" tanong ni Shawna habang pinagmamasdan siya. Nakaupo ito ngayon sa teacher's table.

"Bakit cleaners ka rin ba?" tanong pabalik sa kaniya ni Eros habang bising-busy sa paglilinis.

Napanguso si Shawna. "Eh bakit yung ibang cleaners pinalayas mo tapos ikaw na lang mag-isang naglinis d'yan?"

"Ano bang pakielam mo?" walang emosyong sagot sa kaniya ni Eros habang sa paglilinis pa rin nakapokus ang tingin niya.

"Ang sungit naman nito!" Muling napanguso si Shawna. "Kaya wala kang kaibigan kahit isa eh! Ang sungit sungit mo sa lahat! Araw-araw ka bang may regla ha?!"

"Pakielam mo ba?" muling sagot na naman sa kaniya ni Eros habang nilalagay na nito sa dustpan ang mga alikabok at dumi na pinagtipon-tipon niya.

"Tsk tsk tsk!" Paulit ulit na lang na pinailing iling ni Shawna ang ulo niya. "Kung sabagay, mahirap talaga ang araw-araw na may regla. Mga ilang araw pa nga lang sa isang buwan, hirap na hirap na ako eh! Pero syempre nung nabubuhay pa ako no'n! Alangan namang habang patay na ko buwan-buwan pa din akong dinadatnan! Wala namang nag-eexist na mga napkin para sa mga multo!" Humagalpak ng tawa si Shawna pagkatapos. Pero hindi nahawaan si Eros ng tawa niya at nakasimangot pa rin na nililinis ang buong classroom.

Dahil do'n ay mabilis lang din napahinto si Shawna sa pagtawa at kaagad na sumimangot. "Ito naman! Hindi ka ba marunong tumawa ha?! Or sadyang pinalaki kang KJ!"

Binuhos na ni Eros ang mga dumi at alikabok sa basurahan. "Bakit ka ba namatay?"

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Shawna. Parang bula na nawala ang naiiritang ekspresyon ng mukha niya kanina dahil lang sa hindi pagtawa ni Eros sa joke niya.

Sandali siyang natahimik bago niya sinagot ang tanong ni Eros. "Hindi ko alam eh. Isang araw nagising na lang ako na ganito ang suot ko at hindi ako nakikita ng mga tao. Ang naaalala ko lang talaga ay yung sinulat kong kwento nung nabubuhay pa siguro ako." Maya't maya may napagtanto siya kaya biglang lumiwanag ang mukha niya. "Wait! Interesado ka sa buhay ko?" Ngumiti siya ng malawak. "Yiee! I am deeply touched!"

Sinamaan niya naman ng tingin si Shawna pero nginisihan lamang siya nito. "Do you have any questions? Sasagutin ko kaagad 'yan! Dali! Interviewhin mo ko!"

"Paano mo naman nalaman na patay ka na talaga kung sinasabi mong na-erased ang memories mo?" bored na tanong sa kaniya ni Eros.

Kumibit balikat si Shawna. "Basta alam ko lang na patay na talaga ako."

Mahinang tumawa si Eros.

"Hoy!" kaagad na reaksyon ni Shawna. "Totoo mga sinasabi ko ah!"

"Oo nga," sagot ni Eros. "May sinabi ba akong nagsisinungaling ka? Tumawa lang naman ako." Ngayon naman ay sinimulan na niyang ayusin ang mga upuan.

Napabuntong hininga naman si Shawna. "Basta ayo'n!"

"Saang lugar ka ba nagising bilang isang multo?" muling tanong ni Eros habang abala sa pag-aayos ng mga upuan.

"Sa..." Inalala naman ni Shawna ang lugar kung saan niya natagpuan ang sarili niya na isa ng multo. "Sa tulay sa highway, malapit sa mall. Sa FRC Supermall."

Biglang natigilan si Eros. Pagkatapos ay saka siya dahan dahang lumingon kay Shawna.

"Bakit?" Nagtatakang tinignan siya ni Shawna.

"Wala..." mabilis na sagot ni Eros at iniwas na lang ang tingin niya. Muli niyang pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga upuan.

"Anong wala? Sabihin mo na kung bakit gano'n ang reaksyon mo. Nakakaintriga kaya! Kukulitin kita ng kukulitin sige ka!"

"Wala lang naman. Naisip ko lang kung bakit 'di mo muna inalam kung bakit ka namatay bago mo naisipan na tapusin yung kuwentong sinulat mo noon."

"Ah!" Bahagyang tumawa si Shawna. "'Yon ba? Hindi naman na mahalaga sa akin na alamin ang bagay na 'yon. Hindi naman ako mabubuhay uli kapag nalaman ko 'yon 'di ba? Kaya ano pang silbi kung aalamin ko pa yung tungkol sa pagkamatay ko."

Dito na napakunot-noo si Eros at mabilis na napalingon sa kaniya. "Ano?" reaksyon nito. "Wala man lang gumugulong questions sa utak mo kung bakit bigla ka na lang nagising na ganiyan ka?!"

Napakunot-noo din si Shawna dahil sa naging reaksyon ni Eros. "Bakit naman ganiyan reaksyon mo?"

Sandaling hindi umimik si Eros at tinignan lang siya na parang nanghuhusga. Maya't maya ay napairap na lang siya at tinuloy ang ginagawa niya. "Ang weird mong multo," tanging nasabi na lang nito. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya siguradong nag-imbestiga na ako tungkol sa pagkamatay ko.

Maya't maya ay natapos rin si Eros sa paglilinis ng buong classroom. Hinayaan niya na lang si Shawna na umangkas sa likod niya sa e-bike. Bago niya paandarin ang e-bike ay biglang nagsalita si Shawna dahilan para mapatigil siya.

"Nga pala," ani Shawna. "Naalala ko na yung title ng nobela ko," nakangiting sabi nito.

~*~

Pagkasapit ng dilim ay naghanda na si Eros para sa pagtulog niya ngayong gabi. Kaya lang ay hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya pinuslit niya ang libro niyang hindi pa niya natatapos basahin.

Pero maya't maya ay dumako ang tingin niya sa notebook niyang nakalapag sa study table. Dahil do'n ay binalik niya ang libro kung saan niya ito kinuha at nagtungo siya sa study table. Kinuha niya ang notebook atsaka siya umupo pagkatapos ay binuklat na niya ang notebook.

"Fourteen..." basa niya sa mga letrang nakasulat sa notebook. Napakunot noo siya at napatulala sa kawalan.

Bakit 'yon ang naisipan niyang title?

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Encounter of Two Lovers

    Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Friend Request

    Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ask him out

    Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Villain is My Name

    Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status