Share

Yes or Yes?

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2021-04-07 19:26:16

Chapter Three

Yes or Yes

Sa dami ng nabasa ni Eros, dumating rin sa punto na nagsawa na siya sa kakabasa. Hindi dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang mga nababasa niya kundi dahil hindi na siya nakukuntento na hanggang sa pagbabasa na lang ang ginagawa niya. Doon pumasok sa isip niya na magkaroon ng panibagong libangan bukod sa pagbabasa ng mga mystery novels.

Inumpisahan niya sa papel. Kahit maraming grammatical errors ay tinuloy niya pa rin ang pagsusulat dahil wala pa siyang masyadong ideya sa kaniyang ginagawa. Ang alam niya lang ay nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na inilikha niya na nagmula sa isang inspirasyon na nakuha mula sa iba't ibang nobelang nabasa niya.

Mula sa papel ay lumipat siya sa cellphone. Para siyang may ka-textmate tuwing gabi dahil gabi-gabi siyang nagtitipak rito. Ang naging libangan ay naging parte na ng kaniyang buhay. Hindi siya mapakali kapag hindi niya pinagbibigyan ng pagkakataon na maitype ang isang senaryong nabubuhay sa imahinasyon niya pero sa kasamaang palad ay wala pa siyang natatapos na kwento niya kahit isa.

Hanggang sa madami na siyang mga iilang bagay na natutunan tungkol sa pagsusulat kaya naisipan na niyang sa laptop na niya i-type ang mga kuwentong sinusulat niya. Gayunpaman, palagi lang naninigas ang mga karakter niya sa kuwento dahil hindi nito nagagawang tapusin ang kuwento nila. Kung i-e-estimate niya ay halos malapit na yatang umabot sa isang daan ang mga main character niya na inabandona niya. Kung meron rin sigurong batas na nag-eexist sa pag-aabandona ng mga bida ng kuwento ay paniguradong sa kulungan na siguro tatanda si Eros.

Gayunpaman, kahit inabandona niya ang mga karakter niya ay patuloy pa ring nakatambay ang mga kuwento nito sa kaniyang laptop. Ngayon na nasa kamay na niya ang laptop ay mistulang nawala na ang bato sa kaniyang dibdib. Hindi na siya manonoblema sa thesis, sa mga magulang niya at ang 50+ drafts na mga nobela niya.

"Group 3!" tawag ng teacher nila sa Research. Kaagad lumapit ang grupo nila Eros sa teacher at ipinasa na nila ang hard copy ng ipapacheck nila. Kaagad naman sinabi sa kanila ng teacher kung ano-ano ang mga dapat nilang baguhin. Sinulatan niya rin ang printed copy gamit ang pula niyang ballpen ng mga dapat idagdag at dapat bawasan. Mabuti na lang talaga at naibalik na kay Eros ang laptop niya. Kung hindi, ay wala silang maipapasang printed copy sa teacher nila ngayon.

Ngunit, hindi pa dito matatapos ang pangdidisturbo sa mapayapa niyang pamumuhay.

Maya't maya habang kasalukuyang nagsasalita ang teacher ay may biglang kung sinong tumayo sa likod nito. Kaagad nabaling ang tingin ni Eros dito at nanlaki ang mata niya nang makilala niya ito.

"Ay tae ka!" nasabi nito dahil sa gulat sabay atras niya. Nagtatakang napatingin naman sa kaniya ang mga kagrupo niya at pare-parehong nagulat rin sa inakto niya. Napatigil naman ang teacher sa pagsusulat at napatingin kay Eros. Base sa mukha nito ay hindi siya natutuwa sa ekspresyong lumabas sa bibig ng kaniyang estudyante.

"Bakit? What's the matter? Mr. Sandoval?" malamig na tanong nito kay Eros. Si Shawna naman na kasalukuyang nasa likod niya ay matamis lang na ngumiti kay Eros na nasa state of shock pa din.

"Ayaw mo pa rin ba pumayag sa favor ko?" tanong sa kaniya ni Shawna. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Pumayag ka na! Hindi naman malaking abala ang hinihingi ko. Hindi naman nito masyadong lalamonin ang oras mo. Sige na, pumayag ka na please!" nakangiting pakiusap nito kay Eros at kinurap kurap pa ang mga mata nito.

Inis na napabuntong hininga si Eros sabay sabing, "Wala po, Ma'am," sagot nito sa kaniyang teacher habang binibigyan ng matalim na tingin si Shawna.

Hindi na lang sumagot ang teacher at pinagpatuloy ang pagbabasa sa papel na pinasa nila. Nawe-weirduhang napatingin naman kay Eros ang mga kagrupo niya. Inirapan niya na lang ang mga ito.

"Ito na talaga, last na tanong na." Hindi pa rin tinitigilan ni Shawna na kausapin si Eros sa harap ng mga kaklase niya. "Hindi mo ba talaga ako tutulungan?"

Hindi sumagot si Eros at iniwasan lang ng tingin si Shawna. Umangat naman ang sulok ng labi ni Shawna dahil sa naging tugon ni Eros sa kaniya.

"Ah! Iwasan pala ang gusto mong laro ngayon," nakangiting sabi ni Shawna sa kaniya. "Sige, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo."

Hindi pa rin tumugon si Eros sa kaniya at umakto lang ito na hindi siya nakikita. Natapos na ang pag-eevaluate ng teacher sa chapter 2 nila kaya pinabalik na sila nito sa kani-kanilang upuan.

Nang makaupo na si Eros sa pwesto niya ay kaagad siyang nasundan ni Shawna. Umupo ito sa lamesa ni Eros at diretsong tumitig sa mga mata ni Eros habang nakahalukipkip.

Inis na napabuntong hininga si Eros. Nag-uumpisa na kaagad maubos ang pasensya niya. Pero pinilit niya pa rin na umakto na wala si Shawna sa harapan niya. Kahit nag-u-umpisa na siyang mailang sa pagtitig sa kaniya ni Shawna.

"Goodbye class!" paalam ng teacher nila sa research at dire-diretso nang lumabas ng classroom.

Maya't maya ay dumating na ang isang teacher nila para sa susunod na period. Pero hindi pa rin umalis si Shawna sa inuupuan niya. Wala siyang balak tigilan ang pagtitig niya kay Eros. Pero tulad niya, ay wala pa rin siyang balak na salubongin ng tingin si Shawna. Aakto siya na hindi niya ito nakikita hanggang sa sumuko na ito sa pagbabalewala niya sa kaniya.

Nanatiling ganoon silang dalawa hanggang sa inumpisahan nang magdiscuss ng teacher habang sinusulat sa whiteboard ang mga importanteng terms na kailangan nilang matandaan. Iritadong napabuntong hininga na lang muli dahil hindi siya makafocus sa pakikinig. Hindi rin niya makopya o mapicture-an ang mga sinusulat ng teacher sa whiteboard dahil nakaharang ang mukha ni Shawna na kasalukuyang nakakurba ang labi habang tinititigan pa rin ang mukha niya. Dagdag pa ang mga pakpak din nito na isa ring humaharang sa paningin niya.

Lumabas ang mahinang tawa mula sa bibig ni Shawna habang pinagmamasdan si Eros. "Aba, matibay ka ah," natatawang komento nito. "Sabihin mo lang sa akin na pumapayag ka na at titigilan na kita," pangongondisyon nito pero matigas ang taong pinapakiusapan niya. Talagang pinapanindigan pa rin nito ang pag-aaktong wala siyang nakikita.

Muling tumawa ng mahina si Shawna. "Hoy! Psst! Psst! Yuhoooo!" At kung ano-ano pang mga pinagsasabi niya upang guluhin si Eros. Pero hindi nagpatinag ang isa kahit pa ubos na ubos na ang pasensya nito. Lumawak tuloy ang ngiti nito dahil sa kinikilos ni Eros.

Maya't maya ay mas lalo niyang inilapit ang mukha niya kay Eros habang nasa mata pa rin ni Eros nananatili ang mga titig nito. Dahil dito ay parang tuod na nanigas si Eros sa kinauupuan niya. Pero gaya nung una ay pinilit niya pa rin na hindi salubungin ang tingin ni Shawna. Lalong tumindi ang pagkailang ni Eros dahilan para bumilis ang pintig ng dibdib niya.

Lumipas iyon ng ilang segundo atsaka na hindi natiis ni Eros ang distansiya ng mukha nilang dalawa kaya dahan dahan niyang inangat ang isang kamay niya at mahinang tinulak ang mukha ni Shawna palayo habang walang emosyong makikita sa mukha niya.

Dahil sa ginawa niya ay nakuha no'n ang atensyon ng teacher na nasa harapan. "Yes! Sandoval!" masiglang tawag sa kaniya. "Anong sagot?"

Naguguluhang napatingin siya sa nakangiting teacher. Saka niya lang napagtanto na mukha pala siyang nagta-taas ng kamay. Nilibot niya ng tingin ang buong classroom at nakatuon ang atensyon sa kaniya ng buong klase.

Potek! Ano bang tanong? Napakunot-noo lang siya dahil wala siyang ideya kung ano ba ang tinatanong ng guro sa harapan. Ilang segundo rin lumipas ang awkward na katahimikan sa classroom nila. Dahil ditto ay narinig niya ang mahinang tawa ni Shawna.

"May I...go out?" Yun na lang ang tanging mga salitang lumabas sa bibig niya para makatakas na siya sa ka-awkward-an.

"Ah...sige! Sana hindi ka na nagpaalam. Sabi ko naman sa inyo dumaan na lang kayo sa likod kung mag-C-CR kayo." Tumayo na si Eros atsaka na siya naglakad palabas ng classroom.

~*~

"BAA!" Pagkalabas niya ng cubicle ng CR ay kaagad bumulaga sa kaniya si Shawna. Pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagpapanggap na hindi siya nito nakikita kaya nilampasan niya ito na parang wala lang.

"Wala ng tao sa paligid ah," sabi ni Shawna sa kaniya. "Wala ka pa rin bang balak mag-respond sa akin?"

Nagbingi-bingihan lang si Eros sa sinabi ni Shawna at pinagpatuloy ang paglabas ng CR. Sinundan naman siya nito sa likod niya habang naglalakad siya pabalik sa classroom.

"Masyado pala kitang inunderestimate!" sabi nito sa kaniya. "Hayaan mo sa susunod! Talagang mas lalo pa kitang didisturbohin at guguluhin!" nakangiting sabi nito sa kaniya.

Hanggang sa bahay nila ay talagang hindi siya tinigilan ni Shawna. Pagkarating niya sa hapag-kainan para sa sabay-sabay nilang pagsasalo ng hapunan ay bigla na lang naging puno na ang mga upuan sa hapag-kainan nila.

Sa paningin niya nga lang. Dahil si Shawna na ngayon ang nakaupo sa upuan niya. Nakangiti pa ito at kumakaway-kaway sa kaniya. Pasimpleng napabuga na lang siya ng hangin dahil sa inis.

"Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan?" tanong sa kaniya ng Ama niya. "Umupo ka na nang makakain na tayo dahil gutom na gutom na ako! Kanina pa kumakalam ang sikmura ko! Tch!"

Bwisit na babaeng 'to! Pasalamat siya at hindi ako pinalaking basta basta na lang nanakit ng babae. Hays! Ilang beses na niyang pinapatay sa utak niya ang babae. Hanggang do'n lang naman ang kaya niyang gawin. Dahil una, hindi tao ang babaeng kinaiinisan niya. Pangalawa, syempre hindi niya kayang pumatay. Oo, buwisit na buwisit siya sa presensya ng mga tao pero hindi pa naman umaabot sa puntong papatayin niya talaga ang mga ito. Hindi iyon kaya ng sikmura niya.

"Kuya!" tawag sa kaniya ni Juliet. "Bakit ayaw mong umupo?" nagtatakang tanong nito.

"Palit tayo ng upuan," utos niya sa kapatid sa mautoridad na boses. "Diyan ako! Do'n ka sa kabila!"

"Huh? Eh dito yung pwesto ko eh!"

Pinandilatan niya ng mata ang kapatid. "Isa!"

Iritadong napabuga na lang ng hangin si Juliet at sinunod ang utos ng nakatatanda niyang kapatid. Kaagad napaalis si Shawna sa upuan nang akmang uupo na si Juliet sa inuupuan niya kanina.

Pasimpleng sinamaan muna ni Eros si Shawna bago siya kaagad na umupo sa upuan. Samantalang si Shawna naman ay binigyan lang siya ng mapaglarong ngiti bago ito naglakad na palayo.

Maya't maya ay sumapit na ang oras ng pagtulog ni Eros. Antok na antok na ito at handa nang sumalampak sa kama niya. Kaya lang, may pangahas na naunang humiga sa pinakamamahal niyang kama.

Ang kaninang antok na antok na mukha ay napalitan ng pagkasimangot. Sino ba naman ang hindi kung may isang tao ang nakahiga sa kama mo at kung makahiga pa eh parang siya pa ang may-ari.

"Umalis ka diyan," sabi ni Eros kay Shawna sa nagbabantang tono.

Tinugonan siya ni Shawna ng isang matamis na ngiti habang nakahiga pa rin sa kama ni Eros. "Hindi ako aalis."

Muli na namang napabuga ng hangin si Eros dahil sa inis. Dahil do'n ay tinawanan siya ni Shawna kaya sinamaan naman siya nito ng tingin.

"Pumayag ka lang sa gusto ko at promise! Magiging mapayapa na ang buhay mo." Inangat nito ang katawan niya atsaka naman siya nag-indian seat. "Kapag natapos mo nang maisulat ang kuwento ko. Pramis uli! Lulubayan na kita at hindi na ako magpapakita pa sa 'yo."

Umismid lang si Eros sa sinabi niya. Maya't maya pa ay hinila nito ang kumot sa kama niya dahilan para muntikan pang madulas si Shawna at mahulog sa kamang inuupuan niya.

Pabagsak na nilapag ni Eros ang kumot sa sahig atsaka siya nagmamadaling kinuha ang unan niya.

Binigyan niya muli ng isang matalim na tingin si Shawna. "Hindi mo ako mapapayag sa gusto mo dahil lang sa panggugulo mo sa akin. Kapag ayaw ko, ayaw ko. Wala nang makakapagbabago ng isip ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon kay Shawna ay nilapag niya na ang unan niya sa kumot atsaka na siya nahiga.

"Talaga?" natatawang tugon naman sa kaniya ni Shawna. "Sinabi mo 'yan ah! Wala nang bawian!"

Hindi sumagot si Eros at pinikit na lang ang mga mata niya. Muling lumabas ang mahinang tawa mula sa bibig ni Shawna. "Wala ka talagang balak sabihin na tumigil na ako?"

Hindi sumagot muli si Eros. Ang balak niya lang naman ay hayaan lang si Shawna sa trip niya hanggang sa ito na mismo ang sumuko at kusang lalaho na lang na parang bula sa buhay niya. Katulad ng ibang tao ay sa tingin niya ay ganoon lang din ang gagawin ni Shawna sa kaniya. Hindi kayang tagalan ang ugali niya kaya sumuko nang makipaglapit sa kaniya.

Pero iba si Shawna sa lahat, bukod sa siya lang ang tanging nakakakita sa kaniya. Hindi rin madaling sumuko si Shawna sa lahat ng bagay. Kaya wala siyang balak tigilan ang isang taong nakakakita lang sa kaniya. Iinisin ng iinisin niya ito hanggang sa marinig niya ang mapait nitong oo.

~*~

"Bwisit," bulong ni Eros sa sarili niya. "Roleplay na naman!" Napabuntong hininga na lang siya kasabay ng pag-irap niya sa kawalan. Ito na naman tayo sa kung saan, isinasakripisyo ng bawat estudyante ang kanilang dignidad para sa grades.

Inilibot naman ni Eros ang paningin niya sa buong classroom. Palihim naman siyang natuwa nang wala siyang makitang kahit na anong bakas ni Shawna sa paligid. Sabi na nga ba, at titigil rin ang isang 'yon. Hindi na nakatiis.

Ilang araw na rin ang lumipas na puro panggugulo sa kaniya ni Shawna ang nae-encounter niya. Pero ngayong araw na ito. Mula kaninang umaga, ay walang Shawna na sumalubong o nagpakita sa kaniya. Kaya ang konklusyon na niya kaagad ay hindi na magpapakita sa kaniya ang babaeng multo na may pakpak.

Pinag-grupo na silang lahat para sa roleplay bukas. Nagbunotan na rin ang mga leader para sa topic at temang i-ro-roleplay nila. Pagkatapos ay saka na pinagbigyan ng pagkakataon ng teacher na makapag-usap ang bawat grupo.

"Ikaw Eros ang role mo naman ay..."

"Narrator," kaagad na sagot ni Eros habang prenteng nakaupo at nakahalukipkip. Natahimik naman bigla silang lahat na myembro ng isang grupo dahil sa biglaang pagsabat ni Eros.

"O sige," nasabi na lang ng leader. "Ikaw na lang ang narrator." Maya't maya ay biglang bumulong ito. "Kunsabagay, 'yon naman pala palaging role mo tuwing roleplay."

Sinabi na lang ng leader sa kanila na ise-send na lang sa GC nila ang buong script nila. Dahil do'n ay nagreklamo na naman si Eros sa isip niya. Dahil panibagong GC na naman ang matatambak sa kaniyang messenger. Kunsabagay nga naman, GC lang naman ang bumubuhay sa messenger niya dahil wala siyang jowa at wala pa siyang kaibigan. Aww!

Pero hindi naman siya nakakaawa dahil pabor sa kaniya ang ganoong buhay.

Kinabukasan gaya kahapon ay walang Shawna na nagpakita sa kaniya. Mukhang tama ang konklusyon niya na sumuko na ang babae. Sa wakas! Bumalik na rin ang matahimik niyang buhay.

Masaya ang mood niya na pumasok sa kaniyang eskwelahan. Nakakurba ang labi niya habang mabilis na pinapaandar ang kaniyang e-bike na palagi niyang ginagamit papasok ng school.

Kasalukuyang nag-aaral si Eros bilang isang senior highschool student at sinusurvive ang HUMSS na pinili niya lang dahil gusto niyang iwasan ang Math. Pero syempre, scam lang pala iyon. Dahil may mga math subjects pa din sila na unti-unting sumisira ng buhay niya.

Maya't maya ay nakita na niya ang kulay asul na building na may nakasulat na pangalan ng school na pinapasukan niya. Kaagad siyang pumasok roon gamit ang e-bike niya atsaka niya pinark ito sa parking lot. Meron namang sumunod na kotse na huminto malapit sa direksyon niya. May bumaba ritong isang babae na halatang anak-mayaman dahil sa itsura nito. Mistisa at sobrang napakakinis ng balat nito. Nakasuot ito ng kulay pink na headband na bagay na bagay sa mahabang buhok nito na aabot na sa bewang.

Mabilis na naagaw ang atensyon no'n ng mga estudyanteng mga tumatambay pa sa labas habang hindi pa nagu-umpisa ang first period. Mapababae o mapalalaki ay parehong nabighani sa ganda ng babaeng bagong dating.

"Bye Dad!" paalam niya sa Ama niya na naghatid sa kaniya.

"Ayusin mo studies mo ah!" malambing na tugon sa kaniya ng kaniyang Ama at inumpisahan nang magmaneho paalis ng school.

Lumipas ang ilang mga oras ay sumapit na ang oras para gawin na ang roleplay nila. Nag-bunotan uli ang mga leader kung sino ang mauunang magpe-perform sa harapan at maswerte naman sila Eros na hindi sila kaagad ang nauna.

Napuno ng tawanan ang buong classroom dahil sa mga kung ano-anong pinaggagawa ng iba't ibang grupo sa unahan. Karamihan ay mga napapahiya na pero go pa rin para sa grades. May mga iba na award-winning ang actingan. Edi sila na magaling!

Hanggang sa sina Eros na ang magpre-present sa unahan. Pumunta na kaagad siya sa pwesto niya habang hawak-hawak ang papel na babasahin niya. Inayos niya muna ang salamin niya atsaka siya mahinang tumikhim pagkatapos ay sinimulan na niyang magsalita.

"Isang araw magkakasama ang magkakaibigang sina Petra,Petro, Pedra at Pedro," basa niya sa papel habang walang emosyong makikitaan sa mukha niya. Para siyang estatwang may voiceover lang sa bibig.

Nang matapos ang unang eksena ay nagbasa ulit si Eros ng linya niya. "Pagkatapos nilang mag-usap usap ay bigla naman dumating ang isa nilang kaibigan. Si..." Biglang nanginig ang ulo ni Eros nang may maramdaman siyang balahibo sa kanang tenga niya. Nagtawanan naman ang mga kaklaseng nanonood samantalang ang mga kagrupo niya naman ay medyo nagtaka sa inaakto niya.

"Si Pet..." Muling naramdaman niya na nanaman ang balahibo sa kaliwang tenga naman niya dahilan para manginig na naman siya muli. "...Si Petrang."

"Masama ang ugali ni Petrang. Isa siyang...Takte!" Muli na namang tumabingi ang ulo niya dulot ng kiliti ng balahibo. "Sino ba 'yon ha?!" sigaw niya atsaka siya lumingon sa likod niya.

Kasabay nang panlalaki ng mata niya ay ang panlalaki rin ng mata ng mga kaklase niya dahil sa hindi nila mawari kung ano nang nangyayare kay Eros.

"Hoy Eros! Ginagawa mo? Walang umaano sa 'yo sa likod," kunot-noong sabi ng kaklase niya na nanonood sa unahan. Nagtawanan naman ang iba pa niyang mga kaklase dahil sa sinambit nito. Samantalang si Eros naman ay hindi makapaniwalang muling magpapakita sa kaniya si Shawna. May hawak itong isang piraso ng balahibo ng pakpak.

Walang lumabas na isang salita si Shawna pero sa biglang pagngisi nito ay nakadama kaagad ng kaba si Eros. Medyo nakukutuban na sa binabalak ni Shawna. Siguradong mapapahiya siya ngayon na siyang ayaw na ayaw niyang maranasan sa klase at lalo na tuwing roleplay.

Binalik muli ni Eros ang tingin niya sa harapan atsaka siya mahinang napabuga ng hangin. Halos umabot na rin ng limampung beses ang malulutong niyang mura sa kaniyang isip.

Mas lalong naweirduhan sa kaniya ang mga kaklase niya nang bigla na lang niyang tinabingi ang ulo niya upang matakpan ng kaliwang balikat niya ang kaliwang tenga niya. Pagkatapos ang kanang kamay naman niya ang tumatakip sa kanang tenga niya. Mas okay nang maweirduhan sa kaniya ang mga kaklase niya kaysa mapahiya.

Napanganga na lang ang mga kagrupo niya dahil sa sobrang pagtataka. Samantalang ang iilan niyang mga kaklaseng mga nasa sarili nilang upuan ay hindi nakatakas ang mga tawa sa bibig nila. May iilan ding di na rin naiwasang magkomento.

"Ano bang nangyayare na kay Eros?"

"Ang weird niya talaga kahit kailan!"

"Nababaliw na yata 'yan eh!"

Pinagpatuloy na ni Eros ang pagna-narrate, "Masama ang ugali ni Petrang. Isa siyang plastik at manggagamit na kaibigan. Subalit..." Habang nagna-narrate si Eros ay muli na namang nanginginig ito dahil ang batok naman niya ang pinagdidiskitihan ni Shawna gamit ang balahibo ng pakpak niya. Napuno ng tawanan ang buong classroom. Ito ang unang beses na napagtawanan si Eros sa roleplay. Dahilan kaya sobrang masama ang timpla ng mood niya hanggang sa sumapit na ang uwian.

"Hoy!" mariing tawag niya ka Shawna pagkatapos niyang hilain ito papunta sa isang cubicle sa CR. "Sumusobra ka na ah! Bakit kailangan mo akong ipahiya sa harapan nila?!" singhal niya rito.

Inosenteng tinignan lang siya ni Shawna. "Napahiya ka ba? Natuwa nga sila sa 'yo eh."

Tanging nagawa na lang ni Eros ay ipagdikit ng madiin ang mga labi niya para makontrol ang inis niya sa kausap niya.

"Wala naman tayong napag-usapang rules or anything kaya..." Mapang-asar itong ngumiti kay Eros pagkatapos. "Pwede kong gawin ang lahat."

"Kelan ka ba titigil ha?!" iritadong tanong nito habang binibigyan ng matalim na tingin si Shawna. "Akala ko ba naman hindi ka na magpapakita! Bwiset! Bakit nagpakita ka na naman?!"

"Bakit?" Hindi pa rin nawawala ang mapaglarong ngiti sa labi ni Shawna. "Namiss mo ba ako?"

Hindi sinasadyang napayukom ang kamao ni Eros dahil sa sobrang pagkairita. Kaagad iyon napansin ni Shawna. "Okay dude, you need to calm down," sabi nito habang nakatingin sa kamao niya pero hindi pa rin nawawala ang mapaglarong tono ng boses nito. "Akala ko ba naman coldy type of person ka. May pagkahot-headed ka pala. Kalma ka lang dude!" Tumawa ito pagkatapos niyang sabihin iyon kaya hindi rin nakatulong ang sinabi niya para mawala ang pagkabadtrip ni Eros. Kung tutuusin ay mas lalong lumala pa nga.

"Anong gusto mong gawin ko?" kalmado pero may diin ang pagkakatanong no'n ni Eros kay Shawna.

Hindi sumagot si Shawna at humalikipkip lang sa harap niya atsaka tinaas ang isang kilay niya.

Napabuntong-hininga na lang si Eros. Naintindihan niya na kaagad ang ibig-sabihin ng tingin ni Shawna sa kaniya.

"Oo na, sige na. Pumapayag na akong isulat ang baduy at cringy mong kuwento," walang kabuhay-buhay na sabi ni Eros.

Mula sa playful expression ay kaagad naging mataray ang ekspresyon ng mukha ni Shawna. Tinabingi niya ang ulo niya habang nakatitig sa mukha ni Eros.

"'Di ba sabi mo kung ayaw mo, ayaw mo. Wala nang makakapagbabago ng isip mo."

Napairap si Eros. "Ano na naman bang problema mo? 'Di ba yun naman ang gusto mo, ang isulat ko ang kuwento mo?"

Umiling-iling si Shawna. "Nah. Nagbago na ang isip ko. Mukhang hindi yata iyon ang pinakahuling desire ko bago ako namatay."

Pinanliitan lang siya ng mata ni Eros bilang tugon.

"Lovelife," sambit ni Shawna atsaka niya inilapit ang mukha niya kay Eros dahilan para kaagad inatras ni Eros ang sariling mukha niya. "Lovelife ang huling desire ko bago ako namatay kaya nagsulat ako ng isang romance novel."

"Oh ano ngayon kung lovelife?" nakasimangot na tugon ni Eros. "Maghahanap ka ng i-bo-boyfriend mo eh ako nga lang nakakakita sa 'yo."

"Kaya nga! Ikaw lang nakakakita sa akin kaya ikaw lang ang pwede kong maging boyfriend." Muling bumalik ang mapaglaro at matamis na ngiti sa labi ni Shawna. "Ano, Eros? Yes or yes?" Napuno naman ng confusion ang mukha ni Eros dahil sa huling sinabi niya habang nakatitig sa naghahamong tingin ni Shawna.

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Fourteen

    Chapter Four Fourteen Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa? Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe. Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Encounter of Two Lovers

    Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Friend Request

    Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse

    Huling Na-update : 2021-04-07
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ask him out

    Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub

    Huling Na-update : 2021-04-14
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Villain is My Name

    Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy

    Huling Na-update : 2021-04-14
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

    Huling Na-update : 2021-04-19
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

    Huling Na-update : 2021-04-30
  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

    Huling Na-update : 2021-04-30

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status