Home / YA/TEEN / The Cupid (Tagalog/Filipino) / The Case of Missing Laptop

Share

The Case of Missing Laptop

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter One

The Case of Missing Laptop

"Jessie, you know I always tell the truth," seryosong saad ni Dylan sa kaharap niyang babae.

Dahan dahang tumunghay si Jessie sa lalaking nasa harapan niya habang bakas ang gulat sa kaniyang mukha.

"I'm not just protecting you because of my guilt or because I dragged you into this. I'm protecting you because I have feelings towards you." Seryoso ang mukha ni Dylan habang binibitawan ang mga salitang iyon kay Jessie.

Mahinang tumawa si Jessie. "You're just confused."

"I am not," mariing tugon ni Dylan. "Kilalang kilala ko ang sarili ko, Jessie." Diretso siyang tumitig sa mga mata nito. "Ayokong dito lang magtapos ang pagpro-protekta ko sa 'yo. Mapapanatag lang ako kung hahayaan mo kong manatili sa tabi mo."

Maingat na dumapo ang kamay ni Dylan sa kaliwang pisngi ni Jessie habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya rito.

"Promise me, then," saad naman ni Jessie habang seryoso ring sinasalubong ang tingin ni Dylan.

"Promise, what?"

"Kung gusto mong manatili sa tabi ko, huwag mong ipapahamak ang sarili mo," ani Jessie.

Ngumiti si Dylan at tumango-tango bilang tugon dahilan para mapangiti rin si Jessie. Maya't maya sa kalagitnaan ng pagtititigan nila ay kusang gumalaw ang mga ulo nila hanggang sa natagpuan na lang nila ang mga sarili nila na unti unting lumiliit ang distansya sa kanilang mga mukha. Nang maging sapat na ang lapit nila sa isa't isa ay saka...

Marahas na napahilamos naman si Eros sa mukha niya habang nakaharap sa screen ng kaniyang laptop. Kasabay no'n ay ang paglabas ng impit na sigaw mula sa bibig niya na akala mo kung sinong kinikilig sa eksenang sinusulat niya pero nagkakamali kayo. Hindi talaga siya kinikilig. Ang totoo niya'n ay nacri-cringe siya sa sinusulat niya kaya gano'n na lang ang reaksyon niya.

Maya't maya inalis na niya ang mga kamay niya sa mukha. Atsaka nanliit ang mga mata niya nang makita niya muli ang mga salitang tinype niya sa kaniyang laptop. Napabuntong hininga na lang siya kasabay nang pag-irap ng mga mata niya. Bahagyang tinaas niya naman ang isa niyang kamay.

"Ano bang susunod na ilalagay ko? Punyemas naman!" Tumingala siya na akala mo naman ay may mga lalabas na mga letra sa ere na makakatulong sa kaniya.

"Ay saka...nagdampian ang kanilang mga labi?" nakangiwing sabi niya. "Argh!" nasabi niya dahil sa kaniyang pandidiri atsaka siya napailing. "Ay saka nila naramdaman ang labi ng bawat isa...Ugh! Yak! Inumpisahan na nilang sakupin ang labi ng bawat isa? Ugh! Potek! Ayoko na!" Inis niya na lang hinawakan ang sentido niya gamit ang dalawang kamay. "Bakit ko ba pinipilit na lagyan ng romance itong mystery novel na 'to eh alam ko namang hindi ako magaling do'n! Tch!" Padabog niyang inalis ang mga kamay niya sa mukha niya atsaka niya na inumpisahang pindotin ng paulit-ulit ang backspace sa keyboard. Kaya napunta lang sa wala ang 700 words na naitype na niya sa MS Word.

Pagkatapos ay sinara na niya ang laptop at iniwan na niya ito sa kaniyang kwarto.

Eros ang pangalan niya na kinuha mula sa Greek god of love na si Kupido. Kaya nga lang ay malayong malayo ang pangalan niya sa personality niya. Siya ang klase ng taong napaka-allergic sa love. Wala naman siyang traumatic heartbreaks or rejections sa past gaya ng ibang mga taong biglang nagiging bitter. Talagang ganoon na talaga siya since birth. Pati nga rin ang pamilya niya ay nagtataka sa pagiging ganoon niya dahil hindi man lang niya namana ang pagiging romantiko ng mga magulang niya. Sa sobrang romantiko nga ng mga magulang niya ay pati ang mga pangalan nilang magkakapatid ay puro mga hango sa lovestories na nababasa o napapanood. Katulad niya na kinuha naman ang pangalan sa isang kupido.

"Ma!" tawag ni Eros kay Venus, ang kaniyang mudra.

"Ma!" tawag niya ulit rito nang makalapit na siya. Kasalukuyang naghi-hiwa naman ang Mama niya ng mga isasahog niya sa niluluto niyang sinigang. "Tawag ka sa labas."

Biglang napahinto sa paghihiwa si Venus at lumitaw ang malawak na ngiti na may halong pagkasabik sa bibig niya. "Harujusko! Dumating na yata ang mga bagong plato na inorder ko online!" Impit pa itong tumili dahil sa hindi mapigilang excitement atsaka binitawan ang kutsilyo. "Ikaw bantayan mo muna 'yang pinakuluan ko." Atsaka na siya mabilis na nagmartsa paalis.

"Ma!" Napakamot na lang sa ulo si Eros dahil hindi na niya nagawang pigilan ang kaniyang ina. "Anubayan Ma, lima lang tayo sa bahay pero aabot na yata ng isang daan ang mga plato natin," nakangiwing bulong nito habang kamot-kamot pa din ang ulo niya.

"Bwisit ka Rose! Akin na sabi 'yan!" Napatingin naman si Eros sa dalawang kapatid niya na naghahabolan.

"Saglit lang! Pasilip lang ng buong laman ng album!" ani naman ni Rose. Ang bunso sa kanilang magkakapatid. Thirteen years old pa lang at kasalukuyang nag-aaral bilang grade 7.

"Ayoko nga sabi! Ibalik mo na sa akin 'yan!" nanggigigil naman na singhal ni Juliet sa kapatid niya. Ito naman ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Tatlong taon ang agwat nito kay Eros kaya nasa fifteen years old pa lang ito at kasalukuyang nag-aaral naman bilang grade 9.

Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin ang dalawa niyang kapatid na pinag-aawayan ang isang album. Tinuon na lamang niya ang atensyon niya sa pagbabantay ng karne na pinakukuluan.

"Wow! Himala! Anong nakain mo at ikaw ang nagluto ngayon?" biglang dumating naman ang ama ng tahanan nila na si Fitzwilliam.

"Ha? Hindi ako ang magluluto nito, Pa! Wala akong alam sa sinigang!" tugon naman nito sa Papa niya.

Napailing iling na lang ang Papa niya atsaka ito lumapit sa kinaroroonan niya. "O siya! Ako nang bahala rito, patahimikin mo yung dalawa mong kapatid." Sabay nguso nito kina Juliet at Rose na kasalukuyang nagtatalo pa din.

"Tch! Sige po." Napakamot na lang sa ulo si Eros at sinunod ang inutos sa kaniya ng Ama niya. "Hoy kayong dalawa manahimik kayo d'yan ah! Kung hindi, hahatiin ko sa dalawa 'yang album na pinag-aagawan niyo." Mabilis na napatahimik kaagad ni Eros ang dalawa niyang kapatid atsaka na siya muling umakyat sa taas para magbasa muna ng libro habang hinihintay ang sinigang ng kaniyang ina.

Hinugot niya ang isang libro mula sa mga bookshelves niya na marami-raming libro ang nagsisiksikan na roon. Lumitaw ang isang satisfied na ngiti nang makita niya ang libro atsaka na siya umupo sa kama at inumpisahang basahin ito.

Mystery, thriller at suspense. Ito ang mga paboritong babasahin ni Eros. Para sa kaniya ay boring ang mamuhay kung walang tanong ang gumugulo sa isip niya. Walang kulay rin ang buhay kung wala siyang inaabangang sagot. Kaya para maramdaman niya ang mga ganoong bagay, ay tinutuon niya madalas ang sarili niya sa pagbabasa ng mga mystery novels para paulit ulit niyang maranasan ang mabaliw sa mga tanong na gumugulo sa isipan niya.

Hanggang sa kinabukasan, pagsapit ng umaga. Sa wakas, nagkaroon na ng malaking question mark sa utak niya. At ngayon ay hindi na dahil sa nobelang binabasa niya.

"Anak ng-!" Napahawak siya sa ulo niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa study table. "Bakit wala dito yung laptop ko?!" singhal niya pagkatapos ay inumpisahan na niyang haluglogin ang buong kwarto niya. Maski basurahan ay hindi niya pinalampas kahit imposibleng magkasya naman doon ang laptop niya.

Hanggang sa ginawa na niya ang huling option na naisip niya. Hinarap niya ang isa niyang kapatid. Si Juliet.

"Hoy! Nasayo ba yung laptop ko? Ginamit mo ba?" Kinunotan naman siya ng noo ng kapatid dahil sa tinanong niya.

"Ano?" ani nito. "Alam mo naman na may sarili akong laptop?" Pinilit naman ni Eros na makapasok sa kwarto niya at doon hinanap ang laptop niyang nawawala.

"Kuya!" saway sa kaniya ni Juliet. "Ano bang ginagawa mo?! Wala diyan yung laptop mo!"

Hindi umimik si Eros at walang imik lang siyang naghanap sa kwarto ni Juliet. May napulot naman siyang magnifying glass at kaagad niyang ginamit ito sa paghahanap dahilan para maningkit ang mga mata ni Juliet. "Kuya? A...Anong ginagawa mo?" medyo pigil tawa niyang tanong kay Eros na kasalukuyan nang nakadapa ngayon sa paghahanap.

Inis na tumayo si Eros mula sa pagkakadapa atsaka nilapag na sa lamesa ang magnifying glass. "Bwisit naman! Kailangan ko pa naman dalhin 'yon ngayon sa school!" nanggigigil na sabi niya atsaka na siya padabog na nagmartsa palabas sa kwarto ni Juliet. Napapitlag naman si Juliet nang lumikha ng malakas na tunog ang pagsara ng pinto.

"Ang aga-aga, may dalaw na naman si kuya," nakasimangot na bulong niya.

"Hoy bubwit!" Sunod na pinuntahan ni Eros si Rose na kasalukuyang busy sa pagti-trintas ng kaniyang buhok habang hinu-hum ang tono ng isang kanta ng kpop group na paborito niya.

Muling kinatok ni Eros ang pinto ng kwarto niya. "Isa! Kapag hindi mo ito binuksan kaagad-"

Nang marinig iyon ni Rose ay mabilis kaagad siyang tumayo at nagtungo sa pintuan saka binuksan ito. Bumungad naman sa kaniya ang mukha ng kuya niyang hindi na maipinta dahil sa sobrang pagkabadtrip ngayong umaga.

"Yung laptop ko! Akin na!"

Kaagad namilog ang mga mata ni Rose dahil sa sinabi ng kuya niya. "Ano? Wala sa 'kin ang laptop mo, kuya."

Pinandilatan siya ng mata ni Eros. "Nagsisinungaling ka pa! Akin na sabi!"

"Wala nga sa akin, kuya!" Tumabi naman siya sa daanan at pumunta sa gilid. "Kahit i-check mo pa dito sa room ko."

Sinamaan muna siya ng tingin ni Eros bago siya pumasok sa kwarto ni Rose. Nang tuluyan na siyang makapasok ay saka na niya inumpisahang hagilapin ang laptop niya.

Lumipas ang ilang minuto, wala siyang natagpuang laptop sa kwarto ni Rose dahilan para muli niyang bigyan ng matalim na tingin ang kapatid.

"O diba? Sabi ko sa 'yo wala eh-" Natigilan naman sa pagsasalita si Rose nang makarinig na lang siya ng malakas na tunog galing sa kaniyang pinto. Tuluyan na palang nakalabas na ng kwarto ang bugnutin niyang kuya na may regla ngayong umaga.

Dahil dito, pumasok tuloy si Eros na masama ang umaga niya. Parang napapalibutan ng itim na aura ang buong katawan nito habang naglalakad papasok sa classroom niya.

Pagkabukas niya ng pinto ng classroom ay napalingon kaagad sa direksyon niya ang mga kaklase niya at kalaunan ay kaagad ring nagsi-iwasan ng tingin.

Hindi naman siya isang gangster figure sa school nila na kinatatakutan. Hindi rin siya isang sikat na popular guy na isang bully sa campus nila. Sadyang wala lang pakielam sa kaniya ang mga kaklase niya kaya hindi na sila nagsayang ng oras para titigan pa ang buong pagkatao niya.

Si Eros ay sabihin na lang nating isang loner sa class nila. Isang nobody. Isang invisible man. Marami na ang sumubok na makipagkaibigan sa kaniya pero lahat sila ay sumuko rin sa kaniya. Lahat kasi sila hindi nagustuhan ang timpla ng pag-uugali ni Eros. May iilan pa ngang binansagan siyang 'isang dakilang KJ ng classroom' nila. Pero syempre walang pakielam si Eros, kung tutuusin nga ay nagustuhan niya ang naging bansag sa kaniya dahil totoo naman iyon.

Pabor din sa kaniya ang kaniyang pagiging loner dahil sa pagiging anti-social niya. Ayaw na ayaw niyang nakikipagsalamuha sa tao at ayaw niyang palaging may taong nasa tabi niya. Ang dahilan? Hindi niya rin alam kung bakit. Sigurado naman siyang hindi siya pinaglihi sa sama ng loob.

Dire-diretso siyang naglakad patungo sa leader ng group nila na magrereport mamaya. Walang patumpik-tumpik niyang binanggit na, "Wala tayong gagamitin mamaya para sa powerpoint presentation. Hindi ko dala ang laptop ko."

Kaagad nagsalubong ang kilay ng kinausap niyang babae dahil sa sinambit niya. Isa kasi ito sa mga grade conscious at academically competitive sa klase. "Ano kamo?!" inis na singhal nito kay Eros. "Bakit hindi mo dinala?! Sinabi ko na sa 'yo na dalhin mo 'di ba?!" Bahagyang tumaas na ang boses nito.

"Gumawa na lang tayo ng visual aid. Makakahabol pa tayo mamaya," suhestyon sa kaniya ni Eros.

Tinaasan siya ng kilay nito. "Ano? Ikaw ang nakatoka d'yan kaya gawin mong mag-isa 'yan," inis na sabi nito sa kaniya. Dahil dito ay mas lalong nadagdagan ang pagkabadtrip ni Eros ngayong umaga dahil nakikisabay pa ang babaeng ito. "'Yan na nga lang ang gagawin mo at wala ka nang ipapaliwanag hindi mo pa magawa ng maayos."

At boom! Tuluyan nang naubos ang pasensya ni Eros. Wala na siyang balak mag-explain pa kung ano talaga ang rason kung bakit hindi niya dala-dala ang laptop niya.

"Okay, hindi ako gagawa ng visual aid nang ako lang mag-isa. Bahala kayo sa mga buhay niyo." Kaagad umalis na sa harapan niya si Eros pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatayo naman ang babae dahil sa inis habang masamang tinitignan si Eros na naglalakad palayo sa kaniya.

"Hoy Sandoval!" inis na tawag niya rito pero nagbingi-bingihan lang ang binata sa tawag niya.

~*~

"And that's the end of our presentation! Any questions? None? Okay good." Nagmistulang parang isang puno lang sa roleplay si Eros sa report ng grupo nila. Nakagawa naman sila ng visual aid pero hindi kasama sa mga gumawa si Eros. Hindi na nila tinawag si Eros kaya wala itong kaalam alam na gumawa na pala ang grupo niya ng visual aid para sa report nila. Hindi rin siya binigyan ng parte sa reporting kaya talagang mistulang nagmukhang puno lang siya sa harapan. Nanatiling nakatayo lang.

"Santos, anong contribution ni Sandoval sa grupo niyo?" seryosong tanong ng teacher nila. Dahil do'n ay biglang napunta kay Eros ang tingin ng mga kagrupo niya. Pero nanatili lang ang IDGAF straight face ni Eros na karaniwang signature na ekspresyon ng mukha niya.

Samantalang si Santos naman ay sinamaan muna ng tingin si Eros na wala pa ring pakielam atsaka siya nagsalita, "Ahm...Siya po yung nagbayad ng mga materials para sa visual aid." Kaagad kumunot ang noo ni Eros dahil sa sinagot niya.

Tumango tango naman ang teacher habang nakatutok ang tingin sa One-fourth yellow pad na hawak-hawak niya. "I see, kaya pala siya ang may pinakamababang grade sa evaluation niyo. Mr. Sandoval, you should learn how to participate in a group. Babagsak talaga ang grade mo kung hindi ka nagco-contribute ng maayos. You understand?"

Tahimik na tumango lang si Eros bilang tugon sa maiksing sermon sa kaniya ng teacher at pagkatapos ay pinabalik na sila sa mga upuan nila. Nang matapos ang klase ay kaagad lumapit si Santos kay Eros at siningil sa kaniya ang mga perang nagastos sa visual aid.

Wala nang nagawa si Eros kundi ilapag sa palad niya ang pera habang binibigyan ito ng matalim na tingin.

Inis na napabuntong hininga si Eros nang umalis na si Santos sa harapan niya. Sa totoo lang ay ayaw na ayaw niya ang mga groupings. Bukod sa ayaw niyang makipagsalamuha. Palaging wala pang tiwala ang mga kagrupo niya na ipagawa ang ibang mga bagay. Mas gugustuhin niya na lang ang magsolo at siya na lang ang gumawa ng lahat. Kaysa gumawa siya ng mga madaming gawain na pakikinabangan naman din ng ibang tao. Idagdag pa na palaging mababa ang grade nia sa evaluation ng leader.

Ang pagkabadtrip niya kaninang umaga ay nadala niya hanggang hapon, ang oras na ng pag-uwi niya galing sa school. Pagdating niya sa bahay nila ay tinuon na niya ang atensyon niya sa paghahanap sa kaniyang laptop dahil wala naman din siyang hinahabol na oras.

Hindi na niya maiwasang mag-alala. Chineck niya ang bintana. Tinignan kung may bakas ba ng pwersahang pagbukas nito. Sandali niyang naimagine na para siyang bidang karakter sa mga mystery novels dahil sa pagreresolba niya sa kaso ng misteryosong pagkawala ng kaniyang laptop.

"Imposible namang nanakaw 'yon! Bakit laptop ko lang ang napili niyang nakawin kung gano'n!" iritadong bulong niya sa sarili. "Bwisit! Ang dami ko pang drafts do'n na hindi natatapos! Pusang gala naman!"

Bukod sa ando'n ang pangangailangan niya sa school. Ang pinakaunang kinababahala niya talaga ay ang mga rough drafts ng mga 50+ na mga unfinished mystery novels niya. Bakit madami? Kasi palagi siyang nag-aabandona ng story sa tuwing may bagong idea na sumusulpot bigla sa isipan niya.

Pero bukod pa do'n ay may isa pa siyang kinababahala na katakot-takot.

~*~

"Nawawala daw laptop mo?" tanong ni Fitzwilliam. Ang ama ni Eros.

Kasalukuyang kumakain ngayon ng hapunan ang pamilyang Sandoval. Sa hapunan na lang kasi sila nagkakasabay-sabay kumain dahil tuwing umaga. Mas maagang pumapasok ang ama nila at silang magkakapatid lang kasama ang ina nila ang sabay-sabay na kumakain ng almusal bago pumasok sa eskwelahan silang magkakapatid.

Nang marinig ni Eros ang sinabi ng ama niya ay kaagad niyang sinamaan ng tingin ang dalawa niyang kapatid na mabilis ring nagkaniya-kaniyang nagsi-iwasan ng tingin sa kaniya.

"Hoy Eros!" At ito na nga ang kinatatakot niya nang sumabat na ang kaniyang ina. "Nasaan ang laptop mo?!" Bahagyang lumakas na ang boses ni Venus sa kaniyang anak. "Huwag mong sabihing naiwan mo sa school?!"

"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ng ama niya. "Ang mahal-mahal ng laptop mo tapos hindi mo iingatan?! Magkano pa naman bili ko d'yan!"

"Akala mo ba nag-tae lang ang ama mo ng pera para d'yan sa laptop mo?!" singit naman ng ina niya dahilan para mapangiwi silang magkakapatid at pati rin si Fitzwilliam.

"Hon, baka nakakalimutan mong nasa kainan tayo?" rinig ni Eros na bulong ng ama niya kay Venus.

"Ay oo nga pala!" ani Venus nang marealize niya na hindi pala tama ang sinabi niya. Pagkatapos ay mabilis niyang ibinalik kay Eros ang atensyon niya. "Akala mo ba ay iniitlog lang ng ama mo ang pera para d'yan sa laptop mo?! Ano ngayon ang gagamitin mo?! Paano na iyan?! Alam mo namang hindi biro din ang ginastos d'yan sa laptop mo tapos hindi mo iniingatan ng maayos!"

Alam niyang hindi matatapos ang kainan. Hindi matatapos ang sermon kung hindi siya magsisinungaling. Walang katapusang sisigawan siya ng ina niya ngayong gabi kung wala siyang gagawin. At iyon ang ayaw niyang mangyare.

"Ayos na po. Pinahiram ko pala sa kaibigan ko. Lately ko lang naalala." Napapitlag naman si Eros nang biglang tinutok ng ina niya ang tinidor sa kaniya.

"Bawiin mo na 'yon kaagad sa kaniya!"

Tumango-tango si Eros bilang tugon."Opo," magalang na tugon nito.

Pero lumipas ang ilang araw ay wala pa rin sa poder niya ang kaniyang laptop. Iniisip na ni Eros kung paano nga kung nanakaw ang laptop niya. Paano niya ipapaliwanag sa magulang niya ang totoo kapag nabisto ng mga ito na nagsisinungaling siya? Bukod pa do'n ay may isa pa siyang piniproblema.

"Eros, kailangan mong dalhin ang laptop mo bukas. Kailangan na kasing ipa-check kay Ma'am ang chapter 2 natin. Babagsak tayong lahat sa Research kapag wala tayong naipa-check kay Ma'am."

Napangiwi si Eros at naiilang na napatawa na lang sa isip niya. Bwisit na buhay 'to! Oo! Bakit ba ang malas-malas mabuhay?!

"Ge," sagot na lang nito sabay tango atsaka na umalis ang babae sa harapan niya. Napasampal na lang siya sa noo niya nang tuluyan nang nawala sa harapan niya ang kagrupo niya naman sa research. Nasa laptop niya kasi ang buong chapter 2 at kasama rin do'n ang parte niya na pinaghirapan niyang hanapan ng iba't ibang source para lang sa related studies ng kanilang thesis.

Hanggang sa kaniyang pag-uwi ay pinroblema niya ang tungkol sa bagay na iyon. Walang kabuhay-buhay niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang kwarto. Pagkatunghay niya ay bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.

May isang babaeng nakatalikod sa kwarto niya. Nakasuot ng puting longsleeve na dress at mayroong pakpak na kulay pink. Hanggang balikat naman ang wavy nitong kulay tsokolate na buhok.

"HOY SINO KA?!"

Gulat na napalingon sa kaniya ang babae. Dahil doon ay saka niya napagtanto na ito pala ang salarin sa pagkawala ng kaniyang laptop.

"MAMA! MAY MAGNANAKAW!"

Kaugnay na kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ghost Writer

    Chapter TwoGhost Writer"MAMA! MAY MAGNANAKAW!"Dahil sa isinigaw ni Eros ay nataranta ang babaeng pangahas na pumasok sa kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata nito habang kukurap kurap na tinuturo niya ang sarili niya."Ha? Teka? Nakikita mo ko?" reaksyon nito pero hindi nito pinansin ni Eros hanggang sa dumating na nga ang ina nito sa tabi niya."Oh? Nasaan ang magnanakaw?" kaagad na lumabas sa bibig ng ina niya. Bitbit-bitbit na nito ang sandata niyang walis tambo na handang handa na niyang ihampas sa mga kampon ng kadiliman.Kaagad tinuro ni Eros ang babaeng may pakpak. "Ayan Ma! Nasa harapan lang

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Yes or Yes?

    Chapter ThreeYes or YesSa dami ng nabasa ni Eros, dumating rin sa punto na nagsawa na siya sa kakabasa. Hindi dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang mga nababasa niya kundi dahil hindi na siya nakukuntento na hanggang sa pagbabasa na lang ang ginagawa niya. Doon pumasok sa isip niya na magkaroon ng panibagong libangan bukod sa pagbabasa ng mga mystery novels.Inumpisahan niya sa papel. Kahit maraming grammatical errors ay tinuloy niya pa rin ang pagsusulat dahil wala pa siyang masyadong ideya sa kaniyang ginagawa. Ang alam niya lang ay nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na inilikha niya na nagmula sa isang inspirasyon na nakuha mula sa iba't ibang nobelang nabasa niya.Mula sa papel ay lumipat siya

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Fourteen

    Chapter Four Fourteen Mahirap para kay Eros na i-imagine ang sarili niyang palaging may taong nasa tabi niya o kahit may isang tao man lang na nakakasama niya nang matagal. Kung hindi niya nga nakikita ang sarili niya na magka-bestfriend paano pa kaya ang magka-jowa? Hindi alam ni Eros kung ano ang nangingibabaw na emosyon niya ngayon. Naramdaman niya ang pagtaas ng kaniyang mga balahibo sa batok. May tatlong klase kasi ng cringe. May cringe na ang epekto ay inis or galit. May isa pang uri ng cringe na parang nahihiya ka. At ang huli ay natatawa ka kasi nga cringe. Ngayon, sabay sabay niyang nararamdaman iyon. Naiinis siya na medyo natatawa. Pero bago pa man lumabas ang sarkastikong tawa sa bibig

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Encounter of Two Lovers

    Chapter FiveThe Encounter of Two LoversPaano nga ba uumpisahan ang isang lovestory? Kung sabagay, obvious naman ang sagot. Malamang nag-uumpisa lang naman ang lovelife ng isang tao kapag nagkita na silang dalawa ng kaniyang magiging ka-couple niya sa future. Pero ang tanong? Sa anong paraan pagkikitain ang dalawa?Ito ang problemang kinakaharap nina Shawna at Eros kaya hindi pa nila nauumpisahan ang nobela nilang dalawa. Dahil panay reklamo ang isa na ang cheesy o ang corny daw at kung ano-ano pang mga ibang term na palaging ginagamit ni Eros pang-insulto sa mga romantic scenes na palagi niyang pinandidirihan.Ngayon ay sumapit na ang fourteen, ang araw kung saan gaganapin na ang activity nila sa Cr

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Friend Request

    Chapter SixFriend RequestKasalukuyang nakalobo ang mga pisngi ni Clarisse dahil sa pagdakma ni Eros sa mukha nito. Samantalang si Eros naman ay naglo-loading pa rin ang utak. Parang mistulang huminto ang buong paligid dahil lang sa katangahan niya.Ngayon, napagtanto na niya. Totoo pala ang mga reaksyon ng mga bida sa mga napapanood niyang mga romance drama. Talagang sa sobrang awkward mo hindi mo namamamalayan na matagal kang mapapatitig sa taong nasa harapan mo. At ganoon nga ang pakiramdam, parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Hindi ganoon kadaling takbuhan ang sariling katangahan dahil bigla na lang mag-la-lag ang buong katawan mo.Bumalik na lang ang diwa niya nang si Clarisse

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Ask him out

    Chapter SevenAsk him out"Woah! I was going to buy that book online dapat eh! I'm glad meron ka palang copy n'yan! May I borrow that one?"Lumitaw ang isang matipid na ngiti sa labi ni Eros nang matapos na niyang basahin ang chat ni Clarisse sa kaniya. Kasalukuyang nakaupo lang ito sa kama at nakatungong nakatingin sa cellphone niya."Pag-iisipan ko,"reply naman ni Eros sa kaniya."Signed copy 'yon kaya hindi ko basta 'yon pinapahiram.""Ililibre kita ng lunch," sunod na reply ni Clarisse."Nagbabaon ako," ani Eros sa chat nila."Anub

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Villain is My Name

    Chapter EightVillain is My NameParang lantang gulay na umuwi ng bahay nila si Juliet. Walang kabuhay-buhay ang mga mata nito. Halatang mayro'ng hindi maganda na nangyare sa school nito pero mabuti na lang at walang nakapansin sa mood niya dito sa bahay dahil wala siyang balak ipaalam sa pamilya niya ang mga naganap sa kaniya sa school. Natatakot kasi itong masabihan na mababaw o kung ano-ano pang mga salita na hindi magugustuhan ng pandinig niya.Pagkapasok sa kwarto ay humiga ito sa kama. Tulala na napatingin sa kisame. Madami siyang binabanggit sa isip niya pero ni isa doon ay sa tingin niya ay walang makakatulong sa sitwasyon niya ngayon.Nang mabagot na siya sa kaniyang pag-iisip ay naisipan niy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Hate and Fear

    Chapter NineHate and Fear"Napapansin ko, palagi kang mag-isa..." sabi ni Clarisse habang nakaangkas ito sa e-bike ni Eros. Kasalukuyang hinahatid kasi siya ni Eros pauwi ng bahay nila. "Wala kang kaibigan sa section niyo?""Oo," simpleng sagot lang sa kaniya ni Eros."Bakit?" sabi ni Clarisse. "Mabait ka naman ah.""Baliw ka ba? Ako sinasabihan mong mabait?" Mahinang natawa si Eros dahil sa sinabi niya."Bakit hindi ba?" tanong pabalik ni Clarisse. "Para sa akin, mabait ka naman.""Mabait lang ako sa 'yo kasi may pagkakapareha tayo." Lumiko sa isang daan si Eros. Habang pokus na pokus ang tingin nito sa daan. Kahit nangingibabaw ang tunog ng ibang sasakyan sa daan ay malinaw pa rin naman sa pandinig niya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clarisse. "At wala naman yata akong rason para maging masama sa 'yo, 'di ba? Pasalamat ka na lang."Mahinang tumawa si Clarisse. "Sabagay," pagsang-ayon

Pinakabagong kabanata

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist

    Chapter FifteenThe ProtagonistKamakailan lang ay naghahangad si Eros na sana bukod sa kapatid niya ay may iba ng taong makakabasa ng gawa niya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay napupuno na ng kompiyansa ang dibdib niya. Ayaw niya sanang sayangin ang oras niya sa pagsali ng mga writing contest dahil sa tingin niya ay hindi siya handa para sa mga ganoon.Nakikita na ni Juliet ang pagdadalawang isip ng kuya niya base sa ekspresyon ng mukha nito kaya kaagad siya nag-isip ng paraan para makunbinsi ito.“Hindi kasi sapat na ako lang ang magbibigay ng opinyon sa gawa mo kasi hindi naman ako isang professional pagdating sa ganito. Mababaw ako magbigay ng opinion sa mga ganito. Basta nagustuhan ko, yun lang naman ang palagi kong sinasabi. Kung gusto mo talaga kuya yung ginagawa mo, maglevel up ka syempre.”Tanging katahimikan lang ang isinagot ni Eros sa sinabi ng kapatid niya. Pero hindi naman ibig sabih

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   First Reader

    Chapter FourteenFirst Reader“MA!” Napaigtad si Venus nang marinig niya ang malakas na boses ng panganay niyang anak na si Eros. Mabibigat ang mga hakbang nito sa pagbaba ng hagdanan dahilan para makalikha rin ito ng malakas na ingay. Napapikit na lang ng mariin si Venus dahil nakukutuban na niya na siya na naman ang gagawin na naman siyang lost and found ng kaniyang anak..“Ma! Nakita mo ba yung laptop ko?” tanong kaagad ni Eros nang makarating na ito sa kinaroroonan ng ina niya.Inis na hinarap ni Venus ang anak niya. “Bakit ako tinatanong mo? Nandiyan lang ‘yan! Hanapin mo ng maigi! Na-misplace mo lang ‘yan!” Atsaka ito tumalikod na para ibalik ang atensyon niya sa kaniyang niluluto.“Imposibleng na-misplace ko lang yun Ma! Tandang tanda ko pa na nasa lamesa ko lang yun nilapag!”

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Reverse

    Chapter ThirteenReverseAlam na ni Eros mula sa umpisa kung ano ang magiging desisyon niya. Walang pag-aalinlangan niyang binanggit sa isip niya na wala siyang balak isalibro ang nobelang kasalukuyan niyang isinisulat ngayon. Ayaw nga niya na may ibang taong makabasa nito, ang maging libro pa kaya? Idagdag mo pa na hindi naman talaga ganung genre ang naeenjoy niyang isulat.Pero sa di malamang dahilan, ay nabo-bothered si Eros sa sinabi sa kaniya ni Shawna. Pakiramdam niya kasi na para bang may baliktad na ibig sabihin ang sinabi niya. Hindi niya maiwasang bigyan ito ng nagdududang tingin sa tuwing dumadako sa kaniya ang tingin niya. Bigla niya kasi naaalala ang eksenang iyon.Pero sa ngayon ay

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Our Desire

    Chapter TwelveOur DesireIsa sa mga bagay na hindi niya maintindihan ay bakit parang ayaw yata ng mga tao na maging masaya siya? O 'di kaya'y baka sila mismo ang hindi maintindihan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kaniya.Kung sabagay, mula pa nung una ay pakiramdam niya ay naiiba siya sa lahat. Kaya alam niya sa sarili niya na walang taong makakaintindi sa kaniya kahit pa mismo ang sarili niyang kadugo. Kaya hindi na siya naghangad na magkaroon ng kaibigan dahil sa huli ay kinukutya lang ng mga ito ang mga bagay na gusto niyang gawin.Kaya lang paano kung ang bagay na parati niyang gustong gawin ay wala pa lang magandang dulot na rin sa kaniya. Sa huli, ito lang ang parating dahilan para layuan s

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Auntie Karen

    Chapter ElevenAuntie Karen"Hoy, ang galing! Kinikilig ako!" Bigla niyang hinampas si Eros ng malakas na nasa tabi nito pagkatapos niyang mabasa ang sinulat ni Eros. Dahil hindi iyon inaasahan ni Eros dahil abala ito sa binabasa niyang libro ay muntikan na itong mahulog sa kama. Napatabingi din tuloy ang salamin nito na kaagad niyang inayos bago niya bigyan ng death glare ang katabi.Bago siya singhalan ni Eros ay naunahan siya nito sa pagsasalita. Lumingon ito kay Eros habang nakangiti ng malawak. "Infairness ha, marunong ka nang magpakilig!" Akmang hahampasin niya sana ulit si Eros pero kaagad siya nitong pinandilatan bago pa niya ituloy ang binabalak niya."O sige! Subukan mo!" pagbabanta ni Eros kaya binaba na lang ni Shawna ang kamay niyang nakaangat."Sungit talaga nito. Mabuti na lang talaga natitiis kita." Napanguso na lang si Shawna atsaka na ito sinara ang laptop at pagkatapos ay bumaba na siya sa kama.

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   No Cringe Challenge

    Chapter TenNo Cringe ChallengeSarap na sarap si Eros sa malalim niyang pagkakatulog. Siguro dahil sabado ngayon kaya talagang pinagsamantalahan na niya ang pagkakataon na pahabain ang tulog niya. Dahil isang araw na lang bukas at muli sa lunes ay maaga na naman siyang magigising. Isang bagay na unang una nakakapagpasira ng araw niya. Pero wala siyang magagawa kundi magreklamo na lang at piliting gumising ng maaga.Kaya lang ay gustuhin man niyang pahabain pa ang tulog niya ngayong araw na ito ay naalimpungatan siya bigla nang may marinig siyang napakatinis na boses na kumakanta sa kwarto niya.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama niya at nakita niya naman si Shawna na kumakanta habang suot-suot pa an

DMCA.com Protection Status