Home / Romance / The Billionaire's Ugly Bride / Chapter 1: How To Find A Husband

Share

The Billionaire's Ugly Bride
The Billionaire's Ugly Bride
Author: Periwinkle0024

Chapter 1: How To Find A Husband

I nonchalantly looked at my younger sister dancing with her fiancé on the dance floor. I took a deep breath as I felt my head throbbing with pain.

Now what? The aunties in our family will surely berate me about getting a husband before I turn thirty. Alam ko na kaagad na ikukumpara ako ng mga ale na iyon sa kapatid ko ngayong engaged na si V.

Tsk.

Ipinikit ko ang aking mga mata para mabawasan ang stress na nararamdaman ko. Pagkatapos ay muli akong tumingin kay V na napakagandang tingnan sa suot niyang light pink na gown.

Kitang-kita ang kaligayahan na nakalarawan sa kanyang magandang mukha. Ang gwapong fiance' naman ni V ay buong pagmamahal na nakatitig sa kapatid ko na para bang ito lang ang nag-iisang babae sa buong mundo.

Kahit na nadi-depress ako sa sarili kong sitwasyon, hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko for my sister. At last, she's engaged to the person she liked the most. And he's so into her. Ang buong Wei family ay walang ibang hinihiling kung hindi ang kaligayahan ng kapatid ko.

Violet is a good sister. She's always been kind and sweet. In the past, she would always remind me to choose a guy who will cherish me for the rest of my life. Meron nga kaya?

Nang magsawa ako sa katitingin sa kanila ay muli kong ibinalik sa red wine na hawak ko ang aking atensyon.

My sister is so lucky, really. I sigh as I'm thinking about my dilemma. Hindi naman sa bitter ako, hindi ko lang mapigilan ang kaunting inggit sa puso at isipan ko. Just imagine, ni hindi na niya mararanasan kung paano makipag-date sa kung kani-kaninong lalaki para lang makita kung magiging compatible ba sila sa isa't-isa.

Napailing ako.

Mula sa aking iniinom ay muling nadako sa kapatid kong si Violet ang aking paningin habang nakikipag-sayaw ito sa kanyang soon to be husband. Because tonight is her engagement party. Kailangang nandito ako bilang kapatid niya, kahit na mas gusto ko sanang matulog na lang kesa makihalubilo sa mga bisita. Kinakailangan kong pumunta sa party para hindi magtampo si Violet at ganoon din ang aming adoptive parents.

Lima kaming magkakapatid. At lahat kami ay pawang mga ampon. Ang panganay ay lalaki- kasal na. Ang sumunod ay lalaki ulit- kasal na rin. Sumunod ay ako na nananatili pa ring single sa edad na twenty-eight. Sinundan ni Violet na twenty two years old pa lang. At ang pinakabunso namin ay si Hestia na seventeen.

Kahit na mga ampon lang kami at walang dugong nag-uugnay sa amin, itinuturing namin na tunay na pamilya ang isa't-isa. Salamat sa mga kinikilala naming mga magulang dahil bawat araw ay palagi nila kaming pinapaalalahanan na dapat ay mahalin at ingatan namin ang bawat isa. Ayon pa kay mommy at daddy, kahit hindi dugo at laman nila ang nananalaytay sa aming magkakapatid, mahal nila kami na parang sa kanila kami mismo naggaling.

Huminga ako ng malalim. Magdadalawang oras na akong nakaupo sa may sulok at umiiwas na sa mga bisita. Nagpakita lang ako kanina, lalo na sa mga magiging in-laws ni V. Ngayong puro sayawan na lang ang nagaganap ay mas minabuti ko na lang na magtago dito sa sulok dahil sigurado namang iisang tanong lang ang itatapon sa akin ng mga kaibigan nina mommy at daddy.

Kagaya na lang ng bakit hindi ka pa nag-aasawa?

Single ang anak ko, gusto mo ba?

You're not getting any younger, dear. Baka gusto mong i-date ang apo ko?

Ilan lang iyon sa mga tanong na kinatatakutan at iniiwasan ko ng marinig sa isang family gathering.

Muli kong tiningnan ang oras sa suot kong relong pambisig. Sabi ni mommy ay hanggang alas dose lang ng hatinggabi ang party. Eleven fifteen na kaya naman forty five minutes na lang ang ipagtitiis ko.

Mula sa kung saan ay sumulpot ang bunso naming kapatid. She's wearing a backless skin-tone colored dress. She looked so energetic, vibrant and lovely.

"Naunahan ka pa ni ate V," kantiyaw sa akin ni Hestia. She's only seventeen years old. She's half korean-half Filipina. Actually, lahat kaming magkakapatid na inampon nina mommy at daddy ay pare-parehong mixed race.

Siguro dahil parehong mixed race rin sina mommy at daddy kaya naman kagaya namin ang natipuhan nilang ampunin.

"Baka nga maunahan mo pa ako," nakangising sagot ko kay Hestia.

Kaagad siyang sumimangot nang marinig ang sinabi ko. Padabog na naupo siya sa katabi kong upuan.

"Nakakainis kang asarin, ate. Palagi mo na lang naibabalik sa akin ang sinasabi ko," nakataas ang ngusong reklamo ng dalagita.

Although maraming taon na kaming nakatira sa China, nasanay kami sa bahay na ate at kuya ang tawag sa mga nakatatanda. Lahat kami ay may mga dugong Pinoy kaya naman matatas kaming lahat sa pagsasalita ng Tagalog.

"Oh bakit? Kaduda-duda ba ang sinabi ko? You're a hopeless romantic after all. Anong laban ng isang boring na matandang dalaga na kagaya ko?" Natatawang tanong ko kay Hestia. Sinulyapan ko siya saka muling ibinalik kila Violet ang atensyon ko. Si daddy at Violet naman ang nagsasayaw habang ang kanyang fiancé ay isinasayaw si mommy.

"You're not matandang dalaga. Stop talking like you're a fifty years old lady. Katatapos mo lang mag-biente otso ate. Huwag ka ngang OA diyan," sermon pa ni Hestia.

Napangiti lang ako. I know she's concerned about me. Sa pamilya ni daddy, isang malaking kahihiyan kapag ang isang babae ay hindi ikinasal bago sumapit ang edad na thirty. Kaya sa kaso ko, dalawang taon na lang at makakatikim na ako ng panlalait mula sa kanila.

"That's old," mahinang anas ko saka ipinatong ang siko sa magarang lamesa pagkatapos ay ipinatong ko naman ang aking mukha sa palad kong mamula-mula.

"Ate V's fiancé is so handsome. I wish for you to find a handsome guy as well," mahinang sabi ni Hestia.

Kinuha niya ang dessert ko na hindi pa nagagalaw.

Hindi ako nagbigay ng komento sa sinabi ni Hestia.

Ngayon higit kailanman, mas lalo akong na-pressure sa paghahanap ng lalaking mapapangasawa.

Ilang date na ang napuntahan ko para lang makahanap ng lalaking mapapakasalan. Sa edad kong ito dapat may sarili na akong pamilya. Hindi na nga mahalaga kung marriage for convenience man ang mangyayari.

I remember mom telling us before na sa ganoon ding set-up nagsimula ang relasyon nila ni daddy, hanggang sa ma-develop ang feelings nila sa isa't-isa over the years.

Napakadaling sabihin ng ganoong bagay. It may be effective to others but to me?

Ewan ko lang.

Masyado kong binibigyan ng importansya ang lalaking pakakasalan ko. Marami rin akong isinasaalang-alang. Kagaya na lang ng dapat ay komportable ako sa kanya. Dapat hindi siya mukhang manyakis na katawan ko lang ang habol. At mas lalong dapat ay hindi siya mukhang gold digger na yaman ko lang ang gusto.

Gusto ko kahit walang pagmamahal, naroon ang respeto. Dapat komportable ako. At dapat rin mapagkakatiwalaan ko ang lalaking 'yun sa lahat ng bagay.

Kaya naman sa sampung naka-date ko, wala man lang ako ni isang natipuhan.

They're lacking something I couldn't even put a name.

Tinititigan ko pa lang sila at iniisip na gigising ako tuwing umaga na ang mga mukhang iyon ang masisilayan ko ay nawawalan na ako ng gana.

Tsk.

Hindi ako choosy..

Hindi rin ako pihikan.

Wala lang talaga akong makitang sapat na rason para pakasalan ang mga lalaking iyon.

Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi mo naman gusto kaya ayokong pilitin ang sarili ko.

"Bakit hindi mo na lang sagutin si Mr. Tan?"

Lumingon ako kay Hestia. Nagkalat na ang icing nang kinakain niyang cake sa gilid ng kanyang labi.

Kumuha ako ng table napkin at marahang pinunasan ang icing paalis sa gilid ng kanyang bibig.

"Don't you know how to eat properly? You're already seventeen but you eat like a toddler," nakakunot-noong sita ko sa kanya.

Nangingiting inilapit pa ni Hestia ang kanyang nakataas na nguso sa kamay kong may hawak na tissue. Naiiling na dinutdot ko ang tissue sa kanyang bibig saka iyon inilapag sa lamesa.

"Ano ate? Gwapo naman 'yun saka yayamanin pa. Ang tagal-tagal na noon nanliligaw sa'yo eh," dagdag pa ni Hestia noong hindi ko siya sagutin.

Sinulyapan ko lang siya saglit at pagkatapos ay muli akong tumingin sa wristwatch na suot ko. Thirty minutes na lang.

"Ate? Hoy! Ate?!" Pangungulit pa ng dalagita.

"Kung makareto ka naman diyan akala mo naman kilalang-kilala mo 'yung tao," naiiling na sagot ko na lang.

Alam kong gwapo at mayaman si Edmond Tan, pero hindi ko siya gusto. Pakiramdam ko kapag ang isang katulad niya ang napangasawa ko, araw-araw akong makikipag-away sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

"Wala ka na talagang pag-asa ate. Lahat na lang yata ng lalaki ay dinala na namin sa harapan mo. Sigurado ka bang tao ang gusto mo ate?" Nakangiwing tanong pa ni Hestia.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya. Dinampot ko ang natira niyang cake at sinumulan iyong kainin.

"Ate Mina is coming," mahinang bulong ni Hestia.

Mula sa dance floor ay lumingon ako kay Hestia. Pagkatapos ay sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitingnan niya. Naglalakad palapit sa amin ang handler at manager ko na si Mina.

She looked glamorous in her evening black gown.

"You're late," sabi ko nang makalapit siya. Bukod sa pagiging handler at manager, Mina is also my sworn sister. Magkasama kami noon sa bahay ampunan at kaya siguro hindi siya inampon nila mommy at daddy ay dahil purong pinoy siya.

Inampon si Mina ng mag-asawang pinoy na matagal ng nagtatrabaho sa China bilang mga guro. Kahit na eighteen years old na siya noong kupkupin ng mag-asawa, hindi na rin naman siya itinuring na iba ng mga ito. Kagaya na lang kung paano ako tratuhin ng adopted parents ko.

Tumayo ako para makipagbeso-beso sa kanya. Sumunod sa akin si Hestia na ang lawak pa ng pagkakangiti noong humarap kay Mina.

"Alam mo bang kanina pa dapat ako?" Tanong ni Mina saka naupo sa may tabi ko. "Kaya lang ay nakalimutan ko ang kinababaliwan mong diyaryo kaya naman bumalik ako sa bahay para madala ko sa'yo," naiiling na dagdag pa niya.

Mula sa shoulder bag ay inilabas niya ang diyaryo na hindi naman usual na makikita sa bawat grocery store ng City A sa China.

Nakatupi ang tabloid noong iniabot niya sa akin. Kaagad ko naman iyong binuksan hindi dahil sa excited ako kung hindi dahil naging habit ko na lang.

"Ilang taon mo ng binabasa ang diyaryo na 'yan Amarra, ano bang tinitingnan mo diyan? Puzzle? Sudoku?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang tinanong ni Mina sa akin ang mga katanungang iyon. Ni minsan ay hindi ko iyon masagot.

Kumuha siya ng cocktail sa nagdaang waiter at sinimulang inumin iyon.

Mula nang may mabasa akong balita patungkol sa mag-asawang 'yun, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magbasa dahil baka makakita na naman ako ng balita patungkol sa kanila. Titigil lang ako kapag nabalitaan kong nakaburol na silang mag-asawa.

Syempre, hindi ko sinasabi kay Mina ang nasa isipan ko. Wala siyang alam sa nakaraan ko. Wala akong pinagkukwentuhan noon. Ang alam lang niya ay pareho kaming kinidnap ng mga human trafficker at dinala sa bansang China.

Hindi na ako pinansin ni Mina at Hestia. Mas gusto na lang nilang kausapin ang isa't-isa kesa pansinin ako at ang kaadikan ko sa pagbabasa ng Philippines tabloid.

Tahimik na binuklat ko ang bawat pahina ng maliit na diyaryo. Napakunot-noo ako noong may mapansin.

Kaagad na huminto ang paningin ko sa isang article na nakalagay sa entertainment section. Malalaking font pa ang ginamit sa title ng article.

Hmmm? Am I reading it right?

Just what on Earth is this?

Paulit-ulit kong binasa ang balita. Pero habang tumatagal ako sa pagbabasa ay pinanlalamigan ako ng katawan.

Ang puso ko na kanina pa kampanteng-kampante ay unti-unti nang kumakabog ng malakas.

Memories came flooding back. At tanging isang mukha ang pinakamalinaw sa lahat.

"You know that person?"

Dahil sa malamyos na boses ni Mina, parang hinila ako noon pabalik sa kasalukuyan.

"Para kang nakakita ng multo diyan, ate. Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong naman ni Hestia.

Huminga ako ng malalim. Mariin ako pumukit at hinilot ang sentido kong bigla na lang kumikirot.

Nang hindi ako makontento, kinuha ko mula sa ibabaw ng lamesa ang tubig na iniinom ni Hestia kanina.

Nagbabakasali na baka sa pag-inom ko ay bumaba na rin kasama ng tubig ang nerbiyos na naramdaman ko.

Pero walang naging epekto. Ganoon pa rin kalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ba ang gustong gawin ng taong 'yun.

Siya ba talaga iyon?

But putting that kind of news in a tabloid is so unlike him. Matindi ba ang pangangailangan niya sa asawa kaya pati sa tabloid ay nakalagay ang balitang naghahanap siya ng babaeng pakakasalan?

This is so absurd!

"Pabasa nga ako," curious na kinuha ni Hestia ang diyaryo mula sa kamay ko. Dahil maikli lang naman ang nakapaloob sa balita doon, kaagad niyang natapos ang pagbabasa noon.

"You know this Sinclair guy, ate? Is he handsome? Or is he from showbiz too?" Nakakunot-noong tanong ni Hestia.

Pero hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Hula ko matandang binata na rin 'to ano? Nagbayad siya sa publication company nitong diyaryo para lang sa article na naghahanap siya ng mapapangasawa? Matandang mayaman 'to panigurado," dagdag na sabi pa ng dalagita.

Hindi ko pinansin si Hestia. Sa halip ay kinuha ko ulit ang diyaryo sa kamay niya.

Huminga na naman ako ng malalim. Kinakabahan pa rin ako pero unti-unti ko nang nai-adjust ang emosyon ko.

Tumingin ako kay Mina.

Nakataas ang kilay na tumingin din siya sa akin.

"Kinakabahan ako diyan sa tingin mo ah, anong pinaplano mo?"

Kumurap ako. Muli akong tumingin sa diyaryo at pagkatapos ay kay Mina.

"Min..."

"Ano? Huwag mo akong pinapakaba Amarra!" asar na pagbabanta ni Mina sa akin.

"Cancel all my appointments. Sa loob ng limang taon kong pagiging artist ng SG Entertainment, never pa akong humingi ng bakasyon. I want it now. One month, okay? Give me a one month vacation," I seriously said in one breath.

Sa gulat marahil ng mga ito sa sinabi ko ay walang kahit na anong kataga na lumabas sa bibig nila. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin na para bang isa akong maligno na bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan.

"H-hoy ate. Huwag mong sabihin na pupuntahan mo nga ang lalaking iyan na nasa balita at aalukin mo ng kasal?" Si Hestia ang unang nakabawi.

"Why not? Since naghahanap na rin lang ako ng aasawain, bakit hindi ko pa patusin ang isang 'to?" Walang anumang sagot ko habang marahang hinahaplos ang article. "May utang na loob pa akong dapat bayaran," halos pabulong na dagdag ko pa.

Muli nila akong tinitigan na para bang nakatingin sila sa isang horror movie. Hindi maipinta ang mga mukha nilang dalawa.

"The heck with your lame reason. Magpapakasal ka talaga para sa utang na loob? At paano mo naman nasisiguro na iba ang lalaking 'yan kesa sa mga lalaking naka-blind date mo na, aber?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mina.

Hindi sekreto sa kanya ang paghahanap ko ng mapapangasawa. Wala namang magbabago sa career ko kung may asawa man ako o wala dahil matagal ko nang na-established ang career ko as an actress.

Ilang parangal na rin ang nadala ko sa entertainment agency na kinabibilangan ko kaya wala silang maidadahilan para pigilan ako sa gusto kong gawin sa pribado kong buhay.

"I want to try, Min," seryosong sabi ko.

Muli kong binalikan sa aking alaala ang lalaking tatlong taon ang tanda sa akin. It's all thanks to him that I am who I am today. Kung hindi dahil sa ginawa ng taong iyon noon, baka wala ng direksyon ang buhay ko ngayon.

Or worst, baka buhay ko mismo ang nawala kung na-late lang siya ng dating noon.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Debbie
This book is written in another language
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
super interesting to Ms.A sino ba ung naghahanap ng mapangasawa parang kilala ni Amarra un ahh
goodnovel comment avatar
ArmStrong
Nice Start
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status