Home / Romance / The Billionaire's Ugly Bride / Chapter 5: Finally, A Married Woman

Share

Chapter 5: Finally, A Married Woman

Pagkarating ko sa apartment ni Mina ay pagod na pagod na maging ang kaluluwa ko. Kagabi pa ako walang maayos na tulog. Pagkatapos ng party ni Violet ay umidlip lang ako at bumiyahe na papuntang airport. Walang ibang nakakaalam kung saan ako pupunta, tanging si Mina lang.

May second floor ang apartment ni Mina at kompleto sa gamit. Malinis din iyon at maaliwalas tingnan. Nanlalambot na ibinaba ko ang mga dala-dala sa tabi ng pintuan. Ni-lock ko ang pinto at saka nagtungo sa mukhang mamahalin na sofa bed. Kuripot sa maraming bagay si Mina pero pagdating sa mga bagay na alam nitong makakapagbigay dito ng mas madaling pamumuhay ay hindi ito nanghihinayang bumili.

Knowing that person, mas madalas na hindi natutulog ang taong iyon sa sariling kwarto kaya naman useful kay Mina ang ganitong uri ng upuan. At dahil antok na antok na ako, mas minabuti kong dito na lang matulog kesa madumihan ko ang sagradong kwarto ng bestfriend ko. Wala rin akong ganang kumain kaya ang take-out food na binili ko ay ipinatong ko lang sa ibabaw ng maliit na table.

Ayaw ko mang matulog ng may make-up pa, pero kailangan ko munang i-maintain ang itsura kong ito para hindi na ako magpapa-make up ulit bukas. Mukhang kailangan ko ring kuhanin ang personal service ni Carmelita.

Masyadong hassle kung araw-araw ko siyang dadayuhin sa salon para lang papangitin niya ako.

Tsk.

Mukhang kailangan ko na ring maghanap ng dermatologist. Paano na lang kung magka-allergy ako dahil sa pinaggagagawa ko sa pagmumukha ko?

Aishh!

*****

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na ring ng cellphone ko. Nilaksan ko talaga iyon kagabi bago ako matulog para kung anu't-anuman ay magising ako kaagad. Kumikirot ang ulo na bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka tiningnan ang oras na nakalagay sa cellphone ko.

Alas dose y media na ng tanghali!

I cancelled the call and texted the caller instead. Sinabi ko kay Manong driver na hintayin ako sa loob ng thirty minutes.

Nagkukumahog na tumayo ako at nagtungo sa banyo. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at kamuntik na akong sumigaw ng malakas dahil pakiramdam ko ay nakikipagtitigan ako sa halimaw. Shocks!

This face will be the death of me!

Mabilis akong nag-half bath. Nilinis kong mabuti ang buong katawan ko. Hindi bale ng pangit ang pagmumukha at buhok ko basta anyong tao pa rin ang lahat ng parte ng katawan ko except syempre, sa parteng ulo.

Nang matapos akong maligo ay kaagad akong naghanap ng maayos na maisusuot. Isang kulay champagne na halter neck maxi dress ang isinuot ko. Maganda na sana, kaso.

Tsk.

Whatever.

Wala na akong magagawa kung mukhang maligno ang gustong mapangasawa ng lalaking 'yun.

Dinampot ko ang maliit na shoulder bag, inilagay ang cellphone ko doon at saka nagmamadaling lumabas sa apartment ni Mina. Nakagarahe na sa labas ng bahay ang taxi ni manong driver.

"Sa Sinclair Company ulit tayo, Manong,"

"Ang ganda po ng...damit niyo Ma'am," magalang na puna ni Manong driver.

Napangiwi lang ako. At least honest siya. Maganda naman talaga 'yung damit. Pagmumukha ko lang ang hindi.

"Tawagin niyo na lang akong Amarra, Manong,"

"Ah, sige po. Rudy naman po ang pangalan ko, Ma'am Amarra,"

Tumango ako sa sinabi ng matanda. Bahagya kong kinamot ang bandang leeg ko. Kanina pa ito nangangati pagkagising ko pero pinipilit kong huwag kamutin.

Tsk. Nakakasira ng mood ang make up na 'to! Kailangan ko na 'tong maalis mamaya bago pa 'to tuluyang dumikit sa balat ko! Kailangan kong mag-order ng mga materials para sa prostethics ko ng hindi ako nagkaka-allergy.

Tss.

Mabilis at maingat magmaneho si Manong Rudy dahil makalipas lang ang twenty minutes ay nasa tapat na naman kami ng kompanya ni Kallen. Ibinigay ko kay Manong Raul ang ipinangako kong bayad sa kanya at sinabihan siyang huwag na akong hintayin sa gabi dahil hindi ko alam kung ano ang plano ni Kallen pagkatapos ng aming kasal.

Nang tumapat ako sa dalawang guard na kung tingnan ako kahapon ay para bang mas nakakasuka ang itsura ko kesa sa ipis na walang saplot. Magalang silang bumati ng magandang tanghali at nakayuko pa ang mga ulo nila pareho.

"Good afternoon," kaswal na ganting bati ko sa kanila.

I don't sound snob or arrogant at all. But I don't sound friendly either way.

Pumasok ako sa loob ng magara at eleganteng kompanya. Kumpara kahapon na nagkakagulo silang tingnan ako na para bang isa akong hayop sa circus, ngayon ay mas inaatupag na nila ang kanilang mga trabaho.

'Tsk. Don't blame my face okay? It's your boss who wanted to marry someone with a horrible face!' Gusto ko sanang ikatwiran sa kanila dahil kahit na hindi sila nakatingin, nararamdaman ko pa rin ang pagkadisgusto nila sa akin. Kaya lang, huwag na lang. Bakit ko ba sila iisipin eh hindi naman sila ang pakakasalan ko?

No wonder sa dinami-dami na ng nga babaeng nagpunta dito ay wala man lang natipuhan ang lalaking 'yun. Eh kung ganitong pagmumukha nga naman ang tipo ni Kallen as his wife, wala talagang makakapasa sa mga babaeng 'yun na nag-uumapaw sa kagandahan. Kahit nga yata bumaba pa mula sa Mount Olympus ang mga greek goddess ay walang mangyayari kung mukhang maligno naman ang tipo ng lalaking 'yun.

"Miss Wei, this way please,"

Mabuti na lang at kaagad akong sinalubong ni Secretary Choi dahil nahihiya akong bumalik sa harapan ng kompanya at magtanong sa dalawang guard kung nasaan ba ang opisina ni Kallen.

Sinundan ko si Secretary Choi na sumakay sa isang pribadong elevator.

"Sa susunod na bumisita po kayo dito ay pwede niyo pong gamitin ang elevator na ito, Miss Wei," magalang na sabi ng lalaking secretary ni Kallen.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Hindi ko alam ang sasabihin dahil bigla na lang akong ninerbiyos noong umandar na pataas ang elevator.

Honestly, hindi ko alam kung ano ang iisipin at aasahan sa pagbabagong maaaring maganap sa buhay ko. It will be a big change since I prefer to lived alone for almost 28 eight years. Kahit na noon pa mang kupkupin ako ng pangalawa kong adopted parents, mas minabuti kong tumira sa isang college dormitory. Umuuwi lang ako tuwing linggo para sa family gathering na kasama sa batas nila mommy at daddy.

Saturday at Sunday ay nasa bahay kaming lahat para makipag-bonding sa buong pamilya. Monday to Friday ay puro pag-aaral ang inaatupag naming magkakapatid.

Huminga ako ng malalim.

Heto ako, magpapakasal sa anak ng dati kong adopted parents. Pero hindi ako nakokonsensya o kung ano pa man dahil never naman nilang ipinaramdam na parte ako ng pamilya nila at ganoon din si Kallen na hindi nila itrinatong kabahagi ng kanilang pamilya.

Mabuti na lang din at ipinilit ni Kallen na gamitin ang apelido ng sarili niyang ina. At least, walang hahabulin o isusumbat ang mga Mondragon sa kanya pagdating ng panahon.

Marahang kumatok sa pintuan ng opisina ni Kallen si Secretary Choi. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto at pinapasok ako.

"Good afternoon," bati ko kay Kallen na kaagad nagtaas ng ulo nang marinig ang boses ko.

"You're late," malamig na sagot niya sa akin.

Binitawan niya ang hawak na ballpen at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Nagkibit lamang ako ng balikat. Hanggang ngayon na ilang taon na ang nakalilipas, dala-dala ko pa rin ang lakas ng loob ko. Ni hindi man lang ako nakakaramdam ng takot sa tuwing pagsusupladuhan ako ng taong ito.

"I'm hungry," maktol ko sa kanya. Akmang uupo sana ako sa sofa kaya lang ay may nakaupo pala.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Nakakahiya. May ibang tao pala tapos kung makapagmaktol akong nagugutom ay parang utang na loob pa ni Kallen.

"Let's sign na paper first. I'll treat you to a lunch. Come here,"

Mabilis naman akong lumapit kay Kallen.

"Vito? The papers?"

Pasimple akong sumulyap sa taong kinakausap ni Kallen. Isang lalaki na kaseng edad niya at in fairness, gwapo din. Nakatitig siya sa akin na para bang nakita niya ang pinakanakakatakot na character sa isang horror movie.

"Victor Cortez!" May kalakasan nang tawag ni Kallen.

Pero nanatili lang na nakaupo sa kinauupuan niya ang lalaki. Bahagya pang nanginginig ang mga tuhod niya.

Tumalikod ako sa lalaki at saka humarap kay Kallen. Kinagat ko ng mariin ang pang-ibabang labi ko para hindi lumabas ang tawang gustong-gustong lumabas sa bibig ko.

"Victor don't test my patience," may pagbabanta sa tonong saad ni Kallen.

"A..ahh...B-brad...s-saang h-horror house mo napulot iyang pakakasalan m-mo?" Nabubulol na tanong ng lalaki. He is genuinely scared.

Mas lalo kong diniinan ang pagkagat sa pang-ibaba kong labi. Ang hirap pa lang magpigil ng tawa. Nakakaasar. Pero hindi ko mapigilan ang bahagyang pagyugyog ng magkabilang braso ko.

"Hey, stop biting your lip,"

Ako naman ang natulala nang bigla na lang ipasok ng magaling na si Kallen ang hintuturo niya sa loob ng bibig ko. Kaya sa halip na ang labi ko ay daliri niya ang nakagat ko.

Napatitig na lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Napakurap ako dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko habang pinakikiramdaman ang daliri niyang hindi gumagalaw sa loob ng bibig ko.

Just what is this situation?!

Pero sa halip na kiligin ako mas lamang ang kagustuhan kong kilabutan dahil kitang-kita ko kaninang pagtingin ko sa salimin ang nakakatakot kong itsura. Habang ang lalaking ito ay wala man lang kakurap-kurap noong tinititigan ako!

Alam ko namang kahapon ko pa kinukumbinsi ang sarili ko, pero sure na ba talaga 'to? as in itong pagmumukhang 'to talaga ang gusto niyang makasama habang buhay?!

For sure na ba talaga?

Wala na talagang atrasan o bawian?!

Parang gusto ko na lang tuloy maglupasay at ngumalngal ng bongga.

He is simply unbelievable!

"Susugatan mo ang sarili mo sa ginagawa mo. Come here," sita niya sa akin saka walang anuman na inalis sa bibig ko ang daliri niyang nakagat ko. Hinila niya ako sa kamay at pinaupo sa mismong inuupuan niya kanina. Wow, sinong mag-aakala na ang isang 'malignong' kagaya ko ay magkakaroon ng ganito kataas na privilege? Ang makaupo sa CEO's chair.

"Victor!" Galit nang tawag niya ulit sa lalaki na natulala na naman dahil sa ginawang pag-alalay sa akin ni Kallen.

"H-heto na. H-heto na. T-ta-tatayo na ako," nagkukumahog itong lumapit habang dala-dala ang mga papeles na siyang pipirmahan yata namin ni Kallen.

Si Kallen ang naunang pumirma doon. Nang matapos ay iniabot niya naman sa akin ang mga papel at ako naman ang pumirma sa bahaging dapat kong lagyan ng pirma.

"Your rings," ibinaba ng lalaking tinatawag na Victor ni Kallen ang isang mamahaling kahon ng singsing

Isa iyong sikat na brand ng alahas na kilala sa buong mundo. Ang Ethereal. Binuksan iyon ni Kallen at isinuot sa daliri ko ang diamond ring na naroon. Hindi sobrang laki ng diamond at bagay na bagay iyon sa palasingsingan ko.

Nakangiting pinagmasdan ko ang singsing.

Now, I'm a married woman. Hindi na ako makakatikim ng panlalait mula sa mga tiyahin ko dahil sa wakas ay kasal na ako.

Kinuha ko naman ang singsing na para kay Kallen at isinuot iyon sa palasingsingan niya.

Syems!

Kamay niya pa lang nakaka-in love na!

Pinagmasdan ko ang mga singsing namin at napakunot-noo ako ng bahagya. Bakit parang pamilyar ang singsing na 'to?

Mahilig akong tumingin ng mga alahas sa Ethereal at bukod pa doon, ako ang ambassador nila sa Asia kaya alam ko na hindi kasama sa kanilang collection ang singsing na ito. Pero may tatak ng Ethereal ang singsing, na nagpapatunay na ang kompanya nito ang gumawa noon. Meaning, nanggaling mismo kay Kallen ang design nitong singsing?

"Kailan tayo makakakuha ng registered married certificate natin?" Curious na tanong ko kay Kallen. Iwinaksi ko na sa aking isipan ang tungkol sa singsing.

"Two to three days maybe? Why?"

Nagkibit-balikat ako.

"I want to keep one. But now I want to eat first!" Kaswal na sagot ko sa kanya.

"Anong oras ka ba gumising? Bakit hindi ka man lang kumain muna?" tanong niya na wala pa ring ipinagbago ang tinig ng kanyang boses.

Still as cold as I can remember.

"Alas dose na ako nakatulog. Hindi mo ako pwedeng sisihin, alright? Pagkatapos nang engagement party ng kapatid ko the other day nag-book na kaagad ako ng flight papunta dito at dumiretso ako kaagad sa'yo. Noong umuwi ako kahapon saka pa lang ako nakatulog and I forgot to eat because I was so tired and sleepy," mahabang paglilitanya ko sa kanya. Ganito talaga ako kapag nagugutom. Nagiging madaldal. "Wala ka man lang bang kahit ano dito? Chocolate? Snacks? Water?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kallen. Binuksan ko ang mga drawer sa office table niya. Nang hindi ako makontento ay nagtungo ako sa mini fridge at binuksan iyon. Tanging tumbler lang naman ang nakalagay doon.

"Malinis 'to?" tanong ko sabay taas ng tumbler na nakita ko.

"That's mine," mabilis na sagot ni Kallen.

Niyakap ko ang tumbler at tiningnan ko kung may iba pang pagkain pero kahit isang kendi ay wala man lang naligaw sa mini fridge.

"Your fridge is so poor," reklamo ko na naman sa kanya. Binuksan ko ang tumbler at saka tinungga ang laman noon. "Can we just eat here? Ayaw ko lumabas. The heat is burning me," walang preno kong sabi.

Duh, hindi ako lalabas para pagpyestahan ano. Baka kung ilang kontrabida na naman ang dumagdag sa listahan ng mga taong g na g sa akin.

Tiningnan ako ng matiim ni Kallen. Pagkatapos ay naiiling na inutusan niya si Secretary Choi na mag-order ng pagkain.

Nang matapos siya sa kanyang utos ay binigyan ko siya ng pagkatamis-tamis na ngiti.

This is what I called a husband!

I would request for something and he will give it to me.

Nangingiting dinala ko ulit sa bibig ko ang tumbler at uminom ng malamig na tubig.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Debbie
Is their and English version to read
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
congratulations to the newly weds kasal k n tlga Amarra kay Kallen
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status