Home / Romance / The Billionaire's Ugly Bride / Chapter 4: Let's Get Married Tomorrow

Share

Chapter 4: Let's Get Married Tomorrow

Amarra's POV

Let's get married tomorrow...

Tomorrow?

Agad-agad?

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang lalaking kaharap ko. Hindi kaya nabibigla lang ang taong 'to?

Hindi man lang ba muna iisipin ng lalaking ito kung normal na tao ba akong kaharap niya?

Bakit ang layo ng reaksyon niya kumpara sa mga tauhan niya?

Kanina nga pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kanyang kompanya ay pinagtitinginan na ako ng lahat. Nililibak, nilalait at sinasabihan ng kung anu-anong pangalan.

Not that I care, pero... bulag ba siya? Ni hindi man lang siya kumurap o nandiri habang tinitingnan ako.

Hindi ko tuloy alam kung papalakpakan ko ba ang attitude niya o magsisimula na akong matakot?

He's so weird!

Tama nga ang sinabi ni manong taxi driver. Sa dinami-dami nga naman ng magagandang nagpunta dito, ni isa sa mga iyon ay wala man lang nakapasa...dahil pala iyon sa kakaiba talaga ang tipo ng lalaking 'to?

Hindi ko sukat akalain na sa paglipas ng sampung taon ay magiging ganito na ang panlasa ng taong ito pagdating sa babaeng makakasama nito habangbuhay.

"What's your problem? Is there something wrong?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya siguro matagalan ang pagtitig na ginagawa ko. Napakagat-labi na lang ako. Gusto ko siyang sigawan pero nilunok kong lahat ang sasabihin ko sana.

'Your taste is so horrible!' naghuhumiyaw na bulalas ng isipan ko.

Napakamot ako sa ulo. Mukhang isang malaking problema din itong pinasok ko ah.

I mentally slap myself. Bakit ba hindi muna ako nagpa-imbestiga bago ako sumugod-sugod dito?

'Dahil atat na atat ka ng makapag-asawa kaya ganun, girl!' sita ng isang bahagi ng isipan ko.

'Sa sobrang pagka-praning mo pinakinggan mo kaagad ang sinabi nung mama sa'yo,' segunda naman ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Ngayon lang nagkasundo ang right and left brain ko. Dati-rati ay nakikipagtalo pa ako sa sarili ko. Ngayon ako na ang kinakalaban mismo ng aking sarili.

Haisst.

Nandito na eh. Ano pa bang magagawa ko?

Muli akong tumingin sa lalaking nakatikom lang ang bibig.

Ibig bang sabihin... pakakasalan ko siya sa ganitong itsura? Aasawahin niya ako na ganito ang itsura ko? Magsasama kami ng mahabang panahon na ganito ang... My goodness!

Bigla tuloy akong na-stress sa halip na matuwa.

"You don't want to?" Nakakunot-noong tanong ng lalaking kaharap ko sa malamig niyang tinig. Naramdaman niya yata ang pagkadismaya ko.

Ang dami ng nagbago sa kanya over the years.

Ang dating suplado niyang tinig ay mas cold and distant na ngayon. Ang mukha niya na palaging walang emosyon ay di hamak na mas nakakatakot at mas lalong wala ng kaemo-emosyon ngayon.

Ang aura niya ng kasupladuhan ay tumaas yata ng isandaang porsyento.

Matiim siyang nakatitig sa akin na para bang hindi nakakadiri ang lahat ng mga tigidig na nakalagay sa mukha ko. Hindi ko alam kung paano iyon ginawa ni Marimar, ang baklang nag-ayos sa akin sa salon kanina. Pero napaka-talented niya at pwede na siyang pumasa as prosthetic makeup artist!

I don't want to?

Paano niya naman nasabing ayaw ko siyang pakasalan? Eh sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko, kahit na mas malamig pa sa klima ng North Pole ang attitude niya, siya lang ang willing kong pakasalan.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. His cold behavior surprisingly brought calming sensation in my heart.

"Ah, kahit ngayon pa kung gusto mo eh," nang makabawi ay sagot ko sa kanya. Magpapatumpik-tumpik pa ba ako?

Kasal kung kasal. Bakit naman patatagalin ko pa. Ano 'yun, maghihintay pa ba ako ng Pasko?

Procrastination has never been a good thing! Lalo na pagdating sa ganitong bagay. Marriage is important kaya kung pwede namang gawin ng ora-orada ay gawin na.

"Basta ayaw ko lang ng divorce," mabilis kong dagdag na ikinasinghap ng mga tao sa paligid namin. Hindi siguro nila matanggap na ako na nga itong mukhang halimaw, ako pa itong demanding.

Kaya nga ako lumipad pauwing Pilipinas ay para alukin siya ng kasal eh. At once na ikinasal ako. Pangmatagalan dapat. Kalokohan lang ang divorce na 'yan. Bakit pa magpapakasal kung magdi-divorce rin lang?!

"Are you sure?" Nakataas ang kilay na tanong ng lalaki sa harapan ko. Makapamulsa siya at nakatingin ng pababa. Hanggang dibdib niya lang ako kaya kailangan niyang yumuko ng bahagya.

"Paano mo ba gustong masiguro na sure ako? Gusto mo bang magpakasal tayo sa pari? Sa judge? Sa pastor? Kaya lang mag-aala-siete na. Baka wala na tayong abutan," sabi ko habang nakatingin sa suot kong wristwatch.

"My goodness, ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganyan kakapal ang mukha," bulong na sabi ng isang babaeng empleyado na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Babae ba 'yan? Halimaw 'yan eh," sagot ng isa pang babae.

Tumayo ako ng tuwid at saka tumingin sa direksyon nilang dalawa.

Kaagad silang huminto sa pag-uusap noong makita ang paglingon ko.

"Since magiging asawa mo na ako, okay lang ba na lait-laitin ako ng mga empleyado mo? Alam ko namang ang pangit-pangit nitong itsura ko," seryosong sabi ko habang itinuturo pa ang pagmumukha ko na inayusan ni Marimar. "...pero hindi ba, hindi naman kita pinilit na pakasalan ako?" kaswal lang at malumanay ang pagkakatanong ko sa lalaking kaharap ko.

It's as if, hindi masakit sa dibdib ang mga salitang binitawan ng mga empleyado niya.

Kitang-kita ko noong kumunot ang noo ni Kallen.

"Secretary Choi," tawag niya sa malamig at delikadong tinig.

"Yes, Sir?" Magalang na tanong ng may edad na lalaki na kaagad lumapit kay Kallen.

"Ayoko ng makita sa kompanya ko ang mga taong nanlait sa asawa ko--,"

"Mapapangasawa pa lang," putol ko sa sasabihin pa sana ni Kallen.

Bahagyang umangat ang kilay niya. At mukhang naa-amuse siya dahil sa sinabi ko.

Tumingin siya ng matiim sa akin at saka itinuloy ang naudlot na sasabihin pa sana. "Mapapangasawa ko. If you can't respect her, leave. Marami pa kayong mahahanap na boss na may magandang asawa," he sarcastically added.

Lihim na nagdiwang ang kalooban ko dahil sa sinabi niya.

"S-sir!" Gulat na humakbang papalapit kay Kallen ang isa sa mga babaeng empleyado. Maganda ito at may makinis na kutis.

Kumunot ang noo ko dahil sa nakitang ginawa niya. Bago pa siya tuluyang makalapit sa lalaking aasawahin ko ay kaagad na akong humarang sa pagitan nilang dalawa.

Hindi ako selosang tao, sa totoo lang.

Or so I thought.

Hindi nga ba?

Honestly, hindi ko rin inaasahan na bigla akong hahakbang para pumagitna kay Kallen at sa babae. Nagulat nga rin ako sa naging reflex ng katawan ko.

Kaya sa halip na si Kallen ang mahawakan niya, napahawak ang kamay niya sa...

Dibdib ko.

Gulat na napaatras ang babae. Hindi niya siguro inaasahan na sa lahat ng parteng mahahawakan niya ay ang nagmamayabang kong dibdib pa ang mapagla-landing-an ng kamay niya.

Walang foam ang suot kong bra. Masyado ng pansinin ang dibdib ko para suotan ko pa ng may foam. Baka sabihin pa ng mga nakakakita ay retokada ako.

"M-ma'am...b-baka naman p-po..." Hintakot na sambit ng babae na hindi ko pinatapos sa pagsasalita.

"Ngayon tatawagin mo akong Ma'am?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Hmp, uuwi na ako. Bahala ka sa mga empleyado mo. Pupunta na lang ako bukas dito para sa kasal," tinalikuran ko ang babae at ganoon din si Kallen.

Kompanya niya iyon. Wala akong karapatang pakialaman ang pamamalakad niya sa kanyang mga tauhan. At isa pa, kanina pa nasusuka ang mga taong nakapaligid sa amin.

Kung hindi nakakaramdam ng hiya ang lalaking 'to, ako naman ang nahihiya para sa kanya.

Goodness.

Ganitong pagmumukha ba talaga ang pinapangarap niyang makasama habang buhay?

Pero paano na lang ako? Hindi ko naman pwedeng isuot ang make-up na 'to habang buhay!

Sa lahat ng frustrations na naramdaman ko sa buong buhay ko, ang isang ito ang pinaka-challenging.

Hintayin lang ng lalaking ito.

Sisiguruhin kong kapag kasal na kami ay hindi siya pwedeng makipag-divorce kaagad-agad kapag nakita niya kung gaano talaga ako kaganda.

Although hindi ko naman siya mapipilit na gustuhin ako. Ayaw ko naman ng divorce kaagad-agad. Magiging katawa-tawa lang ako sa pamilya ko noon.

Tsk.

Hindi ako lumilingon habang naglalakad palabas ng malaking building. Nang hanapin ko ang sasakyan ni Manong Driver ay laking tuwa ko noong makita kong naka-park pa rin ang dina-drive niyang taxi sa parking lot ng kompanya.

"Manong, pwedeng pakidala ako sa lugar na 'to?" Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay kaagad ko siyang itinanong.

Ipinakita ko sa kanya ang address ng apatment ni Mina.

"Malapit lang iyan dito Ma'am. Diyan po kayo nakatira?" Magalang na tanong ni Manong driver.

Ramdam ko ang maya't-maya na pagsulyap niya sa akin. Gusto niya sigurong kamustahin ang outcome ng lakad ko. Pero hindi ko pinansin ang pagsulyap-sulyap niya. Although willing naman akong sumagot ng matino kapag nagtanong siya.

"Yeah. It's my bestfriend's apartment. Pinapatirahan niya sa akin,"

Tumahimik na si Manong driver. Hindi na rin ito sumulyap sa akin. Naramdaman niya siguro na wala akong ganang makipag-tsismisan.

Hanggang ngayon, iniiisip ko pa rin kung paano sasabihin kay Kallen ang tungkol sa itsura ko ng hindi siya makikipag-divorce sa akin.

"Araw-araw ka bang bumibyahe Manong?" Putol ko sa katahimikang namayani sa aming dalawa.

"O-opo Ma'am,"

"Magkano ang kinikita mo sa maghapon?"

"Kapag inalis po ang boundary ko Ma'am may natitira pa naman po. Depende po sa dami ng pasahero. Pinakamalakas ko na po ang isang libo at pinakamahina ko na po ang 500," seryosong sagot ng may edad na driver sa akin.

"Kung unin kitang driver maghapon, okay lang ba 'yun? Babayaran ko ang boundary mo at bibigyan kita ng bukod na sweldo,"

Gulat na napatingin sa rear view mirror ang matanda. "Totoo po?"

"Umn. Marami akong aasikasuhin sa mga susunod na araw. Pero hindi ko alam kung ano ang magiging set-up namin ni Kallen pagkatapos ng kasal. Kung pahahanapin niya ako ng personal driver ko, willing ka po bang mag-apply?"

Gulat na napaapak sa preno ang matanda. Mabuti na lang at kaagad akong nakahawak sa upuan na nasa unahan kaya naman hindi ako nauntog sa kung saan dahil sa nangyaring biglaang pag-preno ni manong.

Sunod-sunod na busina ang ginawa ng mga sasakyan na nakasunod sa amin

"Ah...eh...s-sorry po Ma'am. S-sorry po," namumutlang wika ng matanda.

Huminga ako ng malalim.

"H-hindi ko lang po inakala Ma'am na..."

Muli na naman akong huminga ng malalim.

"Iyon na nga ang problema ko Manong, paniwalang-paniwala siya sa kapangitan ko. Hanep naman. Pangit ba talaga ang gusto niya?" Kulang na lang ay maglupasay ako sa kotse at humagulgol ng iyak dahil sa sobrang frustration ko.

Napakamot sa ulo ang matanda. Hindi siya nakapagsalita.

"Haaay. Wala pa akong maayos na tulog mula kagabi. Pakihatid niyo na lang ako Manong sa address na iyan. Tapos akin na ang number niyo. Abangan niyo ang tawag ko bukas Manong ah. Hindi ako pwedeng ma-late sa kasal ko. O mas mabuting kuhanin niyo na rin ang number ko. Baka makatulog ako ng mahimbing ay tawagan niyo na lang ako kapag hindi ko pa kayo tinatawagan pagdating ng alas-dose ng tanghali," mahabang paglilitanya ko.

Palagay ang loob ko sa matanda kaya naman walang hiya-hiyang nag-request ako ng kung anu-ano sa kanya. Magbabayad naman ako ng maayos eh.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
whahahahha d nman tlga pangit ang hanap ni Kallen ikaw tlga ung inaantay nya, nakilala k kya nya.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status