Amarra's POVLet's get married tomorrow...Tomorrow?Agad-agad? Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang lalaking kaharap ko. Hindi kaya nabibigla lang ang taong 'to?Hindi man lang ba muna iisipin ng lalaking ito kung normal na tao ba akong kaharap niya? Bakit ang layo ng reaksyon niya kumpara sa mga tauhan niya?Kanina nga pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kanyang kompanya ay pinagtitinginan na ako ng lahat. Nililibak, nilalait at sinasabihan ng kung anu-anong pangalan. Not that I care, pero... bulag ba siya? Ni hindi man lang siya kumurap o nandiri habang tinitingnan ako. Hindi ko tuloy alam kung papalakpakan ko ba ang attitude niya o magsisimula na akong matakot?He's so weird!Tama nga ang sinabi ni manong taxi driver. Sa dinami-dami nga naman ng magagandang nagpunta dito, ni isa sa mga iyon ay wala man lang nakapasa...dahil pala iyon sa kakaiba talaga ang tipo ng lalaking 'to?Hindi ko sukat akalain na sa paglipas ng sampung taon ay magiging ganito na ang panlasa ng taong ito
Pagkarating ko sa apartment ni Mina ay pagod na pagod na maging ang kaluluwa ko. Kagabi pa ako walang maayos na tulog. Pagkatapos ng party ni Violet ay umidlip lang ako at bumiyahe na papuntang airport. Walang ibang nakakaalam kung saan ako pupunta, tanging si Mina lang. May second floor ang apartment ni Mina at kompleto sa gamit. Malinis din iyon at maaliwalas tingnan. Nanlalambot na ibinaba ko ang mga dala-dala sa tabi ng pintuan. Ni-lock ko ang pinto at saka nagtungo sa mukhang mamahalin na sofa bed. Kuripot sa maraming bagay si Mina pero pagdating sa mga bagay na alam nitong makakapagbigay dito ng mas madaling pamumuhay ay hindi ito nanghihinayang bumili.Knowing that person, mas madalas na hindi natutulog ang taong iyon sa sariling kwarto kaya naman useful kay Mina ang ganitong uri ng upuan. At dahil antok na antok na ako, mas minabuti kong dito na lang matulog kesa madumihan ko ang sagradong kwarto ng bestfriend ko. Wala rin akong ganang kumain kaya ang take-out food na binili k
AMARRA's POVHabang umiinom ako ng tubig ay nagpaalam na ang kaibigang abogado ni Kallen na si Victor. Ni hindi man lang lumingon sa akin ang hudyo bago umalis. Masyadong obvious na nangingilabot ito sa takot habang sinisilayan ang aking nakamamatay na karisma.Yup.My new image is really...deadly.Even me, I almost died from shock after seeing my face in the mirror kaninang umaga habang nasa banyo ako at magsisipilyo sana.'See that?' kung iyong abogado nga ay natakot eh. Ano kayang klaseng pagbubuhol ang ginawa ng kalangitan dito sa kukote ni Kallen. Ni hindi man lang nakakaramdam ng takot ang hudyo sa tuwing titingnan ako. Nakahalata kaya siya na prosthetics lang 'to? But that's impossible. Even an actress like me who already used different kind of prostetics cannot tell if this was a fake or a genuine face.Haist.Kinakabahan ako para sa future ko ah.Sa tagal na naming hindi nagkikita, mukhang marami ng nagbago sa lalaking 'to. Ni hindi man lang yata inalam ng hudyo kung krimina
AMARRA's POV"You want to meet them?" nagtatakang tanong ni Kallen. Tiningnan niya ako ng matiim na para bang gusto niyang makasiguro sa tanong ko."Yes. 'Coz why not? Gusto kong malaman kung kamusta na ang buhay nila pagkatapos nila akong ibenta sa human trafficker na 'yun," walang anuman na sabi ko habang inaalis ang green peas sa fried rice na sinandok ko. Walang pag-aatubili na kinain ni Kallen ang mga butong kulay green na inilalagay ko sa plato niya."Okay, let's visit them tomorrow," aniya pagkatapos marinig ang paliwanag ko.Ako naman ang natigilan dahil sa sagot niya. Hindi ko inaasahan na sasang-ayon siya ng ganoon kabilis dahil lang sa sinabi ko."Ahm, let's do that next week," sabi ko saka ngumiti sa kanya. Hindi pa ako nakakapagpaalam kina mommy at daddy. Kailangan ko muna silang masabihan na dito ako sa Pilipinas maninirahan. At bukod pa doon, kailangan ko ring makapagpagawa ng maskara na kagayang-kagaya ng mukha ko ngayon.Although plano kong ipakita kay Kallen kung ano
Amarra's POVHabang nakasakay ako sa private plane na tanging ako lang ang pasahero, hindi ko mapigilan ang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyang panghimpapawid. Nangalumbaba ako gamit ang kanang kamay at wala sa sariling napatingin ako sa aking kaliwang kamay, partikular sa palasingsingan na may nakasuot na diamond ring. Napakagandang pagmasdan noon sa aking hugis kandilang daliri. Napangiti ako. Ngiting may halong lungkot at hindi ngiting matagumpay. Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipan na balikan ang mga bagay na naka-imprenta na sa aking isipan. FLASHBACK...Ang dati kong pangalan ay Neewan. Walang apelido. Sadyang Neewan lang. Inampon, pinag-aral at binihisan ako ng isang mayamang pamilya na pinagsisilbihan noon ng biological mother ko. Noon ang tamang termino dahil matagal na panahon na siyang wala. At ako? Iniwanan niya ako sa maid's quarter isang linggo matapos niya akong ipanganak. Ang kasa-kasama ng nanay ko sa kwartong iyon na isa ring katulong ang nakatagpo sa
Chapter 2: Alone With Him Hindi madali ang maging isang ampon lalo na kung ramdam mo naman na hindi ka belong. Noong marinig ko ang mga sinabi ni James nang gabi na iyon ay tuluyan na akong umiwas sa kanya. Eskwela, bahay, kwarto. Diyan na lang umiikot ang mundo ko. Hindi naman nila ako inaalila pero pakiramdam ko ay hindi ako nagi-exist sa kanilang mundo. Kung masakit ang physical abuse. Ganoon din ang cold shoulder na ginagawa nila sa akin dahil sa bawat pagwawalang-bahala nila sa akin, doon ko mas nararamdaman na hindi talaga ako nababagay sa mundo nila.Pero bukod pa sa akin, may isa ring nilalang na itinuturing ding invisible ng mga Mondragon.Si Kallen Sinclair. Walang pinagkaiba ang sitwasyon namin pagdating sa estado ng pamilya. Pareho kaming hindi ginugutom. Pareho kaming hindi pinababayaan pagdating sa mga isusuot o gamit sa paaralan at pareho din kaming walang matatawag na pamilya. Ang tanging pinagkaiba lang naming dalawa, ako nangangamba bawat araw na baka palayasin n
Kumuha ako ng tubig mula sa dispenser na nasa loob ng kwarto ni Kallen at binalikan siya sa kama. Iniangat ko ng bahagya ang ulo niya at marahan siyang ginising. Tiningnan na naman niya ako ng masama noong mapantanto niya ang kanyang posisyon. "W---," "Kailangan mong uminom ng gamot," mabilis kong sabi bago pa siya makapagsalita ng tuluyan. Tinitigan niya nang masama ang puting gamot na nasa kamay ko. Pagkatapos ay marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig. Ipinasok ko sa loob ng bibig niya ang tableta. Nang itikom ni Kallen ang kanyang bibig ay bahagyang nasagi ng kanyang labi ang dulo ng daliri ko. Hindi ko maipaliwanag ang tila kuryenteng dumaloy sa daliri ko mula sa kanyang mainit na labi. Siguro dahil lang iyon sa lagnat niya kaya nagulat ako 'no? Kaagad kong itinapat sa labi niya ang babasaging baso at marahan naman siyang uminom ng tubig. "Gusto mo bang kumain? Gusto mong subuan kita?" Tanong ko sa seryosong tinig. "I'll sleep more," sagot nito sa nanghihinang tinig per
AMARRA's POVPagkatapos noon, sa tuwing may mga pangyayari o kung may mga bagay man akong nai-encounter na hindi ko kayang solusyunan, palagi na lang sumusulpot ang supladong si Kallen sa tabi ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong iwinawaksi ang mga ala-ala sa aking isipan. Mas mabilis ang naging byahe ko ngayong pag-uwi since I rented a private jet. The new me can afford this kind or luxury. Hindi ko iyon ipinagmamayabang o kung anuman. Nagkataon lang na sobrang nangangati na ako at gusto ko ng makauwi kaagad ng China para puntahan ang bunsong kapatid ko.Pagbaba ko sa airport ay may magarang sports car nang nakaabang sa akin."F-first Miss!" kaagad na umatras ang butler ng aming pamilya sa akmang paglapit sa akin noong makita niya sa malapitan ang aking itsura. "Ahh..." napangiti na lang ito at hindi malaman kung ano ang susunod na sasabihin. But even though he is smiling, the twitching of his mouth did not scape my eyes. Nagyuko ito ng ulo at hindi na ako tiningnan pa. Sanay na
AMARRA's POVPagkatapos ang tawag ni Hestia ay ako naman ang gumawa ng internstionsl call. Ilang ring pa lang ay may kaagad ng sumagot mula sa kabilang linya."What's wrong this time my lady?" nakasimangot na tanong ni Mina. Nakabalot pa ito sa makapal na kumot habang nakahiga sa malambot nitong higaan."Remember Go Xin?"Unti-unting nagmulat ng mga mata ang inaantok pa na kaibigan ko."Amarra Wei, hindi ba't ilang beses na kitang sinabihan na lumayo-layo ka sa babaeng 'yan? She's a disaster! At saka hindi ba't nandiyan ka sa asawa mo? Bakit 'yung babaeng 'yun ang kaagad na lumabas sa bibig mo at hindi ang mga papuri mo para sa pinaka-'gwapong' asawa mo?" Ang diin pa ng pagkakasabi niya sa salitang gwapo.Iyon ay dahil sa tuwing mag-uusap kami, palagi ko siyang iniinggit kung gaano kagwapo ang napangasawa ko.Napangiti na lang ako."Wala akong sinabi na gusto kong makipag-kaibigan sa kanya, okay? I just want to ask kung naitabi mo pa ba lahat ng mga videos at information laban sa kan
AMARRA's POVPagkatapos naming sunduin si Nanay Nelia ay muling inayos ni Marimar ang mukha ko. Tinanggal niya ang naunang make up na inilagay niya saka nilagyan ng moisturizer ang mukha ko. Sinabihan ko kase siya na hindi ko kailangan ng make up dahil gagamitin ko ang maskara na ginawa ni Hestia sa akin."Remember this?" Proud na ipinakita ko kay Marimar ang hyper-realistic mask na si Hestia ang gumawa."I-iya-iyan po 'yung naunang make up na ginawa ko sa inyo Ma'am. Sabi niyo pa nga may audition kayo na pupuntahan," humahangang pinasadahan ni Marimar ng tingin ang maskara na pinaghirapang gawin ni Hestia."Yep. Ito nga iyon. But I lied when I told you na pupunta akong audition. Sorry about that. Iniisip ko kase na hindi mo 'yun gagawin kung hindi iyon ang alibi na ibinigay ko," sabi ko saka maingat na isinuot ang maskara. "I wore it that time to catch a husband. Luckily, my now husband fell for it. Now, every time I go with him, I must wear this dahil ang alam sa buong kompanya niya
AMARRA's POV"Mara Wei!" Suot ang lumang-lumang duster at buhat-buhat ang isang manika na parang totoong bata. Umakyat ako sa make shift stage. Tiningnan ng mga taong nasa ibaba ng stage ang larawan sa resume ko. Si Mina mismo ang nagbigay noon kay Tita Ika."You can start now, Miss Mara," Sandali akong lumingon sa babaeng nagsalita. Para sa isang batikang direktor, masasabi kong napakabata pa ni Direk Atasha. Feeling ko ay nasa mid thirties lang ang edad niya.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang munting ngiti sa gilid ng labi ni Direk. Maging ang pagkinang ng kanyang mga mata ay hindi maitatanggi.Malakas ang kutob ko na natuwa siya dahil umakyat ako sa stage na in-character na. Inilagay ko sa bandang unahan ng stage ang manika. Binalikan ko sa alaala ang nskakadurog puso na eksena. Nasa labas ng kanilang bahay-kubo ang batang si Lala, nag-aagaw buhay. Dumating si Luna na pagod na pagod. Hindi lang siya pagod mentally, kung hindi pati na rin physically. Wala na siyang ibang mala
AMMARA's POVThe moment he leaned in for a kiss again, I could feel my heart racing with anticipation. As our lips met, I could sense the tenderness in his embrace. It was a stark contrast to our practice session last night, when his kisses felt a bit awkward. The way he kissed me now felt so flawless, as if he had finally found his rhythm. It was a blissful moment. We both gasping for air when the kiss ended."Can you tell me now why you're jealous?" tanong ko na tuluyan ng nawala ang antok. "It's nothing," he answered in a husky voice. Napatitig ako kay Kallen. I feel a bit hurt. Bakit ba siya nagseselos at sino ba ang pinagseselosan niya?"May ibang gusto ang taong gusto mo?" Paglalakas-loob kong tanong. Although sinabi niyang wala siyang ibang gustong makasama kung hindi ako, pero ano itong issue niya na nagseselos siya? Well, if it's his another affair, wala talaga akong karapatang malaman iyon. Tumingin siya sa akin pero nag-iwas na ako ng paningin. Nagpunta ako sa kaliwan
AMARRA's POVPagkatapos kumain ng hapunan ay kaagad akong nagtungo sa malawak na living room para i-practice ang script na ibinigay sa akin ni Tita Ika. I really like the story and the character that I will portray. Maikli lang ang napili niyang scene na gagawin ko para bukas sa audition.Ang napiling scene ni tita Ika ay 'yung part na umiiyak ang kontrabiding si Luna. Despite not having any intention of turning into a villain, circumstances forced her to become one. The whole world seemed to have turned against her, and she had no choice but to adopt a darker persona. She was raped and then got pregnant. Her young daughter was raped, too, due to her young age, the young girl's body could not take the abuse and died. Nobody helped Luna during those times. Instead of help , people cursed her and blamed her for everything that happened. I pursed my lips. Alam ko ang pakiramdam kung paano ang mapagkaisahan. That's why I'm so thankful that I have Kallen back then.Ilang beses kong prin
AMARRA's POVAba...At may patayan na ng tawag na nagaganap ngayon?! Hmp!Uma-attitude na ang lalaking 'to ah. Tsk. Kaagad akong umayos ng upo noong lumapit si Mang Rudy sa akin. Tinignan ko pa saglit ang sarili kong cellphone saka iyon inilagay sa loob ng bag ko."Ma'am Amarra, may malay na po si Marimar. Gusto niya daw sana kayong kausapin. Sabi ng nurse pwede naman na daw pong makipag-usap ang pasyente,""Okay Mang Rudy. Stand by lang po kayo. Kapag pumayag sa alok ko si Marimar, isasama natin siya sa bahay. Kapag gusto niya pa ring bumalik sa boyfriend niya, uuwi na po tayo,""Okay po Ma'am," I stand up gracefully putting my issues with Kallen at the back of my head. May araw din ang lalaking 'yun. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng pribadong silid ni Marimar noong dumating ako. Bahagya ko iyong itinulak papasok saka ako sumilip sa nilalang na nakaupo na sa kanyang hospital bed. Nakaangat ang higaan nito. Kaagad umaliwalas ang mukha ni Marimar noong makita ako."Ma'am!" "Ho
AMARRA's POVNanlaki ang mga mata ko. Habang pinakikinggan ko ang magkakapitbahay na nag-uusap kanina, wala lang iyon sa akin. Feeling ko normal na ang ganoong bagay sa mga ganitong klase ng lugar. Pagti-tsismisan nila ang kung sino man na gusto nilang pagtsismisan. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang nangyayari sa taong 'to."Ano?! Magpapanggap ka na naman na nawalan ka ng malay? Bumangon ka diyan na p***ng ina mo ka! Kailangan ko ng pera ngayon kaya ilabas mo na ang pera mo!" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang patuloy na sinisipa sa likuran si Marimar.Para bang hindi man lang nito nakikita ang dugo na masaganang umaaagos mula sa ulo ni Marimar. "P*ta 'tong baklang 'to. Wala na ngang trabaho wala pa—,"Bago pa tuluyang sumayad ulit ang paa nito sa likuran ng walang malay na si Marimar ay sinipa ko na kaagad siya sa sikmura. Dahil sa nangyari sa akin noon, marunong akong makipagbugbugan. Itong matangkad pero payat na boyfriend ni Marimar ay walang-wala sa mga
AMARRA's POVMag-aalas otso na nang umaga noong lumabas ako sa ALC. Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na nakita doon ang dalawang babae na nakita ko kanina. Tinawagan ko sa telepono si Mang Rudy at wala pang limang minuto ay nakaparada na siya sa may tapat ko."Mang Rudy, natatandaan niyo pa ba ang Salon na pinuntahan natin noong unang beses akong sumakay sa inyo?" Mula sa rear view mirror ay tiningnan ako ng may edad na lalaki. "Opo Ma'am. Medyo matagal nga lang po tayong magbibyahe dahil malapit na sa airport 'yun," "Okay lang. Wala naman na akong lakad," Wala akong kilalang make up artist o stylist. Base sa nakita kong ginawa sa akin noon ng baklang si Marimar, may talent siya. Kung willing itong mapasama sa team ko, willing din ako na papag-aralin siya para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman. Noong makalayo na si Mang Rudy sa lugar na pinanggalingan namin ay nagbukas ako ng phone at nagbasa ng mga trending topics sa Pilipinas. Hinanap ko ang pangalan ni Direk Atash
AMARRA's POVNapahinto ako sa paglalakad noong makarating ako sa may garahe. Ang sabi ni Kallen ay pumili ako ng sasakyan.Pero ano itong kulay puting celebrity van na pinupunasan ni Mang Rudy?''Good morning Ma'am Amarra," mabilis akong binati ni Mang Rudy noong makita niya ako. Nangingislap ang kanyang mga mata habang pinupunasan niya ang customized van na ngayon ko lang nakita. Pumasyal na ako dito sa garahe kahapon, pero wala naman akong nakita na celebrity van. "Kailan po ito dumating Mang Rudy?" Tanong ko na hindi mapigil ang pagtataka. Pinasadahan ko ng tingin ang celebrity van na nasa harapan ko. Hindi bababa sa dalawang milyon ang presyo noon. 'Hmmm, I really catched a big fat fish,' hindi ko rin naman akalain na ganito pala ka-generous ang napangasawa ko. "Kaninang madaling araw lang po Ma'am. Nagbilin si Sir Kallen kagabi na customized van daw ang gagamitin natin kapag aalis na kayo. Nagtaka pa nga po ako kase wala naman akong nakita na ganitong van kagabi. Pagpunta ko d