AMARRA's POV"You want to meet them?" nagtatakang tanong ni Kallen. Tiningnan niya ako ng matiim na para bang gusto niyang makasiguro sa tanong ko."Yes. 'Coz why not? Gusto kong malaman kung kamusta na ang buhay nila pagkatapos nila akong ibenta sa human trafficker na 'yun," walang anuman na sabi ko habang inaalis ang green peas sa fried rice na sinandok ko. Walang pag-aatubili na kinain ni Kallen ang mga butong kulay green na inilalagay ko sa plato niya."Okay, let's visit them tomorrow," aniya pagkatapos marinig ang paliwanag ko.Ako naman ang natigilan dahil sa sagot niya. Hindi ko inaasahan na sasang-ayon siya ng ganoon kabilis dahil lang sa sinabi ko."Ahm, let's do that next week," sabi ko saka ngumiti sa kanya. Hindi pa ako nakakapagpaalam kina mommy at daddy. Kailangan ko muna silang masabihan na dito ako sa Pilipinas maninirahan. At bukod pa doon, kailangan ko ring makapagpagawa ng maskara na kagayang-kagaya ng mukha ko ngayon.Although plano kong ipakita kay Kallen kung ano
Amarra's POVHabang nakasakay ako sa private plane na tanging ako lang ang pasahero, hindi ko mapigilan ang tumingin sa labas ng bintana ng sasakyang panghimpapawid. Nangalumbaba ako gamit ang kanang kamay at wala sa sariling napatingin ako sa aking kaliwang kamay, partikular sa palasingsingan na may nakasuot na diamond ring. Napakagandang pagmasdan noon sa aking hugis kandilang daliri. Napangiti ako. Ngiting may halong lungkot at hindi ngiting matagumpay. Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipan na balikan ang mga bagay na naka-imprenta na sa aking isipan. FLASHBACK...Ang dati kong pangalan ay Neewan. Walang apelido. Sadyang Neewan lang. Inampon, pinag-aral at binihisan ako ng isang mayamang pamilya na pinagsisilbihan noon ng biological mother ko. Noon ang tamang termino dahil matagal na panahon na siyang wala. At ako? Iniwanan niya ako sa maid's quarter isang linggo matapos niya akong ipanganak. Ang kasa-kasama ng nanay ko sa kwartong iyon na isa ring katulong ang nakatagpo sa
Chapter 2: Alone With Him Hindi madali ang maging isang ampon lalo na kung ramdam mo naman na hindi ka belong. Noong marinig ko ang mga sinabi ni James nang gabi na iyon ay tuluyan na akong umiwas sa kanya. Eskwela, bahay, kwarto. Diyan na lang umiikot ang mundo ko. Hindi naman nila ako inaalila pero pakiramdam ko ay hindi ako nagi-exist sa kanilang mundo. Kung masakit ang physical abuse. Ganoon din ang cold shoulder na ginagawa nila sa akin dahil sa bawat pagwawalang-bahala nila sa akin, doon ko mas nararamdaman na hindi talaga ako nababagay sa mundo nila.Pero bukod pa sa akin, may isa ring nilalang na itinuturing ding invisible ng mga Mondragon.Si Kallen Sinclair. Walang pinagkaiba ang sitwasyon namin pagdating sa estado ng pamilya. Pareho kaming hindi ginugutom. Pareho kaming hindi pinababayaan pagdating sa mga isusuot o gamit sa paaralan at pareho din kaming walang matatawag na pamilya. Ang tanging pinagkaiba lang naming dalawa, ako nangangamba bawat araw na baka palayasin n
Kumuha ako ng tubig mula sa dispenser na nasa loob ng kwarto ni Kallen at binalikan siya sa kama. Iniangat ko ng bahagya ang ulo niya at marahan siyang ginising. Tiningnan na naman niya ako ng masama noong mapantanto niya ang kanyang posisyon. "W---," "Kailangan mong uminom ng gamot," mabilis kong sabi bago pa siya makapagsalita ng tuluyan. Tinitigan niya nang masama ang puting gamot na nasa kamay ko. Pagkatapos ay marahan niyang ibinuka ang kanyang bibig. Ipinasok ko sa loob ng bibig niya ang tableta. Nang itikom ni Kallen ang kanyang bibig ay bahagyang nasagi ng kanyang labi ang dulo ng daliri ko. Hindi ko maipaliwanag ang tila kuryenteng dumaloy sa daliri ko mula sa kanyang mainit na labi. Siguro dahil lang iyon sa lagnat niya kaya nagulat ako 'no? Kaagad kong itinapat sa labi niya ang babasaging baso at marahan naman siyang uminom ng tubig. "Gusto mo bang kumain? Gusto mong subuan kita?" Tanong ko sa seryosong tinig. "I'll sleep more," sagot nito sa nanghihinang tinig per
AMARRA's POVPagkatapos noon, sa tuwing may mga pangyayari o kung may mga bagay man akong nai-encounter na hindi ko kayang solusyunan, palagi na lang sumusulpot ang supladong si Kallen sa tabi ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong iwinawaksi ang mga ala-ala sa aking isipan. Mas mabilis ang naging byahe ko ngayong pag-uwi since I rented a private jet. The new me can afford this kind or luxury. Hindi ko iyon ipinagmamayabang o kung anuman. Nagkataon lang na sobrang nangangati na ako at gusto ko ng makauwi kaagad ng China para puntahan ang bunsong kapatid ko.Pagbaba ko sa airport ay may magarang sports car nang nakaabang sa akin."F-first Miss!" kaagad na umatras ang butler ng aming pamilya sa akmang paglapit sa akin noong makita niya sa malapitan ang aking itsura. "Ahh..." napangiti na lang ito at hindi malaman kung ano ang susunod na sasabihin. But even though he is smiling, the twitching of his mouth did not scape my eyes. Nagyuko ito ng ulo at hindi na ako tiningnan pa. Sanay na
AMARRA's POV"So? What happened?" Napalingon ako kay Mina na mukhang hindi pa nakakapagsuklay ng buhok ay sumugod na kaagad sa bahay namin. "Hindi halatang nagmamadali kang makasagap ng tsismis ha," naiiling na saad ko sa kanya. Naupo lang si Mina sa tapat ko. Dumampot siya ng isang pancake at dali-dali iyong isinubo. "Kung hindi ka nakuhanan ng picture kagabi ng ilang fans mo sa airport, hindi ko malalaman na nasa China ka na pala ulit. Ano namang trip mo at bakit ganoon ang mukha mo? May kinuha ka bang movie na hindi ko man lang nalalaman?" nakataas ang kilay na tanong ni Mina. Dinampot ng magaling na babae ang tasa nang iniinom kong kape saka ito sumipsip doon.Napasimangot ako dahil sa narinig. Hindi ko rin mapigilan ang mapabuntong-hininga."From now on, I have to live with that face," hindi ko maitago ang pagkadismaya sa tinig ko.Nagtatakang napatitig sa akin si Mina. "W-what?" kamuntik ng maibuga ni Mina ang iniinom niyang kape pagkarinig sa sinabi ko.Dahan-dahan ko nama
AMARRA's POVNakangiting pinagmasdan ko sina Mina, Violet at Hestia na siyang naghatid sa akin sa airport. Hindi ko maintindihan kung bakit para silang mga namatayan sa kanilang mga facial expressions."What's the problem with you three?" natatawa at naiiling na tanong ko. "Ni hindi man lang kami nakarating sa kasal mo," Violet pouted. Sumugod ito sa apartment ni Hestia kagabi at ang matabil na si Hestia, hindi na naman mapigilan ang tibok ng bibig.Kaagad-agad akong ipinagkanulo. Kaya naman kinailangan ko pang i-give up ang isa ko pang apartment para lang sa ikatatahimik ng bibig ni V na mula noong dumating sa aming bahay ay panay pangongonsensya na ang ginawa sa akin. Malamang ay nagmayabang na naman ang bunso naming kapatid na binigyan ko siya ng sportscar at apartment kaya kaagad na sumugod sa bahay si V at sinumbatan na ako nang sinumbatan bruha."Sa susunod na kasal, I'll make sure na makakapunta ang buong pamilya natin. Aayusin ko muna ang relasyon naming mag-asawa," "Kung hin
THIRD PERSON's POVDahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Kallen. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakatulog ng matagal at tuloy-tuloy. Tumingin siya sa wall clock para makita niya kung anong oras na ba sa mga sandaling iyon. Sa sobrang pagod niya kagabi dahil sa mahabang biyahe na ginawa niya at ng kanyang mga subordinates patungo sa Japan at pabalik ulit sa Pilipinas, hindi na niya nalamayan na nakatulog na pala siya habang pinapakinggan ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon na may-asawang tao na siya.He's not a family oriented person since bata pa lang siya noong mamatay ang kanyang ina. Ipinatapon naman siya ng kanyang lolo sa walang kwenta niyang ama sa takot na baka sundan siya ng mga taong pumatay sa ina niya. Inaasahan niya na sa kalagitnaan ng gabi ay magigising siya dahil ganoon ang kanyang body clock. Pinakamatagal na sa kanya ang tatlong oras na tulog. Kaya naman hindi siya makapaniwala habang nakati